My Knight in Shining Fangs [F...

By Thyriza

3.7M 100K 5.8K

[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own versi... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Epilogue
NOTE!!
SPECIAL CHAPTER (1)

Chapter Twenty-Eight

61.8K 1.5K 134
By Thyriza

Chapter 28

[Hahaha, umuwi nga ang loko. Kaya pala biglang nawala.] ani Migo sa kabilang linya. Tinawagan niya ako para itanong kung nandito na daw ba si Kent sa Pilipinas at panay daw ang hanap sakanya ni Casey at nang pamilya nito.

“Natakot siya sa banta ko eh,” natatawa kong sabi sakanya. I heard Migo laugh on the other line.

[And Cassey is being bitch again. Pabalikin ko daw dito si Kent at hindi pa tapos ang tour.] bigla akong nainis sa sinabi ni Migo. Ang landi talaga ng Cassey na ‘yon. She thinks na maaakit niya si Kent ha.

“Eh sino lang kasama mo d’yan?” pag-iiba ko sa usapan dahil baka masira lang ang araw ko kapag pinagpatuloy kong making sa sinasabi ni Migo.

[Ah? Eh si ano… si—Sir Migo ayos na daw po ‘yung reservation para sa bagong room—]

“Teka. Isa that Florence? Boses niya ‘yan ah?” hindi ako pwedeng magkamali. Si Florence ang narinig ko sa kabilang linya.

[Hehehehe. Gotta go, Theyn. Bye!]

“H-hoy! T-teka,” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko when he hang up the phone.

That man! He has a lot of explaining to do kung bakit kasama niya si Florence. Though ang alam ko ang magiging reason niya kasi secretarya niya ‘to.

“Theyn…”

And I forgot to say na nandito ko sa bahay ni Kent. Pinag half day niya lang ako para daw magbonding kami dito. Kung ako lang ang masusunod ayaw ko dito sa bahay niya. Puro kasi kalandian ang naiisip ko kapag napagsosolo kami. Pero disidido talaga ako na ‘wag isusuko ang bataan hanggang sa hindi pa ako handa.

“Sino kausap mo?” tanong niya habang papalapit sa akin.

“Si Migo. Hinahanap ka daw ni Cassey,” pagkasabi ko no’n ay umismid ako. Saying her name is like saying a bad word.

“Gano’n ba?” bigla-bigla na lang niya akong hinapit palapit sakanya at sumubsob sa leeg ko. He was nuzzling my neck kaya pinilit kong lumayo sakanya.

“K-Kent—“

“I missed you so bad. God knows how much I wanted to see you,” pinagdikit niya noo namin kaya napapikita ko nang mariin.

“Namiss din kita, Kent. Pero bakit mo ako pinadalhan ng picture niyo ni Cassey?” tanong ko dahilan para mapakunot ang noo niya.

“Pictures? What pictures?” nagtataka niyang tanong.

“You send me an e-mail. You told me to print it kaya ginawa ko. But it turns out na picture niyo ni Cassey ang nasa papel at—“ natigilan ako sa pagsasalita nang ma-realize ko ang lahat. Mukhang walang ka-ide-ideya si Kent sa nangyari kaya napagtagni ko ang nangyari. “She’s the one who sends it.” I said like concluding.

“Theyn, wala akong alam. I’m sorry. Yes we had pictures kasi wala naman akong choice dahil kinukuhanan nila kami ng litrato. But I will never ask you to print our picture. Hindi ako tanga para hindi malaman na masasaktan ka kapag ginawa ko ‘yon.”

“Pero e-mail add mo ang gamit.” Sabi ko.

“Cassey borrowed my laptop and…” I heard him groaned na parang may na-realize. “I think you’re right. Siya nga nag-send no’n gamit ang e-mail ko.” Napatango ako sakanya.

“Hindi ako galit sa’yo. Oo medyo nasaktan ako no’ng makita ko ‘yon pero may tiwala ako sa’yo. Kaya kahit ginawan ako ni Migo ng Passport para sundan ka ay hindi ako sumama kasi alam kong iisipin mo na wala akong tiwala sa’yo at ayaw kong isipin mo na gano’n ang tingin ko sa’yo.” Hinaplos niya pisngi ko at mataman akong tiningnan.

