Still Dark, Love (Still Serie...

By ataraxiacy

1.2M 28K 12.9K

Hashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the... More

Disclaimer
Hakbang 1
Hakbang 2
Hakbang 3
Hakbang 4
Hakbang 5
Hakbang 6
Hakbang 7
Hakbang 8
Hakbang 9
Hakbang 10
Hakbang 11
Hakbang 12
Hakbang 13
Hakbang 14
Hakbang 15
Hakbang 16
Hakbang 17
Hakbang 18
Hakbang 19
Hakbang 20
Hakbang 21
Hakbang 22
Hakbang 23
Hakbang 24
Hakbang 25
Hakbang 26
Hakbang 27
Hakbang 28
Hakbang 29
Hakbang 30
Hakbang 31
Hakbang 32
Hakbang 33
Hakbang 34
Hakbang 35
Hakbang 36
Hakbang 37
Hakbang 38
Hakbang 39
Hakbang 40
Hakbang 41
Hakbang 42
Hakbang 43
Hakbang 44
Hakbang 45
Hakbang 46
Hakbang 47
Hakbang 49
Hakbang 50
Hakbang 51
Hakbang 52
Hakbang 53
Hakbang 54
Hakbang 55
Announcement
Huling Hakbang
:)
Announcement
Special Chapter 2 - Riordan
Happy Birthday, Riordan!

Hakbang 48

20.6K 431 269
By ataraxiacy

Naging mabilis ang pangyayari para sa amin. Kumalat ang issue na may boyfriend na nga ako at hindi totoo ang tungkol sa amin ni Ryton. Nawala ang mga taong nagagalit sa amin pero nandyan pa rin ang iilang mga sumusuporta.

I stopped modelling for a while. Hindi ako tumanggap ng kahit anong offers dahil gusto kong magpahinga at pawalain muna ang mga issue na kinasangkutan ko.

Ang dalawang kanta na nirelease ni Ryton ay nagpatuloy sa pagsikat. Every now and then, I get to hear that song... may it be on radios or television and on social media, too.

Hindi ko maiwasang maawkward-an lalo na dahil ako ang dinedescribe sa kantang iyon. Although I admit that it was a really good song.

Hindi na rin ako kinulit ng management nila. Pinares si Ryton sa isang sikat na artista na malawak na rin ang fanbase.

Hindi pa man ganoong kasikat ang loveteam nila ay may iilan na rin silang fans. Mabuti na rin iyon dahil hindi nila ako mapipilit. Bukod sa napagdesisyunan ko talagang hindi para sa akin ang pag-arte ay hindi ko rin naman kailangan ng pera nila, kahit gaano pa kalaki ang offer.

I have enough funds to support me for the rest of my life. Isa pa, ako ang magmamanage ng kompanya pagdating ng araw kaya hindi problema ang pera.

Days passed by like a wind. Ni hindi ko naramdaman na umuusad na pala ang panahon at ilang mga araw na pala ang lumilipas.

Riordan and I got back together.

O para sa akin lang iyon?

Hindi ko alam! Basta ay sinabi niyang boyfriend ko siya, e 'di boyfriend ko siya!

Walang bawian!

Pagkatapos niya akong ihatid noon sa bahay pagkagaling namin sa after party, mas naging maayos ang relasyon namin.

Naging busy na rin siya sa trabaho dahil tapos na ang bakasyon na hiningi niya. Maraming pending works na kailangan niyang aprubahan at basahin.

I got busy doing nothing, too. Literal na tambay lang ako sa kung saan-saan.

Kila Curl, sa opisina nila Mommy at Daddy, sa opisina ng mga kaibigan namin.

At...

Sa condo ni Riordan...

Hindi na kasi siya sa bahay nila umuuwi at madalas kami sa condo niya kapag magkikita kami. Isang buong floor iyon at napakalaki. Iniisip ko nga minsan na hindi ba siya nabobored doon lalo na at mag-isa lang siya?

Doon na rin kaya ako tumira?

Kung anu-ano na lang talaga ang naiisip ko!

Grabe, Maria Hashline!

Baliw ka ngang talaga sa lalaking iyan!

Ngayong araw, nandito ako kila Curl para samahan siya dahil wala raw siyang kasama sakanila at nabobored na siya. Ayaw kasi siyang pagtrabahuhin nila Tita.

