HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

678K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 43

9.3K 180 4
By Vis-beyan28

Chapter 43: 'Start for Loving'

Ahli's POV

"TALAGA? PAANONG----OH MY GOD! KAYO NA?!"-di mapigilang bulalas ni ayna habang may nanlalaking mata. Bahagya pang nakahawak siya sa kanyang pisngi na tila namumula.

Kinwento ko kase sa kanya yung tungkol sa amin khanz pagdating ko sa bahay nila. Eh hindi na ako nakapagpigil dahil ako eh hindi ko maitago ang kilig ko!

Oo! Tangina! Kinikilig ang bruhang katulad ko! Akalain mo yun, nagagawa din pala akong pakiligin ng damuhong yun? Hindi ko padin kase nakakalimutan ang nangyari sa amin noong nanood kaming banda. Isang araw na ang lumipas pero mas malinaw pa sa sinag ng araw ang nangyari sa amin noon!

"Sigurado ka ba? Baka naman lasing ka na nun at kung ano ano ang---"

Binatukan ko siya!

Sarap makabasag ng babaeng to eh! Nawala tuloy yung ngisi sa labi ko.

"Aray! Bat ka nambabatok!"-sininghalan niya ako ng tingin at saka binato ang hawak niyang mangga.

Nanlaki ang mata ko dahil sobrang laki nung binato niya buti na lang, nakaiwas agad ako!

"Ano ba! Balak mo ata akong bigyan ng bukol noh?!"-sigaw ko sa kanya.

Inirapan niya ako at saka bubulong bulong na nagbalat ng mangga.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila ayna. Wala akong magawa sa bahay kaya naman naisipan kong bisitahin tong bruhang to. Baka di na humihinga, lol. Nasaktuhan ko namang binabalatan niya yung mga mangga, kaya nakisali na ako.

"Grabe ka rin eh! Wala pa akong nakakain simula ng dumating ka! Kanina pa ako balat ng balat dito habang ikaw naman eh kinakain lahat ng binabalatan kong mangga! Ang kapal ng mukha mo!"-mabilis niyang kinuha ang Isang mangkok na naglalaman ng mga mangga dahilan para hindi ako makakuha.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka sumandal sa upuan.

"Balik nga tayo sa kwento ko. Iniiba mo usapan eh!"-reklamo ko at saka nag squat sa upuan.

Hinarap ko siya na ngayon ay todo subo na sa mangga na akala mo mauubusan. Tsk.

"Eh pinaglololoko mo naman ako eh! Magsisinungaling ka na nga yun pang ang hirap paniwalaan!"-bulalas niya at saka humigop ng kaunting suka at bagoong.

"Gago! Sinong may sabeng nagsisinungaling ako?"

"Oh kita mo na! Minura mo pa ako!"

Mabilis ko siyang tinadyakan sa sobrang inis.

"Aray! Talagang wala kang sinasanto eh! Pati ba naman ako, sasaktan mo?!"-nakanguso niyang hinimas ang kanyang paa'ng tinadyakan ko.

Umayos ulit ako ng upo.

"Maniwala ka na kase! Sa mukha kong to, nagsisinungaling ako?"-tinuro ko pa mukha ko. Mabilis siyang napangiwi. "Oh ano, aangal ka?"-akmang hahampasin ko siya pero nagsalita na siya.

"Oo na! Naniniwala na ako. To naman, binibiro lang naman kita!"-inirapan niya ako at saka umayos din ng upo.

Kinuha niya ang mangkok na may laman pa ng mangga at saka linantakan na naman niya.

Hanep talaga sa pagka adik nito ng mangga. Hindi na ako magtataka kung pati buto nito eh kakainin niya. Napapabuntong hininga akong umirap.

"Kita mo! Naniwala rin naman pala!"

"Pero sa totoo lang,"-mabilis niyang wika at saka tinabi saglit yung kinakain niya. "Hindi ko aakalaing, magkakagusto ka pa sa iba. Akala ko si zad na eh. Diba ang tagal mo siyang gusto pero nang dumating si khanz ang bilis nagbago."

