To love a star

Von mymirai2012

129K 4.4K 1.1K

Renebelle 'Rain' Dimakulangan: Pasikat na model,. Ang babaeng straight pero iniwan parin sa kawalan. Natasha... Mehr

Author's note
Cast/characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 6

2.8K 107 21
Von mymirai2012

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV




"Rain, I'm glad you're back!" Si Dani na halos mapatalon sa office chair niya,nilapitan at niyakap ako ng mahigpit, "are you ok now? Alalang-alala kami sayo ah," sabay muestro niya na umupo kami sa may sofa dito sa office niya.





"So-sorry po ma'am oh! I mean Dani, sa mga kaartehan ko, pati kayo nadamay pa. Sorry po talaga.." naiiyak na talaga ako promise.




"Its ok Rain, i understand,pero malalagpasan mo rin yan, nandito naman kami lahat para sayo, and inaaksyonan na ng mga staff ko ang about sa issue, nakaka depress talaga yung 'cyber bullying' na yan, and marami narin akong nababalitaan na nagpapakamatay dahil hindi nila makayanan ang depression, alalang-alala nga kami ni Nikki sayo,"




"Sorry talaga, pati si Nikki, pero sana huwag kang magalit kay Nikki about sa pagsama niya kay Natasha last time ha? Hindi ko rin naman kasi alam yung pagpunta nila dun."





Ngitian ako ni Dani,
"At first nagalit ako syempre, sabi kasi ni Nikki, may emergency daw kaya male-late siya ng uwi, pero hindi niya sinabi kung anong emergency, then i found out na magkasama pala sila ni Natasha, Pero naipaliwanag naman ang nangyari, kaya nawala ang inis ko."sabay smile niya ulit.




"Dani, makakasuhan ba ako kung i-cancel ko na ang contract ko dito sa company mo?"
Diretsahan kong tanong.



"What? Seryoso?" Sabay taas ng kilay ni Dani,




hala!! Sinasabi ko na, nagalit ko ata siya?.




"Parang hindi ko na kasi kaya, marahil sa inyo, napakababaw na dahilan ang mga problemang kinakaharap ko sa ngayon, pero ewan ko ba kung bakit ngayun pa ako pinanghinaan ng loob," naiyak na talaga ako at nakakahiya kay ma'am Dani,anu ba yan!


Niyakap lang ako ni Dani, and i needed this right now, yung i comfort ako ng mga taong napalapit na sa puso ko,




"Sira!" Sabay tawa niya "ieextend ko ang leave mo hanggang sa maging ok kana, pero hindi mo pwedeng i cancel ang contract mo dito ok? Kasi hindi kami makakapayag ni Nikki na basta-basta nalang sumuko ka sa laban." Dani gave me her warm smile, much more a comforting smile


"But why me? Parang feeling ko kasi hindi naman ako nakakatulong sa company ninyo? Sinasahuran niyo ako pero feeling ko wala naman akong naiko-contribute na maganda sa inyo, although I try hard, and promise! binigay ko lahat-lahat ng kaya ko para masuklian ko ang kabutihan nyo sakin."




"Rain, napakasimple lang ng tanong mo, you know why?" Umiling ako ", kasi may tiwala kami sayo, yun lang, syempre naguumpisa ka palang, lahat naman diba may struggles sa umpisa? Tapos day by day, hindi mo namamalayan nalalagpasan mo na pala lahat.."




"Thank you sa tiwala, sana maibalik ko rin ang salitang tiwala sa sarili ko, yung confidence ko, nag cancel na rin kasi ako sa iba, na halos si Natasha rin naman pala ang kumuha sakin, Pero syempre ito yung pinakamalaking company, and sorry kung lahat ng inendorse kong cloth-line sa inyo, hindi gaanong kumita, kaya tuloy na bash din kayo ng iba, and pati sa press-con ng cloth-line niyo, they alwayS asking na bakit pinili nyo ang isang walang magandang contribution na tulad ko." Napatingin nalang ako sa carpeted floor ng office ni dani, hindi ko kasi siya matingnan ng diretso sa sobrang hiya ko.




"Rain, tingnan mo ako sa mata?." Tiningnan ko siya sa mata, utos ba naman ng boss ko. "Kaya natin to ok?i trust you, i believe in you, kasi kami dito we will never give up on you, konting pahinga lang siguro yan, kung feeling mo makakarelax ka sa tabi ng pamilya mo, then go.. but you cannot quit your job here, ako mismo magagalit sayo ok?." tiningnan niya ako ng masama, may konting kilabot akong naramdaman Promise!

