Behind Closed Doors

By roosseeey

9.3K 412 34

Alam ni Solana na kapag tumuntong siya sa edad na 25 ay may arranged marriage na naghihintay sa kanya, tulad... More

Behind Closed Doors
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 3

338 19 0
By roosseeey

Chapter 3


Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag dinner kami ng pamilya ko kasama ang pamilya ni Travon. At isang linggo na ring hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa napag usapan namin ni Travon.

Tuwing iisipin ko ang tungkol doon ay pakiramdam ko mag bubuhol buhol ang isip ko. He's freaking serious for pete's sake! Ayaw kong maniwala pero tuwing maalala ko ang itsura niya ng sabihin niya iyon there's no reason not to believe him at isa pa, sino naman ang mag bibiro tungkol doon?

"Ma'am Sol, may bisita po kayo." I sighed when someone of our maids knock on my door.

"Sige, pakisabi na lang pumunta na lang dito." Tamad na sagot ko. Kinuha ko ang throw pillow na nasa sofa at niyakap iyon.

Hindi ako nag abalang lumingon sa pintuan ng marinig ko ang pagbukas non.

"Solana," Nanlaki ang mata ko at agad napalingon dahil sa boses na iyon. I stood up immediately at halos matumba pa ako sa pagmamadali.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko.

"Dad said we should go out sometimes," Aniya at nag kibit balikat. I froze for a moment, oo nga pala Dad also told me about that. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakaupo. Kinuha ko ang throw pillow na hawak ko kanina at ipinatong iyon sa aking hita.

"Look, Sol. I'm not forcing you to like me after what I've told you," Nag angat ako ng tingin sa kaniya. He's standing in front of me, ang kanang kamay ay nasa bewang habang nakatingin din sa akin. "But please just accept the marriage." He sounds begging.

Inis akong tumayo at ibinato sa kaniya ang hawak kong unan na agad niyang nasalo. "Sa tingin mo ba may magagawa pa ako? Next week na ang engagement!" I almost yelled.

Pumikit ako at nag buntonghininga. Kagabi lang iyon tuluyang kinumpirma ni Dad, na next week na ang engagement party. At sa tingin niya ba ay may magagawa pa ako? Ang mga magulang namin ay sigurado na tungkol dito. Ni hindi ko na rin magagawa ang plano ko dahil sa kaniya.

"You don't have to worry, Sol. You can still do the things you used to be even though you're married to me," Sabi niya sa seryosong tono.

"Let's not stress ourselves too much about that," Dagdag niya. Ibig niya bang sabihin ay sakyan lang namin pareho ang mangyayaring kasalan pero ang mga dating nakasayanan namin ay hindi kailangan magbago?

"Actually may plano ako gerlalu," He smiled and walks towards me. Lihim pa akong napangiwi dahil sa tinawag niya sa akin.

"Anong plano?" My forehead creased.

"Let's accept the marriage and then magsasama tayo ng halos isang taon, mag kunwari na lang tayo na mahal na natin ang isa't isa and after that let's file an annulment tingin ko naman ay paniniwalaan nila iyon." He said.

I crossed my arms and arched a brow, fine puwede rin ang naisip niya but. "Tingin mo ba gano'n kadali iyon?"

"Bakit hindi na lang tayo ngayon mag protesta hindi ba?" Dagdag ko.

He sighed, kitang kita ko ang frustration sa kaniyang itsura. "Sol, kapag ngayon ako umapila, irereto ako ni papa nang irereto sa ibat ibang babae hanggang sa pumayag ang babae at maikasal ako. Okay lang iyon sa akin pero ang pagsasabi ng sikreto ko ng paulit ulit ay hindi ko kaya." Nahihirapang sabi niya. Natigilan ako at nakagat ang labi ng makita kung paano rin siya nahihirapan.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. I tapped his shoulder kaya napatingin siya sa akin. "Alright, let's do this."

"Your engagement is really on next week?" Hindi makapaniwalang tanong ni Trin ng maikwento ko sa kaniya ang tungkol doon.

Narito ako ngayon sa kanila dahil ang boring sa bahay at wala akong makausap.

"Hmm." Tumango ako at isinubo ang chips na hawak.

"Pero sabihin mo! Is he handsome? Tall? Mabango ba?" Excited na tanong ni Trin. Nilingon ko siya at inirapan.

"Psh, fine. Pero nung matapos ang family dinner niyo lumabas na ba kayo? Like you know get to know each other?" Curious na tanong niya pa.

"Yeah, nung isang araw." Sagot ko ulit. Iyon 'yong araw na pumunta siya sa bahay. Lumabas kami at nag punta sa mall, kumain, nag shopping dahil iyon lang naman ang gustong mangyari nila Dad. "Go out with him"

"Wow, ano mabait ba siya?" Tanong pa ulit ni Trin.

"Trinity, let's not talk about that basta pumunta ka na lang sa engagement!" Bulyaw ko sa kaniya. Natigilan naman siya pero maya-maya ay tumawa.

"Next week is your engagement party?" Napalingon ako sa paligid ng marinig ang boses ni Tristan. I blinked twice ng makita siya sa bukana ng kwarto ni Trin at naksandal doon. Gosh, na-miss ko siya-sila.

