Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

260K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
1. Brielle
3. Attempts
4. Fair
5. Argument
6. Casualty
7. "That will Never Ever Ever Happen"
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
12. Pagbabalik
13. Unang Tampuhan
14. Mario
15. Overprotective "kuya"
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susô
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
42. Tinik sa Daan
43. Ang Duwelo
44. Ang Debate
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

2. Lagring

9.5K 292 35
By angDiyosaNgBuwan

Napasilip si Brie sa labas ng bintana nang makita ang tumigil na truck sa katabing bahay. Maraming kargang gamit iyon. Mukhang may uokopa nang muli sa dating bahay ng mga Santos. Nag-migrate na kasi ang mga ito sa Canada kaya't matagal nang bakante iyon.

Si Brie ay mag-isa lang na naninirahan sa kanyang inuupahang bahay. Ulila na siyang lubos sa mga magulang.

Lalo pang nanghaba ang leeg ni Brie nang mula sa kotseng nakatigil sa unahan ng truck ay lumabas ang isang magandang babae.

"Uy, chicks... Maganda 'to ah," aniya sa sarili at curious na sinipat ang bagong kapit-bahay. 'Straight kaya 'to? Sayang naman kung gano'n.'

Inayos ni Brie ang manggas ng suot na oversized t-shirt mula sa pagkakalukot sa braso at nagpasyang lumabas.

'Makapagpa-impress nga sa bagong neighbor.'

Palakaibigang tao si Brielle at hindi niya hinahayaang maging hadlang ang sexuality niya para makipagkaibigan sa iba kahit sabihin pang straight ito.

"Hi, new neighbor!" Over-enthusiastic na bati niya sa magandang babae habang kumakaway. Hindi siya tuluyang lumabas at nakahawak ang isang kamay sa hindi kataasang gate ng sariling bahay.

Napalingon ang babae mula sa pagmamando sa mga lalaking naghahakot ng gamit. Nakakunot ang noo nito at babahagya lang ngumiti.

"Hi," tipid na bati nito at humarap nang muli sa truck at naghalungkat ng gamit sa isang kahon.

"Ay... Sungit ni ate..." Bulong ni Brie sa sarili. Pinagmasdan niya ang babae at lihim na napasipol. Labas kasi ang makikinis nitong hita sa suot na puting shorts. Bakat din ang magandang kurba ng katawan nito sa suot na fitted polo-shirt. Naglakad siya at lumapit sa nakatalikod na babae. "Baka gusto mo ng tulong?"

"Hindi, okay lang. Kaya na nila 'to," anang babae na hindi man lang lumingon. Ang tinutukoy nito ay ang tatlong tagahakot na agad rin namang bumalik mula sa loob ng bahay.

"Okay..." Sabi na lang ni Brie. Napahalukipkip na lang siya habang pinagmamasdan ang babae. "Mag-isa ka lang bang lilipat diyan?" Tanong niya.

Blangko siyang tiningnan ng babae na para bang nagtatanong ng: 'may nakikita ka bang iba?'.

Natulala naman si Brielle nang mapagmasdan ng husto ang babae. Mas maganda ito sa malapitan. Hindi iyong magandang-maganda kundi iyong tipo na habang pinagmamasdan mo ay lalong gumaganda. Ni walang bakas ng make-up sa mukha nito pero ang lakas ng appeal. May pagka-messy pa ang pagkakapusod ng buhok nito at may ilang hibla na kumawala na sa mukha, pero nakadagdag lang iyon sa appeal nito.

"Obviously," anito.

Napaisip si Brielle kung talagang laging one-word lang ito kung sumagot sa tanong. Hindi na lang niya pinansin ang pagsusuplada nito. "Ako nga pala si Brielle. Brie for short," aniyang agad nang inilahad ang kamay bago pa siya muling talikuran nito. "Ikaw, anong pangalan mo?"

Parang napipilitan lang na tinanggap ng babae ang pakikipagkamay niya. "Lorraine," tipid na sagot muli nito.

Ikiniling ni Brie ang mukha. Biglang may dumaang sasakyan at hindi niya nakuha ang sinabi nito. May slight hearing problem kasi siya.  "I'm sorry, I didn't catch that. Was it... Laring?"

"Lorraine," tamad na ulit ng babae at pilit nang binabawi ang kamay. Hindi pa rin kasi iyon pinapakawalan ni Brie.

Nag-i-enjoy pa kasi si Brie sa napakalambot nitong kamay. Pasimpleng tsansing na din.

"Ah... Lagring?" Aniyang kunwang nabibingi pa rin.

Napaikot na lang ng mga mata ang babae at hinaltak na ang sariling kamay. "Ay, ang bingi..." Anito.

Bahagyang napatawa si Brie. "Sorry. Half-deaf kasi ako eh. Hindi nag-f-function ang isa kong tenga," turo niya sa left ear. Hindi naman siya nahihiyang i-admit sa mga tao ang tungkol sa kapansanan.

