HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

681K 11.3K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 37

8.4K 171 1
By Vis-beyan28


Chapter 37: 'When Jealousy Strikes'

Ahli's POV

Hanggang ba naman dito, nakikita ko padin sila? Nakakainis na ah. Ano bang nagawa kong mali para ipamukha niya sa akin na hindi ako kawalan?

"Aish!"-napa face palm na lang ako sa inis.

Pati ba naman sa library, naglalandian pa sila? Tangina naman oh!

Inutusan kami ng teacher namin dito sa library para maghanap ng sagot tungkol sa mga tanong na binigay niya sa amin. Kaya naman, nandito kaming lahat para sumagot at hindi ko din aasahang nandito din si khanz at yung thamy.

Ewan ko ba, parang sinasadya nilang ipakita sa akin eh. Kanina pa ako nabuburyo dito. Kapag talaga hindi ko napigilan sarili ko, ibabato ko sa kanila tong lamesa. Nakakainis.

"Ano, kanina ka pa diyan pero wala ka pa namang sagot! Di nagsasalita yang libro ha."-bulong ni ayna sa tabi ko.

Sininghalan ko siya ng tingin saka padabog na sinarado ang tinitignan kong libro. Sumandal ako sa likod ng upuan at humalukipkip.

"Wala akong ganang maghanap ng sagot. Pakopyahin mo na lang ako mamaya."-nababagot kong sabi at pasimpleng sinulyapan ang dalawang nagtatawanan sa kabilang table. Mapagalitan sana kayo.

Kung makipaglandian eh, parang walang tao. Bahagya pa talagang naka akbay si khanz sa likod ng upuan ni thamy habang nagtatawanan sila. Tsk.

"Oh yang tingin mo para ka ng papatay."-natatawang biro niya kaya naman napa iwas ako ng tingin sa gawi nila.

Napansin pa talaga ng babaeng to. Tsk.

"Baka ikaw ang patayin ko."-banta ko at saka kinuha ang notebook niya.

Nagsimula na akong kopyahin ang mga sagot niya habang siya naman ay nakasandal sa kanyang upuan.

"Weh? Ako nga ba? Baka naman---"

"Huwag mo kong umpisahan."-matigas kong sambit pero natawa lang siya.

Anong trip ng babaeng to at ganito na lang mang asar. Tsk.

"Mukhang nawawala na ang pagtingin mo kay zad ha? May iba ka na bang gusto?"

Padabog kong sinarado yung notebook niya at saka sinamaan siya ng tingin.

"Wala akong gusto."-pinalidad kong sabi pero hindi siya naniwala.

"Alam ko ang mga ganyan mong tingin ahli. Huwag mo kong lokohin. Nagseselos ka, halatang-halata."-sabi niya na para bang tama ang kanyang hinala.

Bumuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya.

Bakit naman ako magseselos? At kila khanz pa talaga? Hello? Ni wala nga akong gusto kay khanz eh paano ako magseselos? Utak neto eh punong puno ng malisya.

"At kanino naman ako magseselos aber?"

Ngumisi siya kalauna'y nginuso ang gawi nila khanz.

Agaran akong umirap at saka umiling. "Bulag ka ata ayna. Bakit naman ako magseselos eh alam mo namang si zad ang gusto ko. Siya lang wala ng iba."-depensa ko habang nakabusangot na ang mukha.

Napipikon na talaga ako sa usapan namin. Hindi naman talaga ako nagseselos. Naiinis lang ako kay khanz dahil matapos niyang sabihin ang mga salitang magpapalito sa damdamin ko saka lang siya lalayo sa akin. Tsk. Isa siyang dakilang manloloko.

"Alam mo ahli, hindi lahat ng sa tingin mo ay totoo. Oo, mahal mo si zad pero hindi pang habang buhay siya na lang ang mamahalin mo. Lahat nagbabago, yang pagmamahal pa kaya?"-seryoso niyang sabi.

Natulala naman ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko may gusto siyang ipahiwatag pero ayaw ko lang tanggapin. Ayoko.

Bumuntong hininga na lang ako.

