Your Handsome Girl [Handsomel...

Por sincerelyjeffsy

34.8K 7.7K 255

The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 2 Si Cyril Dagohoy, also known as Cara Dubleda, ay isa sa pinakasikat, in... Mais

Foreword
Prologue
Chapter 1: The Handsome Beginning
Chapter 2: The Fashion Show
Chapter 3: A Twin's Request
Chapter 4: Gay
Chapter 5: Photoshoot
Chapter 6: Autograph
Chapter 7: Softsand Resort
Chapter 8: Pink Coral Island
Chapter 9: Rescuing Cyril
Chapter 10: Jealousy
Chapter 11: Friendly Date
Chapter 12: Nightclub
Chapter 13: Kissing Picture
Chapter 14: Press Conference
Chapter 15: The Truth
Chapter 17: Vacation
Chapter 18: Meet The Mother
Chapter 19: Cool-Off
Chapter 20: The Past
Epilogue: The Airport Scene
Bonus Chapter: One Year Later...

Chapter 16: An Unexpected Turn

1K 287 3
Por sincerelyjeffsy

DAY 25

KASALUKUYANG MASINSINANG nag-uusap sina Dave at Yvonne sa living room ng Young residence. Kasama ni Dave si Cyril papunta roon. Kaso, hindi na ito pumasok sa loob at nagpaiwan na lang ito sa kotse. Hindi naman na siya kumontra pa sa pasya nito dahil sa palagay niya ay mas makakabuti nga iyon para sa kanilang lahat.

"Pinaimbestigahan ni Clyde kung sino ang nagpakalat ng video," ani Dave kay Yvonne. "And it all comes back to you. Tell me. Bakit mo ginawa 'yon?"

Bumuntong-hininga ng napakalalim si Yvonne. "I was angry at you," nakayukong sagot nito. "Nang iniwan kita sa parking lot ng mall matapos nating mag-away, 'di talaga 'ko umuwi no'n. Pinarada ko muna ang sasakyan ko sa sidewalk para mahimasmasan ako dahil baka maaksidente lang ako 'pag nag-drive ako nang mainit ang ulo. Then, several minutes later, I saw you went out of the mall, too. I became curious kung sa'n ka pa pupunta't bakit 'di mo dala ang kotse mo kaya sinundan kita hanggang sa makarating ka sa isang nightclub. Naisip kong baka maglasing ka ro'n. 'Di ko alam kung pababayaan na lang kita o susunduin ka sa loob dahil nag-aalala 'kong baka 'pag nalasing ka'y mapahamak ka. I chose the latter kaya sinundan kita sa loob. I searched for you and found you with Cyril which I thought was Cyrus at that time. I also saw when you dragged her outside of the establishment. I knew that something's wrong between you two kaya sinundan ko kayo ulit palabas. There, I saw how you passionately kissed her. I was ready to forgive you that time kahit alam kong ginamit mo lang ako. Kaso, ang 'di ko matanggap na ang tinutukoy mong taong 'di maalis sa puso't isip mo kahit anong gawin mo para mawala ang nararamdaman mo para sa kan'ya'y si Cyrus pala. Naisip kong pinag-eksperimentuhan mo lang ako para malaman kung anong totoong kasarian mo. I was furiously mad at you that time kaya naisip kong gantihan ka without knowing that Cyrus was actually Cyril. I took a picture of you two while kissing each other and immediately sent it to the media right after. Then, I left."

"I'll be a hypocrite kung sasabihin ko sa 'yong 'di ako nagalit sa ginawa mo," wika ni Dave dito matapos ikuwento ni Yvonne sa kaniya ang katotohanang kagabi niya pa nalaman mula sa pagtawag ni Lea kay Cyril. "Pero, 'di kita masisisi kasi alam kong kasalanan ko rin naman dahil pinaasa kita."

"Nang mga panahong 'yon," wika nito. "Para sa 'kin ay kulang pa ang ginawa ko para makaganti sa 'yo. Kaso, sa halip na sumaya 'ko dahil sa ginawa ko'y parang mas bumigat lang ang kalooban ko. Pero, ngayong malinaw na sa 'ting dalawa ang lahat ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko."