"Hindi ba kayo magkikita ni Speed?" Tanong ko at ibinaba ang cellphone.

Kanina pa kasi ako naghihintay sa text ni Riordan. Nasa isang business meeting kasi siya at hindi pa rin tapos hanggang ngayon.

Kumunot iyong noo ni Curl at nilingon ako.

"Hindi." Malamig niyang sabi.

Tumango na lang ako at hindi na nang-usisa pa. Para kasi siyang badtrip.

Siguro nag-away na naman sila.

Kaya nagpalipas kami ng oras sa pagkukwentuhan ng kung anu-ano. Wala rin naman kasi akong gagawin kaya mas mabuti na ring nandito ako.

Noong maghapon, nakatanggap ako ng tawag kila Francis na nagyayayang magkita kami. Agad akong umayaw dahil ayokong magbar ngayon. Sinabi naman nilang hindi sa bar ang punta namin, pupwede daw sa condo ko o sa bahay nila Curl.

"Ayoko sa condo ko Francis! Last time na pumunta kayo roon, napagod akong maglinis pagkaalis niyo!" Ani ko habang kausap siya.

Humalakhak siya at narinig ko rin ang halakhak ng iba. Magkakasama na kasi sila ngayon.

Si Riordan lang ang kulang.

"Eh saan tayo?" Aniya.

Nagkibilit balikat ako. "Dito kila Curl?" Suggestion ko.

"Huwag na! Nakakahiya kila Tita Shia!" Anila sa kabilang linya.

"Kunwari pa kayo! Hindi niyo lang kasi madadala mga babae niyo kapag dito tayo kila Curl!" Tawa ko.

Nagbibiro lang naman ako. Stick to one ang mga ito at hindi naman sila nagdadala ng ibang babae.

"Wala kaming babae!" Giit nila.

Tumawa kaming dalawa ni Curl dahil doon. Mga masyadong defensive!

"Okay. So saan tayo?" Tanong ko.

"Sa penthouse na lang ni Rio!" Rinig kong suggestion ni Andrei.

Sabagay. Pwede roon.

"Oo, roon na lang!" Ani Curl.

"Papayag ba iyon si Rio?" Ani Condrad.

Nanahimik kaming lahat. Iyon lang... Baka hindi pumayag ang isang iyon.

"Hindi 'yon papayag. Si Hashline lang pinapunta niya roon, eh!" Sabi ni Dervin.

"That's not true!" Giit ko.

"Alright. We'll text him. Tignan natin kung papayag." Anila at binaba ang tawag.

Napairap na lang ako. Anong akala nila? Ako lang ang laging nandoon?

Hindi, ah!

Minsan lang!

Naligo si Curl para sa pag-alis namin at naiwan ako rito sa may kama. Tinext ko si Zerline na sumunod dito at pupunta raw siya pagkatapos nyang magpractice sa race driving.

May sasalihan kasi syang sports car racing at malapit lapit na iyon kaya tutok siya sa pag-eensayo. Mahilig kasi talaga si Zerline sa extreme sports kaya grabe ang oras na nilalaan niya para sa mga iyon.

Habang naghihintay doon, nakatanggap ako ng text kay Riordan.

Riordan:

Meeting's done. What are you doing now?

Agad akong nagtype ng reply.

Ako:

Just lying on Curl's bed. She's taking a bath.

Mabilis ang pagreply niya. Kakasend ko palang noon ay nagvibrate agad ang phone ko sa panibagong message niya.

Riordan:

Can you lay on my bed instead?

Tang...

Shit!

Namula ang pisngi ko dahil doon. Hindi agad ako nakapagtipa ng sasabihin dahil sa mga banat ni Riordan!

Kahit kailan talaga!

I sighed heavily and typed my message for him.

Ako:

Just do your business there! Stop texting me!

After a few minutes, he replied.

Riordan:

You're my business too. Does that mean I have to do you?

The... fuck?

Napatakip ako ng mukha dahil sa sinabi niyang iyon!

What the hell Riordan Jabez Aguado?!

Pinaypayan ko ang sarili ko dahil biglang parang uminit. Naabutan akong ganoon ni Curl kaya nakakunot ang noo niya sa akin. Nagtataka kung bakit namumula ako at hindi mapakali ngayon!

