LDR (One-shot Story/ BoyXBoy)

By Kuya_Soju

14.5K 387 119

BOY X BOY STORY. ONE SHOT. Gaano nga ba kahirap ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP? Kaya mo ba itong panindigan? More

LDR written by SOJU

14.5K 387 119
By Kuya_Soju

"LDR" (A One-shot story. Based On A True Story)

written by Soju

NOTE: Ang kwento pong ito ay may tema na maaaring hindi magugustuhan o maiintindihan ng iba. Ang kwento pong ito ay isang "boys love" o kwentong tumatalakay sa pag-iibigan ng lalaki sa kapwa nito lalaki. Ang 50% po ng kwentong ito ay hango sa totoong buhay. Salamat sa isang kaibigan na nag-inspire sa akin na isulat ang istoryang ito...

~~~~~888~~~~~

Magkalayong agwat

Gagawin ang lahat

Mapasayo lang ang

Pag-ibig na alay sa'yo

Halos sumabog na ang luha ko nang biglang tumugtog ang kantang iyon ni Jireh Lim habang ka-video chat ko ang aking boyfriend na si Lemeul Lopez sa aking kwarto. Tatlong taon na ang aming relasyon sa susunod na buwan. At dalawang taon na kaming magkalayo. Yes, nasa isang LDR o long distance relationship kami. Nasa Canada siya, nagtatrabaho bilang nurse habang ako nandito sa Pilipinas at nagpapatakbo ng flower shop na negosyo ng aking mother. Well, katulong lang naman ako ng mother ko. Sabi niya kasi ako lang naman ang pagmamanahan niya ng negosyo niyang iyon kaya dapat lang na alam ko na ang pasikot-sikot.

"Oh, mahal, bakit naman nakasimangot ka?" natatawang tanong sa akin ni Lemeul.

"Ano ka ba? Hindi ako nakasimangot. Umiiyak ako!" at pinahid ko ang luha sa aking pisngi.

"Sorry naman. Hindi ko kasi makita ang luha mo. Hindi visible sa cam mo," tumawa pa siya. "Bumili ka nga, mahal ng mas better na cam, okey?"

Sinimangutan ko na nga siya. "Hmp! Ewan ko sa'yo. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako umiiyak?"

Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Lemeul. "Okey, Mister Henry Veracruz, bakit ka umiiyak?"

"Eh, kasi, pakinggan mo 'yong kanta..." Tumayo ako sandali upang puntahan iyong radyo. Nilakasan ko ang volume saka bumalik sa harap ng aking laptop computer.

Dito ay umaga at d'yan ay gabi

Ang oras natin ay magkasalungat

Aking hapunan ay iyong umagahan

Ngunit kahit na anong mangyari

Balang araw ay makakapiling ka

Hindi maitatanggi sa akin ni Lemeul na napaiyak din siya nang marinig niya ang awitin na iyon. Nagpapahid kasi siya ng luha sa kanyang mga mata. Kumuha pa siya ng tissue at siningahan iyon.

"Oh, kita mo. Pati ikaw ay napaiyak diyan!" pakli ko. "Napaiyak ka dahil sa kanta, 'no?"

"Hindi ako napaiyak dahil sa kanta, mahal... Naiyak ako kasi..." gumaralgal na ang boses niya. "Kasi... miss na miss na kita!"

Muling bumalong ang luha sa aking mga mata. Parang sinusuntok ang aking dibdib nang makita ko ang pag-iyak ni Lemeul. Kahit na ba sabihin na sa cam lang iyon. "Miss na rin kita, mahal! Bakit kasi hindi ka pa umuwi? Hindi mo naman kailangang lumayo at magtrabaho dahil kaya naman nating mabuhay nang hindi nagugutom." Nasabi ko iyon dahil sa parehas kaming galing sa mayaman na pamilya.

"Alam mo naman na ayokong umasa tayo sa parents natin, 'di ba? Tinanggap na nga nila itong relasyon natin kahit na parehas tayong lalaki, papahirapan pa ba naman natin sila sa pagbuhay sa atin?" Bahagya na lang ang pag-iyak ni Lemeul. "Hayaan mo, kapag nakaipon na ako ng malaki, uuwi na ako. Magtatayo tayo ng negosyo-"

"'Yong burger house?"

"Yes, 'yong burger house na may videoke bar sa second floor!"

Biglang nag-iba ang mood naming dalawa. Mula sa iyakan ay nauwi sa kwentuha na masaya. Para kaming baliw, 'di ba?

"Pero maingay pag may videoke bar!" nakalabi kong sabi.

