His Game (His Series #3)

By luhansbaobei

9.4K 191 45

a story of an innocent girl who just love, trust and gave everything to a guy but at the end she feels like a... More

His Game
Prologue
Chapter 1 - Meeting Him
Chapter 2 - Punishment
Chapter 3 - Ms. Innocent
Chapter 5 - Perfect Timing
Chapter 6 - Not bad
Chapter 7 - Thinking out Loud
Chapter 8 - First Date

Chapter 4 - Cupcake Delivery

798 13 0
By luhansbaobei

 ELENA


"At exactly 5:30PM mo daw ihatid yung deliveries ng cupcakes sa SMRC, Elle. Bilin ni Mngr. Garcia. ", bungad agad ni Ma'am Sheila pagkadating ko ng Bakeshop.  Si Ma'am Sheila na parang assistant na din ni Mngr. Garcia dito sa Purple Z. Isa itong Cake and Pastry Bakeshop na laging dinadaluhan ng mga mamimili sa buong Aguinaldo Avenue, minsan ay isang server o cashier crew ang posisyon ko dito minsan din nagiging delivery girl pagwala si Mang Jepoy na syang delivery boy ng Purple Z. Minsan din naman pag pwede si Brenda na katulad kong server ay sya yung nagiging delivery girl pero may pasok pa ata sya. Tulad ko kasi si Brenda, sumakabilang buhay na ang mga magulang nya nang dahil sa sunog pati bunso nyang kapatid kaya nag-iisa na lamang din ito. Kami nga lang ang nagkakaintindihan nun minsan dito sa Shop eh. Mas matanda nga lang ako sa kanya ng dalawang taon.

Tsaka marami palang branch naman itong Purple Z  sa buong bansa at meron din naman sa ibang bansa tulad ng Singapore, Japan, Italy, London at New York. Matagal-tagal nadin akong nagtatrabaho dito nang dahil sa tulong ni Mich nung nakilala ko sya sa University noong freshmen year namin at yun naging magkaibigan na rin kami. 

Tinignan ko yung wall clock ng bakeshop. 4:30PM.

"Okay, Ma'am Sheila. May mahigit isang oras pa naman ako", nginitian ko lang 'to. First time ko kasing makakapasok sa SMRC! Pag nagpapadeliver kasi sila minsan si Mang Jepoy  ang naghahatid. Actually, pangarap kong makapasok dun! Isa kasi ito sa mga sikat na Musical Records. SMRC stands for Stereo Musical Records Company. Mahilig din kasi akong gumawa ng mga kanta pero not like a pro ha. Kahiligan ko lang talaga pag may vacant time ako at may naiisip agad akong theme sa kanta. Mahilig kasi akong gumawa ng poetry nung high school years ko, sumasali din naman ako sa mga slammed noon which is to present your originally made poetry pero nung pagkatuntong ko nitong kolehiyo nadiskubre ko na aside in making poetry pwede din pala akong makagawa ng kanta because of that passion kaya yun, mas nagugustuhan ko na rin ang gumagawa ng kanta but, i just wrote my composed lyrics sa one and only composition notebook ko at si Mich ang lagi kong pinapabasa na lagi naman akong sinasabihan na; May future ka talaga, friend! kasabay ng palakpak. Minsan na nga nyang nagawan ng tono eh at narinig kong maganda ang boses nya kaya nang di nya napansin na pinapanuod ko pala sya habang kumakanta pagkatapos ay sinabihan ko rin ng; May future ka talaga, friend! with matching palakpak.

 

5:00PM naman talaga yung on shift ko ngayong araw. Inagahan ko lang ang pagpunta dito sa Shop dahil nasasakal na ako sa pagpapapansin ni Carlo sakin na sa pagkakaalam ko may girlfriend naman yun. Nabigla nga ako nang malaman nya ang ibang iskedyul ko, di ko nga alam eh baka sinundan pa ako nun. Grabe pa naman daw ang stalker tendencies ng lalaking yun sabi nung ka co-major ko. Siya pala yung secret admirer ko daw na sabi ni Mich sakin. Parang tuloy feel ko inoobserbahan ako ng girlfriend nya. Para kasing may laging nakatingin pag nagbubuntot si Carlo sakin. At isa pa kaya napaaga ako eh talagang iniwan akong mag-isa ni Mich sa University! Bigla bigla lang nawala! Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.

