THE COLDEST (in major revisio...

JannaMaePH által

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... Több

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata VIII.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XI. I can feel you, Zai.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3
Kabanata XXI. The TRANFEREES
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata XXIX Argumentum & Momentum
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
Kabanata 44 He loves me? He loves me not?
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata 39: THE RETURN

8.5K 206 5
JannaMaePH által

Hope's POV

Nagkahiwahiwalay kami matapos ang nakakayanig na pagsabog. Buti na lamang at nakita kong muli sina Nyx. Dahil sa matyagang paghahanap sa akin ni whiteboard ay nakasama ko ng muli ang mga kaklase ko dito ngayon sa bus. At ngayon ay nababalisa kami ni Nyx kung paano hahanapin si Zai. Nasan na naman kaya 'yon? Nakaalalay ako sa kanya kanina ng may sumabog ngunit kahit sa bilis ng pangyayari ay ramdam kong may humigit sa kanya. Ang tanong lang ay kung sino?

Maging si Ace ay wala pa rin dito. Abala na sa paghahanap 'yong tatlo nyang kaibigan dahil malalagot daw sila sa lolo ni Ace pag nagkataon. Akalain mo 'yon lolo's boy pala ang leader ng fantastic four. Kung ito'y normal na araw lang at hindi nawawala si Zai ay tatawanan ko sya ng malupet ngunit dahil nga madami ang nangyari ngayong araw ay ipagpapaliban ko muna ang pagtawa ko kay Ace.

"Ano bakla sumagot na ba?" aligagang tanong ni Nyx. Kasama ko sya ngayon. At parehas kaming  nag-aabang dito sa labas ng tour bus sa pagdating ni Zai. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil ligtas na kami ngunit si Zai ay hindi pa.

Nakuuuu! Zai Hella kakalbuhin na kitaaaaa! Palagi mo ko pinag-aalala. Maktol ko sa isip habang tinatawagan ang number ni Zai.

"Unattended na Nyx. Anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko sa nag ngangatngat na ng kukong si Nyx. Nag-aalala na rin ang bakla.

"Darating si Zai. Manalig ka lang! Think positive, wag kang aayaw!" sabi nya na sumuntok sa hangin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Parang commercial 'yon ah.

Nagpabalik balik kami ng lakad ni Nyx sa labas ng bus sa labis na pag-aalala. Parehas kaming hindi mapakali. Isa pang pinag-aalala ko ay ang sugat ni Zai sa tagiliran nya. Hindi pa 'yon tuluyang nagagamot. Nilagyan lang daw 'yon ni Anton ng bandage gauze at betadine. Hindi pa 'yon natatahi kaya naman may posibilidad na bumuka 'yon.

"Bakla, tignan mo si Sir parang prente at kampante lang na nawawalan sya ng estudyante." biglang utas ni Nyx ng mapuna nya si Timbol na nagbabasa lang ng dyaryo habang nagyoyosi. Tsk! King ina. Kung hindi lang sya prof baka nasapak ko na sya. Halos mamatay na kami sa pag-alala pero sya pangingiti ngiti pa sa kasamang fieldtrip organizer na kasama namin. Parang gusto kong manuntok! Tsk. Nawawalan na sya ng estudyante pero parang balewala lang sa kanya. At no scratch that! BALEWALA talaga sa kanya.

"May araw din yan si Timbol." nasabi ko na lang. At inalis ang tingin sa pagmumukha nito. Lalo lang akong nagagalit kapag nakikita ko syang masaya kahit may nawawala na syang mga estudyante. If I know hinihiling nyang wag ng bumalik si Zai. Pero sorry na lang sya hindi matutupad ang hiling nya dahil alam kong babalik si Zai. At hindi ako bibiguin non. Kung masamang damo si Timbol. Madaming buhay naman ang meron si Zai. Parang pusa 'yon e. Sa tuwing nahihirapan sya ay mas lalo syang nagpupursige at lumalaban kaya alam kong makikita ko pa sya.

At maya maya pa ang sinabi kong 'yon ay hindi nagkamali dahil kitang kita ko ngayon ang papalapit ng si Zai kasama si Ace at ang tatlong kaibigan nito. Iika ikang maglakad si Zai na wari'y may iniindang sakit sa katawan. Samantalang si Ace ay nagpupumiglas sa pagkakaakay ng tatlong nyang kaibigan sa kanya.

"Hindi ako ang nasaktan! Bitawan nyo ako. Si Zai! Sya ang may sugat!" nagpupumiglas na sigaw nya doon sa tatlo.

"Alam namin. Kaya ka namin hinahawakan dahil ayaw naming masaktan mo ang sugat ni Zai sa sobrang pangungulit mo sa kanya." paliwanag ni whiteboard sa kaibigan. Ganoon pala.. tsk. Nakakamatay nga naman ang kakulitan ni Ace.

Saan kaya nila natagpuan ang dalawa?

"Zaaaaai!" Patakbo akong lumapit sa kanya upang alalayan sya. Ganoon din naman ang ginawa ni Nyx. "Pinag-alala mo na naman ako!" asik ko sa kanya.

Hindi naman sya sumagot. Alam kong nahihirapan na sya sa sugat nya. "Ang bag mo bakla nasa bus na." utas ni Nyx.

Inalalayan namin si Zai paakyat ng bus at ng makita sya ni Timbol ay bahagya pa itong nagulat. Nagpakita ako ng mocking face at isang smirked sa kanya. Ano ka ngayon? Sabi ko sa isip. Akala nya siguro'y di na babalik si Zai pwes nagkakamali sya. My bespren is kicking and alive. Eh, este alive lang pala. Hindi kicking dahil iika ika si Zai dahil sa sugat nya.

