Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

260K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
1. Brielle
2. Lagring
3. Attempts
5. Argument
6. Casualty
7. "That will Never Ever Ever Happen"
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
12. Pagbabalik
13. Unang Tampuhan
14. Mario
15. Overprotective "kuya"
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susô
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
42. Tinik sa Daan
43. Ang Duwelo
44. Ang Debate
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

4. Fair

6.4K 270 21
By angDiyosaNgBuwan

NAPAPAHID ng daliri sa ilong si Brie. "Para sabihin ko sa 'yo... Desirable ako sa maraming tao," pagbubuhat niya ng sariling bangko, "ikaw nga lang itong laging nagtataboy sa 'kin. Malinis naman ako, ah. Mabango. Kahit amuyin mo pa. Wala din akong nakakahawang sakit, kaya hindi mo 'ko kailangang layuan."

Napaismid naman si Lorraine sa sinabi niya.
"Well... Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako kabilang sa mga taong sinasabi mo. At talaga nga bang wala kang nakahahawang sakit?" Anitong tila may nais ipakahulugan.

"Kung gusto mo samahan mo pa 'ko sa doktor ngayon. Papatingin ako," sagot naman niya rito. Hindi na muna pinansin ang pahaging nito. It's not the time yet.

"Sa tingin ko ay hindi doktor ang kailangan mo," sabi pa nito.

"Eh, ano naman?" Pinigil ni Brie na tuluyang mainis dito. Siya naman ang napahalukipkip.

Umirap lang si Lagring. "Wala," anitong ayaw na rin sigurong maka-offend pa at ibinaba na muli ang walis. "Tumabi ka nga riyan. Pahara-hara ka, nagwawalis ako."

Hindi tuminag sa pagkakatayo si Brie kaya't sinamaan siya nito ng tingin.

"Isa—"

"Ayaw," parang batang pagmamatigas niya, "sumama ka muna sa 'kin. Pagkatapos, pangako, tatantanan na kita."

"Hindi ka rin talaga makulit, ano?" sarkastikang wika nito, "hindi ka ba talaga marunong tumanggap ng 'hindi'?"

"Hindi."

Asar na napaangil si Lorraine sa kanya. "Hahambalusin kita nitong walis, makikita mo," pagbabanta nitong nakataas na ang kamay na may hawak na walis.

"Ba't ba ang sungit-sungit mo? Para kang laging may dalaw," ani Brie. Hindi nasindak sa walis ni Lagring.

"Pakialam mo! Sa gusto kong magsungit. Umalis ka na nga riyan! Magpunta ka sa fair nang mag-isa mo. O kaya maghanap ka ng ibang taong makakaladkad papunta roon," pagtataboy pa ni Lorraine. Nangingitngit na nagpatuloy nang muli sa pagwawalis.

Hinarangan ni Brie ang winawalisan nito.

Umunat muli si Lorraine na tila nauubusan na ng pasensya. Pakiramdam ni Brie ay handa na siya nitong bugahan ng apoy sa mga oras na 'yon.

"Sige na... Last na 'tong pangungulit ko, promise. Sumama ka lang ngayon sa 'kin," hindi pa rin sumusukong pangungulit ni Brie.

Binigyan siya nito ng nanunukat na tingin.

Lihim na napangiti si Brie. Umaasang bibigay na din ito sa wakas.

"Pagkatapos nito tatantanan mo na 'ko?" ang tanong.

Hm... Not exactly, sa isip-isip ni Brie ngunit hindi isinatinig iyon. Sa halip ay tumango dito. "Oo." Maybe she could bribe Lorraine just this one.

"Usapang-matino?" Paninigurado nito.

"Oo naman," agad na sagot niya.

Lorraine released a defeated sigh. "Fine. Pagbibigyan kita ngayon —"

Ngiting tagumpay si Brie.

" — pero ngayon lang. Pagkatapos nito ay wala nang susunod, okay? Tantanan mo na ang pangungulit sa 'kin dahil naririndi na 'ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" nakapamaywang pa itong nagsalita para ipahayag ang punto.

"Aye, aye, captain," nangingiting saludo pa niya rito. Hah, success!

ALA-SIYETE ang naging usapan nina Brie at Lorraine na umalis.