“Ako ang nagsabi kay Migo na sumunod ka sa akin. Pero sabi niya mukhang hindi ka niya mapipilit. I wanted us to celebrate our monthsary in Colorado. Kaya no’ng natanggap ko ang threat mo from Migo ay agad akong umuwi sa takot. Nakita ka pa daw niyang naka-empake na at ready to run with Ivo.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kent. Ang OA naman ni Migo.

“Baliw talaga ang lalaking ‘yon. Pero nakakatampo na kung hindi pa pala kita tinakot eh hindi ka pa uuwi.” Napanguso ako. Nagulat na lang ako nang siilin niya ako ng halik. Parang hinihigop ang kaluluwa ko habang dinadama ang mga halik niya. It was like my soul is trying to surrender itself to him.

Sobra akong hingal nang bumitaw siya sa akin.

“Let’s not talk about it. Can we? Gusto ko lang na makasama ka ngayong gabi.” He said while caressing my jaw line. Napalunok ako nang malalim sa sinabi niya.

“K-Kent,”

“Walang mangyayari. Ang gusto ko lang ay makasama ka ngayong gabi.”

“Pero ang mga kapatid ko,”

“I’ll text Lorelei na—“

“Kent, sobra nang daming abala naming nagawa kay Lorelei. Besides, she’s pregnant.” Kita kong biglang nanlumo ang hitsura niya.

“S-sige. Ihahatid na kita sa inyo,” malungkot niyang sabi.

“Oo na. puwede mo na akong makasama ngayong gabi. Tatawagan ko na lang si Haril na hindi ako makakauwi.” Halata sa mukha ni Kent na nasiyahan kaya bigla na lang niya akong nayakap at kinarga.

“T-teka… S-saan mo ako dadalhin?” kabado kong tanong.

“Sa kwarto,” tipid niyang sabi. Mas lalo akong kinabahan.

“A-anong gagawin natin sa kwarto mo?” Oh my gosh! Sabi nang ‘di pa ako ready eh. Jusko po!

“What couples do inside their bedroom?” he mischievously smile at me kaya mas lalo akong napraning.

“B-but we’re not m-married yet.” Feeling ko nagpapawis ang buo kong katawan. Hindi naman siguro ako mare-rape ngayong gabi, ‘no? Unless kung pumayag ako syempre hindi rape ang tawag do’n. pero kahit na. huhuhu

“Then I’ll marry you after,” After daw. Lagot na talaga! Kukunin niya muna puri ko bago ako pakasalan.

“D-dalagang Filipina ako, Kent.” Mangiyak-ngiyak kong sabi. Papasok na kami sa kwarto niya at binuksan niya ang pinto gamit ang paa niya.

This is it. Anong this is it? Gusto mo din?! I mean, huhuhu pipilitin niya ata talaga ako. Gulp.

“And I’m not pure Filipino,” waaaah! For all the sake in the world. Help me!

Nilapag niya ako sa kama niya kaya napaupo ako habang nakatayo siya sa harapan ko.

“Higa,” utos niya.

“Ha?” napatanga ako sa harap niya habang nakita kong isa-isa niyang inaalis ang butones at tumambad sa akin ang malapad niyang dibdib at matigas na abs. Ni makalunok hindi ko magawa dahil pakiramdam ko naparalisa ang buo kong katawan sa magandang tanawin na nakikita ko.

Napatayo ako at hinarap si Kent. May sariling isip ang katawan ko at kusang gumalaw ang kamay ko at hinaplos ang dibdib niya pababa sa abs niya. Sh-t! This is it na talaga!

“T-Theyn,”

“Bakit ka may abs? May time ka pa mag gym?” sabi ko habang hinahawakan ang abs niya at sinusugid ang bawat linya. Parang kinukuryente ang kamay ko.

“T-Theyn, a-ano bang ginagawa mo?” nakakunot siya.

“Para kang model sa brief,” sabi ko saka humagikhik.

