Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

259K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED ยฉ 2019
1. Brielle
2. Lagring
3. Attempts
4. Fair
5. Argument
6. Casualty
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
12. Pagbabalik
13. Unang Tampuhan
14. Mario
15. Overprotective "kuya"
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susรด
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
42. Tinik sa Daan
43. Ang Duwelo
44. Ang Debate
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

7. "That will Never Ever Ever Happen"

5.3K 254 23
By angDiyosaNgBuwan

NASA hardin si Lorraine at parang wala sa sariling nag-t-trim ng halaman. Hindi rin niya alam sa sarili kung bakit siya nagkakaganoon.

" 'Oy, Lagring!"

Pakiramdam ni Lorraine ay humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan nang dahil sa pagka-gitla. Nasira tuloy ang pinapantay niyang halaman.

"Ay p—" napamura tuloy siya.

Bigla ba namang sumulpot si Brie sa tapat niya. Nasa labas ito at nakahawak ang kamay sa bakod.

"Gusto mo bang atakihin ako sa puso?" Galit na pinandilatan niya ito.

"Bakit, may sakit ka ba sa puso?" Tanong naman nito.

"Wala!" Singhal niya dito, "pero dahil sa'yo baka biglang magkaro'n!"

Napahilot sa tenga si Brie. Ang lakas kasi ng pagkakasigaw niya. "High-blood ka talagang masyado, Lagring," anito.

Lalong nainis si Lorraine. Hayon na naman ang kinaiinisan niyang bansag nito sa kanya. Para tuloy gusto niya itong batuhin ng hawak na gunting.

"At hindi ko alam na nagmumura ka din pala," patuloy pa nito, "congratulations, you're still a human being!" Parang natutuwa pang turan.

"Sira-ulo!" Tuluyan nang naibato ni Lorraine dito ang gunting. Mabuti na lang at hindi ang dulo ang tumama sa balikat nito. Mahina lang naman ang pagkakabato niya at maliit lang din ang gunting. "Lumayas ka nga sa harapan ko!"

Pinulot ni Brie ang gunting. "Aray ha... Ang sadista mo din," komento nito. "Ganyan ba ang mga religious na tao?"

"Kung may kampon ba naman ni Satanas na laging nambu-buwisit sa'yo, tutubuan ka rin ng sungay! Kaya lumayas ka. Layas!" Ang walis naman ang nadampot niya at inihampas dito.

"O-Oy!"

Tinamaan niya ito sa balikat. Napalayo naman ito mula sa bakod dahil sa pag-iwas.

"Grabe ka talaga... Puwede na kitang ireklamo ng physical injury niyan," ani Brie na lumayo na mula sa bakod.

"Physical injury mo 'yang mukha mo!" Sigaw naman ni Lorraine. Tuluyan na siyang nawala sa mood. Yamot na tinanggal ang gloves sa kamay at tinungo na ang pinto para pumasok.

" 'Oy, Lagring! May sasabihin ako sa 'yo!" Pasigaw na habol ni Brie.

"Wala akong pakialam! Maghanap ka ng kausap mo!" Ganting-sigaw ni Lorraine at binalibag na niyang pasara ang pinto.

NAPATITIG si Brie sa tarangkahan ng bahay ni Lagring. Bumalik ulit siya kinahapunan.

Badtrip pa kaya siya? Naitanong niya sa sarili.

Sa kanyang kamay ay may nakapatong na maliit na kahon ng cake. Peace-offering niya.

She released a small sigh. Pinindot niya ng dalawang beses ang doorbell.

'Ayan... Nag-doorbell na 'ko para wala siyang masabi.

Inihanda na niya ang pinakamatamis na ngiting kaya niyang ibigay bago bumukas ang pintuan.

Mukhang alam na ni Lorraine na siya ang nasa labas dahil sa ekspresyon ng mukha nito — madilim ang anyo, at nakahalukipkip ang mga kamay.

"Hi... May dala nga pala akong dessert..." Aniyang napakurap-kurap. Para siyang tinatablan ng matatalim nitong tingin.

Hindi ito tumugon ngunit naglakad nang palapit sa gate. Sinipat ang hawak niyang kahon. "Anong flavor niyan?" Tanong nitong nakahalukipkip pa rin. Taas ang noo.

"Er— black forest. Wala pang bawas 'to."

"Mabuti naman, dahil hindi ako tumatanggap ng tira-tira," mataray na saad nito. "Akin na nga..." Anitong inilahad na ang kamay.

Bahagyang iniurong ni Brie ang kamay. "Sandali... Papasukin mo muna 'ko, siyempre. Makikisabay rin ako. Hindi pa 'ko nag-d-dessert."

"Nagbigay ka pa kung makikihati ka rin lang naman."

" 'Di ba nga sabi nila, sharing is caring. Saka, peace-offering 'to eh. Kaya kung tatanggapin mo, dapat papasukin mo na 'ko diyan," pagdadahilan ni Brie.

"Ano 'to blackmail?" Anitong muling napahalukipkip.

"Ipinaglalaban ko lang ang tama," pagrarason ni Brie.

"Sana nag-abogado ka na lang sa galing mong mag-rason." Inalis na nito sa pagkaka-lock ang gate. "Pasalamat ka at humupa na ang galit ko sa 'yo."

"Ang sabihin mo, matakaw ka lang...." Wika naman ni Brie na nangingiti.

