HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

681K 11.3K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 38

8.2K 144 3
By Vis-beyan28


Chapter 38: 'Confusing Feelings'

Ahli's POV

"WHAT?!"

"ANO?!"

"PUCHA!"

"BAKIT NGAYON KO LANG ALAM?!"

Lahat na ata sila eh hindi makapaniwala sa sinabi ni zad.

Pati din naman ako eh. Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Nagtataka ako kung bakit niya yun sinabi. Nakangiti lang naman siya na para bang proud na proud pa. Ano bang plano mo zad? Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya.

"Ang ingay niyo. Kumain na nga lang kayo."-natatawang singhal niya sa mga to.

"So your really dating? Wow."-komento pa ni thamy.

Ano namang nakakamangha dun?

"P-paano nangyari yun? Bakit hindi ko alam? Kailan pa to? Bakit hindi mo sinabi sa akin ha?!"-OA na bulalas ni ayna. Nabitawan na nga niya yung hawak niyang kubyertos eh.

Napakamot naman ako sa aking ulo. Hindi ako makapagsalita dahil pati ako ay nagulat sa sinabi niya.

"Pucha ka tol! Kala ko hindi mo siya papatulan?"-wala sa sariling sigaw ni renzo.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"De joke lang."-mabilis niyang bawi.

Gago to ah. Anong akala niya sa akin walang kamandag? Loko! Maganda din naman ako. May papatol naman sa akin kahit ganito lang ako noh.

"Are you really serious? "-si casz naman ang nagtanong.

"Bakit, ano bang nakakagulat dun? Simula ng umamin si ahli na may gusto siya sa akin linigawan na niya ako."

"Ano?!"-sininghalan ko siya.

"Este ako pala. Ako pala ang nanliligaw."-natatawa niyang bawi at saka inakbayan ako.

"Huwag mo siyang sagutin, paniguradong lolokohin ka niyan."-bulong naman ni drex sa tabi ko.

"Hoy, narinig ko yan ulul!"-linayo pa ni zad ang mukha ni drex sa akin.

Natawa naman si drex at saka nagpatuloy na lang sa pag kain.

"Mabaho utot niyan kaya bastedin mo na yan. Yan pa ang ikamamatay mo panigurado."-paninira naman ni renzo. Napahagalpak naman ng tawa si drex at casz.

"Gago ka lorenzo! Mas mabaho naman pangalan mo!"-inis na sigaw ni zad.

Lalong natawa si drex at casz. Pati si ayna at thamy ay nakisabay na din. Pero si khanz, nanatili lang siyang seryoso. Napalunok ako.

"Tarantado! Huwag mong banggitin ang buong pangalan ko. Nakakasuka."

"Buti alam mo."

Sumimangot lang si renzo at bumaling kay ayna.

"Huwag mo kong tawanan. Hahalikan kita diyan."-banta niya. Nanlaki naman ang mga mata ni ayna at saka inasar asar na sila drex.

"Gago!"-mura ni ayna pero halata naman kinilig.

Pucha! Ganyan ba kiligin yang babaeng yan? Parang natatae eh.

"Anong sabi mo?!"-may nanlalaking matang linapit ni renzo ang mukha niya kay ayna. Lalong namula ang pisngi niya.

"Layuan mo nga ako lorenzo!"

Napasimangot si renzo kaya naman lalong natawa sina drex.

Napailing iling na lang ako at saka nagsimulang kumain. Hanggang sa maramdaman kong lumapit sa akin si zad.

"Ahli..."

"Oh?"-di ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagsubo ng kinakain ko.

"Ang sama ng tingin niya sa akin oh. Mukhang makakaganti na ako."-pilyong bulong niya.

Natigilan naman ako sa pagsubo at bumaling sa tinutukoy niya.

Halos mabilaukan pa ako ng makita si khanz na sobrang sama ang tingin niya sa amin. Parang anumang oras ay babarilin niya kami. Nangingitgit pa ata ngipin niya sa inis eh.

Anong problema niya?

