" 'Oy, Lagring... Professional na professional ang dating natin ah," komento ni Brie sa noon ay nagbubukas din ng gate na si Lorraine.
Nakasuot ito ng paldang lampas-tuhod at blusang may ribbon sa gitna ng dibdib. Nakapusod ng maayos ang buhok.
Si Brie naman ay papasok na din ng trabaho. "Magsisimula ka na bang magturo ngayon?"
"Hindi. Mag-o-observe lang muna 'ko. Hanggang Friday pa 'yong papalitan ko," sagot ni Lagring na binuksan ng maluwag ang tarangkahan upang ilabas ang kanyang kotse.
"Ah... Good luck ha. Buti naman at na-approve ka na," ani Brie na lumabas na din ng sariling gate at ini-lock iyon.
"Yeah. Kahapon lang dumating ang letter of approval," anitong kita ang saya sa mukha. "Wala ka bang sasakyan?" Puna nito.
"Naku. Na-impound 'yong kotse ko. 'Yong sira-ulo ko kasing kaibigan... Dalawang beses nang naibangga ng lasing. Ilang beses din akong nakabangga ng bumper sa Edsa, kaya hayun..." sagot ni Brie. Hinilang pababa ang dulo ng suot na faded blue at long sleeves na button-down shirt. Sa balikat ay may nakasukbit na sling bag.
"Ibang klase ka din talaga, 'no?" komento ni Lorraine na nakaangat ang isang kilay.
Nagkibit-balikat si Brie. "Mas convenient na rin namang mag-MRT na lang sa panahon ngayon. Malapit na din sa station na binabaan ko ang company namin at nilalakad ko lang."
Bahagyang napairap si Lorraine. "Gusto mo bang sumabay na hanggang labasan? Ihahatid kita sa sakayan ng tricycle," alok nito. Nasa loob sila ng subdivision at ilang kanto pa bago ang sakayan.
"Wow. Ang bait natin ngayon ah? Wala ka yatang sapi," komento ni Brie.
"Hindi ako ang may sapi sa 'ting dalawa kundi ikaw," ang sagot naman ni Lorraine.
"Ibang klase din talaga 'yang paniniwala mo, eh..." Ani Brie na na bahagyang nakangiwi.
Naglakad na si Lorraine palapit sa kotse niya. "So, ano? Sasabay ka nga?"
"Sige. At nang mabawasan naman 'yang pagiging bias mo," ang turan ni Brie na naipatong ang siko sa bakal ng gate.
Tiningnan lang siya ni Lorraine at pumasok na ng kotse nito.
"Can you please close and lock my gate?" Dungaw nito sa bintana ng kotse nang nasa labas na.
Tumalima naman si Brie at nang matapos ay sumakay na sa passenger's seat sa unahan.
"Buti hindi natatakot sa 'yo ang mga tinuturuan mo? Siguro parang dragon ka sa loob ng eskuwelahan, ano?" Ani Brie.
"For your information... I've got a good record. Hindi kagaya ng iniisip mo," depensa nito.
"Hm... I'm wondering how you look like while teaching." Hindi ma-imagine ni Brie kung paanong nakakatagal ang masungit na kagaya nito sa pagtuturo.
"You won't believe it, but kids love me," proud pa nitong wika.
"Ows? I'd like to see."
Biglang napalingon si Lagring sa kanya. "Don't you dare go to my class. Baka lumabas ang sungay ko dahil sa 'yo. Mas makulit ka pa yata kesa sa mga four-years-old kids."
Agad namang pumalag si Brie. "Grabe ka naman sa 'kin. Cute naman ako ah? Saka, mabait ako. 'Di mo lang ma-appreciate. Homophobic ka kasi."
"Excuse me. I'm not a homophobe. Nakakalapit ka nga sa 'kin 'di ba?" kontra nito.
"But you do believe that being gay is a sin."
"Well... That's out of the question. I was raised to believe that, and I do believe in that." Mukhang hindi na talaga mababali ang paniniwala nitong iyon.
Napataas ng dalawang kamay si Brie. "Sa susunod na 'ko makikipag-argumento sa 'yo tungkol sa bagay na 'yan. Ipapaliwanag ko sa 'yo kung bakit maling-mali ang pinapaniwalaan mo. Sa ngayon, ayaw ko din munang sirain ang mood mo."
Lorraine's mouth turned down in a sarcastic manner. "Hm... How considerate."
Bahagyang natawa si Brie. "Sabi ko naman sa 'yo mabait ako."
Napairap lang si Lorraine. Ilang sandali pa ay narating na nila ang terminal ng tricycle.