Six-thirty pa lang ay bihis na si Brie. Daig pa niya ang pupunta sa kauna-unahan niyang date sa sobrang excitement. Ipinagpalagay niyang dahil iyon sa pagpayag ni Lorraine sa tinagal-tagal ng pangungulit niya.

"Sabi ko na... Mapapaamo din kita, Lagring," proud niyang wika sa sarili at binigyan ng huling sulyap sa salamin ang hitsura. Simpleng puting t-shirt at fitted jeans lang ang suot niya. Sa paa naman ay rubber shoes.

Ini-adjust niya ang salaming suot sa mata at nang ma-satisfy sa porma ay ngumiti at kumindat sa sarili. "Ganda mo talaga, Brielle."

Quarter to seven ay lumabas na siya ng bahay at nag-abang sa gate ni Lagring. Nag-doorbell siya ng tatlong beses upang ipaalam ang presensya.

Mga limang-minuto din bago ito lumabas.

Gumuhit ang humahangang ngiti sa labi niya nang mapagmasdan ang hitsura nito — fitted sando, maong na pantalon at hindi kataasang boots. Kahit simpleng damit ay napagmumukha nitong classy. Naka-bun naman ang mahaba at natural brown na buhok nito. Pero ang paborito niya ay ang may kaliitan nitong mukha na hindi yata siya magsasawang pagmasdan.

"You look gorgeous," puri niya rito. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pamumula ng mukha nito.

"Whatever, weirdo," anitong nakairap at permanente na yata ang pagkakakunot ng noo. Siya naman ang pinagmasdan nito. "Para saan 'yong salamin? Malabo din ba ang mga mata mo?" tanong nito.

Nagkibit-balikat si Brie. "Pang-porma lang. Cute ba?"

Napaismid ito at bumulong ng kung ano. "Halika na nga. Umalis na tayo," ang sabi lang nito ng bumaling sa kanya.

"Okay, let's go..." Yakag ni Brie.

"Maglalakad tayo?" Tanong nito na parang tutol sa ideya.

Tumango si Brie. "Oo. Malapit lang naman 'yon... mga isang kilometro mahigit lang."

"Malapit lang ba 'yon?"

"Come on... Para makita mo rin ang kabuuan nitong lugar. Hindi kita nakikitang naglalalabas. Marami ngang taga-rito ang nagtatanong sa 'yo at gusto kang makilala," ani Brie.

"Paano kung ayokong makipagkilala?" Nakahalukipkip na turan nito.

Sandaling pinag-aralan ni Brie ang mukha nito. "May phobia ka ba sa tao, kaya ganyan ka na lang kasungit?" tanong niya.

"Phobia agad? Hindi ba puwedeng ayoko lang?" anito.

"Sungit mo talaga... pero halika na, umalis na tayo," ani Brie na nagpatiuna nang maglakad.

"Hoy! Hindi pa 'ko pumapayag 'no!" anito pero humabol din naman ng lakad.

"Halika na. Nakabihis ka na rin naman. Saka, kailangan mo ring maglibang para naman mabawasan ang pagka-high-blood mo."

"Hindi ako ma-h-high-blood kung hindi ka makulit!" anitong sinikap makasabay sa kanya. Mas matangkad siya dito at mas mahahaba din ang binti.

"At hindi ako mangungulit kung hindi ka masungit," balik naman niya dito.

"Wala kang magawa sa buhay mo, ano? Kaya ginugulo mo ang buhay ng mga nananahimik na tao."

"Nope. Actually, pinapasaya ko ang buhay ng mga taong loner at takot sa tao," pahaging niya.

"Hindi ako loner at lalong hindi ako takot sa tao. Pero ayoko sa mga taong sobrang kulit. Kagaya mo."

Tiningnan ito ni Brie. "Hindi ba nangangalay ang mukha mo niyan?" Pansin niya sa nanghahaba na naman nitong mukha.

"Huh?" anitong hindi nakuha kung anong tinutukoy niya.

"Lagi ka kasing nakasimangot. Hindi mo ba alam na mas maraming muscles ang nai-stretch kapag sumimangot ka? Samantalang kung ngingiti ka... isa lang. Parang ganito..." aniyang ipinakita dito kung paanong ngumiti, "See? Isang linya lang at gagaan pa ang pakiramdam mo."

