The Man in My Dreams [COMPLE...

By riyanejoy

17.9K 623 433

Paano kung ang isang panaginip ay naging totoo? Kagaya nalang ni Regina na nagkaroon ng isang pambihirang pa... More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Author's Note

Chapter 22

579 18 10
By riyanejoy

Regine's POV

"Reg, salamat sa pagkakaibigan. Hinding hindi ko makakalimutan ang kabutihang ginawa niyo para saakin." sabi saakin ni Kristine at yumakap.

"Parang tanga, Tin? Mamamatay ka na ba at nagpapaalam ka ng ganiyan? Ang lapit lapit lang ng bahay niyo sa bahay namin. You can go there anytime you want." sagot ko sa kaniya.

"Back to reality na kasi tayo, Reg. HAHAHA. Back to work nanaman tayo. Pero naiisip ko, paano kaya kung nandoon pa din si Carl? Paano kaya kung guluhin niya ako ulit? Bibigyan ko pa ba siya ng another chance?" tanong niya.

"Kristine, 2 chances are enough. Tama na. Bigyan mo naman yung sarili mo ng kalayaan mula sa kaniya. Ikaw na ang nagsabi na limang taon ang sinayang mo sa buhay mo para sa kaniya. Tama na, tigil na. Matuto kang huminto kung sobra na. Minsan kasi, kahit nasasaktan na tayo ipinagpapatuloy pa din natin. Tin, hindi na tama yung pagbibigay mo ng anim na pagkakataon para sa taong paulit-ulit kang sinasaktan." sabi ko sa kaniya.

"Mahal ko pa siya." sabi niya. Tinignan ko siya ng deretso sa mata at nagsalita.

"Normal lang yun. Ang tapang tapang mo nung nasa Tagaytay tayo sabi mo pa nga mahal mo siya pero hindi mo na siya kailangan, diba? Ang sabi mo pa nga, hindi mo na siya babalikan dahil sa mga ginawa niya sa'yo." sagot ko sa kaniya.

"Sorry. Babae ako, marupok." sabi niya at sabay kaming tumawa.

"Wala ka ba talagang kasama dito sa bahay niyo?" tanong ko.

"Nasa school yung pamangkin ko tapos yung kapatid ko naman nasa trabaho. Nagpunta kami ni Carl sa Tagaytay para kahit papaano mawala yung stress namin sa trabaho. Pero dahil sa ginawa niya, parang mas lalo akong na-stress." biro niya.

"Parehas ba kayo ng trabaho?" tanong ko.

"Hindi. Teacher ako pero hindi ako nagtuturo sa mga school. Teacher ako sa mga nag hohome studies. Next year pa ako makakapagturo sa school yung regular teaching. Tapos siya manager siya ng isang hotel dito sa Manila. Madalas kaming mag-away dahil sa ugali niya. Napaka immature niya. Isip bata. Gusto niya palaging magkausap kami. Pero, teacher ako. Hindi ko kayang lagi siyang tinatawagan o tinetext. Ang mga teachers kasi, hindi lang teacher. Kapag nasa school na sila, sila yung tumatayong nanay, nurse, kaibigan ng mga anak natin. At higit sa lahat, kailangan nila maging artista." sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Artista? Bakit?" tanong ko.

"Kasi, kung may problema ka sa personal na buhay mo, hindi mo puwedeng dalhin yun sa trabaho. Makikipagtawanan ka pa din sa mga estudyante mo kahit sa loob loob mo, durog na durog ka na." sagot niya. Tumingin siya sa bintana at ngumiti.

"Pero alam mo, kahit ganun yun si Carl? Kasundo niya yung pamangkin ko sa lahat ng bagay. Gamit, pagkain. Kapag magkakasama nga kami, para kaming isang pamilya." kuwento niya.

"Akyat tayo sa kuwarto ko. May ipapakita ako sa'yo." sabi niya. Tumayo kaming dalawa at sabay na umakyat sa taas.

Pumasok kami sa kuwarto niya at naupo ako sa kama. Siya naman, nagpunta sa isang cabinet at binuksan iyon. May kinuha siyang kahon doon at nilapag iyon sa sahig. Naupo siya sa sahig at binuksan ang kahon.

"Ito yung unang regalo na binigay niya saakin. Ito yung kauna-unahang regalo na binigay niya, at hindi ko akalain na ito na din pala ang huli."

Mapait siyang ngumiti at itinago ulit ang kahon kung saan niya ito kinuha. Kinuha niya ang cellphone niya sa tabi ko at nanlaki ang mata niya sa nakita niya.

"We need to go, Reg. May nangyaring hindi maganda kay Ogie. Kailangan nating pumunta sa lugar kung nasaan sila ngayon." sabi niya at nagmadaling kinuha ang bag niya. Hindi na siya nag-abalang mag-ayos dahil sa pagmamadali.

Hinila niya ako pababa at walang ano-ano'y pumasok kami sa sasakyan ko at nagmadaling magmaneho.

"Did I lock the door?" tanong niya sa sarili dahilan upang matawa ako kahit pa alam kong may nangyaring hindi maganda sa taong mahal ko.