“Theyn!” his voice was reprimanding pero hindi ko ‘yon pinansin.

“Anong brand nang brief mo?” wala sa loob na tanong ko.

“Theyn Torres! Are you fvcking teasing me?!”

“No I’m not,” parang bata kong sabi.

“Yes you are. You’re teasing me with your innocent act,”

“Eh bakit mo kasi ako pinapahiga? At naghuhubad ka pa?” I scowled. Panira sa moment si Kent eh.

“Cuddle, Theyn. I want us to cuddle,” sabi niya.

“Eh bakit ka nagtatanggal ng damit?” nakapameywang kong sabi.

“Because I’m going to change clothes.”

“Ahhhh.” I wanted to slap myself. Ang assuming ko kasi eh.

“But, if you want us to—“

“Stop! Cuddle is fine. Cuddle is fine.” Mabilis kong sabi dahilan para matawa siya ng malakas.

“You’re not changing your mind? Anyway, it’s fine with me if you want us to do something…like more than cuddle?” nakangisi niyang sabi.

“Ayaw ko nga! Ang bata ko pa!” tumawa nanaman siya. Saka pilyong ngumiti.

“So? Eh sa gusto ko. May magagawa ka ba?”

“S-sisigaw ako!” sabi ko sakanya. Mas lalo siyang tumawa ng malakas. Nakakainis na siya ah.

“Oh, I would love to hear you scream for me, baby.” Nagtindigan ang buong hair follicle ko dahil sa sinabi niya. My gosh! Anong kalandian ba ‘tong nangyayari sa buhay ko? Konti na lang talaga ang baka bumigay na ako.

“Ang sagwa mo, Kent!” I shrieked that earn a laugh from him.

“Halika nga dito.” Hinila niya ako palapit sakanya at niyakap. Napasubsub tuloy ako sa hubad niyang dibdib. Ang lamig!

“Ang lamig mo, Kent.” Sabi ko.

“Paiinitin kita.”

“Kent!” saway ko sakanya.

“Hahaha. Ang sarap mong asarin. Kaya mas lalo kitang minamahal eh,” inamoy-amoy niya buhok ko kaya napangiti na din ako.

Hindi ko akalain na ako ang makakapaglabas ng ganitong ugali ni Kent. Napaka-imposibleng isipin na isang araw ganito na siya. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa opisina kapag nalaman nilang may playful side si Kent.

***

Kinabukasan, maaga akong gumising. Halos nakalimutan kong nandito ako natulog sa bahay ni Kent. Wala na si Kent sa tabi ko kaya agad akong bumangon. Suot ko ang t-shirt ni Kent na naging dress na sa akin dahil sa sobrang laki.

Palabas na sana akong kwarto niya nang lumabas siya galing sa CR ng kwarto niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya at kita ko ang hipbone niya. Ang sexy ng boyfriend ko. Bagong ligo, ang bango pa.

“Goodmorning,” bati niya kaya tumango lang ako.

“Kumusta tulog mo?” tanong ko sakanya. Nakita  kong natigilan siya sa tanong ko. Hindi ba siya nakatulog? Baka naman hindi siya sanay na may katabi siya sa pagtulog.

“O-ok naman,” tipid niyang sabi. Pati ngiti niya tipid din.

“Ihatid mo na ako sa amin. 6:45 pa lang naman. Para do’n na ako maligo at magpalit ng damit,” sabi ko sakanya. Lumapit lang siya sa akin habang kinukusot ang buhok niya ng maliit na towel para matuyo.

“Pwede ka naman maligo dito,” kibit niya.

“Oo pero wala akong damit na dala,” I said. Ngumiti lang siya. Pilyong ngiti.

“Bagay naman sa’yo ang mga damit ko eh,” sinabit niya ang buhok ko sa tenga kaya naramdaman ko nanaman ang malalamig niyang kamay.

“Hindi ko pwedeng suotin ang damit mo sa opisina.” Natatawa kong sabi.

“Sino may sabi sa’yong papasok ka sa opisina. And damn! Of course you’re not allowed to wear that in the company. Baka masisante ko ang lahat ng lalaking titingin sa’yo. And worst, make their life a living hell.”

