My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 32: Worst Feeling Ever

28.5K 129 15
By PrinceofBanat

Chapter 32:

Dave

Kanina pa akong lumilibot nang mag-isa sa buong campus. Nakarating na ako ngayon sa Rodriguez (elementary) building. Mukhang walang pasok ang mga bata ngayon. Wala akong nakikitang kahit isang tao dito. Napakadilim pa ng buong paligid. Gabi na ba? Hindi. May kaunting liwanag pa ng araw akong nakikita sa ilang bintanang nadadaanan ko.

Pero hindi liwanag ang hinahanap ko. Hindi rin ang mga kaibigan ko, kundi si Maggie. Nasaan na ba si Maggie? Nalibot ko na ang buong building, ngunit hindi ko siya makita.

Naisipan kong pumunta sa Basketball Court ng University. May nagaganap na basketball, kaya maraming taong nakaupo sa bleachers para manuod. Hinanap ko rin dito si Maggie -- at sa wakas, sa dinamirami ng tao ay nakita ko siyang nakaupong mag-isa.

Lumapit ako agad sa kanya.

"Oy, kanina pa kitang hinahanap, ah," ang sabi ko sa kanya nang makalapit ako. Umupo ako sa tabi niya.

Tumingin lang siya sa'kin ng may pagtataka, at animo'y hindi niya ako kilala. Tinawanan ko siya sa reaksyon niya at sinabi kong, "Ano ka ba?"

Hindi pa rin siya sumagot. Ibinaling niya uli ang atensyon niya sa nagaganap na laro.

Kinalabit ko siya at sinabing, "Uy, ube ko!"

Lumingon siya uli sa akin at nagsalita ng, "Ube ko? Sinong ube?" Napalakas ang boses niya kaya napatingin ang ibang taong malapit sa amin.

"Hey, ano ka ba? 'Di ba, ube ko ang tawagan nating dalawa? Ikaw, ha, napaka malilimutin mo."

"Mr. de los Santos, Anong nangyayari sa'yo? Hindi ako ang ube mo, at lalong hindi rin ikaw ang ube ko. Wala namang tayo. Pwede ba? Nanunuod ako ng laro, kaya h'wag kang distorbo. Maghanap ka ng ibang mapagtitripan mo -- pwede?!" Inirapan niya pa ako.

Hindi ko siya maintindihan. Nagbibiro lang ba siya? Kung oo, pwes, hindi ako natutuwa. Nainis ako sa pagsusuplada niya, lalo na sa pag-arte niyang hindi kami magkakilala. Higit sa lahat, naiinis ako dahil napahiya ako sa ibang taong nakarinig sa amin.

Dahil sa inis ko ay iniwan ko siyang mag-isa. Pumunta ako ng library, hindi para magbasa, kundi para tumambay lang. Ang gusto ko ngayon ay katahimikan.

Nang makarating ako ng library ay naghanap ako ng lugar na pwede akong mapag-isa, at nang makahanap ako ay agad akong umupo doon at yumuko't sumubsob sa lamesa. Wala akong gana sa kahit na anong bagay ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ang barkada ko. Si Maggie naman, nag-iinarte.

Matapos ang ilang oras ng pagyuko ko sa lamesa ay may naramdaman akong tao na lumapit at umupo rin sa kinaluluguran ko ngayon. Nang lingunin ko kung sino, nakita ko si Maggie. Nakahalumbaba siya habang nakatingin sa akin.

Sinupladuhan ko siya bilang ganti sa ginawa niya kanina.

"Dave, mag-usap tayo," mahinahon niyang sinabi.

Nilingon ko siya uli at sinabing, "Pwede ba? Nananahimik ako, h'wag kang distorbo. Maghanap ka ng ibang mapagtitripan mo." Iyon din ang sinabi niya kanina sa akin, kaya ibinalik ko lang.

"Dave, seryoso ako." Seryoso nga siya ngayon at maamong-maamo pa ang tono niya.

Hindi ko siya natiis, kaya kinalimutan ko na lang ang nangyari kanina at pinansin na siya.

"Ano bang pag-uusapan natin?" ang tanong ko.

"Lumabas muna tayo. H'wag dito."

Naintriga ako sa sinabi niya. Mukhang confidential ang sasabihin niya kaya na-curious ako lalo. Agad akong pumayag sa kanya. Tumayo ako at inalok ang kamay ko para hawakan niya. Tinanggap niya ang kamay ko, at lumabas kami ng library nang magkahawak-kamay.

Nakarating kami sa play ground. Walang kahit na isang tao dito kundi kami lang ni Maggie. Umupo siya sa swing, habang ako naman ay tumayo sa likod niya. Iduduyan ko sana siya ngunit nagsabi siya ng, "Dave, umupo ka. Mag-uusap tayo."

Umupo ako sa harap niya gaya ng sabi niya.

"Dave, doon ka sa kabilang swing, mahihirapan kang umupo diyan."

"Dito na lang ako para magkaharap tayo. Sige na, ano bang sasabihin mo?" Nakatingala ako sa kanya habang nakaupo na naka-bend ang tuhod.

"Dave..."