"Sa tingin ko, natatakot ka eh. Natatakot kang tanggapin ang nararamdaman mo kaya pilit mong pinaniniwalaan yang sarili mo sa maling bagay. Kaya ngayon, todo tanggi ka kahit halata namang nagseselos ka."-dagdag pa niya at saka tuluyan ng inayos ang mga notebook namin.

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Alam kong may punto siya pero kase...ang hirap. Nahihirapan ako sa nararamdaman ko.

"Oh, saan ka pupunta?"-gulat niyang tanong ng mapansing nagmamadali akong ayusin ang mga gamit ko.

"Diyan lang. Magpapahangin lang ako."-tipid kong sagot at nauna ng tumayo.

Nagtataka man ay tumango na lang siya at hinayaan akong umalis.

Sa tingin ko kailangan ko munang mag isip isip. Nalilito ako sa nararamdaman ko at kailangan ko ng timbangin kung sino ang nalalamang sa kanila.

Pagkalabas ko ng library, nagulat ako ng makita si zad sa gilid ng pinto. Nakasandal ito na para bang may hinihintay. Napunta sa akin ang tingin niya. Nginitian niya ako ng malungkot at saka tumayo ng tuwid.

"Zad..."-wala sa sarili kong usal.

"Ahli, can we talk?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Medyo kinabahan ako dahil mukhang alam ko na ang pag uusapan namin. Talagang wala na akong takas. At saka isa pa, kailangan na talaga naming linawin to para mag kaayos na kami. Nami-miss ko na kase ang bestfriend ko at hindi ko kayang hindi kami nagpapansinan ng matagal.

Nginitian ko din siya pabalik at saka tumango.

"Sige."

***

Sabay kaming naupo sa bench. Naisipan naming magtungo sa garden para naman makapag usap kami ng masinsinan. Buti na lang at walang tao. Hindi kami maiistorbo.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Wala akong masabi. Nahihiya pa ako dahil alam na niyang mahal ko siya hindi nga lang bilang kaibigan. Yung pagkailang ko, hindi padin nawawala.

Nanatili lang akong nakatingin sa aking sapatos habang pinaglalaruan ito. Hanggang sa marinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"I'm sorry."-panimula niya. Saka ko lang siya sinulyapan. Sa malayo siya nakatingin, halatang iniiwasan ang titig ko.

Ewan ko pero parang bigla na lang nawala yung pakiramdam na nakikiliti ako kapag pinagmamasdan siya. Nawala na yung kilig na nararamdaman ko. Nawala na yung pagbilis ng tibok ng puso ko kapag malapit siya sa akin. Parang sa isang iglap, nagbago lahat.

"Zad, wala kang dapat ipag paumanhin. A-ako dapat ang mag so-sorry k-kase ako ang may mali."-halos pabulong kong wika. Napapikit ako ng mariin upang kalmahin ang sarili ko.

Kinakabahan ako sa pag uusap namin.

"I'm at fault too ahli. I shouldn't have said those word to you. Alam kong nasaktan kita and I'm really sorry."-yumuko siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Napabuntong hininga na lang din ako.

"Kasalanan ko. Alam kong sa simula palang kaibigan na talaga ang kaya mong ibigay pero matigas ata ang ulo ko eh. Hindi ko napigilan ang sarili kong m-mahalin ka. Wala kang kasalanan zad. Kung dapat may sisihin dito ay ako. Ako ang umasa, ako ang nagpaka tanga."-paliwanag ko at saka siya nginitian ng malungkot.

Napatitig naman siya sa akin. Bakas sa mukha ang lungkot at pagsisisi.

"K-kaya tatanggapin ko kahit layuan mo ako. Tatanggapin ko kahit talikuran mo ang pagkakaibigan natin."-dagdag ko.

Nangunot naman ang noo niya.

"Sinong may sabing tatalikuran ko ang pagkakaibigan natin?"

O_O

"H-ha?"

"Hindi ako ganun kababaw mag isip ahli. I won't leave you. I promise to be you're bestfriend. And I'm sorry if I can't love you back the way you do. All I can give is my love as a friendship and I hope you can still accept me."-yung boses niya parang nagmamakaawa.

Di ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya sa tuwa.

"A-akala ko lalayuan mo ako kapag nalaman mo..."