"Oh yeah. I did. Reg, hindi na kailangang magmali. We're almost here naman na. Iliko mo sa right then, takbo ka na sa loob. Someone will assist you naman. Ako na bahala magpark ng sasakyan mo. Trust my driving skills." biro niya at mahinhing tumawa.

Bukod sa pagiging matatag ni Kristine, humanga din ako sa taglay nitong bait at ganda. Ewan ko, hindi naman ako usually nakikipagkaibigan sa mga nakilala ko lang somewhere pero iba si Kristine, I can feel her sincerity in our friendship.

"We're here. Sige na, go. Ako na ang bahala dito sa sasakyan mo." sabi niya at kumindat pa.

"Hindi ko alam saan ako pupunta." sabi ko nang may nag-aalangang ekspresyon sa aking mukha.

"Go. You can do it! Someone will assist you--oh. You look so familiar, did we meet before?" tanong niya sa lalaking mag-aassist kuno saakin.

"Maybe in our dreams?" nakangiting tugon ng lalaki sa kaniya.

"I'm still here." putol ko sa lumalalim na titigan ng dalawa.

"Sorry, Reg. I'll see you later!" sabi niya at ngumiti. Inalalayan naman ako ng lalaki pababa at tumakbo na kami ng sabay papunta sa loob. Habang papalapit kami ay hindi ko maiwasan ang kabahan dahil sa maaaring nangyari kay Ogie. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala na din saakin.

Nang nasa loob na kami ay hindi ko maiwasang mangatog ng tuhod ko at kabahan.

Ang dilim.

Naramdaman ko din na umalis na sa likod ko ang lalaking kanina lang ay kasama ko sa pagtakbo.

Pumatay bukas ang ilaw dahilan upang mapatalon ako sa gulat.

I met you in the dark, you lit me up.
You made me feel at though, I was enough.
We danced the night away, we drank too much.
I held your hair back then, you were throwin' up.

A big projector in front of me lights up. There, I saw our pictures together, since our childhood days until now. Nothing has changed. The way he looks at me, the way he makes me laugh, and the way he makes me feel important.

Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest.
And you asked me to stay over
I said, I already told you
I think that you should get some rest.

"O-ogie.." tanging nasambit ko sa kaniya habang nakangiti siyang inaawitan ako.

"Patapusin mo muna siya kumanta. Panira ka talaga. May sasabihin pa 'yan. Saya ng prinactice kung sisingitan mo lang." sabi saakin ni Kuya Martin dahilan para tumahimik ako at makinig sa kaniya.

"Now, sorry if I can't finish the song. I-im just amaze by your beauty that I can't wait to tell this words to you." sabi niya at unti-unting lumapit saakin habang hawak ang mikropono niya.

Anong pasabog nanaman ba ang gagawin nito? Matapos akong pakabahin kanina..

"Alam mo, nakakainis ka." sambit ko sa kaniya dahilan para matawa ang mga tao sa paligid namin. Ngayon ko lang napansin na nasa isang gilid ang mga kaibigan at kapatid namin na nakangiting pinagmamasdan kami.

"Shh. Let me tell you this words first." sabi niya at lumayo ng bahagya saakin.

"From the very start, I know that you will be the woman I'll love. Dahil sa taglay mong ganda at bait napahanga mo na ako kaagad. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo saakin at baliw na baliw ako sa'yo." Naramdaman ko ang init ng pisngi ko at ang pag-init ng mata ko dahil sa mga sinabi niya.

"Pangako, iiyak ka ulit, hindi dahil sa sakit. Kung hindi, dahil sa saya. Regina Encarnacion Quintero, my Queen, my Love, my Everything. Can you be mine? Again?" tanong niya saakin. Umiyak ako ng umiyak dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ang alam ko lang, masaya ako.

"Herminio Jose Gutierrez, my Hero, my Knight, my Soldier, my Love and The Man in my Dreams, I-im saying yes to you. I'm yours, again, and forever." nakangiting tugon ko at dali-daling lumapit sa kaniya upang yakapin at halikan siya.

"I love you." bulong niya.

"I love you, too." sagot ko at hinalikan siya ulit.

--

"HAHAHA. Magsaya lang kayo, Regine. Hindi magtatagal ang lahat ng 'yan. Luha at dugo ang magiging kapalit nang lahat ng kasiyahan niyong 'yan. But for now, I'll let you do what you want.. Say Goodbye, happiness..." Iiling-iling niyang tinitigan ang magkakaibigan na masaya at nagtatawanan bago tuluyang umalis.

He's really back. He is back with vengeance...

Continue Reading

You'll Also Like

79.5K 1.4K 10
A typical high school teen-ager girl who admire one of her classmate secretly. This is not just a romance short story. This work is not your typical...
106K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
36.6K 686 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
74.3K 3.3K 48
The girl was Crazy inlove with his classmate, lagi nya itong sinusundan kung saan 'man ito pumunta. minsan na rin syang sinaktan ng minamahal niya ng...