Fatal Attraction 3: La Impost...

By Whroxie

6.4M 146K 15.2K

To Mayor Wilson Eliseo dela Fuente, it wasn't a huge surprise that it was his turn to get dragged to the sacr... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

CHAPTER 30

121K 2.7K 264
By Whroxie


FINALLY, you're here." Sinalubong ni Wilson ng mahigpit na yakap si Sasahh pagpasok niya ng opisina nito. Kanina pa ito nagtatanong kung nasaan na siya.

Wilson enclosed her face with his palms and dropped a soft kiss on the lips.  "I miss you!" Bulong nito. Tipid na ngiti lang ang kaya niyang isukli rito.

"Busy ka ba?" Her voice was small and fragile.

"Hindi naman. Halika may ipapakilala ako sa 'yo." Iginiya siya ni Wilson patungo sa desk nito kung saan iniwan ang kausap. Tumayo ang isang magandang babae.

"This is Tessmarie, a wedding planner. Tessmarie, this my wife, Sasahh."

"Hello!" Inilahad nito ang kamay na agad naman niyang tinanggap.

"Siya ang mag-aasikaso ng lahat sa kasal natin." Gulat na napatingin si Sasahh kay Wilson.

"Kasal?"

"I told you I will marry you again. Bilang Sasaahh Rodriguez." Sa halip na matuwa ay parang pinisil ang puso niya at hindi niya mapigilan ang biglang pagpatak ng luha.

"She gets emotional," Tessmarie said with a smile, thought she burst into tears because she's happy.

"Can we talk?"

He nooded. "Can you excuse us for awhile, Tessmarie?"

"Sure! Lalabas lang muna ako."

Nang maiwan ang dalawa ay umupo silang magkaharap sa visitor's chair. Hinila pang palapit sa kanya ni Wilson ang upuan. His happiness and excitement were radiating from him. Ramdam na ramdam iyon ni Sasahh.

"I'm excited for our wedding. Puntahan natin ang simbahan kung saan ikinasal si Mama at Papa mamaya para makita mo. Doon ko sana gustong magpakasal tayo, kung okay sa 'yo. Then si Ryke ang magiging ring bearer, ang kambal flower girl, yung tatlong itlog syempre ang bestmen ko, pwede naman ang tatlo 'di ba?  Ikaw, si Lyca ba ang matron of honor mo? Si Tyler ang maghahatid sa 'yo sa altar, right?"

Sasahh squeezed her eyes shut and fought the tears of frustration to fall, but she failed. Naglandas pa rin iyon. Gusto niya ang mga plano ni Wilson. Gustong-gusto. Siguradong kahit siya magiging excited kung wala lang siya sa sitwasyong ito. Inabot ni Wilson ang pisngi ni Sasahh at pinahid ang luha na dumaloy roon.

"These are tears of joy?" Mariin niyang hinawakan ang kamay ni Wilson at pinanatili iyong nasa kanyang pisngi. Nagmulat siya at tinitigan si Wilson. Hindi maitago ang kaligayahang nararamdaman nito at napaka-swerte niya na minahal siya ng tulad nito.

"Mahal na mahal kita."

"Mas mahal kita, Sasahh!"

"Alam mo naman gusto ko rin magpakasal sa 'yo 'di ba?"

"Of course! You are head over heels for me ." He chuckled.

"I am.  I am so much in love with you! Pero may gusto sana akong ipakiusap."

"Anything, baby." Ginagap ni Wilson ang dalawang kamay ni Sasahh at mariing hinawakan.

"Tell me."

"Si Tyler kasi... gusto niyang magpunta kami ng US. Wilson, hindi niya matanggap ang relasyon natin. Hanggang ngayon galit na galit siya sa pamilya mo."

"You want me talk to him. Okay, I'll do that."

"No!" Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Wilson at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Wilson.

"Gusto ko muna sanang ayusin ang pamilya ko. He needs me. He still feel devastated over what had happened to our family. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito ako para sa kanya. Ngayon niya ako kailangan."

Tyler doesn't know how to handle problems. Baka kung ano na naman ang gawin nito. Katulad ng ginawa nitong pagdala sa ampunan sa kambal. At hindi niya gustong tuluyan silang masira.

Abruptly his happiness morphed into worry. "Ano'ng balak mong gawin?"

"Ipagpaliban muna natin ang kasal. Sasama ako sa US muna, doon muna kami until--"

"Until Tyler accepts me? At kapag hindi dumating ang panahon na 'yon, wala na. Hindi mo na rin ako tatanggapin sa buhay mo?"

"Wilson, hindi..." Hinila ni Wilson ang kamay mula sa pagkakahawak ni Sasahh. He was disappointed and in pain. It's written all over his face.

"Sasahh, gan'on 'yon! Gan'on ang mangyayari! Because you  already did that to me before. Nagawa mong ilayo ang anak ko sa akin dahil iyon ang inutos ng tatay mo. At ngayon plano mong iwan ako dahil 'yon ang gusto ng kapatid mo!"