Huminga naman ako ng malalim at saka tumingin sa malayo. Kusang dumako ang mga mata ko sa taniman nila ayna. Malapit lang kase ang bahay nila ayna dito sa taniman nila kaya kitang kita ko kung paano magbilad ng araw ang mga magsasaka doon pero kahit ganun malamig naman ang simoy ng hangin dahil Nobyembre na. Nandun din ang kanyang tatay na kasalukuyang nagtatanim ng palay kasama ang ilang magsasaka. Nasa loob naman ng bahay ang kanyang mama na kasalukuyang nag liinis.

"Hindi ko nga alam kung paano ko nagustuhan si khanz. Ang bilis ng pangyayari at hindi ko naman aakalaing mahuhulog ako sa kanya. Ang alam ko lang, isang araw eh nawala na ang pagtingin ko kay zad dahil naka'y khanz na ang paningin ko."-tugon ko sa maliit na boses pero sinigurado kong maririnig niya.

Pansin ko naman ang pag buntong hininga niya at saka tumingin din sa malayo. Pakiramdam ko ang seryoso ng usapan namin. Tsk.

"Alam mo ahli, hindi pumipili ang puso natin dahil kusa mo tong mararamdaman. Wala na tayong magagawa dahil kapag mahal mo na siya mahihirapan kang baguhin ang katotohanang yun."-makahulugan niyang sabi.

"Hindi ko alam ayna kung mahal ko na siya. Hindi naman ganun kadali. Mahirap magbago ng nararamdaman."

"At mahirap ding turuan yang nararamdaman mo."-dagdag niya at tinignan niya ako habang nakataas pa ang dalawang kilay niya.

"Ikaw lang ang makakaalam ahli kung mahal mo ba talaga siya dahil ikaw lang naman ang may kakayahang maramdaman yan. At isa pa, huwag mong pigilan dahil mas lalo ka lang mahihirapan."

"Hindi ko naman pinipigilan eh. Natatakot lang kase ako. Alam mo naman siguro ang mga pinagdaanan ko diba?"-tanong ko.

Sa totoo lang, may nararamdaman akong takot sa puso ko dahil kapag tuluyan ko na siyang minahal, hindi ko na kayang baguhin tong nararamdaman ko. Paano kung sasaktan din niya ako tulad ng iba? Paano kung hindi kami magtatagal? Paano kung magsawa siya? Ang daming bumabagabag sa isipan ko na lalong nagpaparamdam sa akin ng takot.

"Takot kang mahalin siya o takot ka sa pwedeng mangyari? Alam mo ahli, hindi talaga maiiwasan yang mga what if's sa isip mo. Pero paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Takot ka dahil naranasan mo na ang mabigo, masaktan pero si khanz yun. Subukan mo kaya magtiwala ulit? Hindi lahat ng tao, pare-pareho. Malay mo, si khanz ang magbabago sa pananaw mo?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko at parang bala lahat ng katagang sinambit niya at tuluyang tumagos sa dibdib ko.

Bakit ko nga ba naisip yun? Alam kong iba si khanz. Paano ko malalaman na magtatagal kami kung hindi ko susubukan diba? Bakit pinipigilan ko pa ang sarili ko?

"Tsk. Masyado tayong ma drama ngayon. Saan mo nakuha yang mga hugot mo? Ang lalim eh."-biro ko para mawala ang mabigat na aura sa pagitan namin.

"Galing sa puso ko yan kaya huwag kang ano. Pinaghirapan ko pa yang isipin bago sabihin sayo."-inirapan niya ako at saka mabilis na kinuha ang mangkok na may naglalamang mangga.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil mabilis kong inagaw ang mangkok at saka dere-deretsong sinubo ang limang piraso. Halos maiyak naman siya sa Inis dahil naisahan ko siya! Bwahahaha!

"Wala ka talagang hiya! Inubos mo lahat ng binalatan ko tapos ikaw lang makikinabang?! Iluwa mo yan!"-marahas niyang hinawakan ang pisngi ko bahagya pa akong dinagan.

Nagpumiglas ako pero para siyang baliw na nanakawan ng panty! Tangina! Papatayin pa ata ako ng babaeng to eh!

"Ehem!"-natigilan lang kami sa pagsasabunutan dahil hindi ko na kinaya kanina pa, kaya sinabunutan ko na siya. Saka lang kami natauhan ng may tumikhim sa harapan namin.

O_O------> ako

OoO------> ayna'ng napaka OA.