"Mich, marunong ka bang kumanta?", nilingon ko 'to na parang ang lalim kasi ng iniisip eh. Di nga ako sinasagot sa mga tanong. Pang-ilang tanong ko na yan sa kanya at para talagang nasa kabilang panig ng mundo ang isip nya. Balak ko kasing sabihin sa kanya yung bago kong nagawang kanta. Siya sana ipapakanta ko. Hihiram lang ako ng gitara sa Music Club sa Uni para gawan ko ng tono. May alam naman ako sa pag gigitara but not like a pro, tama na yung basics at simple plucking. 

Di parin ako pinapansin ni Mich kaya siniko ko na 'to.

"Huh?",para naman 'tong natauhan.

"Tss. Di mo 'ko pinapansin eh", as if na nagtatampo daw ako.

"Sorry", paumanhin naman nya.

"Tell me, Michelle! Ano bang iniisip mo't sobrang lalim ata nyan ng iniisip mo na daig pa ang one million feet na swimming pool kalalim?  Care to share?", tinanong ko na lang 'to. Bigla namang itong ngumuso animo'y may tinuturo. Sinundan ko naman ng tingin yung tinuro nya at yung mga Frog Princes pala! I mean, okay Handsome Princes. Corny naman kasi talaga kahit totoong naggagwapuhan silang apat. Parang F4 lang sa Meteor Garden at Boys Over Flowers? Lol. Eh ano namang meron sa kanila? 

Shit! Nang-iinit tuloy bigla ang pisngi ko. Naalala ko lang kasi yung punishment ng lenshak na Thunder na yan! Naramdaman siguro nyang may nakatingin sa kanya kaya napalingon 'to sa direksyon namin ni Mich at ngumiti na kita yung dimples! Shet. Napakunot yung noo ko at napalingon sa likuran namin ni Mich nang may tumili bigla. Psh. May tatlong babae pala na parang wala ng bukas sa paghampas hampas sa isa't isa. Kinikilig at tumitili. Feel mo naman ikaw ang nginitian Elena? Napailing na lang ako at ibinalik yung atensyon kay Mich. And yeah, asan naman yung babaeng yun at biglang nawala. Dinaig pa ata si The Flash. 


"Yo Elena, ito pala ang helmet at susi ng padlock sa bike na gagamitin mo", napabalik naman ako sa reyalidad. Tinanguan ko lang 'to at agad na kinuha yung bigay ni Ma'am Sheila. Bumalik naman 'to kung san si Ariana na isa sa katrabaho namin na nag-aayos ng cupcakes na dadalhin ko para i-deliver sa SMRC maya-maya. Motorsiklo sana yung gagamitin pero di naman ako marunong kaya bisekleta ang pinapagamit sakin. Si Mang Jepoy lang talaga ang nagmomotorsiklo pag naghahatid ng mga deliveries aside samin ni Brenda.


ISINUOT ko na ang helmet at inilagay yung mga paper bags ng cupcakes sa basket ng bike at tinungo yung SMRC. Nang makarating ay agad akong napatingin sa building. Grabe ang laki lang talaga tsaka gold na gold yung dating. Yung kulay kasi ng building ay combination ng white at gold. And ang dami pang floors.

Nang tignan ko yung orasan ay nanlaki bigla yung mga mata ko. Ohmy! 5:20PM na! ika-12th floor pa naman ng building ko 'to ihahatid. Dali dali ko naman inalagay yung bike ko sa may parking lot ng building katabi ng mga motorbikes at dali-daling ini-lock 'to. Mahirap na at baka may bikenapper dito.

Lakad-takbo yung ginawa ko hanggang sa makapasok ako ng building. Nang harangan ako ng guard ay pinagsabihan ko lang na magdedeliver lang ng cupcakes from a super well-known Bakeshop. Ipinakita ko din dito yung papel na bigay din ni Sheila sakin kanina bago ako umalis. Nakalagay sa papel kung sino yung pagbibigyan ko at anong floor. Kaya ayun syempre pinapasok na ako.