Kuya mo kasi!

"Ayos ka lang, Hash? Naiinitan ka?" Aniya.

Umiling ako. "H-Hindi." Utal kong sagot.

"Bakit namumula ka? Malamig naman, ah? Bukas iyong aircon."

"Wala, Curl. Magbihis ka na lang." Ani ko sakaniya.

Nagkibit balikat si Curl at hinayaan ako roon. Pumasok siya sa walk in closet niya kaya naiwan na naman akong mag-isa. Agad kong kinuha iyong phone ko at may message na niya ulit doon!

Ni hindi pa ako nakakapagreply!

Riordan:

Just kidding, baby. But if you want... why not?

Napapikit ako ng mariin pagkabasa ko noon! Shit talaga ang lalaking ito! Kung anu-ano ang pinagsasabi Binalibag ko iyong phone ko sa kama at hindi na nagreply.

Wala akong masabi!

What am I supposed to say?

Do me, then?

The fuck?!

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan sa sobrang hiya sa pinagsasabi ni Riordan! Nanatili lang akong ganoon ng ilang minuto hanggang sa tumunog iyong phone ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang kinukuha ko iyon sa pag-aakalang si Riordan ang tumatawag kaya nang makita na si Dervin iyon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Hello?" Bungad ko.

Rinig ko ang ingay nila sa kabilang linya.

"Hash! Pwede ba kila Rio?" Tanong ni Dervin sa akin.

Kumunot iyong noo ko. Bakit ako ang tinanong nito?

"Ewan ko, Vin. Tanong mo sakaniya." Sagot ko.

Narinig ko ang tawa nila.

"Sa'yo raw kami magpaalam, eh." Tawa nila.

Nasapo ko iyong noo ko.

What?!

"What are you saying, Dervin? That's not my penthouse!" Ani ko.

"Eh, sabi nga ni Rio sa'yo raw kami magpaalam!"

"Bakit nga ako?!"

"Girlfriend ka, eh!" Aniya.

Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya! And I can't fucking believe Riordan! Bakit sa akin niya binibigay ang desisyon?

"I'll call you back. Kakausapin ko muna." Ani ko at pinatay ang tawag.

Tumayo ako at pabalik balik na naglakad sa kwarto. Agad kong tinawagan si Riordan.

Tatlong ring bago niya sinagot iyon.

"Hello?" He huskily said.

Shit!

Ba't ang sexy?!

Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Boses palang niya para na naman akong hihimatayin!

"B-Bakit sa akin nagpapalaam sila Dervin?" Utal kong sabi.

I heard him chuckled.

"Bakit hindi?" Balik niya ng tanong sa akin.

"Bakit sakin? I do not own your properties!" I hissed.

I heard him sighed. Tahimik ang background at paniguradong mag-isa siya ngayon sa opisina.

I can imagine him sitting sexily on his chair while talking on his phone...

Damn... what a view!

"You own my properties, Hashline... coz you own me." Aniya.

At pinatayan ako ng tawag!

Now... what?!

Laglag panga pa ako noong lumabas si Curl na bihis na bihis na!

"Oh, bat ka tulala riyan?" Aniya.

Humugot ako ng malalim na hininga at umiling. I dialed Dervin's number.

Bahala na nga!

"Oh, ano na?" Bungad nila.

"Be there in thirty. Dalian niyo." Sabi ko at saka binaba agad iyong tawag.

Sa akin pala desisyon, eh! E 'di pumunta roon!

Kinuha ko iyong bag ko at pinasok doon iyong phone. Buti na lang at nagdala ako ng kotse ngayon.

"Pumayag na si Kuya?" Tanong ni Curl.

I looked at her before opening the door.

"Pumayag na ako." Ani ko at saka lumabas ng tuluyan.

Dumiretso agad ako sa kotse at hinintay doon si Curl. Bahagya pa ngang namumula iyong pisngi ko pagkatingin ko sa salamin!

Papaano ba naman kasi kung anu-ano ang pinagsasabi ni Riordan!

Hindi ako ganoong kasanay!

Habang naghihintay kay Curl dahil nagpapaganda pa iyon at nandoon rin si Speed, nakatanggap ako ng tawag galing kay Mommy.