"So, can we be friends again?" tanong niya rito habang nakalahad ang kamay. Pero, sa halip na tanggapin nito ang pakikipagkamay niya ay tinitigan lang nito iyon.

"Soon, Dave," sagot nito. "'Pag nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa 'yo. 'Pag 'di na masakit sa tuwing naaalala ko ang ginawa mo sa 'kin. When I can say that I completely moved-on from you. Pero, 'wag kang mag-alala dahil napatawad na naman kita."

"Me, too," aniya rito. "So, kailan ka babalik sa dormitory n'yo?" he asked her to change the topic.

"I won't be going back there anymore, Dave," she replied after sipping her glass of cold cucumber juice. "Siguro, 'pag kinuha ko na lang ang mga gamit ko."

"What?!" 'di makapaniwalang bulalas niya. "If this has something to do with what happened, don't do it. Ako na lang ang aalis kung ayaw mong magkaroon ng kahit anong klaseng kaugnayan sa 'kin. Tutal, gusto na rin naman ng Mamá kong pagtuunan ko naman ng pansin ang negosyo namin."

"Parehas pala tayo ng dahilan kung bakit natin iiwan ang E.O.S. Entertainment – our mothers," natatawang sabi nito sa kaniya.

"Bakit mo nasabi 'yan?" usisa ni Dave dito.

"I'll be going to New York because my mom wants me to study fashion design there," tugon nito sa kaniya. "And when I come back here, tuturuan n'ya raw akong i-manage ang clothing line namin."

"Alam na ba ni Clyde ang tungkol sa balak mo?" tanong niyang muli rito.

"Yup," sagot naman nito sa kaniya. "I just told him this morning at naiintindihan naman daw n'ya ang desisyon ko. I also apologized to him about what I've done and he told me that he already forgave me."

"But, what about M.A.J.Y.X.?" he asked her again.

"They already knew," she answered. "Actually, we're going to have a despedida party one of these days. How 'bout you? Alam na ba ni Clyde at ng mga kagrupo mo ang tungkol sa plano mong pag-alis sa C.U.P.I.D.?"

"Not yet," sagot naman niya rito. "But, I'm going to inform them soon. Alam kong maiintindihan naman nila 'ko, lalo na si Clyde, because like him, I'm going to leave the industry as heirs to our own family businesses."

"Sabagay," nakakaunawang wika naman nito. "So, I guess this is goodbye?"

"I don't think so," kontra naman niya rito. "For me, this is 'see you around' and 'goodluck'."

"Yeah, right." Pagkatapos ay pilit itong ngumiti. "Is Cyril with you?"

"Yes," he replied. "Why?"

"Please, tell her that I'm sorry," sinserong pakiusap nito sa kaniya. "For everything."

"Makakarating," he assured her. Then, he stood up from his seat at nagpaalam na para umalis.

💘💘💘

HINDI MAPAKALI si Cyril sa passenger's seat. Nagtataka siya kung bakit napakatagal ni Dave sa loob ng Young residence. Parang pinagsisisihan niya tuloy ang desisyon niyang magpa-iwan dito sa labas. Kung anu-ano na tuloy ang tumatakbo sa isip niya. Tulad ng baka inakit na naman ni Yvonne si Dave at may nangyayari na sa mga ito ngayon.

No! she contradicted her own thoughts. May tiwala 'ko kay Dave.

She fished her mobile phone out of her pocket para tingnan ang picture nila kagabi ng buong C.U.P.I.D. which was her cellphone's wallpaper right now. She can't help but smile. It was her favorite picture as of now. Kuha iyon kagabi matapos niyang ipagtapat kina Prince at Izzy ang ginawa niyang pagpapanggap bilang si Cyrus.

"I'm sorry, guys," sinserong paumanhin niya kina Prince at Izzy. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya. Both were poker-faced. "'Di ko gustong lokohin kayo. Patawad."