"Eh, di gagawin nating sound proof iyong videoke bar..."

"Sige na nga. Saka iyong dream house natin, ha. Gusto ko, 'yong design na pinakita ko sa iyo dati. Naalala mo pa iyon?"

Tumango siya. "Oo naman... Naaalala ko pa. Oops, teka lang, mahal!" aniya. Tumayo siya at pinilas niya iyon kalendaryo na nasa likuran niya.

Kung kanina ay October 4 ang nakalagay doon ngayon ay October 5 na.

Napapailing na lang ako nang bumalik siya sa harapan ng computer. "Hay naku, napaka-importante talaga sa iyo ng pagpapalit ng date sa kalendaryo. Hobby mo na iyan, 'no?"

"Eh, midnight na kasi dito sa Canada kaya pinilas ko na. Isa pa... Bawat araw kasi ay importante sa akin. Tulad ng araw na nagkakilala tayo..." aniya na ikinangiti ko ng sobra.

Sa sinabing iyon ni Lemeul ay bigla kong naalala kung paanong naging kami. Four years ago, nasa isang coffee shop ako. Umiiyak dahil kaka-break lang namin ng first boyfriend ko. Nahuli ko kasi siya na kahalikan ang bestfriend kong bisexual din na tulad ko. That time, ay alam na ng family ko na bisexual ako. I must say na gay ako kasi hindi na ako nagkakagusto sa babae. Pero hitsura at kilos lalaki pa rin ako. Not that moment dahil para akong babaeng iniwan ng boyfriend! Wala na akong pakialam sa mga taong nanonood basta iyak lang ako ng iyak.

Tapos paglabas ko ng coffee shop para umuwi, humarang sa akin si Lemeul. Stranger siya kaya di ko siya pinansin kahit na ang gwapo-gwapo niya. Sinabi niyang nakita niya akong umiiyak. Tinarayan ko siya. Nag-offer siya ng panyo pero hindi ko tinanggap. Umalis na ako at iniwan siya. The next day, nagulat ako nang makita siya sa bahay namin. Siya pala ang kinuhang personal nurse ng daddy ko. Noon pa man, kahit mayaman si Lemeul ay mas gusto nitong kumita ng pera sa sarili nitong pawis.

Nagkapalagayan kami ng loob at naging magkaibigan. Kahit na nag-resign na siya as nurse ni daddy ay tuloy-tuloy pa rin ang pagiging magkaibigan namin. I like him dahil kahit alam niyang bisexual ako ay hindi siya umiiwas sa akin. Hanggang sa naging madalang na ang pagkikita namin. Iyon pala, busy sa bago niyang girlfriend. Hanggang sa ma-realize ko na mahal ko na siya dahil sa nasasaktan ako kaag hindi natutuloy ang lakad namin dahil sa jowa niya! Nag-confess ako sa kanya isang gabi. Lasing kami. After my confession, may nangyari. Oo na! Sinamantala ko ang pagkalasing niya! Ha ha ha!

Buong akala ko friendship over na kami after that pero hindi. Mas naging sweet si Lemeul sa akin hanggang sa aminin niya sa akin na mahal na rin niya ako. Inamin na rin namin sa family niya ang relasyon namin. Mabuti na lamang at tinanggap ng family ni Lemeul kung ano siya... And the rest is history!

-----88888-----

KINABUKASAN ay excited akong nag-open ng Skype para hintayin ang pag-oonline ni Lemeul. Ganitong oras kasi ang uwi niya kaya alam ko maya-maya ay magkaka-chat na naman kami. Pero lumipas lang ang mahigit isang oras nang walang Lemeul na nag-online.

Bahagya akong nabahala at nalungkot dahil sa ngayon lang ito nangyari. Kinuha ko agad ang aking cellphone upang itext siya kung bakit hindi siya nag-online. Nag-iwan din ako ng offline message para sa kanya. Sinabi ko doon na nagtatampo ako sa kanya.

-----88888-----

NANG sumunod na araw ay nagulat ako nang bisitahin ako ni ng panganay na kapatid na babae ni Lemeul-si Ate Lovely. "Ate Lovely, kumusta na? Akala ko nasa Canada ka?" tanong ko habang nag-uusap kami sa salas. Siya kasi ang kasama ni Lemeul sa Canada.

"Okey lang ako. Bakasyon lang ako ngayon, Henry." Ngumiti siya. "Ikaw kumusta?"

"I'm okey... Oo nga pala, ate, bakit hindi nag-online si Lemeul kahapon? Anong drama no'n?"