Mabilis akong nag iwas ng lingunin niya ako. Shet! Kinakabahan ako sa titig niya!

"Anong sinasabi mong makakaganti ka?"-taka kong tanong. Pilit na hindi pinapansin si khanz.

Baka manghina pa ako sa klase ng tingin niya eh.

Ngumisi lang siya at saka dahan dahang linapit ang mukha niya sa akin. Nagulat naman ako at napaatras.

"Z-zad..."-napalunok ako.

*blaaaag!*

Napapitlag lahat kami sa gulat ng marinig yun! Napalingon kami kay khanz na sobrang sama na ang aura. Nakatayo na ito at halatang sinuntok yung lamesa dahilan para mahulog ang ilang pagkain.

Natigil lahat ng studyante'ng kumakain sa loob ng canteen. Katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Pati sina renzo ay nagtataka sa asta niya habang si zad ay nakangisi lang.

"K-khanz. Oh my god! Are you okay?"-mabilis na tumayo si thamy at hinawakan ang kamay ni khanz na namumula na ngayon dahil sa pagsuntok niya sa lamesa. Halatang nagulat din sa biglaang kilos niya.

Hindi umimik si khanz. Bagkus ay liningon niya ako gamit ang matatalim niyang tingin. Halos mapasinghap pa nga ako sa gulat.

Winaksi niya ang kamay ni thamy na nakahawak sa kamay ni khanz. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero mukhang walang pake si khanz. Mabibigat ang mga hakbang niyang nagtungo sa gawi ko. Hindi niya pinuputol ang titigan namin.

Halos kapusin pa ako ng hininga ng makalapit siya sa akin at walang pasabing hinila ako patayo.

"Where are you taking her?!"-taas kilay na tanong ni zad.

"This is fvking out of you're business abella."-malamig na tugon ni khanz. Na pati ako ay ramdam na ramdam ko ang lamig sa kanyang boses.

Kinilabutan ako sa pinapakita niyang ugali. Bakit basta-basta na lang siya magagalit? At anong kailangan niya sa akin? Anong nagawa ko?

Hindi na muling kumibo si zad. Umiling iling na lang ito. Habang si khanz ay marahas na akong hinila papalabas ng canteen.

Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. Kung makahila siya parang hindi tao ang kasama niya. Nakakainis siya! Anong akala niya sa akin bagay? Na kapag kailangan ay saka lang niya ako kukuhanin? Gago ba siya? Hindi ba niya alam na may damdamin din ako? Tangina niya!

"Bitawan mo nga ako!"-pinilit kong tinatanggal ang kamay niya pero lalo lang niyang hinihigpitan. Patuloy lang siya sa paglalakad na para bang walang naririnig.

"Khanz! Bitawan mo ako!"-malakas kong sigaw. "Ano ba! Kapag hindi mo ako binitawan, sisigaw na talaga ako!"-naiinis kong banta.

Saka lang naman siya natigilan sa paglalakad. Dahan dahan siyang bumaling sa akin. Hindi maipinta ang mukha niya at ang sama ng tingin. Ano bang nangyayari sa lalakeng to?

Marahas niyang binitawan ang kamay ko. Napahawak naman ako dun at halos mapangiwi ako sa sakit. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tangina mo!"-malutong ko siyang minura at tinalikuran siya.

Gago ka. Wala ka na lang ibang ginawa kundi saktan ako. Bwisit ka!

Nakakailang hakbang pa lang ako ng maramdaman kong umangat ang paa ko sa lupa! Saka ko lang napagtantong nakasukbit na ako sa balikat niya!

O_O

Anak ng PUTRIS!

"KHANZ! IBABA MO AKO! GAGO KA! IBABA MO AKO DITO! PAPATAYIN TALAGA KITA!"-sigaw na ako ng sigaw habang pinagpapapalo siya sa likod.

Bwisit siya. Di na nahiyang buhatin ako eh may mga nakakakita sa amin! Paano kung may makasalubong kaming teacher! Nakakainis siya!

"Shut up!"