"Cool!" manghang usal ni Prince matapos niyang ipagtapat sa mga ito ang totoo niyang pagkatao. "I thought that this only happens in K-dramas."

"Oo nga," sang-ayon ni Izzy dito. "'Di ako makapaniwalang pwede palang mangyari'yon sa totoong buhay. Pero, saglit lang. Baka pina-prank n'yo lang kami ni Prince, ah!"

"No, Izzy," paglilinaw niya rito. "Totoo ang lahat ng sinabi ko sa 'nyo."

Sandaling tumahimik sina Prince at Izzy. Parang malalim ang iniisip. Hinayaan niya lang ang dalawang ito hanggang sa siya na ang nagpasyang basagin iyon.

"G-galit ba kayo sa 'kin?" nababahalang usisa niya sa mga ito.

"Of course, not," tugon ni Prince sa kaniya.

"'Di na kasi kayo kumikibo kaya 'kala ko galit kayo sa 'kin," wika niya sa mga ito.

"Hindi," ani Izzy. "Nagtataka kasi 'ko kanina kung pa'no kayo nagkamabutihan ni Dave dahil 'di naman namin alam na nagde-date kayong dalawa. Ang alam ko nga'y si Yvonne ang nililigawan n'ya."

"Yeah," sang-ayon ni Prince kay Izzy. "I thought of that, too. But, now we know that you're always with each other. You're even roommates in this dormitory!"

"Oh, sige na," awat ni Dave sa mga ito. "Hanggang bukas na lang ng hapon si Cyril dito. Pagkatapos ay darating na rito si Cyrus. Kaya sa halip na ubusin n'yo ang natitirang oras n'ya rito kaka-interview sa kan'ya, why don't we just spend quality time with her before she goes? Any suggestions?"

"Let's go bar hopping!" excited na sagot ni Prince.

"I don't think papayag si Clyde or Lea r'yan," kontra naman ni Dave dito.

"Eh, ano? Dito na lang tayo sa dormitory mag-inuman?" suggestion naman ni Izzy sa kanila.

"I... I don't feel like drinking tonight," nag-aalangang pahayag naman ni Cyril sa kanila. It's not that she doesn't trust being drunk around these guys. Naisip lang niyang kung nais niyang maging memorable ang natitirang oras nilang magkakasama, ang gusto niya ay sober siya. Plus, she hated waking up with hangover in the morning.

"Ako rin, mga 'tol," salo sa kaniya ni Uriah. "Bakit 'di na lang kaya tayo um-order ng picha at mag-slammer party dito?"

"Wait. Did you just say picha?" taas-kilay na tanong ni Prince kay Uriah.

"Saka slammer party?" usisa rin ni Izzy dito.

"Oo," kumpirma naman ni Uriah sa mga ito. "Bakit? Ayaw n'yo ba ng picha at slammer party?"

Pagkatapos ay bumunghalit na silang lahat ng tawa. Maging siya ay hindi na napigilan ang paghalakhak kahit ayaw niyang ma-offend si Uriah.

"Hoy! Bakit pinagtatawanan n'yo 'kong lahat?" tanong ni Uriah sa kanila.

"Laughtrip ka kasi, 'tol!" natatawang komento ni Izzy dito. "'Di kaya lasog-lasog na ang katawan namin no'n pagkatapos ng slammer party mo?!"

"Yeah," Prince laughingly agreed. "But, I have a question. Where can we buy your picha, then?"

"Eh, 'di sa Picha Hut!" sagot naman ni Dave na mas lalo nilang kinatuwa.

"Sabi ko na nga ba," ani Uriah habang kinakamot ang likuran ng ulo. "Kaya ayokong nagi-English, eh. Inaasar n'yo lang ako 'pag nagkakamali ako." Pagkatapos ay nakisali na rin ito sa tawanan. Kulang na lang ay magpagulung-gulong silang lahat sa sahig dahil sa sobrang kaligayahan.

This is definitely one of the things that she's going to miss with this group – iyong mga biruan at tawanan nilang magkakasama.

