HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

681K 11.3K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 40

8K 209 4
By Vis-beyan28

Chapter 40: 'Confession'

Ahli's POV

Mabilis akong tumalikod at tumakbo papalabas sa lugar na yun. Ayoko mang ipakita sa kanyang nasasaktan ako, di ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko sa harapan niya.

At ng di ko na nakayanan ang malamig niyang titig ay deretso na akong umalis dun. Hindi ko kayang manatili dun lalo na't pakiramdam ko ay sasabog ang halo-halong emosyon ko. Nasasaktan ako at pakiramdam ko nahihirapan akong huminga dahil kanina pa patuloy sa pag agos ang luha ko.

Sinubukan akong tawagan ni ayna pero sadyang wala akong gustong dinggin ngayon. Pakiramdam ko sarado ang tenga sa mga naririnig ko.

Di ko mapigilang alalahanin kung paano ba ako nagkagusto sa kanya.

Paano nga ba?

Eh wala nga siyang ginawa kundi ang asarin ako. Unang pagkikita pa lang namin, ayaw na namin sa isa't-isa. Nagsimula kami sa away. Nagsimula ko siyang kinainisan pero hindi ko aakalaing ganito hahantong ang nararamdaman ko para sa kanya.

Habang tumatagal, habang nakikilala ko siya tuluyan ng nahulog ang damdamin ko. Sa mga pinapakita niya sa akin, sa mga effort na ginagawa niya tuluyan na akong nagpadala sa pakiramdam ko sa kanya.

Tangina lang dahil hindi ko napigilan. Tangina lang dahil sa kanya pa ako nahulog.

Wala sa sarili akong napunta sa salas ng mansion. Lalong lumakas ang tugtog at wala ng masyadong tao dito. Siguro, umuwi na ang ilan at hindi ko na alam nagtungo ang iba. Mayron pa namang tao pero kokonti na lang. May nakaupo sa couch habang nagiinum. May nagsasasayaw pa at ang ilan ay nagke-kwentuhan sa gilid.

Umiwas lang ako ng tingin dun at saka ko napansing may bar counter din pala dito sa bahay nila thamy.

Tsk. Ganun siya kayaman. Para akong nanlumo sa isiping yun. Ano ba namang laban ko dun? Maganda siya, magaling kumanta, hindi na ako magtataka kung matalino din siya, gusto ng nakakaramihan, komportableng kasama at higit sa lahat mayaman.

Talagang siya ang pipiliin ni khanz. Kompara sa akin na walang walang. Butas pa ang bulsa.

Natawa ako ng mahina. Di ko na namalayang patungo na ako dun sa bar counter. Ewan ko ba pero pakiramdam ko kailangan kong kalimutan ang nasaksihan ko kanina.

Akalain mong ang bilis din pala niyang magbago. Alam kong wala akong karapatang magreklamo pero hindi ko mapigilan ding mainis sa kanya. Di ko aasahang sa ganung sitwasyon pa talaga ko sila makikita. Nagawa niyang makipaghalikan samantalang ako ay pilit na winawaksi siya sa isipan ko pero mahirap. Anong sa tingin niya, ganun na lang kadali?

May mga ilang bote ng alak dun na nakalapag at hindi pa talaga bukas. May mga ilang baso sa gilid kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na kunin yun at magsalin. Mabilis akong umupo dun at muling tumulala sa kawalan.

Pakiramdam ko para akong pinagtaksilan. Kung masaktan ako parang may namagitan samin eh wala naman. Tsk. Bakit naman kase ako iiyak diba? Sino ba siya? Hindi ko naman siya naging syota o ano. Kaya anong karapatan kong mag emote? Di na talaga ako aasa. Mamatay ang aasa. Sawamg sawa na akong masaktan. Pesteng buhay.

"Miss, mag isa ka lang? "-nabaling ang tingin ko ng may biglang nagsalita sa aking tabi.

Dahil sa kaiisip ko, di ko na namalayang may tao na pala sa tabi ko.

Tinignan ko lang siya at saka nilagok ang laman ng baso ko.

"Ano sa tingin mo?"-walang gana kong turan at muling nagsalin.

"I like you."-natatawa niyang tugon at napailing iling.

Kahit di ko siya pagmasdan, alam kong gwapo siya. Sa tingin ko hindi siya nag aaral sa St. Montris dahil sa pisikal na anyo pa lang niya, galing sa mayaman na pamilya ito. Hindi ko alam kung may lahi to pero pakiramdam ko amerikano to. Kulay blue ang mata eh.