Biglang itinigil ni Lorraine ang pagbubukas ng gate at tinaliman siya ng tingin. "Nagbago na pala'ng isip ko."

"U-Uy, sandali... Sandali lang naman... Ikaw talaga, 'di ka na mabiro," malumanay niyang wika dito.

Asar na tuluyan na nitong binuksan ang gate. "Umayos ka, ha. Kundi, sisipain kitang palabas," banta nito.

Itinaas ni Brie ang kanang-kamay at nag-krus pa sa dibdib. "Opo, ma'am. Promise."

Inismiran siya nito. "Umupo ka muna diyan. Kukuha muna ako ng mga platito't tinidor," medyo impolite nitong sabi.

May mesa at dalawang pahabang upuan na naroon sa hardin. Ipinatong na ni Brie ang dala roon at sinundan ng tingin si Lorraine na pumasok muli sa bahay.

Tatlong-minuto ang lumipas ay lumabas na itong may dalang dalawang pares ng platito at tinidor. May cutting knife din at tubig na pawang mga nakasilid sa tray.

Ito na rin ang nag-slice ng cake at naglagay sa dalawang platito.

"Matanong ko lang... Wala ka bang trabaho? Parang hindi kita nakikitang umaalis," si Brie matapos sumubo ng maliit na portion ng cake.

"Hinihintay ko lang na maaprubahan ang recommendation ko diyan sa malapit na private school."

Biglang napaangat ng mga mata dito si Brie. "Teacher ka?" Maang niyang tanong.

"Oo. Pre-school."

"Hindi nga?" Bakas ang pagkamangha sa boses ni Brie, "sa pagkamainitin ng ulo mo na 'yan, magtuturo ka sa makukulit na bata?"

Ibinaba ni Lorraine ang tinidor at hinarap siya. "FYI lang, sa 'yo lang umiinit ang ulo ko. At may dalawang taon na rin akong experience sa pagtuturo," anito at bumalik muli sa pagsubo ng cake.

"Amazing.... Earth," amused na turan ni Brie.

"Sira. Bakit, nakakagulat ba 'yon?"

"Oo. Nakakagulat talaga. To the highest level. Maniniwala pa 'ko kung sasabihin mong barker ka ng jeep."

Natampal siya sa braso ni Lorraine. "Mukha ba 'kong barker ng jeep?? Kung batukan kaya kita? Nagsisimula ka na naman, ha," asar nitong saad.

Bahagyang natawa si Brie. "Lagi ka kasing hot. Puwede bang paminsan-minsan, mag-cool-down ka din?"

Iwinagayway ni Lorraine ang tinidor na hawak. "Alam mo... Hindi ko nga alam eh... Pero lagi akong naiinis sa 'yo. Iyon bang kapag nakikita kita, parang gusto na kitang batuhin ng tsinelas. Siguro sa past life natin, mortal enemy kita."

"Grabe siya... Hindi naman kaya in-love ka na sa 'kin? Pinagtatakpan mo lang."

"Hoy..." Dinuro siya ng tinidor ni Lorraine, "that will never, ever, ever, happen. Tandaan mo 'yan," kumpiyansa nitong wika at sumubo ulit.

" 'Oy... Masamang magsalita ng tapos. Baka kainin mo 'yan," tudyo niya rito.

"Bakit parang nag-a-assume ka? May gusto ka na sa 'kin, 'no?"

"Hoy..." Ginaya ni Brie ang porma at pagsasalita ni Lorraine kanina, "that will never, ever, ever, happen. Tandaan mo 'yan."

Nagkatawanan sila.

"Whoa!" Si Brie na parang amaze na amaze, "napatawa kita! Napatawa na din kita sa wakas. Yes!" Aniyang napatayo pa at napasuntok pa ng kamay sa hangin.

Biglang naging blangko muli ang mukha ni Lorraine. "Ang OA mo lang, 'no."

Naupo nang muli si Brie. "Pa'no parang alien na alien ang ngiti sa mukha mo," aniya. "Pero hindi nga... Sigurado ka bang hindi ka mahuhulog sa kagandahan ko?" Panunukso pa niya dito.

Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Ikaw ba, sigurado ka bang hindi ka mahuhulog sa alindog ko?" Hamon nito.

"Wow..." Medyo napapatawang turan ni Brie, "alindog talaga, ha? Sa'n banda?"

"Sus. Nag-d-deny ka pa. Eh, halos tumulo kaya ang laway mo nang una mo 'kong makita."

"Hoy... Sinong tumulo ang laway, ha? Bakit nakita mo ba? Nakatalikod ka kaya."

"Kita mo na. Kahit nakatalikod ako, nararamdaman ko 'yang manyak mong mga mata."

"Mukhang nag-enjoy ka naman yatang manyakin ko. Gusto mo ba?"

"Neknek mo!"




Continue Reading

You'll Also Like

338K 6.1K 105
kwento Ng dalawang babae na nalunod sa katawan Ng isat Isa. kwento na Kung saan ay ang salitang "Mahal Kita" ay walang kasiguraduhan at pawang tawag...
325K 10K 61
Love isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen ๐Ÿ˜‚. You can call me Panini. Pero Gwen na l...
259K 8K 47
๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—จ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎโ™ก โœซ April 17,2019โœฐ โ˜… June 21...