The Ugly Duckling (PUBLISHED...

By kissmyredlips

4.9M 146K 22.9K

If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend... More

Ugly #1
Ugly #2
Ugly #3
Ugly #4
Ugly #5
Ugly #6
Ugly #7
Ugly #8
Ugly #9
Ugly #10
Ugly #11
Ugly #13
Ugly #14
Ugly #15
Ugly #16
Ugly #17
Ugly #18
Ugly #19
Ugly #20
Ugly #21
Ugly #22
Ugly #23
Ugly #24
Ugly #25
Ugly # 26
Ugly # 27
Ugly #28
Ugly #29
Ugly #30
Ugly #31
Ugly #32
Ugly #33
Ugly #34
Ugly #35
Ugly #36
Ugly #37
Ugly #38
Ugly #39
Ugly #40
Ugly #41
Ugly #42
Ugly #43
Ugly #44
Ugly #45
Ugly #46
Final Ugly Chapter
Epilogue

Ugly #12

91.6K 2.8K 132
By kissmyredlips

“Savellano! Cipriano! What the hell is happening here?!” Napangiwi ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Coach Abueva. Oh, they’re doomed. I can feel it. They’re both dead. Hindi ko alam kung paano magparusa si Coach but I know that it won’t be good.

Hinintay ni Coach na sumagot sila pero ni-isa sa dalawa ay walang sumagot sa tanong ni Coach. I bit my lip as I looked at Coach’s lethal expression. He’s really scary.

“Kayo? Anong nangyari dito?” Nilingon ni Coach ang buong team. Pati ako ay nahagip niya ng tingin. Kinabahan tuloy ako na baka tanungin ako ni Coach. I know I’m supposed to tell the truth but I don’t know if I can say how Marcus raised his fist first dahil ipinagtatanggol niya lang naman ako. Ayaw ko siyang mapahamak. Okay lang na kahit si Sage na lang since he deserves it.

“Maria, nakita mo ba ang nangyari?” I jumped when Coach did what I’m afraid he’ll do. Napapikit ako at napakagat sa labi ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin ko. Damn.

“Nagkapikunan lang kami ni Savellano, Coach. No big deal.”

“No big deal? You all know my rules. I strictly told you that I don’t want any brawl in my field. At anong ginawa niyo?” Wala ulit sumagot sa kanila. Pati ang ibang players ay walang imik.

“How about you, Savellano? Aren’t you going to say something?”

“Kung pikon ang pag-uusapan—you should ask Cipriano about that, Coach. He’s the one who punched first, after all.” Walang emosyon na kumibit-balikat si Sage. Kalmado na siya at mukhang parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina. His cheek bone was bleeding though.

“Ikaw ang nagsimula?” Tiningnan ngayon ni Coach si Marcus. Pakiramdam ko ay kailangan ko nang ipagtanggol si Marcus. Ayaw ko siyang mapahamak sa ginawa ko. If I want someone in trouble, si Sage na iyon.

“C-Coach, ipinagtatanggol lang ako n-ni Marcus kay Sage. N-Natamaan ko kasi si Sage ng bola sa ulo at nagalit si Sage. Nagkasagutan silang d-dalawa kaya nagalit si Marcus—”

“Hindi ikaw ang tinatanong ko, Sebastian.” Bigla naman akong namula sa hiya sa sinabi ni Coach. “I’m asking you, Cipriano. Ikaw ba ang naunang sumuntok?”

Hindi sumagot si Marcus at pinanuod ko ang pagkuyom ng mga panga ni Coach. Umiling-iling siya. “If you’re not a good sport, then don’t start an argument. Ilang beses ko sasabihin sa inyo ang bagay na yon? Nasa isang team lang kayo. Hindi kayo magkalaban. Soccer ang laro niyo, if you wanted to play boxing then you shouldn’t have joined my team.” Wala pa rin sumagot sa kanilang dalawa.

“Thirty laps, Cipriano. Start now.” Coach turned his head to Sage whose cheek is bleeding before looking at me. “Dalhin mo si Sage sa office, Maria. Fix his wound. Go.”

Tumango ako kay Coach. I don’t like to be alone with Sage right now dahil bago mangyari ang lahat ay halos patayin niya ako sa tingin niya kanina. Tiningnan ko si Sage. “Uhm…”

Umirap siya sa kawalan. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam ko na ako iyong iniirapan niya. Tumalikod siya at nilampasan ang ibang team mates niya. Naglakad siya patungo sa office ni Coach at sinundan ko naman agad siya.

“S-Sage, d-dito yung office.” Tawag ko sa kanya nang mapansin na patungo siya papasok ng locker room nila.

“You don’t need to do it.” Malamig na sabi niya sa akin.

“Papagalitan ako ni Coach kapag hindi ko siya sinunod.” He rolled his eyes again and walked towards the office.

Huminto si Sage sa harapan ng office. Nagmamadali ko namang binuksan ang pinto para sa kanya. Umirap siya ulit bago pumasok sa loob. Hindi ba siya nangangalay sa pag-irap na ginagawa niya?