"Ano 'yun ube ko?" Itinama ko pa siya, dahil hindi niya ginagamit ang terms of endearment naming dalawa. "Ube ko, hindi Dave."

"Dave"

"Ayaw mo ba ng ube ko?"

"Dave, tama na." Mahinahon pa rin siyang magsalita kahit medyo makulit at mukhang hindi ako seryoso.

"Anong tama na?"

"Tama na 'tong meron tayo."

"Oh, tama naman talaga 'to."

"I mean, enough na."

"Huh?" Hindi maganda ang nararamdaman ko. Nagsabi siya ng enough na, tama na ang meron kami. Parang gusto niya nang makipag-break. Shit. Ano 'to?

"Dave, bata pa kasi tayo. Na-realize ko rin kasi na masyado tayong nagmadali. Dave, priority ko ang pag-aaral ko. 'Yun na lang muna ang pagtuunan natin ng pansin."

Mula sa pagtingala sa kanya ay bigla akong napayuko at naibagsak ang aking puwitan sa lupa. Napahawak rin ako sa mga tuhod ko.

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko, at pilit na itinataas ang ulo ko para harapin siya, ngunit nagpumiglas ako. Sinabi niyang, "Dave, isa pa, hindi tayo bagay. Hindi tayo ang para sa isa't-isa." Napakalumanay nang pagkakasabi niya sa akin na para bang nakikipag-usap siya sa batang pinagbabawalang kumain ng ice cream.

Unti-unting umiling ang ulo ko na itinatanggi ang mga nangyayari ngayon. Hindi ito totoo. Si Maggie, nakikipag-break sa'kin. Hindi. Hindi 'to totoo.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga mata ko. Bumibigat ang dibdib ko na parang sasabog. Kanina lang ay itinatanggi niya sa ibang tao na ako ang boyfriend niya, ngayon naman nakikipag-break na siya.

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Tuloy-tuloy ang daloy. Gusto kong magsalita ngunit walang kahit na anong salita ang lumalabas sa bibiig ko. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko.

Napatingala uli ako kay Maggie. Ipinakita ko sa kanya kung gaano karaming luha ang ibinubuhos ko ngayon para sa kanya. Baka sakaling maawa siya at hindi niya na ako hiwalayan.

"Dave, sorry. Break na tayo."

"Hindi... Hindi... Hindi..." ang tanging salitang nabigkas ko, habanag patuloy na umiiyak.

Naramdaman ko na lang na may dalawang taong humawak sa mga braso ko, at itinayo ako.

Salita pa rin ako nang salita ng, "Hindi" kay Maggie. Hanggang sa bumulong ang dalawang taong nagtayo sa akin. Si mommy at si ate Erika pala ang nasa likod ko. Hinihila nila ako palayo kay Maggie habang umiiyak at nagsasalita ng, "Hindi. Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Maggie, ikaw lang. Wala ng iba."

Pakiramdam ko, limang taong gulang ako na kinuhanan ng paboritong laruan, at sinasabihan ng mga magulang ko na bibilhan na lang ako ng bago bilang pampalubag-loob. Pero, tang ina, kaya mas masakit ang nararamdaman ko kasi hindi ko laruan si Maggie. Mahal ko siya, anuman ang tingin ng iba sa kanya.

Naimulat ko ang mga mata ko. Maliwanang na. Akala ko talaga, magdamag na akong gising, pero kahit paano pala'y nakatulog din ako. Panaginip lang pala ang lahat, pero ang panaginip kong ito -- ito ang pinaka malinaw at pinaka masakit sa lahat. Hanggang ngayon, damang-dama ko na totoo ang lahat ng nangyari at hindi basta panaginip lang. Basang-basa pa rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Mabigat na mabigat pa rin ang dibdib ko na nagpapahirap sa'king paghinga.

Inabot ko ang unan ko para takpan ang buong mukha ko saka ako muling umiyak.

Tang inang panaginip 'to. Bakit ang sakit? Bakit ganun, totoong-totoo? Puta!

Akala ko noon, ang bangungot ay kapag nakapanaginip ka ng multo, aswang, mamamatay tao, o pagkamatay ng mga mahal sa buhay. Pero fuck this nightmare, iba 'to. Iba!

Hindi ko inakala na ang pananaginip ng pakikipag-break ay ganito kasakit. Mas masakit pa 'to sa break-up na nangyari sa amin ni Sep at Lani. Ang nakakatawa pa, panaginip lang, hindi totoo.

Ngunit dahil sa panginip na 'to, may isang bagay akong napatunayan sa sarili ko -- napatunayan ko kung gaano na kalalim ang nararamdaman ko para kay Maggie.

Ito na ba ang mensahe ng Diyos para sa akin? Binabalak ko kasing makipaghiwalay kay Maggie kagabi, kaya  ba ipinadala Niya sa akin ang mensahe Niya sa pamamagitan ng panaginip? Tama ba 'tong konklusyon ko?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak. Sinisipon na rin ako. Barado na ang ilong ko, nagtataklob pa ako ng unan sa mukha ko, kaya lalong lumala ang paghihirap ko sa paghinga.

