Heiress(Part One:COMPLETED)

By DarkDreamerGirl

108K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Special Chapter
Epilogue

Chapter XXVIII

2K 40 0
By DarkDreamerGirl

Blaise's POV

Tss. Grabe talaga kahit kailan 'tong si Lhian. Ugh! Gawin ba naman akong tagabantay ng isang babaeng matigas ang ulo? Hay... But somehow I feel excited. She's interesting. Ewan ko kung bakit concern nalang si Lhian sakanya.

Naglalakad ako sa may parking lot dito sa isang mall. Papunta na ako sa sasakyan ko nang may mahagip ang beautiful eyes ko. (Wink!)

Nagtago muna ako sa likod ng isang sasakyan at nakita si Hard-headed girl sa 'di kalayuan. Natawa ako nang suntukin niya ng dalawang beses iyong--- Wait!

Is that that conceited bastard Jake Veran? Siya ang isa sa pinaka sikat at rank 8 sa gangster world. Tapos ngayon makikita kong sinuntok lang siya ng isang hamak na babae? Tss. Pathetic.

Natawa naman ako lalo rito sa gilid nang makita ko iyong mutchacha niyang kasama. Teka, is that his maid? That girl wearing pink?

Pero nang akmang lalapitan niya na si Cielle ay mabilis na akong lumapit doon at pinatulog ang gago! BOOMTULOG!

Nakangiting hinarap ko naman si Cielle. Napangiwi naman siya. Pero bahagyang nagulat siya saakin. Napansin siguro niya itong blonde kong buhok.

Ang totoo niyan ay ganito talaga ang totoong kulay ng buhok ko. Pinakulay ko lang ito ng itim para pang-disguise. At saka mas gwapo rin talaga ako kapag eto ang ayos ko. Plus pogi points.

"Kumusta?" Tipid na tanong ko sakanya.

"Okay naman. Tss! Sayang, ako dapat ang nagpatulog diyan sa buset na yan eh. Asungot ka." Iritang wika niya.

"Haha! Wow ah, badass ka na pala ngayon." Natatawa ko namang sabi. Pansin ko rin ang pagbabago niya. Para bang ang tapang niya na talaga ngayon.

"Masyadong malaki ang kasalanan niyan sa kaibigan ko, ano."

Kapansin-pansin talaga na matindi ang galit niya kay Veran. Nakakunot na kasi iyong noo niya. Kawaii. (*means cute in japanese.)

(Trivia: We assassins must know how to speak different languages, so we can communicate to where we are designated during our missions. And also for our cover ups or incase if we will hide our true identity. In short kailangan naming makibagay.)

Sumeryoso na lang ako habang nakatingin lang sakanya hanggang magsalita ako.

"Alam mo dapat huwag kang padalos-dalos sa mga kilos mo kaya ka napapahamak eh." I said in a serious voice. Naramdaman ko na medyo nagulat siya sa iniasta ko. Pero pinanarili lang niya ang pagiging kalmado niya saka siya lumihis ng tingin.

"Kaya ko naman na ang sarili ko." Wika niya.

"Sigurado ka. Eh ilang beses ka na ngang napahamak. Pero good job ang galing mo parin." Sa sinabi kong iyon ay sinadya kong ibahin ang tono ko. Ngumisi ako nang kunot noo siyang tumingin saakin. Lumapit ako sakanya saka bahagyang bumulong sakanya.

"Ilang beses ka na ngang nadamay pero buhay ka parin. Hanggang kailan ka kaya makakaligtas?" I intentionally made my voice became colder saka ako humalakhak kaya napalayo ito at iritang tinignan ako.

"Look at your face! Ang epic! Medyo takot!" Natatawa kong sabi.

"But seriously, you're interesting. Pakiramdam ko talaga may gusto siya saiyoI just can't tell why. I want to know." Sumeryoso ako ulit. Yes. I want to know her more. Ngayon na lang ako naging interesado sa isang babae.

There's something that Lhian saw within her.

Suddenly, a grin started to form on my lips..

Kung alam mo lang talaga Cielle kung ano ang kaya niyang gawin para lang magbago.

He wants to change and to finish it all.

But first he needs to face his dark past.

Because of you he manage to live with sense now. Mukhang lumalambot na ang puso ng Heartless Demon.