Natawa ako ng mahina sa narinig ko at saka nagsalita. "Buti pa ikaw mabilis akong magustuhan pero ang tanginang yun pahirapan."-umismid ako at muling linagok ang laman ng baso ko.

Napapikit pa ako ng maramdaman kong dumaloy ang mainit na likido sa aking lalamunan. Mas ginanahan akong uminom.

Nakalimutan ko na rin na may kasama pala ako. Ewan ko kung san na nagpunta si ayna at kung hinahanap na ba ako nila zad. Tsk. Bahala silang maghanap. Gusto kong magpakalunod sa alak ngayon.

Tangina, ang sarap makalimot! Kung sana lang mabilis nawawala tong sakit na nararamdaman ko sa pag inom ng alak, kahit araw-arawin ko basta mawala lang to gagawin ko.

"So, you're drinking because of that?"-may himig amusement sa kanyang boses. Umayos siya ng upo at humarap din sa mga alak, tulad ko.

Bahagya niyang tinauon ang kamay niya sa bar counter at nagpangalumbaba akong pinagmasdan. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paginom.

"Oh eh ano naman sayo kung yung ang dahilan ko?"

Mahina siyang natawa.

Ano bang nakakatawa? Kanina pa to ah.

"Wala naman. It's just that ang common ng rason mo sa mga babaeng nakikilala kong naglalasing."-ngumisi siya.

Kapag ibang tao siguro kausap niya, kikilabutan sila sa ngisi niya pero ako ay mukhang ang gaan ng loob kong kausapin siya. Hindi naman natural sa akin to pero ngayon lang ako nakakilala ng lalakeng ang sarap kausap. Wala akong maramdamang kaba at takot eh. Hindi man lang pumasok sa isip ko na may balak siya sa akin.

"Babaero ka no?"-tinaasan ko siya ng kilay at yun ang dahilan ng pagbaling ko sa kaniya.

Saka ko lang napagmasdan mukha niya. Gwapo nga. Pano niya masasabing gusto niya ako? Eh yung tipo ng ganyang lalake eh mga sesksing chicks lang ang matitipuhan nila.

Tulad ng lokong yun. Tsk.

"Everyone thinks I am but fortunately I am not."-tinaas pa niya dalawang kamay niya at saka nakangising umiling.

Natawa ako ng pagak. "Imposible. Wala pa nga akong kilalang lalakeng stick to one eh. Ikaw pa kaya? Huwag mo kong pinaglololoko, hindi ako pinanganak kahapon."-inismiran ko siya at muling tumingin sa harapan. Muli akong lumagok at mukhang natatamaan na ako.

"Ganyan rin ba tingin mo sa akin? Now I know what's you're problem miss. Hindi ka gusto ng gusto mo no?"

O_O

Natahimik ako.

Bahagya siyang natawa at humarap sa akin. Ngayon, patagilid na siyang umupo habang ako ay nanatiling nakaharap sa mga alak.

"Did I hit the bell? You're obvious though."

"Hindi yan ang iniisip ko. Tsk. Ano bang ginagawa mo dito at kinakausap ako? Kilala ba kita?"-kinunotan ko siya ng noo. Nanatili lang siyang nakangisi.

"Nope. Bakit mo ba iniiba ang usapan natin? Oh, I get it. Don't worry, hindi ko naman ipagkakalat. You know, we have the same situation."-sumeryoso ang boses niya na kinatigil ko.

Sumulyap ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang lungkot kahit nakangisi siya.

Kumuha na siya ng baso at nagsalin na din ng alak. Muli siyang umayos ng upo.

"Hindi ka rin gusto ng gusto mo ganun?"

"Yap. And scratch the word gusto. Because I love her."

Di ko napigilang mapasipol.

"Eh mas malala ka pa pala kaysa sakin eh."

Natawa siyang muli pagkatapos nun ay napabuntong hininga na rin.

Yumuko siya habang pinaglalaruan ang hawak niyang baso.

Ako sana mag eemote eh pero mukhang di na niya napigilan. Talagang sinabayan pa niya ako eh no. Tsk.

"You probably knew her dahil siya lang naman ang nag imbinta sa iyo right?"

O_O

Tuluyan ng namilog ang mata ko sa gulat. Bahagya pa akong napanganga sa bigla.

