HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

677K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 23

9K 170 2
By Vis-beyan28


Chapter 23: 'New Enemy'

Ahli's POV

Natapos ng isang buong linggo ng hindi ko na nakakausap sina khanz. Natapos ang isang linggo'ng hindi kami nagkakausap dahil nagpapagaling ako. Akala ko kapag nakapasok na ako sa school, babalik kami sa dati. Akala ko kapag magaling na ako magkakausap pa kami pero mukhang hindi na ata.

Dahil sa nalaman ni zadkiel na napasali ako sa gulo nila khanz, gumawa siya ng paraan para hindi na kami magkausap-usap pa. Nag transform siya ng school sa school namin at bantay sarado na ako sa kanya.

Kapag bantay sarado, palagi ko na siyang kasama. Hindi siya kailanman humiwalay sa akin. Nagtataka sina ayna kung bakit nagtransfer si zad at kung bakit daw niya ako palaging nasa tabi niya. Inaasar nila ako pero mukhang di ko magawang pansinin sila dahil tila nagbago na ang ihip ng hangin.

Kapag nakakasalubong naman namin sila khanz, hihilain ako ni zad papalapit sa kanya at parang hindi kami magkakakilala kung umasta si zad. Madami ng nagbago at hindi ko mapigilang madismaya.

Lalo na ang pagkakaibigan ni zad at kila khanz. Nagawa niyang talikuran sina khanz ng dahil sa akin at nagi-guilty ako. Kasalanan ko dahil nagsinungaling ako kay zad. Sana sinabi ko sa kanya ang totoo pero magbabago din ba ang isip ni zad kapag sinabi ko ng mas maaga? Sa tingin ko hindi.

Matagal ko ng gusto na makasama palagi si zad pero bakit ngayong natupad ay tila nagbago na bigla ang isip ko? Dapat masaya ako. Dapat masaya ako ngayo'y tapos na ang paghihirap ko. Dapat masaya ako dahil nawala na ang takot na nararamdaman ko. Pero bakit parang kabaliktaran ang nararamdaman ko?

Hindi ba't mas okay na tong mapapalayo na ako kila khanz para hindi na ako madamay sa mga gulong pinasok nila? Ito na ang matagal kong hinihiling. Ang maging malaya ngunit bakit parang ang bigat bigat ng dibdib ko?

"HOY! AHLISHA BUSTAMANTELO NAKIKINIG KA BA?!"

Halos mapaigtad ako sa malakas na sigaw ni ayna sa akin. Nakakabingi yung sigaw niya kaya napapangiwi na lang ako.

"Yan talagang bunganga mo eh no! Nakalunok ka ba ng speaker?!"-inis kong singhal sa kanya at inirapan pa siya.

Grabe! Ang sakit sa tenga!

"Eh ikaw kase eh! Kanina pa kita kinakausap diyan! Ano bang problema mo at kanina ka pa nakatitig kay gelo?"-reklamo niya habang nakanguso.

Kala mo cute, ang lasgwa namang tignan leche!

Kasalukuyan kaming nasa canteen para sa break time namin at sakto naming nakita namin si gelo at lester edi naki table na kami.

Napatingin naman ako kay gelo na ngayon eh masaganang kumakain ng spaghetti. Sarap na sarap yung gago.

"Inggit ka noh? He! Bumili ka ng sayo!"-belatsa akin ni gelo at saka nilayo pa ng konti sa akin yung pagkain niya.

"Porket nakahirit ka ng spaghetti ganyan ka na. Kung ipakain ko kaya sayo tong plato ko!"-singhal ko sa kanya at inirapan din.

"Subukan mo nga! Isama mo na pati kutsara't tinidor!"-hamon pa niya,

"Aba't gago ka pala eh!"-binato ko sa kanya yung plastic bottle ko na wala ng lamang tubig. Sapul sa mukha!

"Aray!"-reklamo pa niya.

"Teka nga, teka nga! Kinakausap kita eh!"-nabaling naman atensyon ko kay ayna.

"Ano ba kase yang dinadada mo?"

"Tsk. Di ka kase nakikinig! Ikaw pa may ganang magreklamo!"

"Sino ba kase may sabe sayong kausapin mo ako?"-inis na singhal ko sa kanya at bahagyang sumandal sa aking upuan.