Inayos ni Brie ang pagkakasukbit ng kanyang sling bag. "Salamat nga pala sa paghatid, Lagring. Mag-enjoy ka sa mga bata. Sana hindi lumabas ang sungay mo," aniya sabay ngiti. Bumaba na siya ng sasakyan.
"Sa 'yo lang naman kaya lumalabas ang sungay ko," anito.
"Mag-iingat ka... Baka hindi lang sungay ang lumabas sa 'yo," pabirong wika ni Brie sabay kindat.
"Sira-ulo!" Sigaw nito sa likod niya.
Natatawang nilingon ito ni Brie at kumaway dito.
----
"SA dami ba naman ng puwede mong ibansag sa kanya, Lagring pa talaga," komento ni Mario na nakapatong ang dalawang braso sa ibabaw ng cubicle ni Brie. Naikukuwento kasi dito ni Brie si Lorraine.
"Eh, sa 'yon ang pinakamalapit sa pangalan niya. Saka, nag-i-enjoy akong makita ang reaksyon niya tuwing tinatawag ko siya sa gano'ng pangalan," ika ni Brie na nangingiti.
" 'Ba... Iba na yan, ha. Baka mam'ya magising ka na lang na in-love ka na sa kanya," tukso ni Mario.
"Gago. Alam mo naman na isa lang ang rule ko pagdating sa pag-ibig — DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS, " qoute pa niya.
"Mag-iingat ka. Baka bigla kang matapilok at kainin mo 'yang sinabi mo. May pa-rule-rule ka pang nalalaman. Eh, halos bukambibig mo na 'yang si Lagring. Hindi mo ba napapansin?" Ang wika naman ni Mario.
"Nagkukuwento lang naman ako. Loko. Eh, halos wala namang ganap sa buhay ko kundi 'yon lang," depensa ni Brie.
Umayos ng tayo si Mario. "Talaga nga ba? Gusto mo pagpustahan natin 'yan?" Hamon nito.
"Alam mo, bro... Huwag na. Matatalo ka lang."
"Hah. Huwag kang pakasigurado. At iba ang pakiramdam ko ngayon, bro. Feeling ko, tatamaan ka na talaga ni kupido ngayon."
"Puwede ba, huwag mo na nga akong ipinipilit sa mga straight na babae. Ang kulit mo din talaga eh. Ilang beses mo na ding nasubukan 'di ba? HINDI. AKO. MAI-INLOVE. SA. STRAIGHT. Isaksak mo 'yan sa kukote mo," pagbibigay-diin ni Brie na nakukulitan na sa kaibigan. Ilang beses na din kasi itong may niretong straight sa kanya, at palagi na ay makikipagpustahan ito sa kanya kung ma-f-fall ba siya o hindi. At siyempre ay lagi itong talo.
Napailing si Mario. "Alam mo... Pinapangarap ko na isang araw tatakbo ka sa 'kin at sasabihin mong — 'bro, in-love na 'ko sa straight'. At tatawanan kita ng malakas, habang ikaw pahiyang-pahiya sa sarili." Nag-sample pa ito ng tawa habang naka-superman pose.
"Tarantado! At ikaw naman, balang-araw tatakbo ka sa 'kin at ikaw naman ang iiyak nang dahil sa babae," ganti niya dito.
"Hah. Hinding-hindi 'yan mangyayari, bro," puno ng kumpiyansang sabi ni Mario.
"Hah, ka rin. Tingnan ko lang. Kaya ikaw, tigil-tigilan mo na ang pagpapaiyak sa mga babae. Balang-araw, babalik 'yan sa 'yo," banta niya dito.
"Bro... Matibay 'to," may pasuntok pa sa dibdib na wika ng lalaki, "never akong iiyak nang dahil sa babae. Babae lang ang umiiyak para sa 'kin."
"Ang yabang mo! Tamaan ka sana ng kidlat," naaalibadbarang wika ni Brie.
Natawa lang si Mario. Nang may bigla itong nakita. Tinapik sa balikat si Brie. "Bro, straight-alert. Mukhang ikaw ang puntirya. Good luck," anito at mabilis nang umalis.
"Pinagsasabi ng mokong na 'yon?" Saad sa sarili ni Brie habang nakasunod ng tanaw sa papalayong likod ng lalaki.
"Brie..."
Mula sa likuran ay may isang malamyos at malambing na tinig ang tumawag sa kanya.
Nagulat siya nang malingunan si Trish. " 'Oy... M-May kailangan ka?" Medyo nauutal niyang tanong. Hindi niya maiwasang mabighani sa kaharap. Napakaganda kasi talaga nito. Mula ulo hanggang paa ay walang tapon. Mahihiya lahat ng supermodels sa taglay nitong ganda.
Parang medyo nag-aalinlangan pa ito nang magsalita. "Uhm... Libre ka ba sa Saturday?"