Isang buntong hininga ang sumalubong sa akin pagkasagot ko noon.

"Hija..." Aniya, parang pagod.

"Yes, my. May problema po ba?" Tanong ko.

I heard her sighed again.

"Where are you right now?" She asked me.

"Kila Curl po."

"Oh! Okay, hija. Take care."

Kumunot iyong noo ko. Iyon lang ang itinawag ni Mommy?

"Is there any problem? I'll go there." I said.

"No, hija! It's fine here. I just called you kasi naalala kita. Is it bad to miss my daughter?" Tawa niya.

Medyo nakampante ako dahil doon.

"Magkasama tayo kanina, Mommy." Tawa ko rin.

"I know! I'm being a clingy mother. I'll hang up now." Aniya.

I laughed again. My Mom is so cute.

"Okay. Take care. I'll see you later." Sabi ko.

"Okay, anak."

Hinintay ko na ma-end iyong call pero bago pa man ay may narinig na akong nagsalita.

"Ma'am, hinihintay na po nila kayo. They want the meeting to start now."

Dinig kong sabi tapos ay naputol na ang linya.

Nagtataka man, hindi ko na masyadong naisip pa iyon. Baka namiss lang ako bigla ni Mommy. Ganoon naman talaga ang mga magulang, 'di ba? They just miss their children for no reason.

Minutes after that call, dumating din si Curl. Agad siyang pumasok sa kotse at nilakasan ko agad ang aircon dahil mainit sa labas. Napansin ko iyong isang bag niya na dala. Kumunot ang noo ko.

"What's that bag for?" I asked.

Nilingon niya iyon. "My clothes."

"Para saan?"

"Tinext ako nila Francis. Magoovernight daw tayo kaya nagdala ako ng extra clothes." Aniya.

Tumango ako. Hindi ko alam iyon, ah?

Binuhay ko ang makina ng sasakyan at nagumpisa nang magmaneho.

"Ikaw, Hash? Daan muna tayo sainyo para makakuha ka ng damit." Ani Curl sa akin.

Namula iyong pisngi ko dahil sa sinabi niya. Shit talaga!

"Wag na, Curl." Sagot ko.

Nilingon ko siya saglit at nakakunot na ang noo niya. Tila nagtataka.

"Why? I didn't bring extra clothes. Pang akin lang ang nandito. Hindi kita mapapahiram." Aniya.

"Ayos lang. I'm fine."

"Ha? Hindi ka magpapalit, kung ganoon?" Nagtataka niyang sabi.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela at nahihiyang magsalita.

Bakit kasi biglang overnight pala?!

"Magpapalit." Ani ko.

"How will you change, then? You don't have spare clothes. Mayroon ka rito sa kotse mo?" Tanong niya ulit.

Umiling ako. "Wala rin."

"E 'di paano ka magpapalit? Bibili tayo?"

I shook my head again. Sobrang kunot na ng noo ni Curl at naguguluhan sa akin.

"Hindi ka magoovernight?!"

"Magoovernight."

"Eh paano nga, Hashline?!" Naiirita na niyang sabi.

Natawa ako sandali dahil talagang nafrufrustrate na siya at hindi makakuha ng matinong sagot sa akin. Kinagat ko iyong labi ko at nahihiyang sabihin pero wala akong choice.

"May... damit na ako roon." Mabilis at mahina kong sabi.

Fuck!

"What? I didn't heard you." Aniya.

Tinitigan ko siya ng masama sa pag-aakalang nang-aasar pero nang nakita na seryoso siya ay napabuntong hininga ako.

Hindi nga narinig.

Naman oh!

"May damit na ako roon." Nahihiya kong sabi.

Ngayon narinig na niya. Narinig ko ang halakhak ni Curl kaya mas lalo akong nahiya!

Sabi na, eh!

"You have clothes there? Live in kayo?" Tawa niya.

Inirapan ko siya.

"Hindi! He bought me clothes!" I hissed.

Nakatitig si Curl sa akin at alam kong nang-aasar kaya hindi ko siya nililingon. Diretso ang tingin ko sa kalsada.

"Why did he bought you clothes? Nagoovernight ka roon?" She teased me.