"Ibig mong sabihin....s-si thamy ang tinutukoy mo?"-gulat kong bulalas.

WTF?! Totoo ba tong naririnig ko? Pero kung sa bagay, madami naman talagang nagkakagusto sa kaniya. Bakit pa ba ako nagtaka di ba?

"You look shock. Well anyways, kahit namang sabihin ko wala pading magbabago. Kay lacuesta lang talaga ang paningin niya."-malungkot niyang tugon at lumagok.

Tama nga siya. Kahit umamin din ako, walang magbabago. Kay thamy din lang ang paningin niya. Tignan mo nga naman ang kapalaran namin. Di ko aakalaing parehas lang kami ng sitwasyon.

Muli kong nilagok ang natitirang alak sa baso ko at natahimik. Napapikit ako ng mariin ng makaramdam ako ng hilo. Tangina, mukhang tinamaan na ako.

"You know what? Let's drink and forget the pain they've cause to us."-sinalinan niya ako ng alak at ganun din siya.

Tinaas niya ang hawak niyang baso at hinarap sa akin.

"I'm shane."

Kinuha ko naman ang baso ko at saka pinagtapat sa kanyang baso. Ngumisi ako at nagsalita.

"Ahli----"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang may humablot sa hawak kong baso.

Gulat kaming napa angat ng tingin sa gumawa nun at kumabog na lang bigla ang puso ko.

A-anong ginagawa niya dito?

"K-khanz..."-wala sa sarili kong naisatinig. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat.

Pero ang paningin niya ay naka'y shane. Ang dilim ng mukha niya at ang sama ng mga titig niya. Napalunok ako.

"How many times do I have to tell you to stop drinking."-masama ang titig niyang bumaling sa akin. Napaka dilim ng aura niya at pati pagtiim ng bagang niya ay nahahalata ko na.

Parang naputol ang dila ko dahil wala akong masabi. Napako na lang ako sa kinauupuan ko.

"You disobey me again ahlisha. And you must fvking punished for doing it."-malamig niyang wika at hinablot ang kamay ko.

Dahil sa gulat ko hindi ako agad nakapag react kaya naman hindi na siya nahirapang hilahin ako patayo.

Bumaling ako kay shane na may nagpapaumanhin na tingin pero tinanguan lang niya ako. Medyo nakahinga ako dun ng maluwag. Nahiya kase ako dun sa biglaang pagsulpot ni khanz. Natakot pa naman si shane dahil sobrang sama ng tingin ni khanz sa kanya.

Ano bang nangyayari sayo khanz? Hindi na talaga kita maintindihan.

Marahas niya akong hinila papalayo doon. Bawat hakbang niya ay parang nagmamadali. Halos hindi na ako magkandaugaga sa kakalakad takbo dahil sa laki ng hakbang niya.

"Ano bang problema mo khanz? Akala ko ba kakalimutan mo na ako? Ano ba tong gianagawa mo?!"-di ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya.

Dala ng alak at halo halong emosyon, bumuhos na naman ang mga luha ko. Naguguluhan na ako sa kinikilos niya. Lalo akong nasasaktan sa mga pinapakita niya eh!

"ANO BA?!"-marahas akong nagpumiglas pero sadyang ayaw niya akong bitawan.

Napapatingin na din ang ibang tao sa amin pero kahit ganun, wala akong pake. Ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. Ang gusto ko lang ay ang hindi na siya makita pa.

Marahas niyang binuksan ang isang kwartong napuntahan namin at tinulak ako papasok. Hindi na ako naka angal sa bilis ng pangyayari.

Mabilis niyang ni lock ang pinto pagkapasok niya. Di ko na nagawang ilibot ang paningin ko pero alam ko namang nasa guest room kami.

Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro siya sa sobrang galit at inis. Nakakabanas na talaga siya.

"Wala kang karapatang pagsabihan ako at mas lalong wala kang karapatang pag bawalan ako!"

Lalong nagtiim ang bagang niya at nagbabantang naglakad papalapit aa akin. Himdi ako nagpatinag kahit sobrang sama na ang tingin niya.

"So what if I don't have the rights?! Kaya kong gawin lahat ng gusto ko sa ayaw at sa gusto mo. So if I have to say that don't talk to every man specie here, you must fvking follow me!"

Di makapaniwala ko siyang tinignan. Lalo akong napaluha.