*KATAHIMIKAN*

Palipat-lipat kami ng tingin sa dalawa na animo'y hindi pa namin sila nakikita. Nanatiling nakadagan sa akin si ayna habang ako ay nakasabunot sa kanyang buhok. Mukha kaming shunga na napahiya.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?"-saka lang ako natauhan ng sumigaw si ayna. Yung tipong pati ang mga nasa taniman ay napatingin sa amin.

Mabilis na umalis si ayna sa pagkakadagan sa akin. Aligaga niyang inayos ang magulo niyang buhok dahil sa pagkakasabunot ko at saka siya umupo ng maayos.

"Wala naman. Naisipan ko lang dumalaw. Is it okay?"-nakangising tanong ni renzo na naka'y ayna ang paningin.

Ako naman ay nakatingin kay khanz na puno ng pagtataka. Naka faded jeans at t-shirt siya ng kulay black. Bahagyang nagulo ang buhok niya dahil sa ihip ng hangin pero kahit ganun hindi nakakabawas yun sa kagwapuhan niya.

Teka, ano bang ginagawa niya dito? At bakit magkasama sila ni renzo?

"Dalaw? May sakit ba ako? Patay na ba ako?"-may nanlalaking matang wika ni ayna.

(-.-) Tsk. Napaka OA kahit kailan.

Bahagyang natawa si renzo at marahang may nilabas na bulaklak galing sa kanyang likod.

Lalong nanlaki ang mata ni ayna at bahagyang napahawak sa dibdib. May mas o-oa pa ba kaysa sa kanya? Sana pala, tinuluyan ko na siya kanina.

"I came here beacause I want to visit my girl."-ngisi pa niya at saka inabot ang hawak niyang bulaklak.

Dinig ko naman ang bulong ni ayna sa tabi ko.

"Enebe nemen yen, kenekeleg eke. Hekhekhek..."-halos mapairap ako sa kabaduyan nilang dalawa.

Pabebe pang tumayo siya para kuhanin ang bigay niyang bulaklak.

Umirap ako dahilan para mapunta ang atensyon ko kay khanz. Halos mapaigtad pa ako sa gulat ng mapansin kong nakatitig siya sa akin.

Pakiramdam ko, nahihiya ako sa kanya. Ewan ko ba pero nacu-curious ako sa mukha ko ngayon. Paano kung natalsikan ng laway ni ayna tong mukha kanina? Paano kung ang gulo ng buhok ko? Paano kung----

"Hey..."

"Ha? Ah----b-bakit?"-aligaga kong sagot dahil sa pagkabigla. Ngayon lang na naman ako nailang sa kanya at hindi ko alam kung bakit.

Tinaasan niya ako ng kilay at saka nagbabantang naglakad papalapit sa akin. Nakapamulsa ang kanyang dalawang kamay at sobrang nakaka kaba ang kanyang titig. Pakiramdam ko malulunod ako kapag sinalubong ko ang kanyang titig.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ng bahagya siyang yumuko. Mukha akong tanga na hindi mapakali. Amoy na amoy ko pa ang pabango niya na lalong nagpa dagdag sa kaba ko.

"I miss you, tombs."-saka lang ako natauhan ng marinig ang sinabi niya. Nang makatayo na siya ng tuwid, nginisihan niya ako.

Nanlaki ang mata ko sa gulat at pakiramdam ko nahulog na ata ang puso ko!

'I miss you, tombs'

Na m-miss daw niya ako? Tangina! Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko! Shit! Parang gusto kong isigaw na 'kala mo Ikaw lang? Na miss din kita! Kahit ata kasama kita, nami-miss pa din kita!'

Tsk. Landi ko lang.

"A-ano bang ginagawa niyo dito?"-pag iiba ko ng topic dahil hindi ko na kayang itago ang ngiti ko.

"Dadalawin sana kita sa bahay niyo kaso sabi ng kapatid mo naka'y ayna ka raw kaya pumunta ako dito."-tila nababagot pa niyang sagot.

"Eh nasan si renzo sa sagot mo?"-tinaasan ko siya ng kilay.

"Nasa tabi ko, tss."

Napasimangot ako sa sagot niya. Kahit kailan talaga! Naku khanz ha! Huwag kang ganyan dahil kahit anong gawin mo nahuhulog ako lalo sayo!

Umirap siya ng makita ang mukha ko. "Nakita ko siya kanina doon. That's why were together. Now satisfied?"-walang gana niyang tanong at saka humalukipkip.