"I don't know! Ask your brother!" Depensa ko.

Dahil doon, buong byahe puro pang-aasar ang natamo ko! Hindi natigil iyong malisyosong tingin ni Curl sa akin kahit pa noong nasa elevator na kami paakyat sa penthouse ng Kuya niya. Binalewala ko na lang iyon at hindi siya pinansin.

Pagkarating namin sa tamang floor, agad kong kinuha iyong card sa bag ko kaya mas lalong nangisi si Curl.

"Para talagang mag-asawa." Bulong bulong nya.

Kasalanan ko bang binigyan ako ni Riordan ng ganito?!

I didn't even ask him to give this to me. Pati iyong mga damit! Nagulat na lamang ako noong pinakita niya noon iyon sa akin!

Binuksan ko iyong pinto at bumungad agad sa amin ang magulong mga lalaki!

"Dumating rin!" Sigawan nila.

Makalat na roon sa may sala at puro pagkain at alak. Ano bang trip ng mga ito at bakit gusto nilang mag-inuman ngayon?! Napailing ako at nilingon si Curl na ngayon katabi agad si Speed!

Wow! Speed nga!

Ang bilis, ah?

Umiling iling na lang ako at natawa.

I looked at our friends. Nakaupo ang iba sa sofa habang ang iba ay nasa sahig.

One of them is Condrad.

Who doesn't look okay...

What happened?

Nilapitan ko si Dervin na malapit sa akin. May hawak siyang dalawang hard liquor na tinitignan ko palang ay parang sasakit na ang ulo ko.

"Is Condrad okay?" Bulong ko sakaniya.

Napatingin siya sa akin tapos ay kay Condrad.

"Does he look okay?" Balik niyang tanong sa akin.

Umiling ako. "No."

Ngumisi si Dervin at binigyan ako ng isang shot. Nagtataka ko iyong tinanggap.

"Let's just pray for his heart... and liver." Aniya at iniwan ako roon habang tumatawa.

Tinignan ko iyong shot na binigay niya sa akin. Nagkibit balikat ako at ininom iyon. Agad na nalukot ang mukha ko sa tapang! Damn... sobrang lakas noon!

Tinignan ko sila isa-isa at si Condrad lang talaga iyong mukhang hindi maayos. Si Francis, Andrei, at Dervin ay nakikipag-asaran kila Speed at Curl. Si Kuya Ben ay busy sa kanyang cellphone habang hawak ang isang shot. Si Condrad ay halatang lasing na at magulo ang buhok na nakasandal sa sofa.

"Fuck you, dude! Hindi pa katapusan ng mundo!" Anila kay Condrad.

Lumipad ang middle finger ni Condrad kahit pa lasing na siya. Nakita ko rin ang pag-inom niya ng isa pang shot.

Napailing ako. Kakarating lang namin lasing na agad siya. Hindi pa naman madaling malasing si Condrad. He has high tolerance. Ibig sabihin, kanina pa siya umiinom. Ngayon alam ko na kung bakit nag-ayang magovernight ang mga ito.

Tsk.

Lalapitan ko sana si Condrad nang nagsalita si Kuya Ben.

"Hash, punta ka roon sa kwarto. Hinihintay ka ni Rio." Aniya.

Nahiya ako dahil sa sinabi niyang iyon pero parang normal lang kila Kuya Ben. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod at pumunta roon kahit pa ang lakas na ng tibok ng puso ko. 

Naglakad ako papalapit sa kwarto. Malayo iyon sa may living room at ilang hakbang pa. Masyado kasing malaki at malawak ang penthouse na ito ni Riordan.

Unti-unting nawawala ang ingay nila habang papalapit ako sa master's bedroom kung saan nandoon si Riordan.

At paingay din nang paingay ang kabog ng puso ko!

Dahan-dahan ang pagpunta ko roon. Huminga pa ako ng malalim bago hawakan ang doorknob at buksan iyon. Tahimik na kwarto ang bumungad sa akin. Agad na naramdaman ng balat ko ang lamig ng aircon. Kinakabahan man ay tuluyan akong pumasok doon.

Tumambad sa akin si Riordan na nakaupo sa kama niya habang may laptop sa harap at nakatopless!

Bakit... parang... ang... init... bigla...