Napamangha parin talaga ako pagpasok. Ay sheyt! 12th floor pa pala ng building destinasyon ko at dapat na kong magmadali kaya agad ko ng tinungo kung san yung elevator. Mag-e-elevator na lang talaga ako at baka matagalan pako kung maghahagdan lang! I'm a claustrophobic person pero i can handle this kesa ma-late pa akong dating at baka masira pa yung imgae ng Purple Z.

Sasara na sana yung isang elevator pero agad ko 'tong naharangan gamit yung kamay ko at mas bumukas naman ito. Ho! Mabuti naman.

Pero nabigla naman ako nang bumungad sakin sa loob ng elevator si blonde-black-hair a.k.a Thunder slash Kulog slash Froggy Prince slash Mr. Dimple slash Chinky eyes slash Mr. Pogi--- ay no! erase the latter part! 

Pinanlakihan naman ako ng mata nito. Inirapan ko lang 'to at pumasok sa loob ng elevator at pinindot yung 12th floor na napindot na pala nya. Sa daming floors, 12th floor din sya? Err. Naalala ko na naman yung punishment nya sakin! Grabe. Di na ba ako tatantanan nung punishment na yun? Pero kasi naman eh, first kiss ko yun ano! Ninakaw nya lang!

Feel ko tuloy ang awkwardness saming dalawa dahil din sa sobrang tahimik. 4...5...6...shet ba't ang bagal ng takbo ng elevator? At himala talaga at hindi bumukas sa iba pang floors.

"Ms. Innocent is delivering hmm is that cupcakes from Purple Z?", basag nito sa katahimikan. 

"Obvious naman siguro", bulong kong sabi. Kitang kita naman kasi sa paper bags ang Purple Z Cake and Pastries Bakeshop.  Sa baba nun naka-highlight yung cupcake na word at yung flavor.

"Well, i do love cupcakes", ang sarap naman sagutin ng 'pake ko?' Di ko naman kasi tinatanong ano. Nag-share lang yung tao. 

"Saang floor mo yan dadalhin?", pinakita ko naman dito yung papel na hawak ko. Bigla naman nitong kinuha sakin. Di ko nalang 'to pinansin. Kulang sa pansin lang ata 'tong kulog na 'to eh.

Binasa naman nito. Nang-aasar ata 'to ah? Ang lakas pa ng boses ng pagbabasa kaya inis na hinarap ko na 'to.

"Ano ka ba kung makapagba---"

"I guess this is me...Chocolate and Mocha Cupcakes, 12th floor and find Mr. Thunder Williams...", tsaka ito ngumiti. Kinuha ko naman dito yung papel at tinignan 'to. WHAT? Kasali pala sya sa pagbibigyan ko? Ba't di ko nabasa kanina? Ayt. Akala ko kasi ibang Thunder 'to! Tinignan ko ng maigi yung papel at binasa yung mga pagbibigyan ko. Kasali nga sya. At siya nga si Thunder Williams! Malay ko bang sya talaga 'to. Dali-dali ko namang hinanap sa paperbags na dala ko yung flavored Chocolate and Mocha na cupcakes. Ibibigay ko na sana 'to nang bumukas na yung elevator sa 12th floor!

"12th floor and find Mr. Thunder Williams", ulit nito na parang nang-aasar at naunang lumabas ng elevator.

Napanganga naman ako. Ibibigay ko na nga di ba? Anong trip nun at umalis agad? Ay sheyt! Baka mawala na yun at maghanap pa ako sa kanya. Pero ba't pala andito yung kulog na yun?

Nang may pumasok sa elevator ay agad naman akong lumabas at hinanap kung san na yun. May kausap naman itong babae na tingin ko nasa mid 40s na ata yung edad. Lumingon naman 'to kung san ako nakatayo at ngumiti ng nakakaloko. Malalaking hakbang yung ginawa ko para lapitan ito at nang malapit na ako kung san sya ay dali-dali naman 'tong umalis na nagpabigla nung babaeng kausap. Pinagtitripan ata ako nitong prinsepeng palakang 'to ah! Ipapahalik ko talaga 'to Godzilla the giant monster o Kingkong the collosal gorilla! I'm pissed! Di lang sya ang ipagdedeliver ko ng cupcakes! Ano sa tingin nya?