"Nagsusungit ka na naman bads. Nagtatanong lang naman ako ah."-depensa ko ng makita kong kumunot ang noo niya.

"Napaka usisa mo, kaya ang selosa mo eh."

O_O

Ano dawwww??

"Ikaw kaya ang seloso!"

"Naku, naku! Seloso talaga yan kaya huwag na huwag kang lalapit sa mga lalake ahli."-sabat naman ni renzo na may nang aasar ng tingin. Nasa tabi niya si ayna na ngayon ay hawak na ang bulaklak na bigay niya. Inamoy amoy pa niya na para bang ngayon lang naka amoy ng ganong kabango.

"Tss. I'm not."-walang ganang depensa naman ni khanz.

"Denial? It's obvious."-asar pa niya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

"I'm possesive, tejada. That's the right term."-seryoso niyang sagot dahilan para matigilan ako.

Napahaglpak naman sa tawa si renzo at bahagya pa talagang napahawak sa tiyan.

"Man, you suck! Fvk! I never thought that you get possesive on a girl."-natatawa pa niyang tugon.

"Tss."-umirap lang si khanz at saka nag Iwas ng tingin habang ako ay di mawari kung paano patitigilin tong malakas na kabog ng dibdib ko.

Shit! Shit ka talaga khanz!! Ano bang ginagawa mo sakin?

"Anyway, I have a pick up line. Matagal ko ng gustong sabihin sayo to eh."-mabilis na nakahulma si renzo at saka bumaling kay ayna. Samantalang kami ni khanz ay nasa malayo ang tingin pero nakikinig padin.

"Ano yun?"-malanding tugon pa ni ayna kaya di ko napigilang mapangiwi.

Lakas talaga tama ng isang to. Tsk.

Tumikhim muna si renzo at saka nakangising nagsalita.

"Si ayna ka ba?"

Namula agad ang pisngi ni ayna. Lalong umasim ang mukha ko. Tangina, may zonrox ba kayo diyan? Pwedeng pakisaboy sa mukha niyan? Nakakasuka eh.

"Beket? Hekhek..."

(-.-)

Tumikhim na naman si renzo at saka kunwaring may hawak pa na mike. "'Ayna' ko, may pag asa ba ako..."-kanta niya.

*KATAHIMIKAN*

>>>___<<<

Dahil sa sobrang katahimikan, pati ata pagkalam ng sikmura ko eh naririnig ko na.

WATDAPAK?!

"Why are you not laughing?"-takang tanong pa ni renzo. Hindi mawari kung tatawa na ba siya o ano.

Habang si ayna naman ay nakabusangot na. Kami naman ni khanz ay hindi na maipinta ang mukha.

"TANGINA! SAAN MO YAN NAKUHA? PICK UP LINE BA YUN? BAKIT HINDI AKO KINILIG?! PINAGLOLOLOKO MO BA AKO LORENZO?!"-dumagundong ang malakas na sigaw ni ayna sa buong paligid.

"Asshole."-pakinig ko pang dagdag ni khanz at napa tsk, tsk na lang.

Nagulat naman si renzo dahilan para manlaki mata nito at naglambing kay ayna pero mukhang nabwisit na ang bruha dahil halos sabunutan na niya ito sa sobrang inis.

Natawa na lang ako habang pinapanood silang dalawa.

Isang OA at isang playboy. Hindi ko aakalaing ganito sila nakakatawang panoorin.

"Anak, sino ang mga kasama niyo?"-natigilan lang sa paninigaw ni ayna kay renzo ng sumulpot sa harapan namin ang tatay niya.

Nagulat naman si ayna kaya agad itong tumalima.

"Hi tito. Ako pala si renzo, manliligaw ni ayna. Nasa hospital din po kami noong na-hospital sila."-agarang sagot ni renzo at saka nakipagkamay pa talaga siya sa tatay ni ayna pero mabilis tumanggi ang tatay ni ayna dahil putik putik yun.

Tumaas ang kilay ko at palihim na bumaling kay ayna. Nagtatanong ang mga mata kong tinignan siya.

Manliligaw? Bakit parang wala siyang binabanggit?

Nagkibit balikat lang siya at mabilis na nag iwas ng tingin!

Aba at! Balak ba niyang ilihim sa akin to?