"Bakit? May sinabi ka bang huwag kitang kausapin?"-taray niya.

"Kung pagti-tripan mo lang ako, umalis ka na sa harapan ko baka hindi ako makapagtimipi at isaksak ko sayo tong tinidor ko sa lalamunan mo."-banta ko.

Nanlaki naman ang mata niya at napahawak sa kanyang leeg.

"A-ang brutal mo!"

"Tsk,"-irap ko.

"Makinig ka kase!"-nakangusong sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako. Ang kulit talaga ng babaeng to. Buti pa si lester, tahimik lang na kumakain habang si gelo---tsk. Wala si zad dito dahil may pupuntahan daw siya. Hindi naman sinabi kung saan. Habang si rondrick---di ko din alam kung san nagpunta.

"Ano ba kase yun?"-naiinis akong napakamot sa ulo ko.

"Napaka sungit mo ha! Pasalamat ka nagawan kita ng excuse sa mga teacher's noong absent ka! Hindi mo man lang sinabi sa amin kung anong nangyari sayo, kung patay ka na ba o---"

*boink*

Binatukan ko nga ang loka-loka. Kung ano-ano ang iniisip. Sabagay, muntik na nga akong namatay. Tsk.

"Kung wala kang ibang sasabihin----"

"Tsk. Oo na. Eto na. Eh kase, madalas ng hindi nakikisabay sa akin si rondrick ng break time at lunch. Hindi naman niya sinasabi sa akin kung anong pinagkaka abalahan niya. Nagtataka na ako kung ano bang ginagawa niya. Ano sa tingin mo?"-bakas sa mukha niya ang pagkabahala.

"Eh bakit ako tinatanong mo? Ako ba syota mo? Lecheng to!"

"Nagtatanong lang naman ako eh!"-depensa niya saka lalong ngumuso. Padabog pa niyang binaba yung hawak niyang rebisco na nakakalahati na niya.

"May inaasikaso lang yun siguro."-sabat naman ni lester na kakatapos lang kumain.

"Talaga?"-naging maaliwalas na mukha niya sabay tapik sa kamay ni gelo ng akmang kukuhanin niya yung rebisco niya.

"Eto naman. Ang damot!"-reklamo niya.

"Bumili ka ng sayo! Napaka takaw mo!"

"Madamot ka lang kase! Alam ko na kung baket wala si rondrick, nambabae yun panigurado!"-pang aasar ni gelo sabay ngisi.

Sinamaan naman siya ng tingin ni ayna. Tsk. Magsisimula na naman ng away ang dalawang to. Napailing-iling na lang kami ni lester.

"Anong sabi mo? Hindi lang kita nabigyan, kung ano ano na pinagsasabi mo!"-kunot noong bulyaw ni ayna.

"Edi bigyan mo ko ng rebisco ng tumahimik ako."-pang uuto pa ng gago.

"Neknek mo! Maghanap ka ng utuhin mo ng mabigyan ka ng pagkain! Letse ka! Kulang na lang kainin mo kahit panis na!"

"Di bale ng panis, basta may makain!"

"Ewww! Ang dugyot mo talaga kahit kailan!"

"Anong dugyot dun! Nakita ko pala si rondrick kahapon, may kasamang seksing babae."

"Gago!

"Tapos-----"

Napapairap na lang ako habang nakikinig sa bangayan ng dalawa. Kailan kaya magkakasundo ang dalawang to? Napakaingay nilang dalawa. Baka sila pa magkatuluyan, hindi na ako magugulat.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng makarinig ako ng impit na hiyaw at bulungan ng mga studyante ng papasok sina khanz. Gaya ng dati, wala siyang emosyon, walang pake sa kapaligiran. Yung mata niyang napakalamig kung tumingin. Wala pading nagbago.

May nag uudyok akong kausapin siya pero pinipigilan ko ang sarili ko.

Ano pa bang dapat kong sabihin?

Tapos na ang misyon namin.

Hindi na dapat kami mag usap pa.

Kaya lang naman kami nagkakasama dahil nadamay lang naman ako sa gulo nila.

Kapag ba hindi ako nadamay, mag kakausap ba kami?

Kapag ba hindi ako nadamay sa gulong yun, makikilala ko ba siya?

Hindi.