"Yes kuya, invited tayo!" Trinity giggled.

Tristan smirked and shook his head kaya umawang ang labi ko. What does it mean? "Ayoko, I can't come. Busy ako." aniya at tumalikod na.

Narinig ko ang pagtawa ni Trin kaya napatingin ako sa kaniya. "Hayaan mo na iyan, lately laging mainit ang ulo." She said and shrugged.

Medyo madilim na rin ng makauwi ako sa bahay. Balak ko pa nga sanang doon matulog kanila Trin pero ang sabi ni mommy simulan ko na raw ang mag sanay na pumipirmi lang sa bahay kahit isang araw. Whatever.

Pumasok na ako sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Ibinaba ko ang mga gamit ko at nagpalit ng damit bago bumaba sa dining.

"Evening," Simpleng bati ko sa kanila Mom at tuluyan ng nag lakad papasok sa dining.

"Oh, she's already here," Natigilan ako sa pag lalakad, nag angat ako ng tingin at awkward na ngumiti ng magsalunong ang paningin namin nila Tita Tanya. Hindi nila ako ininform na pupunta pala sila ngayon sa bahay, nakakahiya at mukhang hinintay pa nila ako.

"Good evening, Sol." Tita Tanya smiled sweetly.

"Solana, come her and sit beside Travon." Sabi ni Dad. Tumango ako at naglakad palapit sa kanila at umupo sa tabi ni Travon.

"You didn't tell me na pupunta kayo," Mahinang bulong ko sa kaniya.

"I I called but your phone was off." He whispered back. Fuck it, oo nga pala at nag shut down ako ng cellphone dahil ayokong makatanggap ng kung ano-anong text or calls ngayon, mukhang maling desisyon pa ah.

Hindi na lang ako nag salita. Tinignan ko ang mga pagkaing sine-serve ng isang kasambahay at simple akong kumuha ng nuggets at kinain iyon.

"Hija, where have you been?" Bumagal ang pag nguya ko ng tanungin ako ni Tito Ramon. Simple ko munang nilunok iyon bago sumagot.

"I went to my best friend's house po." I answered.

"She always going out when she's bored. Sometimes because she have no one to talk here." Sabi ni mama.

"I'm sorry po I didn't know you'll come, my phone was off, nag hintay pa yata kayo ng matagal sa akin." paumanhin ko at tipid na ngumiti.

"Don't worry, it's okay, Sol. Kadarating lang din namin." Sabi ni tita Tanya at nginitian ako.

"Let's eat lalamig pa ang mga pagkain." Sabi ni Daddy. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, ayoko pa naman pag nasa akin ang usapan tapos lahat sila au nakatingin sa akin.

Tahimik lang ako habang kumakain kami at gano'n din si Travon na nasa tabi ko. Pa minsan minsan ay nakikinig sa usapan nila pero wala naman akong maintindihan doon kaya mas pinag tuunan ko na lang ng pansin ang pagkain.

"Solana, Travon..." Tumikhim si Daddy sa kalagitnaan ng aming pagkain. I stopped eating and put my steak knife on my plate. Travon also stopped eating, kinuha niya ang baso ng tubig na nasa harapan niya at uminom doon.

"Yes Dad?" Tanong ko. Si Travon ay hindi nag salita at nag hihintay lamang ng sasabihin habang ang atensyon ay na kay Daddy din.

"After the engagement you guys will live on the same roof." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Daddy. Nilingon ko si Travon na halatang nagulat din sa nalaman.

Oh gosh, hindi ito puwedeng mangyari!

"But dad! Puwede naman pong pagkatapos na lang ng kasal." Angal ko. Gosh, hindi ba masyado iyong maaga?

"Hindi po ba masyado iyong mabilis?" Mabilis akong tumango ng magsalita si Travon. He's right! Iyon din ang nasa isip ko.

"But that's for the best, Travon." Sabi ni Tito Ramon.

Hindi ko maintindihan, ganito ba talaga kapag arranged marriage? Kailan palaging sumusunod na lang sa gusto ng magulang. For pete's sake, tinanggap ko na nga na napaaga ang fixed marriage ko pero pati ba naman dito?

"Doon din ang punta non kung ikakasal kayo, Sol." Singit ni Mommy. Bumagsak ang balikat ko at sandaling natahimik.

"Pero wala pa naman pong bahay. Kung sa condo unit lang po kami titira ayoko po. Mas maganda po kung ikasal muna kami tapos tsaka mag pagawa ng bahay at doon titira." Pag mamatigas ko pa ulit. Totoo na kung sa condo lang ay ayaw ko, never kong pinangarap na mag unit lang pag kinasal na ako ano. Nag angat ako ng tingin kay tita Tanya ng marinig ko ang mahina niyang pag tawa.

"You didn't know or Travon didn't tell you? He has his own house at pagkatapos ng engagement ay doon na kayo tirira sa bahay niya." Pinal na sabi ni tita na sinang ayunan ng mga magulang ko.

Muling bumagsak ang balikat ko.

Wala na talaga akong kawala.

Continue Reading

You'll Also Like

58.7K 1.1K 74
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
276K 6.3K 69
• [COMPLETED] Action - Romance When Solly and Sandy both lose their mother, they were forced to stay at their father's house who was into joining dan...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...