**************************

Nagpaalam narin muna ako sa Manager ko, pumayag naman siya agad, pero nakiusap na lang ako sakanya na wag nalang paalam kay Natasha yung Bahay namin sa Pampanga. Para naman makaiwas narin sakanya at makapagisip-isip narin.



Kasi sa totoo lang isa rin siya sa nagpapagulo sa buhay ko, sa isipan ko.




Kasi hindi ko na rin kasi maintindihan yung nararamdaman ko sakanya. Baka kasi masanay ako na laging nandiyan siya, baka tuluyan na akong mahulog sakanya although alam ko naman na malabong saluhin niya ako.



Alam ko naman kasi yung puso niya sa iisang tao lang, at kay Nikki lang yun,
iba kasi yung kinang ng mga mata niya kapag tungkol kay Nikki,
Kasi hindi ko naman nakita yung ganong tingin kapag kasama niya ako, nakikita ko lang yung concerned niya sakin siguro bilang kaibigan mga ganun lang, pero other than that wala na eh.


Kaya maganda narin yung binigay na leave ni Dani sakin, ibibigay ko na muna lahat ng oras ko sa pamilya ko na ilang taon ko ding namiss.

******************


"Ate! Totoo ba na makakasama ka namin pansamantala?" Sabi ng kapatid kong babae. Habang tinutulungan akong magbaba ng mga maleta ko,
pinahatid nalang kasi ako ni Manager sa driver niya, pauwi dito sa Pampanga dahil marami akong dalahin atsaka delikado daw kasi sa daan lalo na at halos ginabi na ako ng uwi dito.




"Si mama? Si papa?"
I asked



"nakipaglamay ate.."





"Ah? Patay ?sinong namatay?.." takang tanong ko.




"Si tita glo ate, inatake kaninang madaling araw."





"Seryoso?!" Nagulat kasi ako sa balita.




"Oo ate, sabi nga ni mama, bukas ang dating nina ate Fel, kasama daw si Marco at ate Nika.."



Napaupo nalang ako sa sofa, kasi nabigla ako sa balita, napakabait naman kasi nitong si tita Glo eh.. pinsan siya ni tatay.

*******************

Kinabukasan na ako ng gabi nagpunta sa burol ni tita Glo, naabutan ko pa yung dalawang mag-asawa na sina ate Nika at ate Fel, at yung anak nilang si Marco na halos ka-edaran ng kapatid kong babae.

Halos mugtong-mugto pa ang mga mata ni ate Nika, lalo naman si ate Fel na halos si tita Glo na ang nagpalaki, pero hindi naman nababago ang nga itsura, ang gaganda nila, mukhang alagang-alaga nila ang kanilang pangangatawan, at lalong bumublooming si ate Fel, inlove na inlove talaga kay ate Nika although ilang years na silang kasal sa U.S.



"Ate Fel, nakikiramay ako." Sabay yakap ko kay ate Fel na halos ilang taon ko ring hindi nakita, dahil sa tuwing uuwi naman sila ng pinas, hindi kami nagpapangabot,.




"Belle? Is that you?" Tumango lang ako and nag smile saka niya ako niyakap ng mahigpit "ganda-ganda mo ah, ibang-iba ka sa personal, napapanood ko sa philippine channel sa U.S yung teleserye na sinalihan mo"



"Thank you po ate Fel, kayo din hindi na nagbago,ang ganda-ganda nyo parin po" saka ako nag smile.





"Naku nambola kapa talaga" saka rin siya nag smile although halata sa mga mata niya ang lungkot sa pagkawala ni tita Glo.




"Sina tita? Sarah at Tomi?makakarating ba? Namiss Ko narin sila ah"
Mga kababata ko na kapatid ni ate Fel,
Sa states na kasi lahat sila nanirahan.



"Bukas pa ang flight nila, biglaan din kasi ang mga pangyayari eh." Tapos parang maluluha nanaman si ate Fel kaya iniba ko nalang ang usapan.


Nagkakwentuhan pa kami,pati sina ate Nika saka na nagdesisyong umuwi sa bahay,



Pauwi na kami ng lapitan ako ni Ben,




spell Ex,

Nakaraan, oo! Ang nakaraan ko,



"Hatid ko na kayo?" He asked.


Shete! The audacity, kapal ng mukha.




"Naku koyang huwag na! Sa dulong kanto lang naman ang bahay namin," kapatid kong babae na ang sumagot,





"No i insist,hatid ko na kayo"
Pagpupumilit ni Ben.