"Anong tingin mo sa 'kin, batang paslit na tuturuan pa kung paanong ngumiti?" Sarkastikang tanong ni Lorraine.

"Nagsasabi lang naman ako. Kung makalukot naman kasi 'yang mukha mo... wagas."

"Pakialam mo ba... Eh sa gusto kong sumimangot."

Napailing si Brie. "Hay naku. Mukhang mahihirapan akong pangitiin ka. Kapag nakita na kitang ngumiti, siguro magpapamisa ako."

"Ewan ko sa 'yo. Walang pakialamanan ng trip."

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Marami nang tao sa kalsada. Karamihan ay kapareho din nila ng destinasyon. Disente ang lugar at malinis, kaya naman nagustuhan ni Brie na dito manirahan.

Kumaway si Brie sa bawat kakilalang nadaraanan. Curious namang napapatingin ang mga ito sa kasama niya.

Si Lorraine ay diretso lang ang tingin at walang pakialam sa paligid.

"Ang layo naman," reklamo nito pagkaraan, "sana dinala na natin 'yong sasakyan ko."

"I-appreciate mo kasi ang paligid at nang hindi ka mainip," ang wika naman dito ni Brie.

Tinapunan lang siya nito ng blangkong tingin at bumaling na muli sa daan.

Mga twenty- minutes din ang nilakad nila.

"Ito ang nakakangalay — ang paglakarin mo 'ko ng malayo," medyo hinihingal nang reklamo ni Lorraine. Nakapamaywang ito.

Narating na nila ang centro o plaza kung saan naka-set-up ang iba't ibang booths na may kung anu-anong paninda. Malawak iyon at may parte kung saan puwede pang mag-bike. May mga rentahan ng bisekleta sa gilid. Mayroon ding mga rides.

Marami nang tao ang nagkakagulo sa paligid. Malapit nang mag-gabi at nagkukulay-abo na ang kalangitan.

"May benefit din ang paglalakad. Dapat nga dalasan mo para lumakas ang stamina mo. Tingnan mo at ang bilis mong mapagod," ang wika naman ni Brie.

"Ewan. Ilibre mo nga ako ng pagkain. Nagugutom na 'ko," pag-d-demand nito. "Alalahanin mo... ikaw ang nag-aya."

"Oo naman. Walang problema. Ako ang taya ngayon," mabilis na sagot ni Brie. Inilibot niya ang paningin at naghanap ng food stall. " 'Don tayo," turo niya sa kaliwa kung saan may mga usok siyang nakikita.

Naglakad sila papunta roon at tumigil sa isang barbecue stand.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Brie sa kasama.

"Isang manok at liyempo; samahan mo na rin ng dalawang kanin," anito.

"Hindi ka rin matakaw, ano?" amused na komento niya.

"Paglakarin mo ba naman ako," irap nito.

"Humanap ka na muna 'ron ng bakanteng mesa at nang maipagpahinga mo na rin 'yang binti mo. Ako na ang bahalang mag-order," utos niya rito. Marami na din kasi ang nakapila roon.

" 'Kay," medyo nakangiwing tugon ni Lorraine at naglakad na kung saan naroon ang mga mesa.

Pinagmasdan ito ni Brie at napangiti. Hindi talaga siya masyadong umasa na mapapayag niya itong sumama sa kanya.  Bumaling siya sa counter at nakisingit na sa mga taong nag-o-order. "Ate, dalawang manok nga at isang liyempo; saka tatlong kanin po. Samahan mo na din ng dalawang mineral," baling niya sa isang tinderang naroon.

Muli niyang nilingon si Lorraine. Mukhang hindi pa ito nakakahanap ng pupuwestuhan. Sakto namang may tumayong dalawa sa isang mesa, at nakita niya nang nakipag-unahan si Lorraine sa iba pang naghahanap din ng mesa doon. Bahagyang natawa si Brie. Taas-noo at tila reynang inangkin ni Lorraine ang mesa.