Isang katok sa bintana ng passenger's seat ang pumukaw ng atensiyon niya. Nang makita niyang si Dave pala iyon ay pinagbuksan niya kaagad ito ng pinto.

Napatingin si Dave sa cellphone niya. Nakita nito ang groupie picture nila kagabi kasama ang iba pang miyembro ng C.U.P.I.D.

"Miss them already?" tanong ni Dave sa kaniya nang makapasok na ito sa loob ng kotse.

"Yup," sagot niya rito. "By the way, kumusta ang pakikipag-usap mo kay Yvonne? Nasabi mo ba sa kan'ya lahat ng dapat mong sabihin? Did she accept your apology?"

"Yes," unang tugon ni Dave sa sunud-sunod niyang mga tanong dito habang minamaniobra nito ang sasakyan nila mula sa pagkakaparada sa gilid ng kalsada. Gusto niya kasing makasigurado kung nasabi ba nito ang dialogues na prinactice nila kagabi right after nilang malamang si Yvonne ang nagpakalat ng kissing video nila sa media. Pagkatapos nilang ma-master ang sasabihin kay Yvonne ay siya naman dumating noon sina Uriah, Prince at Izzy sa dormitory.

"The conversation went well," pagpapatuloy nito habang papalabas na sila ng subdivision na kinaroroonan ng Young residence. "Napatawad na raw n'ya 'ko. Gayundin naman ako, sabi ko sa kan'ya. Actually, may message nga s'ya for you."

"Ano raw 'yon?" nagtatakang usisa niya rito.

"Sorry daw," tugon ni Dave sa kaniya. "Sa lahat."

Kahit indirect ang apology ni Yvonne sa kaniya ay naramdaman niya pa rin ang sinseridad nito. Parang gusto niya tuloy itong balikan at sabihin sa personal na napatawad na niya ito.

"Please, tell her that I've already forgiven her," pakiusap niya kay Dave.

"Sure," pagpayag naman nito.

Nasa highway na sila nang mapansin niyang iba ang direksiyong tinahak ni Dave. Tumuluy-tuloy ito sa kinaroroonan nilang lane imbis na mag-U-turn.

"I think we're in the wrong way," puna niya rito. "Sa kabilang kalsada ang pauwi sa bahay namin."

Lahat ng gamit niya ay nasa compartment na ng kotse ni Dave dahil dumating na si Cyrus sa C.U.P.I.D.'s dormitory kaninang hapon at ihahatid na sana siya ni Dave pauwi kaso dumaan nga muna sila sa Young residence para kausapin ni Dave si Yvonne. Ngayon ay gabi na at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng lalakeng ito.

"Sinong nagsabi sa 'yong sa 'nyo ka uuwi ngayon?" tanong ni Dave sa kaniya.

"Sa'n ba tayo pupunta?" kunot-noong tanong niya rito. "Hinihintay na 'ko ni Tita Lea sa 'min."

"'Di 'yon," kontra naman nito. "Pinagpaalam na kita sa kan'ya kanina na mawawala ka ng limang araw kasama ko't pumayag naman s'ya."

"Limang araw?!" nagtatakang pag-uulit niya rito. "Sa'n ba tayo pupunta kasi?"

"Gusto mo pa bang i-tour kita sa luxury island resort namin?" nakangising ganting-tanong nito sa kaniya.

Author's Note:

Sorry I uploaded it just now.

Please, read, vote, comment and share. Thanks! 😊 😊 😊

Published last January 4, 2020.

Continuar a ler

Também vai Gostar

18.1K 622 53
I'm a nobody, he is a jerk. When the sunlight touches you, the very of you became the center of attention because it highlights your very own charm...
4.5K 173 35
Drianna and her magic diary Drianna is a daughter of a famous politician but not your modern normal teenage girl, she doesn't dressed up too much an...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
80.2K 3K 100
[Highest Rank: #15 in Humor] How do you define HIPON? Tapon ulo, katawan only. Yung least sa pinaka pansinin sa school kasi nakakasura ang pagmumukh...