Hindi nalang ako sumagot pero tumango na lang ako ang kulit kasi, nakadagdag pa siya sa lungkot at inis na nararamdaman ko.




"Kelan kapa dumating Belle?" Tanong niya habang palakad pauwi.



"Kagabi pa koyang." Yung kapatid ko sumasagot, pero nag smile lang si Ben kahit halatang malapit ng mapikon sa kapatid ko.





"Sikat na sikat ka na ah. Napapanood na kita sa tv.."



"Hindi naman po masyado koyang"




"Rhean, ate mo kausap ko." malumanay lang ang sabi ni Ben pero halatang napipikon na, natatawa nalang ako sakanila pero pinipigilan ko para kunwari dedma.


Umismid lang si Rhean,



"Ok, e koyang andito nakami sa tapat ng bahay, beke nemen gusto mo ng umuwe?" Taray ng kapatid ko ah.




"Ok sige, pero pwede ba akong dumalaw?" Sabay tingin sa kapatid ko "pwedi bang ate mo naman ang sumagot?" Aba napikon na ata.



"Bakit naman?" Sagot ko, pero yung tingin ko sa harap lang ng  gate namin.





"Bawal naba?" Saka siya nag pa cute, hayy.. lalo siyang gumwapo pero sorry nalang at move on na ako sakanya, sa totoo lang wala namang third party na nainvolved sa relasyon namin, pero yung nga lang mas pinili niyang sundin yung parents niya na manirahan sa abroad at dun na magtapos ng kolehiyo, siya din naman ang naunang  nakipag-break sakin eh,kahit super duper nagmamahalan naman kami.
"ano? Bawal naba?" He reiterate.




"Ok, edi dumalaw ka, parang hindi ka naman laging nagpupunta dito nung mga bata pa tayo." Saka lang ako nagbuntung-hininga "Ben?" Sabay tingin niya sa akin, yung mukha niya parang na excite sa sasabihin ko "baka gusto mo ng umuwi? Late na oh?" Yung mukha niya bigla parang nalugi ulit.




"Koyang! Uwi na you!." Dagdag pa ng kapatid ko.




Nagkamot muna siya ng ulo bago umalis na sobrang bigat na ata ng mga paa niya sa lungkot.



Pagpasok namin sa bahay.



"Hay naku yang si koyang Ben,kulit-kulit talaga noh? Nung wala ka nga dito, panay dalaw sa bahay at tanong ng tanong tungkol sayo, sabi ni kuya Rene, dito na daw maninirahan ulit yan,dahil may gusto daw siyang balikan"sabay tingin sakin saka nagsmile ng nakakaloko  "kahit ang lAki naman ng sahod sa abroad, magtatayo nga daw ng restaurant yan dito"



"Eh anu naman pake ko diyan? Kung meron man, bukas ko na hanapin, at gabi na." Sabi ko na may pagka sarcastic.





"Ang taray? Sure ka ate? Lalo na at lalong naging gwaping si koyang Ben." She even wiggle her brows.




"Hay naku ewan ko sayo, mauna na akong mag shower sayo, at gusto ko ng magpahinga, maya-maya din siguro darating na sina nanay galing lamay."


Kaya nag shower na muna ako at nagpalit ng pantulog, maliit na short at maluwang na tshirt lang, medyo mainit pamandin kahit level up na yung kwarto ko at may aircon na at medyo pinaluwag ko ng konti, konti lang kulang pa sa budget hehe.


Patulog na sana ako ng kumatok sa pinto yung kapatid ko, mukhang gigibain pa ata ang pintuan ng kwarto ko






"Ate!! Ate!!!! Atee!!!!"




"Ano kaba naman! Gabing-gabi na sigaw kapa rin ng sigaw diyan!!!." Saka ko binuksan yung pinto, na masama ang tingin sa kanya.


"Ate may bisita ka! may bisita ka!!!"




"Oo naririnig ko huwag moko sigawan! Teka madaling araw na ah, sino naman yan?!"





"Ate! kamuntikan nakami mahimatay ni nanay sa bisita mo, jeskepe!"



Pailing-iling nalang ako at lumabas ng kwarto ko, nasa sofa sila.nakatalikod sila sakin, dalawang babae, pero kilalang-kilala ko naman sila..




Pero bakit sila andito? Paano nila nalaman ang bahay ko? Naku! Baka si Manager nanaman hindi talaga mapagkakatiwalaan yun.



Urung-sulong ako, hindi ko alam kun lalapit ba ako o ano.