Kumabog ang dibdib ko ng magtama ang paningin naming dalawa.

Yung kulay tsokolate niyang mata na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Di ko mapigilang kabahan.

Di ko mapigilang madismaya ng siya ang unang umiwas ng tingin. Umupo siya kasabay nila renzo malayo sa table namin.

Bumuntong hininga na lang ako at napaiwas na lang ng tingin. Saka ko lang nalaman na nakatingin na pala silang tatlo sa akin na para bang may nagawa akong mali.

O_O----> ako.

Yung mga tingin nila parang nanunuri pero si lester nakataas na ang kilay.

Tumikhim ako. "A-ano?"-singhal ko sa kanila.

"Simula ng pumasok ka, pansin naming naging matamlay ka."-puna ni ayna na para bang may nalaman siyang sikreto ko.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dun dahil akala ko napansin nilang nakatingin ako kay khanz.

Napahawak naman sa baba si gelo, tila nag iisip din ng sasabihin.

"Dapat nga yan masaya ka dahil dito na nag aaral si zad at pansin mo namang nakadikit siya palagi sayo. Yun nga lang hindi kayo magkaklase."-may tinig na pagdududa sa boses ni ayna.

Grade 12 na si zad tulad nila khanz pero hindi sila magkaklase.

"Sabi na nga ba!"-nagulat kami ng hinampas ni gelo yung lamesa. Para bang nahanap na ang rason.

"Huwag ka ngang sumigaw. Baka may makarinig!"-suway naman ni ayna. Kanina lang magkaaway ang dalawang to, ngayon naman magkasama na nila akong pinagti-tripan. Tanginang mga to.

"Ikaw kaya ang sumisigaw!"-depensa naman niya.

"Kase nga sumisigaw ka."

"Kaya naman sumigaw ka rin ganun? Ano yu---"

"Ano ba kayong dalawa! Palagi na lang kayong nag aaway!"-pikon na suway ni lester sa dalawa.

"Eh kase to eh!"-turo ni gelo kay ayna.

"Tsk. Ang daming sinabi. Tuloy mo na nga lang yung sasabihin mo."-irap niya.

"Diba absent ka ng ilang araw tapos pagpasok mo, dito na nag aaral si zadkiel."

"Eh ano naman ngayon?"-kunot ang noo ko silang tinignan.

Hindi talaga ako kampante sa mga iniisip ng lalakeng to. Paniguradong hindi ko gusto lalabas sa bunganga niya. Kung ano ano na namang iisipin niya.

Hinampas na naman ni gelo yung lamesa dahilan para mapatingin na ang ibang studyante. Nakakahiya talaga ang buraot na to. Sarap tirisin!

"Buntis ka no?"-bulong niya at saka nanlaki pa ng bahagya ang mata niya. "Kaya ba nandito si zadkiel para maalagaan ka niya dahil siya ang ama niyang dinadala mo!"-napatakip siya ng bibig sa naisip.

Dahil sa inis ko mabilis kong tinanggal ang sapatos ko at binato sa kanya.

"Aray!"-daing niya at saka hinimas ang noo'ng tinamaan.

"Pinagsasabi mong buraot ka! Bawiin mo yun, tarantado ka talaga!"-tinanggal ko na naman yung isa kong sapatos at akmang ibabato sa kanya ng magsalita siya.

"Eto naman. Di na mabiro. Peace na tayo."-nagpa cute pa siya sa harapan ko.

Si ayna naman eh tatawa-tawa na akala mo wala ng bukas habang si lester ay nakabusangot lang, walang pakealam sa nangayari.

"Huwag kang mag pacute dahil nagmumukha kang unggoy! Huwag kang magpapakita sa akin kung ayaw mong ipalamon ko sayo tong sapatos ko!"-akmang tatayo na ako ng mabilis na siyang tumakbo papalabas ng canteen.

"Grrrr! Nakakainis talaga ang buraot na yun!"

**

Nakasimangot akong naglakad papuntang classroom ng mag isa. Iniwan kase ako ni ayna dahil hahanapin daw niya si rondrick habang si lester naman nauna na. Si gelo naman pinatay ko na.

De joke. Syempre di na nagpakita sa akin ang ugok na yun. Subukan lang niya, makakatikim talaga siya ng sapatos. Kahit kailan ang panget magbiro. Kaya walang nagkakagusto sa gago eh.