....

Matapos ng lahat ay umalis na rin ako at hindi na ako nagpaalam pa kay Cielle, basta iniwan ko na lang siya roon, kaya naman na niya siguro ang sarili niya. Tsaka may biglang tumawag saakin sa phone kaya kailangan ko agad asikasuhin ang isang bagay.

Damn! Hindi ko akalaing gagawin na iyon ni Lhian!

Tuluyan na nga niyang isiniwalat na hanggang ngayon ay nabubuhay pa siya. Tss! Malamang pag pipyestahan na siya ng mga kalaban niya.

Alam kong malakas siya, but I can't imagine kung libu-libo ang makakaharap niya. Sa dami ba naman ng galit sakanya? Malamang tinawagan na ng duwag niyang kapatid ang mga allied forces niya. Tss! Lhian, ano bang iniisip mo?!

Alam kong sabik na siyang lumaban muli, pero baka mahirapan siya ngayon.

At sa ngayon, nakarating na ako sa paroroonan ko at kasalukuyan na ako ngayong nasa harap ng building kung nasaan ang pinaka-una at inirerespeto naming mga De Villa.

Ang angkan na sumasalungat sa lahat ng kasamaang nangyayari sa lipunan at ang mortal na katapat ng Salvatore...

I need to report to them immediately.

....

....

Cielle's POV

Huh? Teka nasaan ako? Bakit parang pamilyar itong lugar na 'to. Isang ilog?

Teka may nalulunod na bata! Kaagad akong kumilos para matulungan siya kaso nabigla ako nang hindi man lang ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Pinalo ko ang mga hita ko para makakilos pero tila ba'y napako na ako sa kinatatayuan ko. Agad kong ibinalik ang tingin ko sa batang nasa ilog at unti-unti na aiyng lumulubog!

Kailangan ko siyang tulungan!

"Bakit kaya mo ba?"

Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig mula sa likuran. Tumingin ako rito pero wala namang tao.

"T-Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ng bata pero hindi parin ako makakilos. Tinignan ko siya ng mabuti at laking gulat ko nang mapagtanto ko kung sino siya.

Teka bakit ako mismo iyong batang nalulunod?

"Ni hindi mo nga kayang iligtas ang sarili mo. Ang tumulong pa kaya?" 

Ayun nanaman ang nakakakilabot na boses.

Pero tama siya. Hindi ko kayang iligtas ang sarili ko dahil napakahina ko. Wala akong kwenta.

Ngunit  sa isang iglap may nakita akong mabilis na kumilos papunta sa ilog at iniligtas ang batang ako. Nang maka-ahon ay napansin kong parang pamilyar ang batang lalaki.

Napaka-pamilyar din ng pakiramdam ko na parang ilang beses na niya akong niligtas.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang mga mata dahil magkaiba ang kulay ng mga ito.

"Hanggang sa nakaraan patuloy kang inililigtas,"

"Masyado ka kasing mahina."

"Paano nalang kung kunin nila ang mga taong mahahalaga sayo?"

"Makakaya mo kaya silang iligtas kapag nagkataon?"

Napatingin ako sa paligid pero hindi ko parin makita kung sino iyong nagsasalita. Hanggang sa magbago ang paligid at tuluyan na akong naiwang mag-isa.

Nagulat nalang ako dahil may magsalita sa likod ko.

"Hey, airhead."

Hindi ko inasahan pagkakita ko kay Glaire. Muli ay hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko ngayong kaharap ko siya at nakangiti ito saakin. Napa-kagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang namumuo kong mga luha sa mata.

Kapansin-pansin ang mga mata niyang kakaiba. Ang mga mata niyang kulay dugo na katulad sa nakita ko noong gabing iniligtas nila ako ni Yria.

Pero napatakip ako sa bibig ko nang makita ang kabuuan niya. Napatingin na rin ako sa tabi niya nang sumulpot sila tatay, Cheyenne at si Yria.

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaagos ang dugo mula sa dibdib nila. Hanggang sa isa-isa silang natumba sa sahig.

"H-Hindi!" Sigaw ko. Tuluyan na ngang umagos ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Gusto kong lapitan sila pero napatingin ako sa ibaba ko at nabigla nang may mga kamay na nakakapit sa paa ko para pigilan akong makapaglakad.