"Oh anak! May mga bisita kang malago" malago means maganda, sabi ni papa.



Sabay tingin nila sakin, saka halos mapatalon sa pagtayo si Natasha at sinugod ako ng yakap.

"Rain! Madaya ka talaga, umalis ka nanamang walang pasabi!, nakakainis kana ah!"



Para akong naging tuod sa kinatatayuan ko,


"Rain, ikaw na bahala diyan kay Nati ah, magpapaiwan daw kasi dito, at kailangan ko ng umuwi, dahil for sure galit na galit na si Dani."
Said Nikki..




"Ha? Anung magpapaiwan?" Nag-papanic kong tanong,


Ngumisi lang si Nikki.



"Dito muna ako habang hindi kapa bumabalik ng manila, sasamahan kita.." said Natasha na kuntodo yakap pa talaga, "Nikki, hatid na kita sa labas, baka yung jowa mong tigre eh, sugurin tayo hanggang dito."



"Sira!" Said Nikki, at dahil para parin akong hindi makapaniwala sa nangyayari,nakalabas na pala sila ng bahay.


Sumunod lang din ako, at naabutan ko pang niyakap ni Natasha si Nikki ng mahigpit, bago sumakay sa back seat si Nikki dahil may kasama pala silang driver nila.

Saka siya pumasok, at hinila yung kamay ko papasok ng bahay, si mama at papa naku ayun starstruck ata sa kasama ko, lalo naman yung dalawa kong kapatid na hindi na halos makapagsalita.



"Nay, tay! pasensya na po ah? Biglaan ang pagpunta ko, ito po kasing si Rain, basta-basta nalang umaalis ng walang paalam sakin eh." Yumakap pa talaga si Natasha kay mama..

ano to? Feeling close lang?


"Ok lang iha, talaga ngang mas lalo kang maganda sa  personal ah!teka kumain kanaba? Gusto mo paghanda kita ng makakain?"




"Ok lang po nay, kumain napo ako kanina sa sasakyan habang nasa byahe, pasensya napo wala po akong dalang pasalub—ayyy!"
hindi na natuloy ang sinasabi niya ng hilain ko siya bigla para dalhin sa kwarto ko at kausapin ko siya.



Pagpasok namin ng kwarto pinaupo ko lang muna siya sa bed ko at lumabas muna ako ng kwarto.


"Ma.! Pa! Matulog na kayo ulit, ako napo bahala sakanya ha!" Paalm ko sa parents ko.

Saka na ako bumalik ng room ko, na feeling bahay ni Natasha at humiga na sa kama ko.


Tumayo ako sa harapan niya at nag crossed arms.



"Oh? Bat ganyan ang tingin mo?" She asked.



"Bat andito ka? Pano mo nalaman ang bahay ko? Sinabi ba ni Manager sayo?" I asked




"Nope.."



"Sino?" Takang tanong ko



"Long story, and super pagod na ako, alam mo bang wala pa akong tulog at pahinga? Diretso nakami agad dito, I'm dead tired na talaga.. pahiram nalang ng toothbrush mo? Sorry ha, undies at dalawang shirt lang ang bitbit ko, pahiram na muna ng towel, makikigamit lang ako ng shower sana? Hindi kasi ako makatulog ng ganito kalagkit"
Napabuntong hininga nalang ako sakanya..



After i prepared everything na kakailanganin niya, sinamahan ko siya hanggang sa banyo para makaligo na..


"Pagpasensyahan mo na ang banyo namin ha, medyo hindi pa maayos, at walang bathtub dito, bilisan mo, maguusap pa tayo pagkatapos mo. Hintayin nalang kita sa kwarto." I said na may halong katarayan.



After 30mins siguro. Naramdaman ko nalang bumukas ang pinto ng room ko.



"Ang lamig ng tubig, wala palang hot shower!"she complain, naka tapis lang siya. "pahiram ng damit pang-tulog ah!"




"Sorry po mahal na prinsesa, biglaan po kasi at hindi na ako nakapag-init ng tubig panligo, wala naman kasing hot shower dito sa bahay." Saka ko na binigay yung medyo maliit na short at maluwag na tshirt ko.



"HuWag ka naman masungit diyan.." lumapit siya sakin at kinuha lang yung tshirt, saka nagbihis sa harapan ko, napatingin nalang ako sa side ko, ayoko ngang magmukhang manyak. "Ito nalang tshirt, hindi naman ako sanay naka damit pag natutulog talaga eh, e kaso mukhang hindi ka sanay sa may hubad na natutulog." Sabay tumawa lang siya nakakaloko at nag peace sign.