Nasa akin agad ang tingin ng madidilim niyang mata. Mas pinalambot ng mga tinging iyon ang tuhod ko.

I can't believe that even though how many years had passed... he still has the same effect on me.

Umubo ako para maibsan ang kaba na nararamdaman.

"Hinahanap mo raw ako." Ani ko at tumayo sa malayong gilid niya.

Tinanggal niya iyong laptop sa kandungan niya at nilagay sa may lamesa. Mas lalong nalantad sa paningin ko ang hubad niyang katawan.

He's only wearing boxers!

"Come here." Aniya at tinapik ang kandungan niya, inilalahad na umupo ako roon!

Dahan-dahan akong lumapit sakaniya. Grabe ang tambol ng puso ko. Hindi ko alam kung mainit ba o malamig dahil naghahalo ang pakiramdam ko!

Noong nasa tapat niya na ako, hindi na siya nakapaghintay pa at siya na mismo ang naghatak sa akin papaupo sa kandungan niya. Pumikit ako ng mariin dahil sa gulat sa biglaang ginawa niya.

"Riordan!" Sigaw ko.

He chuckled becuase of my reaction.

Then seconds later, I felt his hands on my stomach and his lips on my shoulder.

Para akong ninakawan ng kakayahang huminga dahil sa ginawa niya. Parang hinihigop niya lahat ng hangin sa paligid na hindi ako makahinga. I sighed heavily just to relax myself a liitle bit!

"I missed you..." Bulong niya sa akin.

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niyang iyon. Parang may mga insekto sa loob ng tyan ko dahil doon.

"Why are you here? You should join them." Ani ko.

He sniffed on my hair and kissed my shoulder.

"I'm waiting for you." He said.

Tumango ako at wala ng masabi. Tanging tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.

"I said... I missed you." Ulit niya sa sinabi.

Ngumuso ako.

"I missed you too..." Malambing kong sabi.

Dahil doon, mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

Ang supladong ito... napakaclingy rin minsan.

We stayed like that for how many minutes. Nakayakap siya sa akin habang nasa kandungan niya ako. Tahimik lang kami roon at tanging paghinga namin ang maririnig. Mananatili pa nga siguro kaming ganoon kung hindi lang tumunog iyong cellphone ko.

Kinuha ko iyon at binuksan. Nanunuod si Riordan sa ginagawa ko. Iyong ulo niya ay nasa balikat ko pa rin.

Zerline:

I'm on my way. Send me the room number.

Umayos ako sa pagkakatayo at pinakawalan naman ako ni Riordan. Bumalik siya sa pagkakahiga habang sinesend ko kay Zerline kung saan ito. Nang matapos, nilingon ko siya. Nakahiga pa rin siya at nakatitig sa akin. Tila walang balak na bumangon.

"Tara na sa labas." Aya ko.

He sighed. Tinaasan ko siya ng kilay saka lamang siya tumayo. Suplado na akong tinitignan ngayon. Natatawa nga ako pero pinipigilan ko.

"Una na ako. Labas ka na rin." Sabi ko.

He looked at me darkly. Nginitian ko lang siya at saka binuksan na iyong pinto.

Pero bago pa man ako makalabas... may pahabol ako.

"Change your clothes. That's for my eyes only." Sabi ko at tuluyan nang sinara iyong pinto.

Natatawa at namumula pa ang mukha ko noong naglakad ako pabalik sa living room kung nasaan ang mga kaibigan namin. Iilang minuto lang ako nawala at ubos na agad nila iyong isang bote!

Kita ko iyong bumabagsak na na mata ni Condrad pero pinipilit nyang magising. May tama na rin si Andrei at si Speed, nakasandal ang ulo sa sofa, tila inaantok na rin habang katabi si Curl na tahimik.

Pinulot ko iyong iilan nilang kalat. Si Dervin at Kuya Ben na lang ang halos matino pa sakanila. Si Francis ay medyo okay pa rin.

I looked at Dervin who's now giving another shot to Condrad.

"Vin... lasing na si Condrad. Huwag mo nang bigyan." Ani ko.

Nilingon nila ako.

"Kaya ko pa, Hash." Sagot ni Condrad na halos hindi na nga makadilat sa sobrang kalasingan!