"Wilson, alam kong maiintindihan mo--"

"Hindi! Hindi ko maintindihan at hindi ko gustong intindihin!" Tumayo si Wilson. Inihilamos ang palad sa mukha. Kapagkuwa'y muli itong naupo. Tinitigan siya nito sa mata.

"Sabihin mo nga sa 'kin, Sasahh... Ganoon ba talaga ako kahirap piliin? Am I not worth fighting for?" His voice dropped to a broken whisper.

She shook her head as her tears coursed down her cheeks in streams. "No! You are worth everything!"

"Then why it's easier for you  to walk away than to fight for me?" A single tear escaped from his eye. Her heart squeezed tight when she saw the anguish shadowing his eyes.

"I'm sorry!" Her voice, when it came out, was whisper of anguish.

Disappointed na tumitig sa kanya si Wilson. Parang hindi nito mapaniwalaang iyon lang ang kaya niyang sabihin sa mga tanong nito.

"Wilson, intindihin mo ako! Huwag mo naman akong papiliin."

"Hindi kita pinapapili pero ikaw ang pumili! And clearly, it wasn't me! At paano si Ryke?"

"Isasama ko si Ryke."  Tumiim lang ang bagang nito, nanatiling nakatitig sa kanya pero hindi nagsalita.

Humugot si Wilson ng isang malamim na hininga. Itiningala ang ulo at tumitig sa kisame. Makalipas ang ilang sandali ay muli itong tumitig sa kanya. Parang nagbabadyang basain ng luha ang mata pero pilit na nilalabanan. Iyong saya sa mukha ni Wilson kanina ay kabaligtaran ang makikita sa mga oras na ito.

"God sent you into my life just to be my sole source of heartaches."

"Wilson!"

Tila nahahapong tumayo si Wilson at tuloy-tuloy na lumabas. Sumunod naman agad si Sasahh. Hindi niya gusto ang ganito. Gusto niyang maayos silang maghihiwalay pansamantala. Ayaw niyang umalis na may sama ng loob sa kanya si Wilson. Nalabasan niya sa waiting area si Wilson na kausap si Tessmarie.

"Pasensiya na sa abala, Tessmarie. Wala ng kasalang magaganap. But I'll still pay for your service. Thank you so much!" Pagkasabi ni Wilson niyon ay tuloy-tuloy na itong umalis. Alanganin naman ang ngiting ibinigay sa kanya ni Tessmarie.

"Pasensiya na!" Iniwan niya ang babae at patakbo niyang sinundan si Wilson. Mabilis ang mga hakbang nito hanggang sa makalabas ng gusali.

"Wilson!" Tumigil naman ito sa pagtawag ni Sasahh.

"Babalik ako. Aasa ako na hihintayin mo ako." She slowly walked toward him, stopping behind him. Inabot niya ang kamay ni Wilson. She couldn't contain the sobs but she managed to speak.

"Aalis lang ako para ayusin ang pamilya ko, pero hindi ibig sabihin hindi kita mahal. Mahal na mahal kita. Aasa akong hihintayin mo ang pagbalik ko. Aasa akong ako pa rin ang papakasalan mo." Pinisil niya ang kamay ni Wilson. Gumalaw ang kamay nito, inasam niyang sana ay pumihit itong paharap at yakapin siya pero hindi iyon nangyari. Nabitawan niya ang kamay ni Wilson  nang muli itong humakbang  palayo at tinungo ang sasakyang naghihintay rito. Minamaneho iyon nis Simon.

Great sobs shook her body. Walang nagawa pa si Sasahh kundi ang tanawin na lang ang papalayong sasakyan ni Wilson.


"I'M SO sorry, Adan!"

"It's okay. I understand. Hindi ako makapaniwalang..." Hindi nito magawang tapusin ang sinasabi. Mahal na mahal talaga nito si Samantha at mas lalo lang niyang dinagdagan ang sakit na nararamdaman nito nang sabihin niyang anak nito si Ryke at pagkatapos ay hindi naman pala.

"Where's daddy, Tita Elisse?" Kanina pang paulit-ulit na nagtatanong sa kanya si Ryke kung nasaan si Wilson.

"Ahm, busy kasi si daddy ngayon, baby. Pero sabi niya lagi kayong magvi-video call. Kaya 'wag ka nang sad."

"But I want to see him!"

Ngayon ang nakatakda nilang pag-alis patungong New York. Kasama niyang aalis si Mitchell pati na rin si Nana Myrna na sobrang lungkot dahil sa nalaman tungkol sa pagkatao niya. Iyak ito nang iyak nang malamang patay na si Samantha. Matagal na pala ni Nana Myrna na napapansin ang kakaibang kilos niya na malayong-malayo kay Samantha pero hindi naman nito akalain na ibang tao siya; na patay na si Samantha, ang inalagaan nito mula pagkabata. Mananatili si Nana Myrna sa kanyang puder dahil wala na rin naman itong sariling pamilya. May mga kaanak ito pero wala namang sariling asawa at anak. Ayaw nitong malayo kay Ryke. Aalagaan niya si Nana Myrna, papahalagahan niya  ito katulad nang pagpapahalaga at pagmamahal ni Samantha rito na parang isang kapamilya.