Nilabanan ko ang takot ko sa mga ito at pinilit kong magpumiglas sa mga ito. Kahit hirap man ay hinihila ko parin ang mga paa ko mula sa mga ito. Hanggang sa may naramdaman na lang akong malamig na likido na umagos sa talampakan ko.

Kinakabahan akong tumingin sa harap ko at kaagad nanlambot ang buo kong katawan sa nakita.

Mula sa walang buhay na mga katawan nila itay ay tuluyan nang bumaha ng dugo sa kinatatayuan ko.

Natulala na lamang ako. Hinayaan ko na ang sarili kong malamon sa dagat-dagatang dugo. Hindi na rin ako makahinga. Ramdam ko na ang bigat at mainit na sensasyon sa baga ko.

Wala naman na ang mga taong importante saakin kaya para saan pa ang lahat-lahat. Para saan pang mabuhay ako kung wala na sila?

"Graecielle,"

Nanindig ang balahibo ko nang makita kung sino ang nagsalita.

Mabilis nagbago ulit ang paligid at nakatayo na muli ako sa kadiliman. Napawi na ang sakit na nararamdaman ko kanina lang at maayos na muli akong nakakahinga.

Nanatili ang tingin ko sa taong hindi ko inaasahang makikita ko rito.

"Miria," Seryosong tawag ko sa pangalan niya.

Nakikita ko ang malungkot niyang mukha. Pati na rin ang pagpatak ng mga luha sakanyang mga mata. Nakita ko ang hawak niyang baril sa kanang kamay niya at unti-unting itinaas niya ito at walang pag-aalinlangang itinutok sa dibdib ko.

Masasabi kong ibang-iba siya rito. Mala-anghel siyang tignan pero alam kong hindi ganoon ang tunay niyang katauhan.

Pero nagsimula namang manginig ang kamay niya. Ibababa niya sana ito nang may pumigil at itutok lang ang baril sa direksyon ko.

Mula sa likuran ni Miria ay may lalaking nakangisi at binubulungan siya. Napapikit si Miria at handa ng kalabitin ang gatilyo.

"Patawarin mo ako, Cielle."

Pagkasabi niya ay tumulo na rin ang aking mga luha.

*BANG!*

....

....

Napamulat ako kaagad at nagpakawala kaagad ng malalim na paghinga. Habol-habol ko ang hininga ko at napahawak ako agad sa aking dibdib at ang bilis talaga ng pagtibok ng puso ko. Tagaktak din ang pawis ko ngayon.

Pinunasan ko ang pawis sa noo ko at naramdaman ang panginginig ko. Nanuyo ang lalamunan ko kaya tumayo ako para kumuha ng tubig sa kusina.

Kumuha ako ng baso at nilagyan iyon ng tubig sa may pitsel. Iinumin ko na sana ito pero nanginginig parin talaga ang mga kamay ko.

Tinitigan ko ang tubig at naalala nanaman ang mga imahe sa aking panaginip. Napahigpit ang kawak ko sa baso at ipinikit ang aking mga mata saka uminom nalang.

Bumalik ako sa kwarto at humiga ulit. Nakatitig lang ako sa kisame. Hindi na tuloy ako makatulog.

Hindi lang ito ang unang beses na managinip ako ng ganito. Minsan na rin pero mas kakaiba ito ngayon. Mas malinaw at mas nakakatakot talaga siya.

Yung mukha ni Miria, parang labag sakanya ang kanyang ginawa.

Ano nanaman ba ang ibig sabihin ng panaginip na iyon?

Ba't ba laging si Miria at ang mga taong mahalaga saakin ang mga nandoon?

O_o

Eh bakit nanaman nasali si Glaire doon?

Naalala ko rin iyong parte na nalulunod ang batang version ko.

Siguro limang taong gulang palang ako noon sa pagkakaalala ko. Kaya takot na takot ako lumangoy dahil sa nangyaring iyon. Tuluyan akong na-trauma.

Oo nga pala, naalala ko rin kung paano ako iniligtas ng batang lalaking iyon. Sana nakapagpasalamat man lang ako noon.

Dahil din sa nangyari noon ngayon ko lang naisip nang muli nanaman akong nalunod sa school. Kaya sobrang familiar ng mga nangyari noong araw na iyon na parang...