Nilahad pa rin iyon ni Dervin kaya sinita ko na siya.

"Dervin!" Sigaw ko.

Natawa siya at hindi ako pinakinggan. Ininom ni Condrad iyong shot at napailing na lang ako.

Ang kukulit!

Lalapitan ko sana sila nang may pumulupot na kamay sa baywang ko. Napahinto ako sa pagkilos dahil doon. Ramdam ko ang tingin nila Kuya Ben at Curl sa amin. Nahihiya man ay nilingon ko si Riordan na nakatingin sa akin.

"Hmm?" Tanong ko.

He shook his head and suddenly kissed the tip of my nose! Napasinghap ako sa pagkabigla.

"Can I drink?" He huskily asked me.

Nilingon ko iyong mga kasama namin at nag-iwas sila ng tingin. Nagkukunwaring hindi kami pinapanuod. Pinisil ko iyong kamay ko dahil sa kaba at kinagat iyong labi.

"A-Ayos lang." Sagot ko.

He pouted. "Can I drink, baby?" Tanong niya ulit.

Hinihintay niya kung oo o hindi ang isasagot ko.

"Yes, you can." Ani ko.

Tumango siya pagkarinig noon. Nakuha na ang sagot na hinihingi sa akin. Bakit pa siya nagpapalam? Pwede naman siyang uminom! Ayos lang sa akin.

Dahil narinig nila kami, agad siyang inabutan ni Dervin ng shot. Ininom iyon ni Riordan at hinatak ako papaupo sa tabi niya.

"Tell me if you want me to stop drinking." He whispered.

Tumango ako.

Okay.

Walang masabi.

Kumuha ako ng pizza na naroon at kumain. Nakikipag-usap na si Riordan sa mga lalaki at iyong kamay niya ay nananatili pa rin sa baywang ko. Ang isa, hawak ang baso ng alak.

Nahagip ng tingin ko si Curl at Speed na nag-uusap. Para silang may pinagtatalulan dalawa. Kunot ang noo ni Curl habang maamo naman ang medyo lasing na na si Speed.

"You should invest on that business, Rio. Nag-invest kami at nacheck ko iyon ng mabuti." Rinig kong sabi ni Kuya Ben.

"I'm investing on something more important." Aniya.

"Ha? Saan?"

Hinihintay ko ang sagot niya nang biglang tumunog iyong doorbell. Napatayo ako dahil paniguradong si Zerline na iyon. I excused myself to open the door. And indeed, it was my cousin. Nakasuot pa ng pang racing at may dalang bag na paniguradong pampalit niya.

"Hi! Late ako?" She asked.

"Medyo." Sagot ko.

Umatras ako para papasukin siya. Giniya ko siya papunta sa mga kaibigan namin.

Nakatayo na agad si Kuya Ben at parang hinihintay ang pagdating na ito kanina pa.

"Late na nga." Ani Zerline nang makita ang magulong sala at lasing na mga lalaki.

"I'm not yet drunk." Sabi ni Kuya Ben.

Nilingon siya ng pinsan ko at magkaharap na sila ngayon. Tila nag-uusap gamit ang mata. Nagkibit balikat ako at saka sila iniwan doon. Bumalik ako sa tabi ni Riordan na parang kanina pa ako hinihintay.

Dumausdos ulit ang kamay niya sa baywang ko.

"Should I stop drinking now?" Bulong niya.

Nilingon ko siya. "Ikaw bahala."

"You want Condrad to stop drinking. Why you want me to still drink?"

Nagulat ako roon. Nilingon ko siya at mapupungay na ang magaganda niyang mata.

"He's drunk. You're not." Sabi ko.

"I'm drunk of you." He said and kissed my cheeks.

Namula ako dahil doon at napapailing na lang si Dervin habang tinitignan kami. Nag-iwas ako ng tingin. Ang landi pala ni Riordan kapag may alak sa sistema niya!

Nanatili kaming ganoon hanggang sa nalasing na rin si Dervin. Ang ingay ingay niya at tawag nang tawag kung kani-kanino. Ginising niya pa si Andrei na tulog na para lang pakinggan siyang tumawag. Sinapak siya ni Andrei ng at natulog na lang ulit.

"Fucker!" Tawa ni Dervin.