Sinubukan niyang tawagan si Wilson pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Nag-text naman siya at ipinaalam ang kanilang pag-alis. Sinabi niya kung saang terminal sila. Umaasa siyang magpapakita sa kanila si Wilson, kahit man sana para kay Ryke pero paalis na lang sila pero walang Wilson na dumating. Si Adan at Elisse lang dumating. Gusto nitong magpaalam kay Ryke. Galit talaga sa kanya si Wilson at hindi naman niya ito masisisi.

"Ryke!" Sasahh froze. Her heart quickened as she heard Wilson's voice from behind.

"Daddy!" Ang lungkot sa mukha at boses ni Ryke kanina lang ay sa isang iglap napalitan ng kagalakan.

Tinakbo ni Ryke si Wilson pero hindi magawang lumingon ni Sasahh.  Tumayo si Elisse mula sa pagkaka-squat, matalim ang titig na ipinukol nito kay Tyler na parang walang pakialam sa paligid. Nakatayo lang ito habang nakasalpak sa magkabilang tainga ang wireless airpods.

Humakbang si Elisse, ang mga mata ay na kay Tyler na malayo naman ang tingin. Bigla na lang nitong binangga si Tyler. Salubong ang kilay nitong binalingan si Elisse.

"Nangdadamay ng walang kasalanan! Kung hindi lang ako takot sa Diyos, pina-salvage na kita, eh!"

Ibinalik ni Tyler ang tingin sa kung saan. Mukhang hindi naman narinig ang sinabi ni Elisse dahil sa nakasalpak na airpods.

"Pamilya talaga kayo ng mamamatay tao! Dapat buong pamilya niyo ang binibitay para hindi na dumami--  Hey!" Galit na muling bumaling si Tyler kay Elisse nang bigla na lang itong tadyakan ni Elisse mula sa likuran.

"You bastard! Hindi kami mamamatay tao! Baka ngayon maging mamamatay tao ako at ikaw ang una kong mapatay!" Susugurin sana ni Elisse si Tyler pero agad na naipulupot ni Adan ang isang braso sa balikat ni Elisse. Ikinagulat ni Sasahh ang ginawa ni Elisse. Hindi niya alam may ganitong side si Elisse. Elisse was always prim and proper. Parang kahit yata insekto hindi nito kayang saktan. Lumalabas pala ang pagiging karatista nito kapag naaapi.

"Ikaw ang liit mong babae ang tapang mo 'no? Eh, kung tirisin kaya kita!"

Humakbang si Tyler palapit kay Elisse pero agad na itong sinita ni Sasahh.
"Tyler!"

"Bilisin niyo! Sumunod agad kayo!" Nagpatiuna na si Tyler sa pagpasok.

Humarap si Sasahh sa mag-ama. Ang lungkot-lungkot ng mukha ni Wilson habang mahigpit ang yakap kay Ryke at parang dinudurog ang puso niya. Umangat mula sa pagkakayakap si Ryke at sinilip ang mukha ni Wilson.

"Daddy, are you sad?" Sinapo ni Ryke ang mukha ni Wilson ng maliit na palad nito. Mukhang napansin ng bata ang lungkot ni Wilson.

"Mami-miss ka kasi ni daddy."

"10 sleeps lang, Daddy, then we will come back here."

Wilson forced to smile. "Okay. I'm  gonna wait. Magka-count si daddy ng 10 sleeps. Promise me, babalik ka. Maghihintay ako."

"Yes, daddy, I promise!" Muling niyakap ni Wilson si Ryke.

Gusto niyang lumapit at yakapin si Wilson pero hindi na niya nagawa nang magtama ang kanilang mga mata. Nawalan siya nang lakas ng loob nang makita kung paanong magsigalawan ang maskels nito sa panga nang magtagis iyon. Galit talaga ito sa kanya. Hindi siya ang ipinunta nito. Si Ryke lang ang ipinunta nito.

---

Promote ko lang po! Fatal Attraction 2: Get Wild  pocketbook size will be out soon... baka December. 249 ang price. Sana suportahan niyo po! Thank you!

P.S

If ever may naghahanap ng Premium size ng Get Wild may Available akong 3 copies for only 689...

Bundle ng Get Wild and Sinful Affair is 1k only. May 3 bundles pang on-hand.

Continue Reading

You'll Also Like

Sweetest Goodbye By Cher

General Fiction

3.8M 111K 31
Hyacinth Ysabelle Consunji doesn't believe in fairy tales or happy ever after, she doesn't even believe in the sanctity of marriage. Para sa kanya ay...
1.8M 6K 5
Dela Marcel Series: Kristoff Uno Dela Marcel Story by: Diyosangwriter Cover by: CookieMallows
The way I was By Cher

General Fiction

2M 60.2K 20
What will you do if you found out that everything you believe into is nothing but lies? Consunji Legacy # 18 Date Started: Sept 2016 Ended: Jan 02, 2...
Locked Away By Cher

General Fiction

2.4M 74K 24
Finally, after a long time, Apollo Simoun Consunji - Vejar is in love. He was in love with Sabrina Noelle Lactaotao - the woman who changed his life...