“Kent,”

“Hindi ka papasok sa opisina. I have lots of t-shirt at pwede kang magpalit oras-oras,” sabi niya at laking iling ko naman.

“Hindi pwedeng hindi ako pumasok. Lalo ka na. Ang dami mong trabaho na naiwan.” Seryoso kong sabi sakanya.

“Sino ang boss sa companya?”

“Ikaw,”

“Yes. So kapag sinabi kong hindi ka papasok, hindi ka papasok.” Nilagay niya sa balikat ang maliit na towel saka lumakad papunta sa closet niya. Sinundan ko lang siya nang tingin habang tinitingnan siyang namimili ng damit.

Alam niya atang nakatingin ako sakanya kaya nilingon niya ako. “You want to see me naked?” humawak siya sa tuwalya niyang nakapulupot sa bewang niya. My eyes widened.

“A-anong…” hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa sinabi niya. Kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig niya. Narinig ko ang malakas niyang tawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pinagtitripan niya ba ako?!

“You’re blushing, boss. Kung nakita mo lang reaction mo. Wahahahah. I would love to have a replay button to see it again.” Then he laugh wholeheartedly.

“Nakakainis ka!” pumunta ako sa kama at binato siya ng malaking unan pero nakailag naman siya. Tawa pa rin nang tawa ang loko.

“Aasarin mo ba ako buong araw?!” inis kong sabi.

“Of course not. I have plenty of plans na pwede nating gawin dito sa bahay ko. And I’ll make sure you’ll scream my name with pleas—“

“KENT!” saway ko sakanya.

“Hahahahaha. Bakit ba? Wala naman akong sinasabing masama eh,” painosente niya pang sabi.

“Ang bastos ng bibig mo! Hindi nakakatuwa!” I scowled at him.

Bigla namang nagseryoso ang mukha niya at lumapit sa akin. Pwede bang magbihis muna siya bago lumapit sa akin? Talagang binabalandra niya ang abs niya sa akin ah.

“Ayaw mo bang makita ang katawan nang future husband mo? Every woman would kill just to see me naked in their dream.” Nakapangiwi naman ako sa sinabi niya. Every woman. Madami sila.

“Kent, ‘wag mong dungisan ang innocent mind ko, ok?” biglang nalungkot ang mukha niya.

“S-sorry. I forgot you were just 23 years old.” Lumayo siya sa akin at parang nasasaktan na tumalikod. Nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko gustong maramdaman niyang sobrang agwat ng edad namin dahil sa totoo lang hindi naman halata.

“Kent,” hindi niya ako nilingon. Mas lalo akong nasaktan sa tinuran niya. Never na naging issue sa akin ang edad niya. Bakit ba gano’n ang iniisip niya?

“Kent, sorry na.” malungkot kong sabi sakanya. Hindi niya ako pinansin. Nakasuot na din siya ng puting t-shirt kapareho ng suot ko at walking shorts na gray.

“Don’t be sorry,” malamig niyang sabi. Parang pinipiga ang puso ko na makita siyang ganyan. At mas lalong nakaka-guilty kapag hindi niya pinapakita na na-offend siya. He was trying his best na maging mabuti pa rin sa akin.

Dinaanan niya lang  ako at lumabas ng kwarto. Naiwan lang ako sa loob na nakatulala. Ang bilis ng pangyayari. Okay naman kami kanina tapos biglang ganito.

------

A.N: Sorry naman kung ang tagal kong mag update. I have a better twist for this story and of course, it will be shocking! :P

Ate Thy <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 68.4K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
1.2M 33.9K 53
[Fangs Series #2] You knew he was dangerous. You knew he wasn't ordinary. You knew his sharp fangs. He's pushing you but you're a hard-headed bitch w...
506K 27.2K 45
Deanery Mortel was a single woman with fat pocket. But despite of wealth and success, she was secretly empty inside because of a man she let go. Her...
318K 10.4K 33
Mafia Heirs Series Book 1 Gretel Drinx McNeil.