Naalala ko nga noong Grade 10 ako at grade 11 sila. May nililigawan siyang kaklase ko. Akalain mong nagbiro ang gagong gelo sa kanya kaya ayun binasted. Ang panget kaseng magbiro. Sabi niya, 'kapag nakita kitang may kausap na lalake, bubuntisin kita para siguradong akin ka na'. Ang kaso, nabastusan yung babae kaya ayun, nabasted. Hindi lang yun natawag bang manyak at saka nasampal.

Kita niyo? Napaka panget magbiro ng gago. Walang kase-sense.

Napapailing na lang ako habang inaalala yun.

Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko si khanz na naglalakad habang nakapamulsa. Mag isa lang siya at yung ilang babaeng nakakasalubong niya ay mapapaimpit pa sa kilig pero mukhang wala siyang pakialam.

Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba siya o hindi na. Kase nahihiya ako sa nangyari noon. Hindi lang naman ako nakapag sorry sa ginawa ni zad sa kanya. Hindi din ako nakapag pasalamat sa pagligtas niya sa akin.

Pero baka hindi niya ako pansinin o di kaya'y mainis lang siya sa akin.

Bahala na nga!

Huminga muna ako ng malalim bago sundan siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero hindi na ako nagdalawang isip na sundan siya. Mabagal siyang maglakad kaya naman hindi na ako nahirapang sundan siya. Nanatili akong nasa likod niya habang siya ay walang kamalay-malay.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nagdadalawang isip ako kung tatawagin ko ba pangalan niya o haharangan siya. Bwisit! Nalilito ako.

Pero kailangan kong magmadali. Baka makita ako ni zad. Ayaw pa naman niyang lumalapit ako kila khanz dahil ayaw na niya muling may mangyaring masama sa akin tulad noon.

"T-teka....nasan na yun?"-taka kong tanong ng mapansing wala na siya sa harapan ko.

Napakamot ako sa ulo. Yan kase ahli, kung san-san napupunta yang pagiisip mo yan tuloy, hindi mo na napansin kung nasan si khanz---

"Why are you following me?"

"Ay bakla!"-nanlaki ang mata ko at mabilis na napatakip sa bibig ko ng marealize ko yung nasabi ko.

Kumunot ang noo niya at saka ako tinignan na may naniningkit na mata.

"What did you say?"

"H-ha? Ah hehehe..."-umiwas ako ng tingin at saka napakamot sa ulo.

"Why are you following me?"-madiing tanong niya walang nagbabago sa emosyon niya. Blanko.

"Ah....kase ano...t-thank you nga pala d-dahil ano...dahil niligtas mo ako n-noon."-napalunok ako at saka ulit nag iwas ng tingin ng makitang nakatitig lang siya sa akin na para bang wala siyang naririnig.

Ano pa bang sasabihin ko? Isip ahli!

"Don't thank me. It's not as if I want to."-malamig niyang sabi dahilan para mapatingin ako sa kanya.

O_O

Walang emosyon ang kanyang mukha at ang mata niya ay nagbibigay sa akin ng kaba.

Hindi ko alam pero biglang bumigat ang dibdib ko sa aking nalaman.

"A-anong ibig mong s-sabihin?"-halos pabulong kong tanong. Tila may bumara sa lalamunan ko.

"I saved you because I need to. Makokonsensya lang ako kapag hinayaan kita doon and I don't want it."

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko pero pinagsawalang bahala ko yun.

"Ahh....o-oo nga naman."-umiwas ako ng tingin saka humakbang paatras sa kanya.

Nasaktan ka lang kase umasa ka ahli. Tama. Yun lang, wala ng iba. Naaawa lang siya sayo. Yun lang naman ang rason niya kaya kinakausap niya ako noon. Dahil lang sa plano namin kaya siya lumalapit sa akin kase kailangan nila ako. Linalapitan niya lang ako kase kailangan lang niya ako. Bakit iba yung iniisip kong dahilan?

Napailing ako at pilit na winaksi ang isiping yun.

"S-sige. A-aalis na ako."-hindi ko alam kung narinig pa niya yun dahil mabilis na akong tumalikod sa kanya at tumakbo papalayo.