Siguro ay nagkakataon lang talagang may nagliligtas saakin ng dalawang beses na malunod ako.

Pero hindi ko parin maitatagong pamilyar rin ang pakiramdam ko sa dalawang tao na iyon kahit imposibleng iisang tao lang sila. Iyon lang talaga ang nasa isip ko. Imposible talaga iyon.

Napatigil ako sa kakaisio ng kung anu-ano nang parang may maramdaman ako. Parang may nakatingin saakin sa may bintana. Tumayo ang mga balahibo ko sa kamay nang umihip ang malamig na simoy ng hangin matapos dumampi ito saaking balat.

Napatingin ako ng mabuti sa may labas ng bintana.

Parang may nakita akong anino na nakatayo kanina doon sa may puno na malapit lang dito sa may bintana ng kwarto ko. Napalunok ako.

E-Eh? Hindi naman siguro multo iyon diba?

Huwah! Baka nakakaabala na ako. Tumayo ako pero nanginginig ang mga tuhod ko. Patakbo akong pumunta sa harap ng bintana at tinignan kung meron nga. Tumingin ako sa labas, pero wala naman. Siguro namalik-mata nanaman ako. Isinara ko na lang iyong bintana dahil nilalamig ako. Bago ko tuluyang maisara ay napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko ng makita siya.

Nakatayo na siya sa may harap ng poste ng ilaw at malinaw ko siyang nakikita. Nakatingin ang mga mata niya saakin na mukhang nag-oobserba.

Doon ako may napansin ng tuluyan.

Ang kulay ng mga mata niya...

"Glaire..."

....

....

Nakatulala lang ako habang nakahalumbaba at nakatingin sa may white board na kasalukuyang sinusulatan ng aming Prof.

Nagsasalita siya at ipinapaliwanag ang bawat detalye ng topic na pinag-aaralan. Ngunit walang pumapasok sa utak ko. Mabilis na lumalabas sa kabilang tenga ko ang lahat ng sinasabi niya.

*insert lecture here*

Hindi ko parin matanggal sa isip ko ang nakita ko kagabi. Bakit siya nandoon? Bakit kailangan niyang tumakbo? May gusto ba siyang sabihin? Anong kailangan niya?

Iyon ang mga tanong na bumabagabag saakin. Halos lahat ng subject 'di ako naka-concentrate.

Flashback...

Nakita ko siyang nakatayo at nakatingin saakin sa may tapat ng poste ng ilaw. At kitang-kita ko siya. Yung mga mata niya kasi y magkaiba. Tulad sa panaginip kung saan nalunod ako na mismong nakita ko rin noon thirteen years ago kung saan nahulog ako sa ilog.

Nalilito man ako dahil sa kung ano bana nangyayaring kay Glaire at sa kung namamalikmata lang ba talaga ako sa kulay ng mga mata niya. Brown ang dalawang mata niya pero noong last time nakita kong red ang mga iyon tapos biglang violet at gray nanaman? May sapi ba ang isang iyon o ako talaga iyong sinasapian na?

Tinawag ko pa nga siya pero hindi man lang siya kumilos sa kinatatayuan niya.

Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang lapitan.

Tinawag ko siya ulit pero nagulat ako nang umatras siya, hanggang sa tinalikuran niya na ako. Sa isang iglap naglaho na siya.

End of Flashback...

Napabuntong hininga nalang ako. Saka ako tumingin sa may upuan niya sa likod malapit sa bintana. Ilang linggo na ring bakante yan.

Saan ba siya nag-punta?

....

Naglalakad ako ngayon papunta sa Mini Park. Para doon ko na antayin si Cheyenne. Nga pala, wala rin si Miria, absent daw. Iyon ang sabi nung kaklase niya nang pumunta ako sa classrokm nila.

Hindi ko parin matanggal sa isip ko yung panaginip ko about kay Miria.

Umupo ako sa may bench malapit sa may puno. Nakatulala lang ako hanggang sa may marinig akong parang humihikbi. Kumunot ang noo ko saka luminga-linga.

Saan nanggagaling iyon?

Unti-unting lumalakas yung hikbi hanggang sa naging hagulgol na iyon.