Nang di ko 'to maabutan ay sinigawan ko na talaga. "HOY! THUNDER! SLASH KULOG SLASH PRINSEPENG PALAKANG KULAY BLONDE BLACK!", nauubos talaga ang oras at pasensya ko dito! Malalagot ako nito nang dahil sa lalaking ito.

Yung mga tao naman tinitignan na kami. Yung iba naman natatawa. "HOY KULOG!", sigaw ko ulit dito. Napalingon naman 'to. Humalukipkip ako kahit may paper bags akong dala at nag-smirk dito. Nasa mukha naman dito ang inis tsaka ako nilapitan. Yung inis kanina ay napalitan ngayon ng ngiti na parang smirk?

"Ms. Innocent really wants to taste my alluring lips, huh", agad na sabi nito nang makalapit. Shet. Ano daw? Feeling talaga nito ah. Ipakain ko kaya yan sa buwaya yang lips nya! Tignan natin! Alluring lips daw? Amininnnn yan din pagkakadescribe mo sa kanya noon~  Napailing ako sa pinag-iisip ko.

"What? Can i give you your punishment...now?", ngumiti ito ng nakakaloko habang palapit nang palapit yung mukha nya sa mukha ko. Shet. Yung puso ko! Yung puso ko! Baka magka-heart attack ako bigla. Mahal pa naman ang pa-ospital. Tsaka eye to eye pa talaga kami. Mygosh! Nakakailang tuloy. Nakakahiya din ano! Baka ano pang sabihin ng mga taong nakatingin samin.

 1—2—3—4—5----6—7—8---9---- Una na itong bumitaw sa pakipag eye-to-eye sakin. Push ko na 'to. Eye to eye talaga. 9 seconds pa yun ah! Napahimas naman ako sa noo ko nang pitikin nya ito gamit ang daliri nya tsaka nito kinuha sakin yung maliit na papel at paperbags pagkatapos ay tumalikod na't umalis.

"T-teka! Oy! Di yan lahat sayo!", habol ko dito. Lumingon naman 'to sakin at ngumiti. Stop it Thunder! Yung dimples mo sarap dukutin! Kung alam mo lang.

"Don't worry. I know the people written in your list. I'll be the one who'll give this to them", sabi nito tsaka ulit tumalikod at umalis.

"P-pero---", di ko natapos nang pumasok na ito sa—SMRC Board Room. Anong ginagawa nya dyan?

                                                                                          ***

"How about this one? White with a pink color ribbon at the back na floral yung design sa edge ng dress? Hey, Elle you're daydreaming again!", natauhan naman ako nang marinig ko ang boses ni Mich na abala sa paghahanap ng susuotin ko daw sa Birthday Party nya ngayong Sabado habang ako laging tinatantan nung engkwentro namin ni Thunder nung isang araw sa SMRC. Ugh. Naalala ko na naman kasi. 

"Ano? I'm not! May naaalala lang talaga ako but it's not Thunder, Okay?", huli na ako nang mapagtanto ko ang nasabi ko. 

"Uhuh, may defensive ata dito", natatawa nyang sabi habang nilingon ako di kalayuan sa kanya. Di ko na lang 'to pinansin. Narinig ko naman itong tumawa ng mahina habang inulit sa pagbigkas yung defensive na word.

Nasa isang boutique kami sa ngayon ng kakilala nya. Maganda daw kasi dito dahil Made in Paris lahat. Pero nang matignan ko yung mga presyo bigla akong napapasinghap. Isang dress lang cost na ng 8K? Pati shorts yung nasa mannequin, Php4550 na! Makalaglag-panga yung mga presyo. Parang sweldo ko na sa dalawa't kalahating buwan yung ibang prices.