Kunot-noo lang na napatitig sa kanya ang babae na tila ina-analyze siya. Wala naman siyang nakikitang panghuhusga sa mukha nito.

"Puwede bang Lagring na lang ang itawag ko sa 'yo?" Nangingiting tanong ni Brie nang makitang tila wala nang balak pang makipag-usap ito.

Parang gusto siyang balian ng leeg ng babae sa paraan ng pagkakatingin nito. "Maiwan na kita. Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko," walang-emosyong wika nito sabay talikod.

"Sungit talaga..." Ani Brie habang nakasunod ng tingin sa pagpasok ng babae sa loob ng bahay. "Mapapaamo din kita," kumpiyansa pang wika.

Pumasok na din siya ng sariling bahay.

Mula sa bintana ng salas ay tanaw din ni Brie ang loob ng bahay sa kabila. Bukas din ang katapat na bintana doon at nakikita niya ang babae na inaayos ang pagkapusod ng buhok. Nakatingin ito sa mga box. Mukhang naghahanda nang mag-ayos ng mga gamit.

Hindi agad napansin ng babae ang nakasilip na si Brielle.

Binuksan ni Brie ang bintana at nangalumbaba. Noon siya napansin ni Lorraine.

Malawak na napangiti si Brie at kumaway. "Ngayon ba, kailangan mo na ng tulong?" Pasigaw na tanong niya dito. Ilang distansya lang ang layo ng mga bahay nila at bukas din ang bintana nito.

Hindi alam ni Brie kung ngumiti ba ito o ngumiwi. "No, thanks!" ganting-sigaw nito at lumapit sa sariling bintana at isinara ang kurtina.

Napaunat ng tayo si Brie. "Ay, grabe siya..." medyo offended na turan sa sarili, "gano'n na ba ako ka-hideous sa kanya? Hindi naman ako mabaho,"  wika pang inamoy din ang sarili. "Aba, teka lang, Lagring... parang iniinsulto mo naman yata ang kagandahan ko. Makikita mo," aniyang nakaduro ang daliri sa nakasarang bintana ng kapit-bahay.

"Hindi kaya naramdaman niyang lesbian ako? Siguro homophobic ang isang 'yon," aniyang napahalukipkip. Napisil ang baba. "Hmm..."

Si Brielle ang klase ng lesbian na hindi ipinipilit ang sarili sa mga straight, pero na-c-challenge siya na baguhin ang tingin ng mga ito sa mga lesbian na kagaya niya; at marami na siyang na-transform sa mga ito — from hating her to being her friend. Takot lang naman ang mga tao sa mga bagay na hindi nila naiintindihan o ayaw nilang unawain; at ganoon din ang mga homophobic na tao; at nag-i-enjoy siya na pukpukin ang ulo ng ilan sa mga ito at ipaunawa ang side ng homosexual na kagaya niya. Hindi man niya naging kaibigan ang ilan sa mga ito... pero, at least nagmamarka sa utak ng mga ito ang mga sinabi niya.

One less homophobic was a big help for her kind. At secret mission niya iyon sa buhay— ang magbawas ng homophobic sa mundo; para naman dumating ang panahon na hindi na namumuhay lagi sa takot ang mga kagaya niya.

NANG bandang alas-sais na ay natiyempuhan ni Brie na nagtatapon ng basura sa likod-bahay si Lagring.

"Kumakain ka ba ng adobo?" medyo malakas niyang tanong na ikinagitla naman nito.

Dahil ilang pulgada lang ang pagitan ng kani-kanilang bahay ay agad siyang nakita nito. Ilang sandali rin bago ito tumugon.

"Who doesn't?" Ang wika nito sa medyo bland na tono. Mukhang allergic talaga ito sa mga strangers. "Lahat naman 'ata ng Pilipino kumakain niyan."

"Nagluto kasi ako." Hindi nagpadala si Brie sa animosity na ipinapakita nito. "Baka ka 'ko gusto mo lang?"

Muli siya nitong tiningnan na para bang hinahalukay nito pati lamang-loob niya.

Hindi maiwasang mapapiksi ni Brie.

Ang simple lang naman ng tanong ko. Para na niya 'kong dini-dissect sa paraan ng pagtitig niya, napapakamot niyang turan sa sarili.

"No, thanks." Mas malamig pa yata sa north pole ang pagkakabigkas nito, sabay talikod at pasok na ulit sa bahay.

Naiwang nakamaang si Brie.

Ha-ha-ha. Two points! Supalpal ka na naman, Brielle, panunuya ng pakialamerang diyablo sa isip niya.





Continue Reading

You'll Also Like

325K 10K 61
Love isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂. You can call me Panini. Pero Gwen na l...
236K 7.9K 56
Allyson Fajardo is a type of girl who is easily be defined as "a perfect girl" for others, she is a total definition of perfection, she has the looks...
130K 6.3K 42
(COMPLETED) Anong gagawin mo kung ibang tao ang nakatanggap ng love letter na dapat ay sa crush mo?
110K 3.4K 33
(#-3) Welcome, BreFanies!