Sabi na nga ba, mukhang ako ata iyong may sapi eh o kaya nababaliw na ata ako. Kung anu-ano na ang mga naririnig at nakikita ko. Jablis!

←_←

→_→

Asan ba yun? Kasi naman tuloy parin iyong pag-iyak.

Tumingin ako sa may puno na katabi nitong bench. Tumayo ako saka sinilip iyong likod nito.

At nandoon nga. Isang babae. Naka-indian sit ito at nakasandal ang likod niya sa may trunk ng puno. Nakayuko ito at naka takip ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha.

Lumuhod ako para pumantay sakanya.

Tinignan ko ng mabuti ang uniform niya. Masasabi kong sa high school department siya dahil short sleeve blouse lang na puti at navy blue na ribbon imbes na necktie ang suot nito, pinarisan din ito ng itim na above the knee na skirt kumpara saakin na college na ang suot ay longsleeve na puti with matching navy blue na necktie at tinapalan ng itim na blazer na may nakalagay na logo ng university sa kaliwang parte ng dibdib nito. Itim rin ang palda ko. Kapansin-pansin din ang mahaba na kulay chestnut brown niyang buhok na dumadapo na sa lupa. Wow! Ang shiny at mukhang smooth pa.

Hinawakan ko siya sa balikat na ikinagulat niya. Tinanggal niya iyong kamay niya sa mukha niya at gulat na napatingin saakin.

Basang basa yung pisngi niya dahil sa luha. Tuloy-tuloy pa nga ang pagdaloy ng mga ito. Nakita kong may uhog din siya kaya napangiti ako. Taka pa niya akong tinignan.

"B-Bakit po?" Tanong niya saakin at paos na rin ang boses niya.

"Narinig ko kasi ang paghagulgol mo, akala ko multo kaya hinanap ko." Nakangiting biro ko kaya napayuko pa siya sa hiya.

Kinuha ko yung panyo ko na nasa bulsa. At iniabot sakanya. Napatingin muna siya rito bago tinanggap.

"S-Salamat po." Mahinang wika niya at napangiti pa siya ng konti. Saka niya ipinunas iyon sa mukha niya. Napansin kong mahinhin ang batang to at simple rin siya. Natawa ako nang pagsingahan niya pa yung panyo ko.

"P-Pasensya na ate. Hayaan mo lalabhan ko na lang. " natatarantang wika niya pero umiling na lang ako.

"Hindi, sayo na yan. Mukhang kailangan na kailangan mo eh."

Ngumiti ulit siya saakin. Maganda siyang dalaga. Kaya nga lang may napansin ako sa mata niya. Brown ito at napakaganda pero kitang kita ang kalungkutan nito.

Tumabi ako sakanya saka nag-indian sit din.

"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ko sakanya. Parang may nagtutulak saakin na kausapin siya kasi pakiramdam ko ay kailangan niya yun.

Umayos siya ng pagkakaupo at yumuko. Nilalaro niya ang mga kuko niya sa kamay.

"Hindi ka naman siguro pinaiyak ng boyfriend mo , ano?" Nakakunot noo na sabi ko sakanya at bahagya pa siyang natawa.

"Parang ganoon na rin po, Ate." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero nanlaki ang mga mata ko. Seryoso!? Ano ba naman ang mga kabataan ngayon? Tinalo pa niya ang tulad ko. Napailing nalang ako saka tumingin ulit sakanya.

"Haha! Joke lang po, Ate. Wala po akong boyfriend." Nakangiting sabi niya kaya napabuntong hininga naman ako. Hay, akala ko kung ano na eh.

Bigla namang lumungkot iyong mukha niya.

"Sige, ano bang nangyari? Hayaan mo, makikinig ako."

Ngumiti siya "Ganito po kasi yun." Sabi niya.

....

....

"Ano?! Ang sama naman niya! Bakit ganun siya? Anong klase siyang kapatid?" Sigaw ko habang nakasandal ang aking kamay sa trunk ng puno. Grabe ang kwento niya. Hindi ko maiwasang maawa at magalit. Una naaawa ako sakanya, pangalawa nagagalit ako sa kuya niya. Bakit ganun?

Nakikita ko ang pagtulo ng luha sakanyang pisngi. Pero nakangiti parin siya.