"HUWAG MO AKONG MA SHUT UP-SHUT UP! IBABA MO AKO!"-mas lalo ko siyang pinalo sa likod pero mukhang wala lang sa kanya. May pakiramdam ba to? Bakal ata katawan nito eh!

Hindi na muling nagsalita si khanz. Kung makalakad parang artista eh. Lakas maka agaw ng atensyon. Sinong hindi mapapatingin sa amin? Tangina niya! Kapag may makakilala sa akin, kakalbuhin ko siya, makikita niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumigaw ng sumigaw. Tong mga nakakasalubong namin, hindi man lang ako tinulungan. Mga walangya sila. Paano kung rapin ako neto? Ano, hahayaan na lang nila ako? Tsk.

Pagkalipas ng ilang oras, binaba niya ako. Hindi pa ako nakaka angal ng itulak niya ako papasok sa kanyang kotse!

Nanlaki ang mata ko at akmang lalabas ng mabilis niya yung sinara at linock!

"Argh! Bwisit!"

Umikot siya patungong driver seat at pumasok. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Saan mo ako dadalhin? Pakawalan mo ako kung ayaw mong----"

"Can you please shut up?!"-pikon niyang putol sa sasabihin ko.

Tinignan ko siya na may namamanghang tingin. Aba! At siya pa ang galit! Gago siya! Isa siyang malaking gago.

Nagsimula na siyang mag seat belt habang ako ay pilit na binubuksan ang pinto. "Tatakas ako!"-banta ko.

"Subukan mo, hindi ako magdadalawang isip na talian kita."-malamig niyang sabi na nagpalaki ng mata ko. Seryoso ba siya?!

Hindi na ako naka react ng mabilis niyang pinaharurot ang kotse!

Pucha! Parang may emergency ah! Grabe talaga siya magmaneho! Ako ata ang aatakihin sa puso neto eh!

Kinakabahan akong nag seat belt at mahigpit na napahawak dun. Galit galitan lang? Diyosko, huwag niyo sana akong hahayaang mawala sa mundong ibabaw. Kahit si khanz na lang kunin niyo kung sakali huwag lang ako. Joke.

"Sabihin mo lang kung may hinahabol tayong kamatayan para naman makapaghanda ako."-naiinis kong sigaw pero lamang ang kaba sa dibdib ko!

"Waaaaah!"

*beep*

*beep*

"Ano ba! Balak mo atang magpakamatay! Pls lang, huwag mo akong idamay!"-diyosko! Muntik na kaming mabangga ng TRUCK!

Kailangan ko na atang magsimba. Masyado akong kinakapitan ni kamatayan eh.

***

Para na akong timang ng makadating kami sa headquarters nila. Nanginginig ang kamay ko at namumutla pa ako. Pucha, kulang na ata ang sabog kong buhok para magmukhang dinaanan ng bagyong yolanda eh.

Mabilis na lumabas si khanz sa kanyang kotse. Nanatili lang akong nakatulala ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Ano? Balak mong umupo na lang diyan?"-pagtataray pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Padabog kong tinanggal ang seatbelt at lumabas.

"Huwag mo kong kausapin gago ka."-mabilis akong naglakad papalabas ng garahe nila.

Sa ayaw at sa gusto niya, aalis ako. Ayoko siyang makita lalong lalo na ayoko siyang makausap.

"Where do you think you're going?"-mabilis niya akong hinarangan.

Nagsalubong ang kilay ko at sinamaan siya ng tingin.

"Wala kang pake. Galit ako sayo kaya huwag mo akong kausapin."-tinulak ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Stop right there ahlisha!"-ma awtoridad niyang sigaw dahilan para matigilan ako.

Tsk. Bakit ko naman siya susundin? Sino ba siya sa tingin niya? Kala mo kung sinong mag utos.

"Come back here."-matigas niyang dagdag.

Pumihit ako paharap sa kanya. Di ko na napigilan ang emosyon ko. Halo halo at mas lamang ang galit ko sa kanya. Naiinis ako.