"Mich, ang mahal dito. Sa divisoria na lang kaya? Napaka-dollars eh", bulong kong sabi dito nang makalapit habang abala parin ito sa pamimili ng mga damit.

"Wag na kasing magreklamo, Elena Cortez. Kanina ka pa. Sabing ako nang bahala", pag-ganyan na talaga pananalita nya at full name na tawag nya sakin, alam ko na. Tatahimik na lang ako at hindi na lang aangal. Pabayaan na lang ang Dyosa kong kaibigan. Siya may sabi nyan.

"This! I'm sure this will suit you!", agad naman nya akong pinaharap sa kanya at inilapit yung dress sakin na napili nya. Tinitignan nya siguro kung bagay ba talaga sakin.

"Tama nga ako! Bagay talaga sa'yo. So, bilis na at sukatin mo", agad naman nya akong inakay papuntang dressing room ng boutique.

"Can you please assist her?", tanong nya sa isang saleslady. Nilapitan naman ako nung saleslady na dala yung dress na napili ni Mich para sakin.

"Dressing room number four, Ma'am", sabi nung saleslady na naka kulay pink na polo shirt na may naka-printang J'adore Wardrobe. Pumasok naman ako dun at nagbihis.

"Ugh. Mich, sexy naman nito eh", kausap ko sa sarili kaharap ng full length mirror ng dressing room. Aaminin kong maganda ang dress na napili nya pero ang sexy ng dating. Ayoko ng ganito. Sobrang daring parang si Ruby ang bidang kontrabida. Kaya no no ako nito!

"Elena? Tapos ka na ba? Lumabas ka muna para tignan ko", napakagat-labi ako. Nakakahiya kayang lumabas na ganito ang itsura! Backless style kasi na tube eh. Red yung kulay.

"Elena~Ano? Tapos na ba?", tanong ulit nito. Napabuntong-hininga na lang ako at lumabas. Mainipin pa naman minsan itong si Mich.

"Woah. Gandaaa. Parang si Maria Mercedes lang!", puri nung isang saleslady. Ruby siguro, ano? Mas fitting. Di ko nga kilala yang Maria Mercedes na yan! Malay ko bang magkamukha kami. Feel ko naman mas maganda yun no!

"Oh diba? Ang ganda mo!", puri naman ni Mich na ngiting-ngiti habang pumapalakpak.

"Ayoko nito, Mich. Please lang. Yung pink or white na floral na lang pwede? Cute naman nun", napa-cross arms naman 'to parang nag-iisip. 

"Hmm. Okay. Tingin ko bagay din naman yun sa'yo. Sexy mo sana nyan eh! Parang innocent girl turns to a seductive yung look mo nyan. Dami sigurong tulo laway na boys sa birthday party ko pag yan ang suot mo. Haha", kinurot naman nito ang braso ko at inutusan na yung isang saleslady para kunin yung sinabi kong dress. Parang sa kanya lang ang boutique ano? Mayayaman nga naman.

Nang nakuha na yung dress ay agad naman akong pumasok sa dressing room para magbihis at sukatin ito. Humarap na muna ako sa salamin para ayusin ang sarili.

"Well, this is better than the first one", bulong ko sa sarili tsaka tinignan yung price. Php 9999. Oh my God! This is too much! Maraming nagugutom ngayon buti ibili ko na lang ng makakain, mabubusog pa ako. Tinignan ko ulit yung presyo at lumabas ng dressing room para pagsabihan si Mich but as usual, hindi ako pinansin at inalabas lang yung black credit card nito at ibinigay sa may cashier. 

Continue Reading

You'll Also Like

25.3K 660 23
The day I've been shot at my head, I almost lose my breath when I opened my eyes, for the first time in my life; I never knew that miracles do exist...
3.5K 204 24
I hate getting flashbacks from things I don't want to remember.
289K 3.8K 47
Complete. In Ashtine's young heart, she treasures the Amethyst's basketball player, Myco-- who treasures another girl in his heart. [ Season 1: Ash a...
5.1K 201 43
L and Krsytal came from a different kind of life.. they never thought that one day, destiny will bring them together in the thing called "Love".. the...
Wattpad App - Unlock exclusive features