"Why would I? Still, I will not leave you no matter what."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ang swerte ko talaga sa kaibigan ko. Ano bang nagawa ko para ibigay sa akin ng maykapal ang ganitong kabait na kaibigan? Nagpapasalamat talaga ako dahil nakahanap ako ng totoong kaibigan.

"Z-zad, okay lang naman sa akin kung hindi mo ko kayang mahalin higit pa sa kaibigan. Tanggap ko na. Kaya sana, sana hindi magbabago ang pagkakaibigan natin. Gaya padin sana tayo ng dati."-ani ko at kumalas sa yakap niya.

Ginulo naman niya ang buhok at muling sumandal sa likod ng bench.

"Wala namang nagbago ah. And oh I remember, sorry kase naglihim ako sayo."-sumulyap siya sa akin bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Ayaw ko lang na mapahamak ka. Alam mo naman ang nangyari sayo ng madamay ka kila khanz diba? Kaya mas pinili kong maglihim dahil ayokong madamay ka sa gulo ko. I can't afford seeing my friend suffer. Hindi ko kaya."

Ngumiti naman ako at saka hinawakan ang kamay niya upang pagaanin ang loob niya.

"Naiintindihan kita. Sorry din kase naging makitid ang utak ko. Hindi ko yun naisip agad dahil nadala ako sa emosyon. Ang bait mo zad at sana, sana makita ni hayzel ang halaga mo. Hininiling kong, magawa ka din niyang mahalin ng buo. At kapag sinaktan ka niya ulit, sabihin mo sa akin ng masample-an ko."

Natatawa niyang pinisil ang ilong ko at muling niyakap. Ngayon, ramdam ko ang pagka miss niya.

Napangiti na lang ako. Pakiramdam ko may nabawasang bigat ang kaloob looban ko. Mukhang makakahinga na ako ng maluwag. Okay na kami ni zad at masaya ako dahil kahit nalaman na niya ang sikreto ko, nagawa padin niya akong ituring na kaibigan.

"Teka nga..."-kumalas siya sa yakap at tinitigan ako na may naniningkit na mata. "Saan ka nagpunta pagkatapos nating nag usap? Bigla ka na lang nawala, hinanap ka namin."-taka niyang tanong.

Ngumuso naman ako at saka napabuntong hininga.

Wala na akong nagawa kundi ikwento sa kanya ang nangyari sa akin. Simula ng malaman ko kung sino ang totoo kong nanay hanggang sa umalis ako sa bahay namin dahil nag away na naman kami ni mama.

Mariin niyang kinurot ang ilong ko kaya napadaing ako.

"Aray!"-napahawak ako sa ilong kong namumula na. Sinimangutan ko siya.

Ang sakit talaga kapag kumurot to.

"Bakit mo ginawa yun ha? You should talk to your mom. Hindi mo sana siya linayasan. And talking back is bad ahli. Hinayaan mo muna siyang magpaliwanag."-para siyang tatay kung manermon.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Eh sorry na. Saka ko na siya kakausapin kapag handa na ako. Syempre nagulat lang ako sa pangyayari, kailangan ko munang mag isip."-depensa ko.

Napailing na lang siya. Para bang wala na siyang magagawa.

"At sino namang kasama mo mg naisipan mong maglayas sa bahay niyo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Ayoko sanang banggitin dahil masisira lang mood ko pero mapilit si zad. Yun tuloy, naibulalas ko. Tsk.

"Khanz?"-taka niyang tanong atsaka napaisip ng malalim.

"Tsk."-bulong ko at umirap. Marinig ko lang talaga pangalan niya, naiirita ako.

"May relasyon ba ang dalawang yun?"-di ko na napigilan ang bunganga kong sambitin yun. Aish! Pahamak talaga tong bibig ko!

"Who?"-nagtataka na din si zad.

Umiwas ako ng tingin. "S-si khanz at yung thamy."

"Hmmm..."-napaisip naman siya. "I don't know. They are childhood friend at hindi maiiwasang magkagusto sila sa isa't-isa lalo na't may gusto si thamy kay khanz."-kibit balikat niyang sagot.

Napasimangot ako. Sinadya kong hindi ipakita yun kay zad para hindi siya makahalata.

"Eh si khanz. May gusto din ba siya dun sa singer na yun?"-kunyaring hindi interesadong tanong ko. Bahagya akong nakayuko para hindi niya makita reaksyon ko.