Inalis ko ang unan ko sa mukha ko. Dinampot ko ang kumot ko at siningahan ko 'to. Wala akong pakialam kung madumihan man 'to. Wala akong makitang tissue, eh.

Dumapa ako. Inalala ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Hindi ko na matandaan ang lahat ng mga salita pero ang mga galaw at boses ni Maggie ay sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko. Subalit ang pinaka masama ay sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko mula sa panaginip ko.

Napanaginipan kong itinatanggi niyang boyfriend niya ako sa harap ng maraming tao.

Naramdaman ko 'yung hiya -- 'yung hiya nang itanggi ka ng taong mahal mo sa harap ng marami. Masakit. Mabigat sa dibdib. Parang gugustuhin mong ngumiti pa rin sa panlabas para magmukhang nagbibiruan lang kayo, pero ang totoo sa loob mo, gusto mo nang sumigaw dahil sa galit.

Ganun pala ang naramdaman ni Maggie nang unang beses ko siyang itanggi sa tita at pinsan ko. Nagi-guilty talaga ako.

Kagabi bago ako matulog, nagdesisyon na ako na makikipaghiwalay na kay Maggie, pero kanina lang ay napanaginipan ko na siya ang nakikipaghiwalay sa akin.

Karma ba 'to? Ipinaparamdam sa akin ng karma ang pakiramdam ni Maggie nang itanggi ko siya noon, at ipinaparamdam ng karma sa akin ang maaaring maramdaman ni Maggie kapag nakipaghiwalay ako sa kanya. Tama ba?

Pero ano pang halaga nito? Paano pa ako makikipaghiwalay kung ako mismo, hindi ko kayang dalhin ang sakit. Napaka-weird pero nakaramdam ako ng pasasalamat. Nagpapasalamat ako dahil ipinamukha sa akin ng panaginip ko kanina kung gaano na pala kalalim at katotoo ang pag-ibig ko para kay Maggie. Si Maggie ang gusto ko, ang mahal ko. Hindi man siya gusto ng ibang tao para sa'kin, wala akong pakialam.

Tumigil na ako sa pag-iyak. Ayokong mamaga ang mga mata ko at mahalata ng iba na umiyak ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may message si Maggie, pero wala pa rin. Sinubukan kong tumawag uli ngunit out-of-coverage pa rin. Kinabahan ako uli. Paano kung dahil nga sa nangyari kagabi ay makipag-break na siya sa akin? Natatakot ako. Bumagsak uli ang luha ko, pero agad ko itong pinunasan.

Ayoko nang maramdaman uli ang sakit na naramdaman ko sa panaginip ko kanina, dahil kapag nagkataon, sigurado akong triple pa niyon ang mararamdaman ko dahil totoo na 'yun, hindi na panaginip.

Hindi ko na itatanggi si Maggie kahit kailan. Hindi na rin ako makikipag-break. Ayoko siyang saktan, dahil masasaktan din ako.

Buong araw akong wala sa mood. Lumabas lang ako ng kwarto para kumain at nang ipinatawag ako para kausapin nina mommy at daddy.

Napag-usapan namin ang tungkol sa negosyo kanina, pero ni isa ay wala akong naalala sa mga napag-usapan namin. Pagkatapos naming mag-usap ay nagbalik ako sa kwarto ko para muling magkulong. 

Sinubukan kong maglaro ng online games. Pansamantala ay nawala ang mga gumugulo sa isip ko.

Habang naglalaro ako ay natabig ko ang phone ko, kaya napatingin ako dito. Muli, pumasok sa isip ko si Maggie. Sinilip ko ang phone ko kung may message o tawag. May mga ilang message mula sa iba't-ibang taong kakilala ko pero hindi ko naman binasa. Umasa rin ako kung may message akong natanggap mula kay Maggie, pero wala kahit isa.

Naisipan kong tumawag uli kay Maggie, pero hanggang ngayon ay out-of-coverage pa rin ang linya niya. Lalo tuloy tumitibay ang hinala kong alam na nga ni Maggie na hindi ko man lang siya inimbitahan sa birthday ni mommy kagabi. Alam niya na rin siguro na nagkita kami ng mama niya at nagturinngan pa na parang hindi magkakilala. Ang hinihiling ko lang, sana hindi niya malaman na nandun din si Lani kagabi, dahil alam kong mas ikasasama niya iyon ng loob.

Itinigil ko na lang ang paglalaro. Humiga ako at natulog uli.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.5K 75
Ang storyang ito ay masyadong komplikado kaya siguraduhin mong maiintindihan mo bago mo ito basahin. Haha.
123K 1.8K 54
a girl who she thought he already find the ONE pero mali pala sya , one day he'll meet the campus PRINCE that will turn her life upside down. smile t...
51.9K 1.1K 43
Ang buong akala ni Elizabeth ay matatahimik na ang buhay nilang mag-asawa ni Lio. All her dream was to be a good queen, a great wife and a loving mot...
45.7K 612 46
Meet Angelo, isang photographer na nagta-trabaho para sa isang Magazine Company. One day, during sa isang event sa La Mesa Eco Park. Nakita niya ang...