"Ano bang karapatan mong pabalikin ako? Diba ikaw naman ang unang umiwas? Ikaw ang hindi namansin. Tapos ngayon kung magalit ka parang ako pa yung mali. Alam mo, nakakagigil ka! Galit na galit ako sayo! Hindi ako bagay khanz! Na kapag ayaw mo na, hahayaan mo na lang ako at kapag kailangan mo na naman, saka mo lang babalikan! Tangina ka! Huwag mo kong kausapin!"-galit kong sigaw at padabog siyang tinalikuran.

Nakaka bwisit siya. Walang araw na hindi niya ako iniinis. Walang araw na hindi niya ako ginagalit. At walang araw na hindi niya nililito ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Kung bakit naiinis ako kapag may kasama siyang iba.

Inaamin kong nagseselos ako! Oo, nagseselos ako! Tangina niya! Kasalanan niya kung bakit ko siya nagustuhan! Kasalanan niya kung bakit nahulog na ang loob ko sa kanya! Kasalanan niya lahat lahat. Siya lang ang dapat sinisisi dito.

"You're not going anywhere!"-nanlaki ang mga mata ko ng walang kahirap hirap na naman niya akong binuhat na parang sako!

Bwisit talaga siya!  Talagang hinding-hindi niya ako pakakawalan eh noh!

Marahas niyang binuksan ang pinto ng headquarters nila. Dahil sa kakapalag ko, hindi ko na namalayang nadala na niya ako sa kanyang kwarto!

Namilog ang mata ko sa kaba ng bigla na lang niya akong tinapon sa kama!

"Shit ka! Anong gagawin mo sa akin?!"

Hindi siya kumibo. Tumalikod siya at nagtungo sa kabinet na nasa gilid. May hinalungkat siya dun at nang humarap siya sa akin ay may hawak na siyang posas at tali.

O_O

Isang malaking WTF?!

"Khanz! Anong gagawin mo sa akin?!"-napaatras ako patungo sa headboard ng kama.

Ang lakas ng kabog ng puso ko at parang manghihina ang tuhod ko sa sobrang kaba.

"Kung hindi kita mapakiusapan, I have no choice to locked you up."-malamig niyang sabi.

Lalong dumagundong ang kaba ko ng sapilitan niyang pinosasan ang kamay ko! Nahirapan akong pumalag dahil mas malakas siya kaysa sa akin. Bwisit! Ano bang gustong mangyari ni khanz?! Naguguluhan na ako sa mga kinikilos niya.

"Khanz! Ano bang problema mo---shit! Ano bang ginagawa mo sakin?!"-gulat kong hiyaw ng pinosasan niya ang magkabila kong kamay at saka kinabit yun sa magkabilang headboard ng kama!

Nanlaki ang mga mata ko ng isunod din niya ang paa ko! Baliw na ata ang kumag na to. Kung ano ano na ang pinaggagawa sa akin!

Pagkatapos niya akong itali ay tumayo siya sa gilid ng kama at humalukipkip. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gago ka ba?! Bakit mo ko pinosasan? Ipapa pulis talaga kita khanz! Kalagan mo ko!"

Bumuntong hininga siya at hinilot ang sentido niya. Mukhang kumalma na siya. Hindi gaya kanina na ang sama ng aura at ang talim kung tumingin.

Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan na lang siya. Kinalma ko na din ang sarili ko para makapag usap na kami ng maayos. Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay unti-unti na ding naglaho. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya pero wala na akong magagawa. Tinali na niya ako, paano pa ako makakatakas.

Napapikit siya ng mariin at napabuga ng hangin. Nang magmulat siya ay nagtama ang paningin namin. Bumalik na sa ayos ang titig niya. Ang mala tsokolate niyang mata ay nawalan na ng lamig.

"Is it true?"-maalumanay niyang tanong pero nakakunot pa din ang noo.

"Ang alin?"-taka kong tanong.

"Tsk."-singhal niya at umiwas ng tingin. "Is it true that zad is courting you?"-nagtiim ang bagang niya.