"Hayy, matulog kana nga, halos mag-alas 3 na ng madaling araw, dito nalang ako sa baba matutulog, ikaw na gumamit ng kama ko."



Hinila niya ako..
"Tabi tayong matulog, ang luwag naman ng kama mo eh.."



Umiling-iling nalang ako sakanya, at tumabi nalang din, para makatulog, May pagka makulit din itong si Natasha, basta naisip niyang gawin, gagawin niya,walang pasakalye.




Tumalikod nalang ako sakanya habang natutulog, as if naman makakatulog pa ako nito, knowing na katabi ko si Natasha dito pa sa bed ko, ang lakas kaya ng tibok ng puso ko,

oy walang malisya ah!



Tapos naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sakin, and take note dama ko yung boobs niya,


"HuWag ka ng masungit diyan kasi" sabay yakap ng mahigpit sakin ni Natasha "alam mo, ang laki rin pala ng boobs mo no? " nakahawak pala sa boobs ko ang siste, ang manyak ng dating.




Tinanggal ko sa pagkakahawak yung mga kamay niya

"alam mo ikaw mapang asar ka eh noh.."

Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang yakap niya sakin

"joke lang! Lam mo sarap mo asarin lately,sungit-sungit mo na, i like it! so it means lang na, sobrang napapalagay na yung loob mo sakin.."




"Pano yung mga commitments mo pala? Bukas pahatid nalang kita kay papa sa manila, o kaya call mo nalang driver mo."


"Seryoso mo naman, ayaw mo ba akong kasama? Naiinis kanaba sakin? Akala ko naman ok tayo?" Napansin ko nalang na lumuwag ang yakap niya sakin. Naku may pagkamatampuhin din pala.


At kahit bolta-boltaheng kuryente ang nararamdaman ko sa ngayun, nilakasan ko parin ang loob ko, ako ng yumakap sakanya mukhang nagtatampo na kasi.



"Uii, hindi naman sa ayaw kitang makasama,
Ang iniisip ko lang yung career mo, baka magka-issue ka nandahil sakin eh, o baka madagdagan nanaman ang mga issue ko sa showbiz"



"Hindi naman nila alam kung nasan ako, saka nag leave muna ako, nag cancel ako ng mga sched. Ko, gusto ko kasing samahan kita dito, hanggang sa maging ok kana, sabay na tayong babalik ng manila."



"Hindi alam? Ano naman feeling mo sa sarili mo? Ordinaryong tao lang? Baka nga bukas na bukas din nasa headline news kana, atleast ako mawala man ako sa screen ok lang hindi naman nila ako hahanapin, baka nga matuwa pa yung mga netizens."





"Basta, i—-don't— care ok? Basta gusto ko kasama kita, hanggang sa maging ok kana at handa ng harapin ang magulong mundo ng showbiz."




"Mukhang wala ka naman balak magpatalo eh noh?saka sorry ayoko ng mag artista, tatapusin ko nalang yung contract ko sa Ferrer's corporation bilang endorser and model, ok na rin ako sa pa extra-extra sa commercial, saka magiipon lang talaga ako, babalik rin ako ng pagaaral, gusto kong makapagtapos ng kolehiyo eh.



"Edi suportahan kita sa gusto mo?"




"Ayan na naman sa pagsuporta, mamaya mag ka issue na naman" i said




"Alam mo kasi ikaw, masyado kang nagpapadala sa mga basher na yan, alam mo good and bad, publicity is still publicity,diyan ka lalong sisikat.."





"Pero ayoko na, ang hirap pala.. now i know kung anong ibig mong sabihin sa mga sinabi mo last time about sa pagiging sikat, e ako ngang kabago-bago lang andami na agad basher eh.. saka--" ayy naku nakatulog na pala yung kausap ko, at humihilik pa..





Ang ganda talaga ng babaeng ito, para wala man lang kapangitan na dinadala,.


Kahit natutulog, anu ba yan, ang gAnda kaya,
Maganda rin naman daw ako,  kaso walang appeal Sa screen, hindi nga daw kasi ako marunong umarte. well baka hindi naman talaga sa pag aartista yung linya ko.


Mag aalasingko na ata ng madaling araw saka ko lang naramdaman si antok.


Kaya halos mapatalon ako sa hinihigaan ko na halos 12 na ng tanghali ako nagising at wala na rin si Natasha sa tabi ko, kumuha lang ako ng towel ko, para makapaghilamos sa banyo, iisa lang kasi ang banyo sa bahay, kulang pa sa budget ang paggawa.