"Wala siyang karapatan para umasta ng ganun sayo. Isa pa kapatid ka parin niya!" Umiiling iling kong sabi.

Nalaman ko rin na anak siya sa labas. Hindi ko lubos maisip na galing mismo sakanyang bibig ang mga salitang yun. Nung sabihin niya ang mga yun ay halos pabulong na. Alam kong sobrang sakit para sakanya nun. Nakakaawa siya.

Nakita kong pilit siyang ngumiti saakin. Kaya naman hindi ko na napigilang yakapin ang bata. Bahagya siyang nagulat pero naramdaman ko ring niyakap niya na ako at isinubsob ang mukha niya sa balikat ko. Tuluyan na rin siyang humagulgol.

Hindi ako ganitong tao dahil tanging tatay ko lang ang naging sandalan ko. Siya ang laging nagpapatahan saakin noon. Pero naisip kong maaari ko rin palang gawin ang ganitong bagay. Ang sarap sa pakiramdam. Tulad ng ginawa ko kay Che, kahit na malamig ang pakikitingo ko sakanya noon ay nagawa kong pagaanin ang loob niya. At ngayon pati 'tong nakakaawang bata ay yakap-yakap ko ngayon.

Hinawakan ko ang buhok niya.

"H-Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko para t-tanggapin niya a-ako." Utal na sabi niya. Ramdam ko ang sakit sa tono ng boses niya. Ang pangungulila niya sa isang kapatid.

"Ginagawa ko naman po ang lahat-lahat. P-Pero siguro kahit talaga anong gawin ko hindi ako nararapat sa pamilya nila." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Huwag mong sabihin iyan. Kahit anong mangyari pamilya mo sila. Doon ka nararapat. Alam kong marerealize din ng kapatid mo ang lahat. Tandaan mo alam kong marami paring nagmamahal sayo." Wika ko na nakapagpatahan sakanya. Napatitig siya saaking mga mata. Nanlaki pa ito.

"Mag pakatatag ka lang. Huwag kang susuko sakanya." Ngumiti ako pero nanatili lang siyang nakatingin saakin.

"Ate, ang ganda pala ng mga mata mo. Ngayon ko lang napansin." Wika niya habang tutok na tutok saking mga mata.

"Salamat naman. Nakaka-flatter nemen." Biro ko.

"Paborito ko ang kulay na Emerald. Kapareho mo kasi yung sakanya e." -siya

Napanguso naman ako sa sinabi niya. Sabagay hindi lang naman ako ang taong may ganito sa mundo. Pero weird naman pag dito sa Pilipinas. Sa totoo lang ako lang ang naiibang mata. Joke as if naman. Abnormal lang ako. Pero taka ko naman siyang tinignan.

"Sinong tinutukoy mo?" Tanong ko.

Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa tenga niya.

"Si Kuya." Diretsong wika niya.

Tumango naman ako sa naging sagot niya. So yung kuya pala niyang masama ang ugali ang kapareho ko ng kulay ng mga mata. Teka nga, bakit parang may kilala  akong ganoon din. Hmmm...

Napatingin ako sakanya dahil pinagmamasdan parin niya ang mga mata ko.

"Nakakainggit ka po, Ate."

Ngumiwi ako.

"Huh? Bakit naman?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Nakita kong lalo nanaman lumungkot ang mukha niya.

"Gusto ko rin ng ganyang mga mata." Nakikita ko ang pagkainggit niya. Pero bakit naman? Ako nga nagtataka ako kung bakit ganito ito. Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita siya ulit.

"Kasi narinig ko noon sa bahay na may kakambal daw si kuya. Sabi nila magkapareho raw sila ng mga mata. Hanggang sa mawala siya dahil sa isang insidente."

Nagkukwento siya habang pumuputol ito ng damo sa tabi niya.

"They said that..." napatigil pa siya ng kaonti at napapikit. Pero nagtuloy din siya. "That their eyes symbolizes the family's power."

"At sabi nila siya raw ang tagapagmana ng lahat-lahat..." Tuloy nito.

Wow! Sobrang yaman pala ng pamilya nila. Tumingin nalang ako sakanya. Napakaganda naman ng mata niyang kulay brown eh. Ano pa bang problema doon?