Nang mabayaran ang inorder ay tumabi na rin siya kay Lagring. "Mga fifteen-minutes pa daw. Niluluto pa eh." Inabot niya dito ang isang bote ng mineral water. " 'Eto, uminom ka muna."

Tinanggap naman nito iyon at kaagad na lumagok. Mukhang uhaw na uhaw ito.

Napangiti si Brie. Inilibot ang paningin. Masaya tuwing fiesta sa lugar na ito. Isang linggo pa lang ay pinaghahandaan na iyon ng mga tao. At bukas ang fair hanggang matapos ang piyesta. Maraming patimpalak at kung anu-ano pang events. Balak din niyang ayain si Lorraine sa lahat ng iyon.

Matapos kumain ay naglibot naman sila sa panindahan.

"May gusto ka ba?" Tanong ni Brie sa kasama.

Nilukot nito ang ilong na tila nag-iisip.

'Cute,' palihim na puri ni Brie.

"Do you want a personalized shirt?" turo niya sa isang booth. Kakaunti lang ang tao roon. Mas marami ang nagkukumpulan sa mga bargain at tindahan ng mga accessories.

Nagkibit-balikat si Lorraine. "Puwede rin."

"Tara. Don't worry, it's on me."

Nauna nang lumapit si Brie.

"Anong kulay po ang gusto niyo, Ma'am?" tanong ng tindera.

Bumaling si Brie kay Lorraine. "Ikaw, Lagring... Anong gusto mo?"

Pinandilatan siya ni Lorraine. "Sabi ko nang 'wag mo 'kong tinatawag na Lagring, 'di ba? Nakakahiya!" pabulong na turan nito sa pagitan ng mga ngipin. Inis na inis talaga ito sa pangalan.

"Bakit? Wala naman silang pakialam kahit burdagol pa ang pangalan mo," pagsasawalang-bahala ni Brie na bahagyang natatawa sa reaksyon nito.

"Nakakainis ka talaga," angil ni Lorraine.

"So, anong kulay nga ang gusto mo?" ang tanong lang ni Brie.

"Pink!" paangil pa ring sagot ni Lorraine na matalim ang tingin sa   kanya.

"Wow... Babaeng-babae ah," komento niya, "gray naman sa 'kin, Miss."

"Isulat niyo na lang po ang gusto niyong ipalagay," anang tindera na binigyan sila ng tig-isang ballpen at papel, "pagkatapos po, pili na lang kayo ng style dito," anitong iniharap sa kanila ang screen ng computer at  pinakita sa kanila ang mga designs.

Sinilip ni Brie ang sinusulat ni Lorraine. 'Mind Your Own Business!'

Natawa siya. "Pati ba naman sa t-shirt, ipapahayag mo ang kasungitan mo?" komento niya.

"Wala kang pakialam. Mind your own business nga, 'di ba?" pagtataray nito at ibinigay na sa tindera ang ballpen at papel.

Nagkibit-balikat na lang si Brie. Nauna na siyang iabot ang papel niya.

Inabot ng mahigit fifteen-minutes ang pag-print ng designs sa dalawang  damit.

Nang matapos ay inilapat ni Brie sa dibdib ang sa kanya. Nang iangat niya ang mga mata ay nakita niyang nakatitig doon si Lorraine. Medyo nakaangat ang isang kilay nito. Pagkatapos ay pinaglipat-lipat ang tingin sa mukha niya at sa damit.

'Gay and Proud,' iyon ang nakasulat doon.





Continue Reading

You'll Also Like

271K 2.4K 5
She's Heather Bryant. An English Professor. Mataray at istrikto. She's Madison Hans. Nerd at laging nabubully sa school. Tahimik at matalino. When th...
127K 4.4K 52
Renebelle 'Rain' Dimakulangan: Pasikat na model,. Ang babaeng straight pero iniwan parin sa kawalan. Natasha 'Nati' Simeon: Famous Celebrity, she ha...
147K 5.7K 26
Jazmine Lim Head cheerleader Only daughter Ms. Popular Brat as they say Meets Dominique Zivalgo Weirdo Nerd Transferee Intelligent ...
961K 23.1K 43
Clarise Laine Montenegro: A student from engineering department, she's gorgeous, oozing with sex appeal and damn hot, there's no human being will not...