“Umupo ka na lang doon.” Tinuro ko ang upuan malapit sa table matapos isinara ang pinto ng office. Lumapit ako sa cabinet para kunin ang first aid kit na tinatago ni Coach. Nang tumalikod ako ay naabutan ko si Sage na nakaupo na sa upuan na tinuro ko. Gusto kong mapataas ang kilay sa kanya. I didn’t expect him to follow what I said. I feel surprisingly… pleased.

“Masakit… ba yung ulo mo?” Nag-aalinlangan na tanong ko.

“I got hit by a fucking ball. What do you expect?” Sarcasm dripped his voice and I badly wanted to grin. He’s cute when he’s pissed. Pero kapag galit siya, he’s downright scary.

Lumapit ako sa mini-fridge ni Coach. Kumuha ako ng isang mineral water bottle na nakalagay sa freezer. Bahagyang nagye-yelo iyon which is good. I closed the fridge before walking towards Sage.

“Lagay mo sa ulo mo,” I handed him the bottle and he took it from my hand. Sinunod niya ulit ang inutos ko at napaungol siya nang dumikit iyon sa likod ng ulo niya. Napangiwi ako. This is the first time that I’m going to mean saying it. “Pasensya na talaga.”

“Whatever.” Sage mumbled under his breath. Hindi na siya nagsalita pa kaya sinimulan ko na ang pag gamut sa sugat niya. I opened the first aid kit and took some cotton ball and poured it with the peroxide. I lightly placed the cotton on Sage’s face pero kahit na dahan-dahan ang ginawa ko ay napa-aray pa rin siya sa kirot.

“Mahapdi? Hindi naman ito alcohol?”

“Try to be gentler.” He snapped and I can’t help it. I rolled my eyes. Hindi naman niya ako nakita dahil hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ko lang talaga mapigilan.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagdampi ng bulak sa sugat niya pero hindi na siya nagre-react. Siguro nasanay na siya. Kumuha ako ng panibagong cotton ball at nilagyan iyon ng betadine. I don’t know a lot about first aid but this is very basic.

Sage groaned at the sight of the cotton. “Hindi ito masakit.”

“It’s disgusting.” Nangangati akong sabihin sa kanya ang sinabi ni Marcus kanina. Where’s your dick at? I wonder if he’ll say the same thing. Bigla akong namula sa naisip ko. Why the hell am I thinking that kind of thing?

“Why are you blushing?” Sage asked and it caught me off guard.

“Namumula ako?” Wala sa isip na tanong ko sa kanya. Tumango si Sage kahit na hawak-hawak ko pa rin ang pisngi niya. Kanina, si Marcus nakita na nakangiti ako mag-isa. Ngayon naman, si Sage. I need to keep my guards up.

Hindi ko na sinagot si Sage sa tanong niya sa akin. I can’t think of a proper answer so I figured it would be best for me to shut up. Kinuha ko ang plaster mula sa first aid kit at ginupit iyon. Bahagya kong inilapit ang mukha ko kay Sage at tiningnan ng mabuti ang sugat para maidikit ng maayos ang plaster.

“You need to stay away from Marcus.” Biglang sabi ni Sage. Naidikit ko na ang plaster pero hindi ko nalayo ang mukha ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Ikinunot ko ang noo ko at nakita ang mabigat na mga titig sa akin ni Sage. My eyes widened a bit and I gulped at how close our face was.

“Ha?” Tiningnan ko siya mula mata hanggang labi. Ngayon ko lang nakita si Sage nang ganitong kalapit. Aaminin ko na. Pogi talaga siya. Hindi na ako magtataka kung bakit nahulog si Dee sa kanya. He’s drop dead handsome.

“I said, stay away from Marcus.”

“Bakit naman?”

Sage’s jaw clenched. I blinked my eyes a few times. I need to get away from him. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Napakunot ang noo ko. Gusto niya akong lumayo kay Marcus.

“Because I said so.” I absent mindedly stared at him. Tama ba itong naiisip ko? Naiisip ko ba ang naiisip niya? Is he really… jealous? Is this his way of being possessive? Wow.

Umiling-iling ako. “Hindi ko maintindihan. Mabait naman si Marcus. Ang sabi mo, sayo ako lumayo pagkatapos ngayon naman gusto mong lumayo ako kay Marcus?”

“Nothing’s changed. I still want you to stay away from me.”

“Bakit?” Napasimangot ako. Alam ko. Alam ko dapat maging sunod-sunuran ako sa kanya dahil iyon dapat ang maging kalabasan ko pero gusto kong malaman. Not that I’m saying I’m going to give him what he wants. Gusto ko lang talaga malaman. “Bakit mo ako gusto lumayo sa’yo? Kay Marcus? Dahil ba sa pangit ako?”

Biglang may nabuong galit sa naisip kong iyon. I shouldn’t take it personally pero kapag naiisip ko si Dee na ganito ang nararamdaman niya, like she’s not appreciated and worthy enough—Hindi ko maiwasan ang hindi magalit.

Walang emosyon na pinanuod ko si Sage. I watched him as he clenched and unclenched his jaw. He looked frustrated. Siguro ay nahihirapan siyang kausap ako. Maybe he’s disgusted.