Galit ba siya? Bakit ganun ang reaksyon niya? At bakit naman niya tatanungin yun? Di ba wala naman siyang pake sa akin?

"Ano naman sayo kung liniligawan niya ako?"-pabulong kong ani at nag iwas ng tingin.

Wala naman siyang pake eh. Alam ko namang iba ang gusto niya. Kaya nga niya ako hindi pinapansin dahil dumating na ang totoong gusto niya. Kaya ano pang saysay ang pagsasabi ko ng totoo? Walang magbabago.

Tsk. Kung bakit siya pa nagustuhan ko. Mas nagiging komplikado tong nararamdaman ko eh. Imbes na mawala, lumalim pa. Ginayuma ata ako ng loko para ganito na lang ako magselos sa kanila.

"Fvk! At pumayag ka naman?! Bakit? Dahil siya ang gusto mo? Dahil kaya niyang ibigay sayo lahat ng gusto mo?!"

"Ano bang pinagsasasabi mo ha? Pasalamat ka, nakaposas ako baka kanina pa kita sinampal! Hindi ako ganun kababaw khanz! Kung makapagsalita ka parang may ginawa akong mali! Eh ikaw nga tong hindi namamansin simula ng dumating yang singer mo! May pasabi sabi ka pang I miss you, gago ka! Kainin mo yang I miss you mo!"-inirapan ko siya at saka nag iwas ng tingin.

Pakiramdam ko, anumang oras eh tutulo luha ko. Kasalanan niya lahat to eh! Pinahulog niya ako pero sinasaktan lang naman niya ako. Gago siya. Manigas siya diyan. Hindi ako aamin. Mamatay ang aamin.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya. Nanatili akong nasa malayo ang tingin upang iwasan ang mga titig niya.

"Are you jealous?"

O_O

"KAPAL NG APOG MO! ANO KAMO? NAGSESELOS? AKO? PUCHA KA TOL, SAN MO NAKUHA YAN?! HINDING HINDI AKO MAGSESELOS SA INYO!"-dere-deretso kong sigaw na para bang may hinahabol na oras. Bahagya pa akong hiningal king ina!

(-.-)---> siya.

>>_<< ----> ako.

Natahimik siya. Walang emosyon ang kanyang mukha kaya hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko. Samantalang ako ay halos hindi na makatingin sa kanya.

Ewan ko ba, parang muntikan na akong nahuli sa sekreto kong ayaw kong ipaalam sa kanya. Edi magdidiwang yan kapag sinabi kong nagseselos ako. Tapos, sasabihin din niyang hindi din kami pwede kase iba ang gusto niya at ako naman, ayun iiyak na naman.

Tsk. Ayoko na. Takot na akong umamin. Palagi lang naman akong masasaktan. Hutaenang buhay to.

Tumalikod siya sa akin at naglakad patungong pinto. Parang gusto ko siyang pigilan at sabihing 'Oo! Nagseselos ako! Masaya ka na? Ha?' Pero pilit kong pinipigilan ang bibig ko. Dahil alam kong kokontra ang isip ko sa puso ko.

Hindi ko namalayang bumagsak na ang ilang butil ng luha ko...na ngayon, ay dahil na kay khanz.

Tumigil siya saglit at sinambit ang huling katagang lalong nagpabuhos ng luha ko at ang pagkawasak ng puso ko.

"Simula ngayon, hindi na kita kakausapin. Kung ayaw mo talaga sa akin, sige. Kaya din kitang kalimutan ahlisha..."

Continue Reading

You'll Also Like

361K 7K 66
"I feel like a fool for thinking it was real." - Patricia Ayesha Garcia "When you really care about someone their happiness matter more than yours."...
50.3K 2.5K 59
Myth Series 5 For Queen Hera of Olympus being an immortal is a torment, but being married with King Zeus is the biggest curse she received.
2.3K 761 35
Jareb is known for being a player and toying a girls heart with his handsome looks and famous profile from being a basketball player. Every girl in...
14.5M 440K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...