"Ah, sa pagkakaalam ko, busy na siya sa work niya. Hindi ba niya nasabi sa iyo na na-promote na siya doon as head nurse?"

Umiling ako. "Hindi pa..." sagot ko.

Matapos ang kumustahan namin na iyon at ibigay sa akin ni Ate Lovely ang ilang pasalubong ay in-open ko agad ang aking Facebook account. Napangiti ako nang nag-iwan din pala si Lemeul sa akin ng oggline message.

MAHAL, SORRY KUNG HINDI AKO NAKAPAG-ONLINE KAHAPON. SOBRANG BUSY KASI. OO NGA PALA, NA-PROMOTE NA AKO AS HEAD NURSE! MAS MALAKI NA ANG SALARY KO NGAYON, MAHAL. GOOD NEWS IYON KASI MAS MABILIS TAYONG MAKAKAIPON. MAS MAGIGING MABILIS ANG PAG-UWI KO DIYAN. MAGKIKITA NA TAYO, MAHAL! MAHAL NA MAHAL KITA...

PS. DAHIL HINDI NA AKO MAKAKAPAG-ONLINE SA SKYPE, MAHAL... ARAW-ARAW AY IIWANAN KITA NG VIDEO MESSAGE PARA KAHIT PAPAANO AY MAKIKITA MO PA RIN AKO. SANA HUWAG KANG SUSUKO KAHIT GANITO ANG SITWASYON NATIN. I LOVE YOU, MAHAL!

Para akong babaeng kinikilig sa message niyang iyon. Nag-umpisa nang tumipa ang aking mga daliri upang replyan ang kanyang mensahe.

-----88888-----

"MAHAL, nakakapagod ang araw na ito pero masaya! Hmm, alam mo ba tawa ako ng tawa kanina doon sa isa naming pasyente na lalaki. Ang laki-laki ng katawan parang si Johnny Bravo, tapos no'ng injection-an, parang bakla kung makaatungal!"

Napatawa ako sa video message na iyon ni Lemeul. Nakakadala ang saya niya sa kanyang mukha at ang mataginting niyang tawa.

Nang matapos ang video message niyang iyon ay bigla akong nakaramdam ng kalungkutan. Halos isang buwan na kasi kaming hindi nagkaka-video chat. Lagi na lang offline messages at video messages. Pero kahit papaano ay masaya na rin ako dahil nag-e-effort pa rin si Lemeul na mag-keep in touch sa akin sa kabila ng busy niyang schedule.

Napakaswerte ko sa kanya! Kaya naman hinding-hindi ako bibitiw sa relasyong ito. Tutuparin ko ang habangbuhay na pangako ko sa kanya...

-----88888-----

ISANG gabi, katatapos ko lang mapanood ang video message ni Lemeul. Medyo naiinip ako dahil hindi ako dalawin ng antok. Hanggang sa isang idea ang pumasok sa aking isip.

Ano kaya kung panoorin kong muli ang lahat ng video messages sa akin ni Lemeul? Lahat kasi ng mga iyon ay dina-download ko at iniipon ko sa isang folder. Clinose ko na ang aking internet browser at binuksan ang folder kung saan naroon ang lahat ng video messages ni Lemeul. Hala, fifty six na pala lahat g iyon. Ibig sabihin ay fixty six days na rin kaming hindi nakakapag-chat ng live. Consistent kasi si Lemeul sa pagsesend sa akin ng video messages. Araw-araw talaga...

Clinick ko ang unang-unang video message na sinend niya sa akin...

Isang masayang Lemeul ang bumungad sa akin. "Mahal!!! Kumusta ka na? Pasensiya ka na kung ganito muna tayo ngayon, ha. Alam mo naman na sobrang busy ko ngayon. At alam ko rin na proud na proud ka sa promotion na natanggap ko. Hayaan mo, malapit na tayong magkasama. I love you!"

Pagkatapos niyon ay isa pang video message ang pinanood ko. Nasundan pa ng isa. Ng isa pa at ng isa pa. Hanggang sa napakunot ang aking noo sa aking napansin sa lahat ng video message ni Lemeul. Hindi kasi napapalitan ng date iyong kalendaryo na nasa likuran niya. Alam ko, palagi niya iyong pinapalitan dahil ugali na niya iyon.

Parang...

Parang lahat ng video messages niya ay ginawa lang ng isang araw! Kahit paiba-iba ng damit ang suot niya sa bawat messages ay pwede naman siyang magpapalit-palit niyon.

Hindi ko mawari pero bigla akong sinalakay ng hindi maintindihang pagkakaba. Parang may mali. Parang may hindi magandang nangyari!

Agad akong nag-online sa Skype. Sakto dahil online si Ate Lovely. Agad ko siyang ininvite para sa isang video call...