"Napaka selfish mo talaga eh noh?? Tangina mo! Kung makapag bawal ka sa akin parang inaangkin mo na ako samantalang ikaw, kaya mong makipaghalikan sa kani-kaninong babae diyan! Sinabi ko na sayo to noon khanz. HINDI AKO BAGAY! Hindi ako bagay na kaya mong balewalain na lang basta. Hindi ako bagay na kapag kailangan mo ay saka ka mo lang ako kakailangan at kapag hindi, saka mo lang ako iiwan. Ang gulo mo rin eh noh. Akala ko ba walang pakialamanan na?"-malakas kong bulalas habang patuloy sa pagbuhos ng luha ko.

Kahit anong pilit kong punasan, mukhang parang hindi ito mawala wala. Patuloy lang ito sa pagdaloy at kahit anong gawin ko ay hindi matigil.

"Kaya ka ba nakikipaglandian sa gagong yun? Dahil lang sa sinabi ko? Ganun ba? Answer me ahlisha!"

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin? At ano naman sayo kung oo? Pinagbawalan ba kitang makipag halikan kay thamy? May narinig ka ba sa akin? Tangina mo! Kahit maghalikan kayo gabi gabi. Wala ka namang pake sa nararamdaman kong damuho ka! Nakakabwisit ka!"

"What did you say? Where the fvk are you going? Were not done yet!"-marahas niya ulit akong hinila sa braso ko ng akmang lalampasan ko na siya.

"Bitawan mo ko! Huwag mo akong hahawakan dahil baka kung ano pang magawa ko sayo. Sawang sawa na ako khanz. Pabayaan mo na ako. Palagi mo na lang akong sinasaktan. Kahit konting konsiderasyon lang naman ang itira mo sa akin. Sawang sawa na akong masaktan eh. Pakiramdam ko wala ng natira sa akin. Ano bang nagawa kong mali para ganituhin mo ako. Naguguluhan na ako sayo at sa nararamdaman ko. Kung hindi mo ako gusto, sige tatangapin ko. Tangina, gusto lang naman kita eh! Kahit ipagsigawan ko sa lahat tong nararamdaman ko, alam ko namang sa iba padin ang paningin mo kaya kung pwede lang layuan mo na ako."-nahihirapan kong sabi at tuluyan ng napahagulgol sa kinatatayuan ko.

Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Dinig ko padin ang tugtog sa labas pero tong hagulgol ko ang tanging nasa pandinig ko na lang.

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa wakas ay nasabi ko na din. Pero ang sakit na nararandaman ko ay di padin nawawala.

"Ano? Nagulat ka noh?! Gago, kasalanan mo to kung bakit kita nagustuhan! Kung hindi mo sana ako pinakitaan ng totoo kong halaga, hindi kita magugustuhan ng ganito! Ikaw ang dapat sisihin dito! At di ko mapigilang magselos sa thamy na yun dahil nagagawa mo pa siyang ngitian ng ganun. Ha! Eh kung humarap ka sa akin parang may nagawa akong mali samantalang siya? Tangina----"

O_O
.
.
.
.
.
O______________O

WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!

ANG SECOND KISS KOOOOOOOO!!!!!!!!

Tuluyan ng naputol ang pagsasalita ko ng inisang hakbang niya ang pagitan namin at walang pasabing hinalikan ako sa labi!!!

Namilog ang mata ko sa sobrang gulat at para bang naestatwa na lang sa pangyayari. Di ako nakagalaw ng limang segundo at halos makalimutan ko na ding huminga.

Pakiramdam ko nakalimutan ko na ang ang away namin at parang bang kinikiliti ang tiyan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sasabog na lang basta. Bigla atang nawala ang malakas na tugtog sa labas at wala akong marinig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Kasabay ng pagpikit ng aking mata ay ang pagbagsak ng huling luha sa aking mata. Tuluyan na siyang gumalaw dahilan para mas lalo kong maramdaman ang lambot at init ng kaniyang labing nakadantay sa labi ko.

________________________________________

A/N: Dami kong update ngayon hehehe. Sana nag enjoy kayo sa pagbabasa. And pls don't forget to vote and follow ha? I love you all reader's!♥♥:)

Continue Reading

You'll Also Like

866 60 25
(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish h...
23.6M 784K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
782K 21.4K 5
Rainbow is not just in the sky, sometimes it is in the eyes...