“Why else do you think?” Pagbalik niya ng tanong sa akin. I took that as a yes. Mas lalo ako nakaramdam ng galit sa kanya. I bit the inside of my cheek in anger. Gusto ko siyang sampalin.

“Bakit kita susundin?” Nandilat ang mga mata ni Sage sa naging sagot ko sa kanya. Siguro he expected me to agree and just say yes like some underdog. Pero ayaw ko. Siguro dapat nga ganon ang gawin ko pero ayaw ko. I was too mad. I want to be stubborn.

“Mabait sa akin si Marcus at gusto ko siya bilang kaibigan. Kung gusto ko siyang lapitan…” Pinigilan ko ang sarili ko. I don’t want to sound too strong. Umiling na lang ako. “Pero kung gusto mong lumayo ako sa iyo, g-gagawin ko iyon dahil iyon ang gusto mo. Alam kong a-ayaw mo sa akin at nirerespeto ko ang desisyon mo.”

Umatras ako mula kay Sage. Isinara ko ang first aid kit at hindi na siya ulit tiningnan pagkatapos ‘non. Ibinalik ko ang lalagyanan sa cabinet at matapos ay naglakad na patungo sa pintuan. “Paki…Paki patay na lang ang ilaw k-kapag lumabas k-ka na.”

Iniwan ko na si Sage doon. Hindi na ako nagpaalam kay Coach dahil wala ako sa mood. Bahala na kung papagalitan niya ako sa susunod na practice.

Isang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang away ni Sage at Marcus. Pati yung pag-uusap namin sa office ni Coach. Hindi ko pa nakikita si Sage. Walang practice kahapon kaya hindi ko rin nakita si Marcus. Hindi ako pumunta ng practice ngayon at dumeretso na lang sa bagong apartment ko kasama si Luke para mag hang out. Wala siyang gagawin at wala rin naman akong gagawin kaya pumayag na muna ako bago umuwi ng bahay.

“Are you sure he said he wants you to stay away from that Marcus guy?” Tanong sa akin ni Luke. Bumuntong hininga ako at kumuha ng ilang chichirya mula sa pantry. Hinagis ko iyon kay Luke bago kumuha ng juice mula sa fridge.

After my talk with Sage that day, tinawagan ko agad si Luke. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa apartment—na ayos na ang lahat kaya nakipagkita ako agad sa kanya dahil gusto ko makita ang apartment. Hindi pa rin naalis si Sage sa isip ko kaya in the end, inaya ako ni Luke na mag bar. He said it’ll just be quick drink at ihahatid niya rin ako agad sa bahay. Pumayag na rin ako because I needed to take my mind away from Sage.

“I just said it, didn’t I?” Umirap ako dito at matapos ay lumapit ako sa sofa na kinauupuan niya. Maliit lang ang apartment. May second floor pero kwarto lang iyon. Sa baba naman, pinagkasya ang mini-kitchen na dining area na rin—maliit na banyo at maliit pero matatawag na living room.

“Then he’s probably jealous.” Luke Dashiel shrugged at me. Nakasimangot siya pero matapos ay ngumisi din siya. He raised the glass, tipping it in the air. “Congrats on your success!”

I made a face at him. “Do you even listen? He wants me to stay away from him too.”

“Alam ko na iniisip mo rin ang mga iniisip ko, Les. You’re thinking that he wants you to stay away because he doesn’t want to fall in love. You’re just telling me all of these because you want me to confirm everything.”

“No, genius. I’m telling you everything because I need a smart opinion but obviously, I came to the wrong person.” I rolled my eyes at Luke. “Ako ang kausap ni Sage. I know how he reacted. Oo, iniisip ko na nagseselos siya but it doesn’t mean I actually think that he’s jealous. I don’t think he likes me. At least not yet.”

“Ayun naman pala. Why are we still talking about this?” He groaned. “I have a dick, you know.”

“Because I’m a girl and I want to rant about things. And you’re my best friend. Deal with it.” I scrunched my nose. “And can you please not mention your dick to me? It’s disgusting.”

“You have Dee.” He replied, ignoring what I said.

I shook my head. “Ayaw kong kausapin si Dee tungkol kay Sage. I want her to move on and bugging her about the guy who’s the reason why she needs to move on isn’t going to help.”

“What’s your plan then?”

Sa tanong niyang iyon, napawi ang lahat ng frustration na nararamdaman ko. I’ve pondered about my next move and thanks to the unexpected turn of events, nakaisip ako ng panibagong plano para makuha ang atensyon ni Sage. Now that’s something that I definitely want to talk about.

“I’m going to make our assumptions true.”

He blinked at me. “What?”

I stared at Luke and gave him my most wicked smirk. “I’m going to make Sage Savellano jealous.”

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...
75.8K 3.7K 35
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
717 255 13
👩‍❤️‍👨 Published under Ukiyoto Publishing: Magkasintahan Volume 28 Kate and Nate are best of friends. Parehong sawi sa pag-ibig noong subukang pasu...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...