"At sino ka naman iho?"-baling ng tatay niya kay khanz.

"I'm khanz. Ahlisha's boyfriend."-deretso niyang sabi dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat.

Hindi ba to gumagalang sa nakakatanda?

Natigilan ang tatay ni ayna sa inasal ni khanz kaya naman pinandilatan ko siya ng mata pero inismiran lang niya ako.

"Ahlisha."-tawag sa akin ng tatay ni ayna.

"Po?"-agaran kong sagot.

"Ito ba'y nobyo mo?"-kunot noo niyang tanong. Napalunok ako at saka mabilis na tumango.

Bwisit ka khanz!

"O-opo tito."

"Alam ba ng nanay mo to?"

O_O

Napalunok ako sa kaba. "H-hindi----"

"Yes. Nagkausap kami kanina."-sabat ni khanz.

Lalo akong nagimbal sa gulat.

Ano daw? Bakit? Paano?!

Napatango tango naman si tito at saka bahgya pang napabuntong hininga.

"Mag usap tayo ng masinsinan."-turo niya sa dalawa at saka naunang pumunta sa gilid ng bahay nila.

Nagkatinginan sina khanz at renzo pero kalauna'y mayabang silang umalis!

Nakangiwing nagtama ang paningin namin ni ayna. Halos patakbo pa siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at ramdam ko ang panlalamig ng kanyang kamay.

"A-ahli, ano sa tingin mo ang pag uusapan nila? B-bakit ang seryoso naman ata ni papa?"-hindi mapakaling tanong niya. Minsan pa nga sisilip siya sa dinaanan nila tapos haharap ulit sa akin.

"Nahihilo ako sayo ayna! Pwede ba? Kumalma ka. Para namang may mangyayaring masama dun sa dalawa."-singhal ko at saka bahagyang tinampal ang kanyang pisngi para naman matauhan.

Napahawak siya sa kanyang pisngi at saka tinignan ako na may nanlalaking mata.

"Ano ka ba! Napaka sadista mo talaga! Hindi ka ba nag aalala? Baka kung ano-ano na pinagsasabi ni papa sa kanila!"-sigaw na naman niya.

Binugaan ko siya ng hangin sa sobrang inis. Mabilis siyang natigilan.

"Bakit naman ako mag aalala? Sa itsura pa lang ni khanz, sigurado akong walang mangyayaring hindi maganda."

Sana nga. Baka masapak pa ni khanz ang tatay ni ayna. Tss.

"Hayst. Kinakabahan----pa!"-agad na napatayo si ayna ng makita niya si tito na naglalakad patungo sa amin.

Ang seryoso ng mukha niya at hindi ko din maiwasang kabahan. Napatingin ako sa likod niya pero wala akong makitang nakasunod sa kanya.

Nasaan ang dalawang yun?

"Pa, nasaan na sina renzo? Anong sinabi mo? Bakit wala sila---"-naputol ang paghuhurumentado ng kanyang anak ng pinigilan siya ni tito sa pagdada.

"Maghanda kayo ng meryenda dahil papagurin ko yang manliligaw at nobyo niyo."-seryoso niyang sabi at saka linayasan kami.

"Ano daw?"-taka kong bulong.

"H-ha? H-hindi ko naintindihan..."-dagdag din niya.

Napukaw lang ang atensyon naming dalawa ng mapansin naming naglalakad na patungo sa amin sina khanz. Buhay pa naman sila ah. Wala naman akong makitang pasa o ano. Nakangisi pa nga si renzo samantalang si khanz ay hindi nakangiti, hindi din nakasimangot. Parang normal lang.

"Anong sinabi ni papa?"-agad na tanong ni ayna ng makadating silang dalawa dito.

"Wala naman."-nakangising tugon ni renzo.

Lumapit naman ako kay khanz. "Anong ginawa niyo?"-taka kong tanong.

Bumaba naman ang paningin niya sa akin at saka inisang hakbang ang pagitan namin. Tuluyan ng naputol ang paghinga ko sa gulat at halos mapasinghap pa ako ng bahagya pa siyang yumuko.

May nanlalaki ang mga mata kong sinalubong ang kanyang titig. Napalunok ako sa kaba at pakiramdam ko lalabas tong puso ko sa sobrang bilis ng kabog.