"Oh, Henry... Napatawag ka?" sagot niya.

"Ate, nasaan ka ngayon?" tanong ko.

"Nandito na ako sa Canada, bakit?"

"Si, Lemeul, nasaan siya?"

"Wala siya dito, eh. Nasa trabaho..."

"'Yong totoo, Ate Lovely... Nasaan si Lemeul?!" medyo mataas na ang boses ko.

"H-henry, ano bang nangyayari sa iyo?"

"Ang tanong ko ang sagutin mo, ate. Nasaan si Lemeul?"

"N-nasa trabaho nga siya, Henry!"

"Umamin ka nga sa akin, ate, may itinatago ba kayo sa akin ni Lemeul?"

Sandaling hindi nakaimik si Ate Lovely. Sinabi ko sa kanya ang napansin ko sa mga video messages ni Lemeul. Hanggang sa umamin na siya sa akin. Isang pag-amin na halos ikadurog ng aking puso at buong pagkatao.

Nagsimulang umiyak si Ate Lovely. "Henry... I am so sorry to tell you pero... p-patay na si Lemeul. One week na siyang patay..."

Tigalgal ako sa sinabi niyang iyon. Kusang lumaglag ang luha sa aking mata. "Hindi... Hindi totoo iyan!" umiiyak na sabi ko.

"Henry, two years ago, na-diagnose si Lemeul na may brain tumor. Pumunta siya ng Canada hindi para magtrabaho kundi para magpagamot... Ayaw niyang ipaalam iyon sa iyo dahil baka daw mag-alala ka," umpisa ng pagkukwento ni Ate Lovely. "Akala namin gagaling siya dito pero hindi pala. Lumala nang lumala ang kalagayan niya. Hanggang sa nitong mga nakaraang buwan ay mas grumabe ang sakit niya. Mas naging madalas ang pagsakit ng ulo niya. At last week... iniuwi na namin siya diyan sa Pilipinas and... he gave up, Henry! He died na ang pangalan mo ang paulit-ulit niyang binabanggit. Sa huli niyang sandali dito sa mundo ay ikaw pa rin ang nasa isip niya. Iyong mga video messages, recorded na lang iyon at ako ang nagpapadala ng mga iyon sa iyo. Iyon kasi ang gusto ng kapatid ko, Henry... We are so sorry kung niloko ka man namin. Pero gusto lang kasing tuparin ni Lemeul ang pangako niya sa iyo na habangbuhay..."

Hindi ko alam kung ilang litro na ng luha ang aking nailuha ng sandaling iyon. Nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa luha. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng dibdib ko.

"'Tang ina naman!" Hindi ko na napigilan ang pagmumura ko. "Ano iyan, habang buhay kang magpapadala sa akin ng video messages?" Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Sobrang sakit... Napakasakit!

"Sorry, Henry... Alam kong sobra kang nasasaktan ngayon..."

"Saang sementeryo niyo siya inilibing?" umiiyak pa rin na tanong ko.

-----88888-----

Dito ay umaga at diyan ay gabi

Ang oras natin ay magkasalungat

Nasa sementeryo ako kung saan nakalibing si Lemeul. Nakaupo ako sa tabi ng puntod niya habang panay ang iyak. Gusto ko siyang tanungin kung bakit mas pinili niyang hindi ipaalam sa akin ang sakit niya. Sana nandoon ako sa tabi niya habang ginagamot siya. Sana ako ang nag-aalaga sa kanya. At sana hawak ko ang kamay niya habang unti-unti siyang kinukuha ng Diyos...

Kung dati, umaga at gabi ang pinagkakaiba ng kinaroroonan namin, ngayon ay langit at lupa na. Dahil sa ngayon, naroon na siya sa piling ng ating Diyos. Habang ako, nandito, hinihintay kung kailan ako kukunin ng Diyos upang makapiling na siya... DOON.

Ngunit kahit na anong mangyari

Balang araw ay makakapiling ka...

Tumingala ako sa langit habang umiiyak. "Huwag kang mag-alala, Lemeul. Magkakasama na rin tayo..." sabi ko at inilabas ko ang isang bote ng tabletas na gamot sa 'king bulsa.

-----88888 W A K A S 88888-----

Continue Reading

You'll Also Like

357K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
32.8K 1.9K 57
Paano kung isang araw matagpuan mo na lang ang sarili mong muling bumabalik sa pag ibig na dati ka ng sinaktan?