"Well, I think yes."

O_O

"Thamy is a amazing woman. Lahat ata eh nagkakagusto sa kanya sa angking galing niya sa pagkanta. She's comfortable to be with too. Ang akala ko pa nga eh, nagkagusto din si khanz sa kanya noong mga bata pa sila."

O_O

>>_<<

NAKAKAINIS! NAKAKA ASAR! NAKAKA BWISIT!

"Tsk. Eh di siya na. Gusto niyo naman isa't-isa, eh di kayo na."-bulong ko at napairap na lang sa kawalan.

"I heard you."

"AY! BWISIT!"-napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat. Nagulat ako dun ah!
Nanlaki pa ang mata kong nabaling kay zad.

Natawa si siya. Yung tipong maluha luha na siya sa sobrang tawa. Tsk.

"You're jealous."-natatawang tinuro niya ako.

Lalo akong napasimangot. Hindi na ata maipinta ang mukha ko eh. Pero si zad, tawa lang ng tawa. Nakaka asar.

"Hindi ah! Nagtatanong lang kaya ako."-inirapan ko nga siya. Kanina pa to eh. Parehong pareho lang sila ni ayna. Tsk.

"Really? Sa tagal na nating magkaibigan, hindi mo na ako maloloko. Tell me, ahli. Do you like khanz?"-may tonong pang aasar ang kanyang boses.

"Zad!"-inis kong bulyaw.

"Nahahalata na kita. Hindi naman bawal ang magkagusto eh. Lalo na't kung si khanz---"

"Hindi ko gusto ang bading na yun no!"-inirapan ko siya.

"You're lying. Iba ang sinasabi ng yong mata eh. Just a piece of advice bestfriend, umamin ka na kung ayaw mong magsisi ka sa huli."

"Ewan ko sayo! Wala akong aaminin dahil wala naman akong gusto sa kanya. Parehas lang kayo ni ayna ang kukulit niyo!"

"I know deep Inside your holding yourself.  Baka sa pagpipigil mong yan mahuli ka lalo na't dumating na ang kaagaw mo."-ngumisi siya sa akin na para bang nanghahamon.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Kaagaw? Psh. Eh alam ko namang hindi niya ako gusto eh. Ano bang laban ko sa thamy na yun eh lahat na ata, nasa kanya na. Samantalang ako, boom mahirap! Walang wala ako sa kalingkingan niya.

"Tara na nga. Nagugutom ako. Kailangan mo akong ilibre para naman makabawi ka sakin. Asar na asar ako sayo eh."-nginusuan ko siya at saka hinila patayo.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"B-baka marami na naman yang ipapalibre mo ha. Kilala ko na yang bituka mo ahli."-tinuro pa niya ang tiyan ko.

Binelatan ko nga siya para naman mainis. "Talagang madami akong ipapabili sayo. Ginutom mo ako sa kaka asar sa akin. Tara na."-hinila ko na siya at saka kami naglakad papaalis sa garden.

Sakto namang break time na kaya pwede na kaming kumain.

Hindi na ulit umimik si zad. Parang sa isip isip eh, nagkwekwenta na siya kung magkano ang magagastos niya. Di ko na napigilang tawanan ang mukha niya. Umaasim na ewan eh.

"Don't laugh at me."-sinimangutan niya ako.

"Kung maka react ka parang wala kang pera eh."-iiling kong sabi at saka naupo sa dati naming pwesto kahapon. Noong kasabay namin sina khanz.

Nanatili naman siyang nakatayo sa gilid ko.

"Sige na zad. Ramihan mo ng oreder ha."-nginitian ko siya ng sobrang tamis.

Wala naman siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang.

"Just wait here and make sure na kakainin mo lahat ng binili ko."-babala niya.

"Yes boss!"-natatawang sagot ko at pinanood siyang nagtungo sa pila.

"Anong nginingitian mo diyan!"

"Ano ba!"-napapitlag pa ako sa gulat ng sumulpot sa harapan ko si ayna! Napatingin ako sa likuran niya.

Di na ako nagulat ng kasama na naman niya si renzo at ang mga kaibigan niya. Tsk. Nandito na naman ang gagong khanz at yung thamy. Nakakasawang panoorin silang maglandian letse.