"Wala yan sa kahit na ano mang kulay ng mga mata. Tsaka tignan mo, ang ganda ganda mo kaya. Eh ako mukha nga akong ewan e. Hindi naman ako foreigner. Siguro mas babagay sayo 'to. Palit tayo?" Biro ko sakanya. Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Oo nga po, Ate. Makuntento na ako. At tsaka Ate hindi naman ako pinabayaan ng Papa at ng pinsan ko, pinupuno nila ako ng pagmamahal."

Ngumiti ako sa mga sinabi niya. Ewan ko pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sakanya.

Tumingin naman siya sa wrist watch niya at bahagya pa siyang nagulat.

"Hala! Ate, kailangan ko na po palang umuwi. Hapon na po pala, baka hinahanap na ako ng Ate ko." Agad siyang tumayo at pinagpag na yung likod ng palda niya. Iniabot niya yung kamay niya saakin at kinuha ko iyon at tinulungan niya akong tumayo.

"Ate, thank you po sa time na ibinigay niyo saakin." Nakangiti siya. "Babye po. Hope to see you again." At tinalikuran niya na ako.

"Ingat ka." Wika ko. At tatalikod na rin ako nang biglang.

"A-Ate! Teka lang!" Pigil niya saakin kaya nilingon ko ito.

"Ate, ano nga palang pangalan mo?" Nahihiyang tanong niya saakin. Kaya natawa naman ako. Oo nga pala. Sa dami ng kwentuhan namin kanina ay hindi man lang kami nagpakilala sa isa't-isa.

"Cielle. Cielle Crisanto. Ikaw?"

Lumawak ang ngiti niya. "Lia po, Ate." Saka kinawayan ako.

"Until next time." At tumakbo na ito palayo.

Bumuntong hininga nalang ako. Ba't ganun? Ang ganda niya hanggang sa paglalakad at pagtakbo ganda-gandang bata. Eh noong kaedaran ko siya mukhan akong dugyot na batang paslit. Ang unfair lang.

Hay...pero atleast gumaan din pakiramdam ko sa batang iyon. Mahaba pala ang naging kwentuhan namin? Kaya kinuha ko na lang iyong cellphone ko sa bag ko at tinignan iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang 73 missed calls, at 106 text!? Grabe at puro kay Cheyenne lahat! Kinabahan ako.

Binasa ko ang mga text niya at bigla nawala iyong kaba ko dahil sa sobrang nakakatawa ang mga pinag tetext niya.

Itinext niya lang naman na kanina pa siya nasa cafeteria dahil tinatamad na raw siya magpunta dito sa mini park kaya puntahan ko na lang siya doon. Pauulit ulit lang mga text niya.

Tapos iyong pinakahuling text at pinakabago ay sinabi niyang kailangan niya na raw mauna dahil najejebs daw siya sa sobrang dami niyang nakain kakahintay sakin.

Nireplyan ko na lang siya ng "K".

Matapos noon ay naglakad na ako palabas ng mini park nang may mahagilap ang mga mata ko.

Si Miria...

Nasa 'di kalayuan lang siya kaya mabilis ko siyang napansin. Napakunot ang noo ko dahil sa titig niya saakin. Seryoso kasi ito. Lalapitan ko sana siya nang biglang mabilis siyang tumalikod at naglakad. Tumakbo ako mula sa kinatatayuan niya kanina ay wala na siya. Inilinga ko pa ang aking paningin pero wala.

Hindi kaya namamalik mata lamang ako? Bigla na lang kasi siyang nawala. Bumuntong hininga nalang ako. Pero hindi e. Alam kong siya iyon. Bakit kaya?

...

Edited: 04-13-19

Continue Reading

You'll Also Like

94.4K 4.4K 37
WEREWOLF | ROMANCE | FANFICTION "Don't be deceived by their good looks. They are the most dangerous ones." Welcome to Stermon University! A very spe...
34.6K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
110K 2.1K 50
One Empress. One Traitor. One accusation. One revenge. Ellisse is a typical kind of student with an interesting past. She's a gang leader. A leader w...
39K 1K 79
Paano kung ang isang babae.... isang babaeng wlang alam sa salitang 'PAG-IBIG' ay mahulog sa isang PLAYBOY??? how is it possible!!! pagnasaktan kaya...