Ano ba kaseng ginawa ko? Lumapit pa ako sa kanya kung alam ko namang ayaw niya akong makita. Ba't ko ba kase naisip na kausapin siya? Ano pa bang dahilan diba?

Tama nga si zad. Dahil sa kanila nadamay ako sa gulong hindi ko kailanman nanaisin kaya mas mabuting umiwas na lang sa kanya.

Ayoko ang nararamdaman kong to. Napakabigat at hindi ko alam kung paano ko to tatangalin.

Bakit ba kase ang laki ng epekto ng sinabi niya sa akin?

Tandaan mo ahli, wala siyang pakealam sayo.

Parang lalong bumigat ang dibdib ko sa isiping yun.

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko ng hindi ko inaasahang may nabangga ako dahilan para aksidenteng mahulog yung kwintas ko.

Agad akong napatingin sa babaeng nakabangga at halos manlaki ang mata ko ng makita kung sino yun.

Siya yung bisita namin sa school. Naalala kong isa siya sa pinakamayamang business woman dito sa pilipinas at isa siya sa mga nagdodonate ng mga kakailanganin dito sa school.

Hindi ko aakalaing siya pa ang makakabangga ko.

"S-sorry po."-napapalunok kong paumanhin.

Kung titignan ang pisikal niyang anyo, maganda siya. Mestiza, matangkad, may pagka elegante at napakapino kung maglakad. Tindig pa lang niya alam mong kabilang siya sa mga mayayamang tao dito sa mundo. Nakakatakot ang aura niya at medyo may pagkataray ang mukha. Ewan ko nga lang kung mataray talaga siya.

Kinakabahan ako. Baka magalit siya sa akin. Eh kase naman eh, hayst! Hindi kase ako tumitingin sa dinadaanan ko! Bwisit ka ahli! Kapag ma kick out ka sa paaralang ito, magpupulot na lang ako ng basura!

"It's okay. Next time, look where you walking."-pati boses niya nakakatakot. Napaka malumanay at napaka pormal pero nakakatakot parin.

Pinagdadasal ko na lang na sana kainin na ako ng lupa. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Bwisit ka talaga ahli!

"S-sorry po talaga."-sabi ko pa at akmang kukuhanin ang nahulog kong kwintas para makaalis na ng mauna siyang makuha yun.

Nanlaki ang mata ko sa gulat! Tanga tanga ka talaga ahli! Di ka na nahiya! Siya pa ang pumulot ng kwintas mo! Natampal ko na lang ang noo ko.

Tinaas niya ang kanyang kamay upang makita ng mabuti ang kwintas ko kaya lalo akong kinabahan. Hindi naman sa pagmamayabang pero sabi ni papa, totoong gold daw yung singsing nun. Medyo hindi pa ako naniwala sa kanya noong una dahil, saan naman siya kukuha ng pera para bumili ng kwintas na ganun diba? Sinabi ko na lang sa isip ko baka napulot ni papa yun. -.-

"Is this yours?"-takang tanong niya at saka ako pinagmasdan ng mabuti.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na yun. Parang nakita ko na siya noon pero hindi ko lang maalala. Sino nga ba to?

Naglakad siya papalapit sa akin na may nanunuring tingin. Lalo akong kinabahan.

Anong gagawin niya sa akin? Wala naman akong nagawang masama ah.

"O-opo. B-bakit po?"-kinakabahan kong tanong.

"You're----your alive..."-bulong niya na tila ba may nalaman siyang hindi kapani-paniwala.

Sa sandaling yun, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Naghalo halo na pero ang tanging alam ko lang ay
.
.
.
.
.
.
Nasa panganib ako...

________________________________________

A/N: Happy weekends reader's! Sa mga may sembreak diyan kaway-kaway! Lols. And also sa mga silent reader's, mag ingay kayo lols. Don't forget to vote and follow! Siguro makakapag update pa ako don't worry. Nabitin ba kayo? Anyway, stay tune!

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
740 53 19
"Nawala man ang mga ito mananatili pa rin sa puso at isip niya ang lahat ng sakripisyo ng lahi nito para sa ikakaayos ng mundo ng mga mortal sa mga s...
4.5K 1.4K 21
Lavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Lumin...
218K 5.8K 59
Every people have a hidden secret.. She's Clarity,the innocent lady and 'THE MYSTERIOUS PRINCESS' .