Paglabas ko ng kwarto narinig ko pa silang nagtatawanan sa may kusina, sabado kasi ngayon at walang pasok sa school..


"Oh anak? Gutom kana?" Si mama na naghihiwa ng gulay "Naku itong si Natasha, nakakatawa palang kasama, nagpumilit sumama sa pampang, ayun hindi pa bumababa sa jeep ng papa mo, pinagkaguluhan na, kaya pinauwi ko nalang siya sa papa--"





"Ano?!Sumama ka sa pampang?!Hindi mo naba naisip na baka masaktan ka kapag dinumog ka ng mga tao dun? Lalo na hindi mo kasama mga bodyguards mo, nagiisp kaba?" Ewan koba kung san nanggagaling ang kasungitan ko, umagang-umaga este tanghali na pala.




Napatunganga lang sila sakin at pati si mama at kapatid kong babae nabigla ko ata sa reaksiyon ko, Hindi naman kasi sila sanay sa ganitong reaksyon ko.




"Anak naman, huwag ka naman masyadong magalit.." si mama na halos namutla sa pagkabigla.


Si Natasha napatingin lang sa baso ng kape na iniinom niya, siguro nagulat din sa naging reaksiyon ko.



"So-sorry po, ma-maliligo na muna ako.."
Saka na ako nagmadaling umalis at nag shower na.



Ilang minuto rin akong nag shower, nagiisip kung bakit ganun nalang kalala ang naging reaksyon ko,



Pms ba? Hindi! Kakatapos ko lang last week eh.



Hayy anu ba yan!


So yun, after kong nag shower, diretso muna ako sa kwarto para magbihis..


Naabutan ko pa si Natasha, kaya medyo naging awkward dahil nakatapis lang ako.


"So-sorry kanina ha, nabigla lang ako." I said



"Ok lang, alam ko naman yun, saka alam ko naman kahit hindi mo sabihin sakin, ayaw mong naiinvade ko yung privacy mo, alam ko naman na galit ka pa rin sakin sa mga nangyari,." Nagbuga muna siya ng mahinang buntong-hininga "tinawagan ko na yung driver ko, magpapasundo na ako dito, sorry ha,
nakadagdag pa ata ako lalo sa stress mo."



Ewan ko ba pero bigla may parang kumagat sa puso ko, parang bigla akong nakonsensya na ewan.


So yun nilapitan ko siya at niyakap "uyy!sorry na ha? Nabigla lang naman ako kanina,nag-alala lang kasi ako sayo,baka kasi masaktan ka sa mga taong nandoon, huwag ka na munang umuwi, dito kana muna, para makasama pa kita.. ok?" Pakiusap ko.





"Talaga? Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh!!" saka siya nag smile sakin "don't worry hindi ko naman talaga tinawagan yung driver ko, at mas lalong wala naman akong balak na bumalik ng manila hanggat hindi kita kasama babalik."






"What?! So drama mo lang to lahat? Hindi ka nakakatawa ah, umuwi ka nalang nga!" I said.



"Sorry, sorry na ok?" Siya naman tong yumakap
Sakin ng mahigpit, anu ba yan napapadalas na yung yakapan naming dAlawa ah,masyado ng awkward sakin to ah.




So yun the next day ok naman yung pagsasama namin sa bahay, medyo napapalagay narin naman yung loob ng family ko sakanya hindi na masyado
Awkward kahit pa sikat na artista si Natasha.. hindi naman din kami lumalabas ng bahay. Baka kasi pagkaguluhan pa siya sa labas. At malaman pa ng mga kapit bahay na may sikat na artista dito at dumugin tong bahay..

************************************************

Komusta na guys???

Sorry late update at medyo bitin pa ata to.
Hehe.. anyway thanks po sa mga patuloy na nagbabasa ng mga stories ko po. Thank you.

Sorry din po sa mga typo's wla pang edit.

Votes and comments naman po
Diyan.. thanks po😊😊😊

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
1.2K 118 21
STATUS: COMPLETED (Also Available on Psicom App) [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] Caela is a NBSB. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend pero...
115K 3.9K 39
March 2016 ~ Dec. 22, 2016 Book2 of She Holds the Key
19.4K 696 32
Graduation? Done. Work? Mayroon. Financially Stable? Yes. Married? No... Ito ang storya ni Jessica Tuazon, o mas kilala bilang isang palabirong kaibi...