Napailing ako at tinignan iyong bote ng alak na may kalahati pa.

"Stop drinking now." Ani ko kay Riordan.

He nodded.

"Okay, mahal."

Tapos ay sinandal niya ang ulo sa sofa. Ang dami nilang nainom at puro hard liquor pa iyon!

Tumayo ako at niligpit iyong mga baso at bote. Tinulungan ako nila Zerline at Curl sa paggawa noon.

Nang natapos sa pagliligpit, nagpatulong kami kay Speed, Kuya Ben, at Riordan na medyo matitino pa para ipasok sa kwarto iyong mga lasing na.

Madali naman naming silang naipasok sa nahiga sa kama. Miminsan nga lang na nag-iingay sila pero ayos lang naman.

Bumuntong hininga ako noong nasa tamang higaan na sila.

Hay, these guys!

"May dalawa pang kwarto na available. Doon na kayo." Ani ko sakanila.

"Ikaw saan ka, Hash?" Tanong ni Zerline.

"Sa akin." Si Riordan ang sumagot.

Tumango lang si Zerline at hindi na nang-asar pa. Alam niyang aasarin ko rin siya dahil magkasama rin sila ni Kuya Ben!

Hinatid lang namin sila roon sa kwarto na para sakanila bago kami dumiretso sa master's bedroom.

"I'm gonna take a bath." Ani Riordan pagkapasok namin.

Tumango ako at hinayaan siya. Mabuti iyon para mahimasmasan siya.

Inayos ko iyong hihigaan naming dalawa tapos ay saka naupo sa kama. Ilang minuto pa akong tumulala lang doon nang naalala ko iyong phone ko. Inabot ko iyong bag ko na nasa gilid at kinuha ang phone sa loob.

Nanlaki ang mata ko nang nakita na may pitong missed calls doon si Mommy.

I quickly dialed her number. Cannot be reached iyon kaya kinabahan ako.

Anong nangyari?

Agad akong tumawag sa bahay. Buti ay sinagot pa iyon ng kasambahay kahit gabi na.

"Ate Nelia, nandiyan po ba si Mommy at Daddy?" Tanong ko, kabado.

"Opo, Ma'am Hashline. Tulog na po sila. Kanina pa dumating." Aniya sa akin.

Napabuntong hininga ako dahil doon. Nawala ang kaba na nanalasa.

"Okay. Pakisabi na lang kapag nagising na tumawag ako." Ani ko.

Umoo ang kasambahay at pinatay ko na iyong tawag. Bakit kaya tumawag si Mommy ng ganoon karami?

Oh, shoot! Sabi ko nga pala at kikitain ko siya!

Nakalimutan ko!

Pero nagtext ako kanina sakaniya na magoovernight kami. Hindi nagreply si Mommy pero paniguradong nabasa niya iyon.

Bakit kaya?

Dadaan na lang ako bukas sa opisina nila. Baka namiss lang niya ulit ako. I shrugged it all off. Ang importante, naroon sila sa bahay at ligtas. Kampante ako roon.

Ilang minuto pagkatapos ng tawag, lumabas na rin si Riordan. Suot ay isang puting tuwalya lang sa kaniyang baywang ay napalunok ako. May tumutulo pang tubig mula sa kaniyang katawan. Maangas niyang pinupunasan iyon at ang kaniyang buhok.

Damn... his body is toned. His muscles are on their right places!

Nag-iwas ako ng tingin at umusog. Nakasuot na siya ngayon ng itim na boxers tapos ay humiga na rin sa tabi ko. He hugged me from behind and kissed my ears.

"I missed you on my bed. Can you live with me again?" He chuckled.

Natawa rin ako. Hindi sineseryoso ang sinabi niya.

"Hindi pa tayo mag-asawa. Hindi na papayag ulit sila Mommy na magsama tayo sa iisang bahay." Ani ko.

He sighed and hugged me tight.

"Marry me, then."

That was the last thing he said before darkness consumed us.

Continue Reading

You'll Also Like

167K 4.5K 43
In spite of his family name, Articus Theoden Divinagracia managed to become a self-made businessman. He is acclaimed for his steadfast rise in the bu...
155K 5.2K 43
Driven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shu...
135K 4.6K 46
Ludic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member...