Gusto kong umirap pero baka makahalata sila kaya naman ngumiwi na lang ako kay ayna.

"Akala ko kung saan ka na nagpunta yun pala nauna ka ng magmeryenda."-biro niya at saka naupo sa harapan ko.

Sumunod naman sina drex. Katabi ni ayna si thamy habang may bakante naman sa kaliwa nito. Siguro dun mauupo si renzo. Umalis kase si renzo at casz para umorder ng pagkain nila. Habang si drex ay katabi ko sa kanan. Syempre sino pa bang katabi ni khanz? Malamang si thamy. Tsk.

"Mag isa ka lang ba?"-tanong ni drex sa akin.

"Hindi. Kasama ko si ah...si z-zad."-pinilit ko silang nginitian.

Pansin ko naman ang pagkagulat ni ayna sa harapan ko. OA talaga ang babaeng to.

Tinignan niya ako na para bang nagtatanong pero nagkibit balikat na lang ako. Bahala kang mag isip diyan.

"You're ahli right?"-napunta kay thamy ang atensyon ko ng magsalita ito.

Pilit ko siyang nginitian. Hindi talaga ako kampante sa babaeng to. "Oo."

"Hey, do you wanna come to my party? Kaibigan naman kayo nila khanz so, I'm just thinking if you wanna come over."-nakangiti niyang yaya.

Napatingin naman ako kay ayna. Halatang nagulat din siya sa yaya nito. Hindi nga ako makapaniwala eh. Kakakilala lang naman namin kahapon tapos iimbitahan pa niya kami.

"Kung okay lang sa inyo?"

"Ah---"

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si ayna.

"S-sige. Pupunta kami."

O_O

Tangina! Ano pa bang aasahan ko sa babaeng to. Naalala ko palang pagdating sa party eh hinding hindi aayaw ang babaeng to. Tsk.

"Really? Thank you."-excited pa siyang nagpapapalakpak na parang bata.

Dinig ko naman ang pagtawa ni khanz kaya di ko napigilang lingunin siya.

Ba't ang saya-saya mo? Talaga bang konsensiya lang ang nararamdaman mo sa akin khanz?

Mabilis akong nag iwas ng tingin ng lingunin niya ako. Pakiramdam ko nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Tsk. Pake ba niya? Kahit ata titigan ko siya ng matagal, sa iba parin ang paningin niya.

Saka lang ako bumalik sa realidad ng dumating na sina renzo kasama si zad. Di ko na napigilang tawanan siya dahil dalawang tray pa ang hawak niya.

"This is all your fault."-nakasimangot niyang sabi at hindi nagkandaugagang binaba ang mga pagkain.

"Ang dami naman yang pagkain niyo? Galit-galitan lang?"-biro ni renzo ng makaupo.

"Eto tanungin niyo. Galit na galit ata ang tiyan."-tinuro pa ako ni zad kaya sinimangutan ko siya.

Natatawang umupo siya sa tabi ko.

"You seemed close zad. Are you two has something?"-malisyosang biro ni thamy.

Natigilan naman ako dun. Pati ata si khanz di nakatakas sa paningin ko. Tinignan niya ako ng mariin na parang bang hinihintay ang sagot ko. Napalunok ako. Bakit parang kinakabahan ako. At bakit ganyan siya makatingin? May nagawa na naman ba akong kasalanan?

Malakas namang natawa si ayna na para bang may nakakatawang pinapanood. Habang sina drex ay nag aabang ng sagot.

"Ah...magkai---"

"Nililigawan ko siya."

O_O

Namilog ang mata ko ng sobra sa sinagot ni zad. Pati ata si ayna eh natigilan sa pagtawa habang sina drex ay nabulunan pa.

Kita ko naman ang pagtalim ng titig ni khanz sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin.

Bakit ba kinakabahan ako?

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 440K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
489K 24.9K 61
Alexis Willford almost have everything any person would wish for. And what she lacks the most is excitement. She wanted to feel life death, blood boi...
189K 7.1K 82
Myth Series 3 Will the King of The Sea marry a mortal woman who is not even destined to be his bride?
866 60 25
(UNDER EDITING) Tiffany Perez is the woman who will do anything for her dream. Her beauty and intelligence are not hidden. She perseveres to finish h...