"You know I can do anything for you, ahlisha. Anything."-bulong niya sa tabi ng tenga ko at bahagyang hinalikan ang noo ko dahilan para hindi na matigil ang puso ko sa pagkabog.

Khanz, kung patuloy ka sa ganyan mahuhulog na talaga ako sayo ng tuluyan.

Agaran siyang lumayo sa akin at saka ako tinitigan sa mata. Gusto kong umiwas sa titig niya pero parang hindi ko kaya.

Ngumisi siya at walang pasabing hinubad ang suot niyang t-shirt! Lalong nanlaki ang mga mata ko ng tumambad sa akin ang mala---mahabaging diyos! Patawarin niyo ako sa kasalanang nagawa ko! Handa na po ako mamatay!

O_O

Tuluyan na akong natulala sa kanyang makisig na katawan! Pakiramdam ko nanghihina tong tuhod ko at bibigay ako anumang oras! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng anim na pandesal na magkakatabi!!! Jowk! Abs pala!

Ang lapad ng kanyang dibdib at bakas ang muscle sa kanyang braso at pakiramdam ko---

"Let's go."-napa iwas ako ng tingin ng sumabat si renzo at hinila na si khanz.

Napakunot ang noo ko ng maghubad din sila ng sapatos. Wala ding damit si renzo.

Ano namang gagawin ng dalawang damuhong to?

"Ahli, oh my god! Sampalin mo nga ako! Bakit parang kahit saan ako lumingon, katawan lang niya nakikita ko? Bakit parang abs ang nakikita ko sa mukha mo?!"-marahas niyang hinawakan ang mukha ko dahilan para masampal ko siya.

Halos mapaupo pa siya sa sampal ko pero hindi ko yun pinansin. Lakas maka trip tong babaeng to, letse!

"A-aray! Huhuhu, ba't mo ko sinampal?!"

"Eh sabi mo eh!"

"Naniwala ka naman?"

"Oh edi tadyakan na lang kita."

"De, nagbibiro lang ako! Tsk."-inirapan niya ako at muling bumaling kila renzo. Naglalakad na sila patungo kay tito na ngayon ay nag aabang na sa gilid ng taniman.

Nanlaki agad ang mga mata namin ni ayna ng mapagtanto kung ano ang ipapagawa sa kanila ni tito!

**

"Oh, hawakan ng mabuti to ayna ha. Mag ingat kayo dahil mainit pa yan."-paalala ni tita at tinulungan si ayna na bitbitin ang isang maliit na kaldero na may naglalamang sopas. Yun kase ang niluto ni tita para daw sa bisita namin, na inaalipin naman ni tito.

Kakatapos lang niyang magluto samantalang ako ay bitbit ang mga mangkok, kutsara at baso. Napagusapan namin kase ni ayna na dun na kami mag memeryenda at sasabayan namin sila khanz.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa dalawang yun, pero sigurado akong pinapahirapan sila ni tito. Di ko mapigilang mapa Iling habang iniisip yun. Paniguradong naghihirap ang dalawang yun ngayon.

"Sige ma, aalis na kami."

"O siya, sabihan mo ang papa mo na pumunta muna dito dahil nakalimutan niyang inumin ang kanyang gamot kanina."

"Opo!"-agarang sagot ni ayna at inaya na niya ako papalabas ng bahay.

Habang bitbit ko ang mga mangkok at juice naglakad na kami patungo sa taniman nila ayna.

Nasa malayo palang kami, kitang kita ko na si khanz na bahgayang nakayuko habang nagtatanim ng palay. Bahagya pang may putik sa kanyang pantalon pero hindi na niya yun inalintana. Pero kahit ganun, hindi ko pa din mapigilang mamangha sa kanya. Na yung kahit nabalutan na siya ng putik pero hindi padin nababawasan ang kanyang dating. Na kahit, pinagpapawisan na siya ay hindi padin maglalaho ang kagustuhan ko sa kanya dahil lalong lumalalim tong nararamdaman ko.

Natatawa na nga ang ilang magsasaka habang pinapanood ang dalawa dahil hindi sila sanay. Habang ang tatay naman ni ayna ay pinapanood ang dalawa sa pagtatanim.

Napailing na lang si ayna habang pinagmamasdan si renzo na kanina pa napapagalitan dahil hindi niya alam ang gagawin. Kumpara kay khanz, hindi siya mapakali habang si khanz ay kalmado lang.