Nang maiupo namin sya ay, "okay na ako dito." sabi nya at pinasadahan ng malamig na tingin si Timbol. Parehas kami marahil ng iniisip ni Zai.

Lumipas ang oras, naging mabilis ang byahe pabalik at nakarating na kaming muli ng SVU. Kami na ni Zai ang magkatabi sa upuan ngunit madalas ang paglingon sa kanya ni Ace sa katapat namin. Marahil ay nag-aalala din sya. Pero ang maangas na si Zai ay ayaw ng inaalagaan sya. Haaaay..

Oras na tumapak kami ng SVU ay pinilit namin si Zai na magpunta sa Hospital o kaya clinic ng school. Pumayag sya sa clinic kaya naman doon maayos na ginamot ang sugat nya. May mga ibinigay na antibiotic sa kanya ang clinic. At oras na sumakit daw muli ay sa hospital na dapat dalhin dahil pang unang lunas lang ang ginawa ng clinic sa kanya.

"Zai, ayaw mo ba talaga pumunta sa hospital?" tanong ko sa makailang ulit na. Umiling lang naman sya bilang sagot. Tsk. Tigas talaga ng ulo.

Papalabas na kami ng clinic ng makita namin si Ace at mga kaibigan nya. Pero andito rin si Renz? Anong ginagawa nito dito? Nakasandal sya di kalayuan sa clinic. Mapapansin agad sya dahil masama ang ipinupukol na tingin sa kanya ni Ace. Napangiti naman ako sa nakikitang sitwasyon. Nakangiti kong nilingon si Zai habang may nanunuksong tingin. Mukhang ang haba ng hair ng kaibigan ko..

Agad lumapit sa amin ang fantastic four. "Zai kamusta ka na?" tanong agad ni whiteboard. Tipid namang ngumiti si Zai.

"Pagaling ka Zai." si Drei. Bakit parang lahat sila bumait kay Zai?

Anong meroooooon?

Pero masaya ako dahil ngayon ay nagagawa na muli ni Zai na ngumiti kahit tipid. At nagkakaron na syang muli ng mga kaibigan. Ganyan nga kaibigan kong maangas.

"Tsk. Ang creepy mo." utas ni Zai sa akin.

"Yieee. Nagdadalaga ka na.." mapanuksong sabi ko at bahagya syang hinampas sa balikat.

"Tsh.."

"Oh bakit hindi ba? Tignan mo oh ang haba ng hair mo.." utas ko ngunit di na nya ko pinansin. Bagkus ay lumapit sya kay Renz. Pipigilan sana sya ni Ace ngunit hinawakan ko si Ace sa braso at umiling sa kanya. Bagsak ang balikat na tumungo si Ace. Alam ko ang nararamdaman nya ngunit alam ko din na kailangan kausapin ni Zai si Renz..

Zai's POV

Marahan ko syang nilapitan. Nilingon naman nya ako at andon ang seryosong tingin sa kanya.

Nilapitan ko sya at sumandal din sa pader na sinasandalan nya. Marahan kong inangat ang ulo ko at tumingin sa ceiling ng corridor. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagod.

"Kamusta ka?" seryosong tanong nya. Batid kong nakatingin sya sa akin. Pero hindi ang kalagayan ko ang nais kong pag-usapan namin.

"May nalalaman ka ba?" tanong ko sa kanya sa malumanay na tono. Isa lang ang nais kong malaman ngayon, kung may kinalaman sya sa nangyari at mga kaibigan nya?

Nakita ko sya noon na kausap ang grupo nina Novu sa main gate ng SVU ngunit alam kong hindi 'yon sapat na batayan pero maaaring pagbasehan.

Nilingon ko sya ng hindi sya sumagot. Sa malayo sya nakatingin at seryoso ang mga mata nya. Bahagya din magkasalubong ang mga kilay nya. "Kung sasabihin ko bang wala maniniwala ka?" may halong pait ang pagkakasabi nya. Kumunot ang noo ko ng dahil don.

Nilingon nya ako at andoon ang mapait na ngiti sa mukha nya. "Magpagaling ka. Inaasahan ko ang mabilisang paggaling mo." seryosong sabi nya tsaka marahang tumalikod at naglakad palayo.

Nilingon kong muli si Hope at mag-isa na lang sya. Wala na sina Vegeta.

"Tara na." utas ko. "Sina Nyx kamusta sila?" tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami.

"Maayos na sila. At gusto nilang magpasalamat sa'yo pero alam nilang hindi maganda ang kondisyon mo ngayon kaya sa lunes na lamang daw kayo magkita. Pinapasabi nilang walang makakaalam ng nangyari sa gubat." paliwanag ni Hope. Tumango lang naman ako bilang sagot.

At si Ace .. tsaka pumasok sa isip ko si Ace.. Marahil ay tatawagan ko na lamang sya mamaya.

"Anong number ni Ace?" tanong ko kay Hope at binigyan naman nya ako ng nanunuksong tingin. "Wag mo ko tignan ng ganya. Muntanga ang mukha mo." plain na sabi ko.

"Psh.. Natutuwa lang naman ako my dearest friend. You're melting!" at niyakap nya ako.

"Huk!"

Nakayakap sa akin si Hope habang sinasabi ang mga katagang, "I'm happy for you Zai.. All I want is for you to be happy.." sabi nya na puno ng emosyon at sinseridad. Kaya naman bahagya ko syang tinapik sa balikat at ngumiti.

itutuloy ..

Olvasás folytatása

You'll Also Like

2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
470K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
1.4M 48.4K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
3.6M 159K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...