"Tsk, tsk. Si papa talaga."-pakinig kong bulong ni ayna. Hindi na lang ako umimik.

Mabilis kaming nakadating sa silungan. May maliit na kubo doon kung saan pwedeng pagsilungan ng mga magsasaka. Linapag agad namin ang mga dala namin sa maliit na lamesa sa gitna.

Agad kaming lumabas at nagtungo sa gawi nila tito.

"Pa, huwag mo naman masyadong pahirapan si renzo. Kanina ko pa nahahalata na palagi mo siyang pinapagalitan."-reklamo ni ayna at saka nagpa cute pa sa tatay. Palihim akong natawa.

"Paanong hinde eh kung saan saan niya tinatanim yung mga palay. Baka siya pa ang dahilan ng pagka high blood ko anak."-nakasimangot na tugon ni tito pero halata namang nagbibiro.

"Psh. Tinatawag ka ni mama. Yung gamot mo daw, ba't mo nakalimutang inumin?"

"Ay oo nga pala. O siya sige. Tawagan niyo na yang dalawa at ng makapag meryenda. Baka sabihing inaagrabyado ko na sila."-natatawang linayasan niya kami.

"Grabe talaga si tito."-iiling kong komento.

"Psh. Ganyan talaga si papa. Hindi ko nga aakalaing ganito ipapagawa niya sa dalawa eh."-umiling na lang din siya at saka tinawag yung dalawa para maka meryenda na.

"Hayst! Atlast! I'm really hungry, kung hindi lang talaga ako matino baka kinain ko na tong pananim niyo."-biro ni renzo at saka nauna ng umalis sa pwesto niya.

"Eh bakit hindi mo pa tinuloy, nakakain naman yan ah!"-kunwari'y seryosong tugon ni ayna.

Natigilan naman si renzo at saka gulat na napatingin sa kanya.

Engot!

"T-talaga? Eh bakit tinatanim niyo pa kung ganun?"

Isang napakalaking ENGOT!

"HAHAHA! Naniwala ka naman, tanga mo!"-humagalpak ng tawa ang bruha. Nalukot agad ang mukha ni renzo at saka hinabol si ayna ng makitang tumakbo na Ito patungo sa kubo.

Samantalang nanatili akong nakatayo dito habang pinagmamasdan si khanz na tapusin ang kanyang ginagawa. Gusto kong tumawa dahil bahagya pang nakakunot ang kanyang noo na para bang naka tuon ang buong atensyon sa pagtatanim.

"Smiling like a idiot tombs?"-agad akong natauhan ng magsalita siya habang naglalakad papalapit sa akin.

Napasimangot agad ako sa sinabi niya.

Minsan talaga ang sakit niyang magsalita. Kailan ka pa ba masasanay ahli? Tss.

Ngumisi siya ng makita ang reaksyon ko.

"Pake mo! Tara na nga at magmeryenda."-inirapan ko siya at mabilis na tumalikod para maiwasan ko ang makasalanan niyang katawan!

Lord, help me! Ilayo niyo ako sa tukso! (-.-)

"Where do you think you're going?"

O__O

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng higitin niya ako sa bewang at iharap sa kanya ng tuluyan! Napasinghap agad ako ng sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin! Agad akong napakapit sa kanyang balikat dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko mawawala lahat ng lakas ko!

Kasabay ng pagtama ng mata namin ay ang hindi mapaliwanag na kabog ng dibdib ko. Para bang tumigil ang pagikot ng mundo at ang ihip ng hangin ay banayad na sinasayaw ang mga dahong nalalagas galing sa puno. Ang kanyang magulong buhok ay hinahangin din dahilan para mahawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatama sa kanyang kilay.

Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko at tuluyan nang naputol ang paghinga ko ng sabihin niya ang mga katagang nagpapahina ng buong sistema ko.

"I'm starting to love you, ahlisha..."

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
1K 51 47
SYPNOSIS Reixa grew up in a poor family with only her mother supporting the three of them, she always imprinted in her mind all the sufferings and sa...
742 53 19
"Nawala man ang mga ito mananatili pa rin sa puso at isip niya ang lahat ng sakripisyo ng lahi nito para sa ikakaayos ng mundo ng mga mortal sa mga s...
23.4M 780K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.