Heartbreaker (Book 1)

By Jazzz13

32.5K 1K 23

By : Jazzz13 Completed Ilang beses na bang winasak ni Bullet ang kanyang puso? Once? Twice? Three times? Siya... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54

Chapter 9

584 28 0
By Jazzz13

Chapter 9

Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad ako papuntang parking lot ng school. Miss na miss ko siya. Pero kinakabahan ako dahil di ako nagpaalam na magpaparty. Lagot talaga ako neto. Hindi ko alam kong pano magalit si Bullet. First time ko to. Pano ba magalit ang isang boyfriend?

Natatanaw ko na siya. Nakasandal siya sa isang itim at bagong bagong 4x4 na Toyota pickup.Bakit iba ng sasakyan niya? Asan ang BMW niya? Nakaputi siyang v-neck tshirt at itim na maong jeans at itim na sperry topsider. Wala na ang medyo mahaba niyang buhok na minsan ay tumatakip sa mata niya. Maiksi na ang buhok niya ngayon. Clean cut. Parang sa military. Nakatingin siya sa kawalan habang panay ang hitit sa hawak niyang sigarilyo. Bigla siyang natigilan ng maramdaman niyang may papalapit sa kanya. Hinagis niya sa semento ang sigarilyo at inapakan iyon.

"Sinong maysabing pwede kang magparty ng hindi nagpapaalam?" Sabi niya ng hindi ako nililingon. Nakasandal lang siya sa sasakyan at nakatingin sa sapatos niya habang inaapakan ang sigarilyo.

"Hindi ka dapat nagyoyosi. Gusto mo bang mamatay ng maaga." Naiinis na sabi ko. Di ko sinagot ang tanong niya dahil naiinis ako sa paninigarilyo niya.

"Anong gusto mong gawin ko? Kanina pa ako pinapapak ng lamok dito. You're not answering my calls. Sino ba kasing maysabing pwede kang magparty ng di ko alam?"Seryosong sabi. Di niya ako tinitignan. Nilalaro ng isa niyang paa ang kanina pa durog na upos ng sigarilyo.

"Biglaan kasi babe. Naawa lang ako kay Ivan kasi wala siyang kasama. Wala naman kaming ginawa sa loob. Nanood lang kami ng program nila." Pagpapaliwanag ko.Pero ang totoo nanginginig ako sa nerbyos.

Dalawang dipa na lang ang layo ko sa kanya. Nakatayo lang ako sa harap niya. Habang di pa rin niya ako tinitignan. Sheet galit ata talaga. Hinahaplos niya ng medyo madiin ang batok niya. Parang pagod na pagod siya. Bumagay sa kanya ang maiksing buhok. Para siyang modelo. Gustong gusto ko na siyang takbuhin at yakapin pero nag-alangan ako.

"Nagparty ka ng ganyan ang suot mo? " sabay tingin ng masama sa damit ko. Nagsalubong talaga ang kilay niya ng makita ang nakalitaw kong legs.

"Ano bang masama sa suot ko? Halos lahat ng babae sa party ganito ang suot." Nakangusong sabi ko.

"Very short. Very revealing." Seryosong sabi niya

"Ngayon ko lang nalaman na conservative ka pala. Kasi sa pagkakaalam ko lahat ng babaeng nalink sayo mas maiiksi pa dito ang sinusuot araw araw." Medyo nainis na rin ako sa kanya.

"Wala akong pakelam kung anong isuot ng mga babaeng yan. Pero pagdating sa girlfriend ko conservative ako. Tingnan mo nga buong likod mo kitang kita. Sana lang babe sa relasyong ito hindi tayo naglilihiman."Medyo tumaas na ang boses niya.

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Kasalanan ko naman talaga dahil di ko sinabi sa kanya na magpaparty ako.Naiintindiahan ko naman kung bakit siya nagagalit ngayon. Sheet anong gagawin ko?

" Babe sorry na. Di nako uulit. It's my fault. Sorry na talaga." Nakayuko ako habang nag-uunahan ng malaglag ang luha ko.

Ang tanga tanga ko kasi. Dapat kasi nagpaalam ako. Kung siya kaya ang magparty habang wala ako. Tapos di siya nagpaalam. Ano kayang mararamdaman ko. Tahimik lang siya at di pa rin nagsasalita. Nakayuko lang ako.

" Halika nga dito. " hinila na niya ako at niyakap ng mahigpit.

Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at niyakap ko na rin siya habang humihikbi hikbi ako. Sobra akong guilty sa ginawa ko. Hinayaan lang niya ako habang hinahaplos niya ang likuran ko. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko. Parang ayaw ko ng bumitaw pa.

"Shhhh its okay. Hindi na ako galit babe." Masuyong bulong niya sa akin.

Dahan dahan kong niluwagan ang mga braso ko at tiningala ko siya. Nakatingin siya ng seryoso sa mga mata ko. Pinahid ng kanyang mga daliri ang mga luha ko. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang kanyang hininga. Dinikit niya ang labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako ng magaan. Dampi lang sa una. Naramdaman ko ang unti unting pagbuka ng labi niya. Kusang sumunod ang mga labi ko. Unti unting naging madiin ang halik niya. Tinugon ko yun. Bawat galaw. Bawat dampi. Kapwa kami naghahabol ng hininga ng matapos yun.

"I miss you so much babe." Sabi niya habang nagkadikit Ang noo naming dalawa.

"I miss you too." Bulong ko habang nakayapos pa rin ako sa batok niya.

Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya habang nagmamaneho siya. Nakapulupot pa ang dalawa kong kong braso sa bewang niya. In fairness para akong anaconda na nakapulupot sa kanya. Mukhang nageenjoy naman siya kasi nakasmile lang siya at hinayaan lang ako habang hinahalikan ko siya sa leeg. Ang bango bango talaga.

"Babe dahan dahan lang. Kanina mo pa ako pinapapak.Nakakarami ka na para kang adik. "natatawa niyang sabi

"Eh ano ngayon? Adik nga. Akin ka naman di ba?"nakasimangot na sabi ko sabay upo ng tuwid at kunwari nagtatampo ako.

Inabot naman niya ang isang kamay ko at hinalikan yun. Hay ang sarap naman ng feeling. Sa gabing ito, narealize ko na mahal na mahal ko na si Benjamin Antonio Lagdameo. Hindi man niya sinasabi alam ko malapit na siyang mainlove sa akin. Sana masabi rin niya na mahal niya ako. Yan ang aking mission, ang paibigin ng todo todo si Bullet Lagdameo.

"Why don't you call Yvette. Sabihin mo bukas ka na lang uuwi." Sabi niya habang hawak pa rin niya ang kamay ko at pinipisil pisil.

"Ha??? San tayo pupunta? Babe wag kang ganyan ha. Di pa ako ready. Bata pa tayo. Alam ko darating tayo dun pero can we take it slow?" Namumulang sabi ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? I just want to be with you okay?Gusto lang kitang makasama kasi namiss kita. Masama ba yun babe?" Nangingiting sabi niya.

"Eeehh hehehe sorry. Akala ko kasi...." Nahihiyang sagot ko. Narinig ko ang nalutong niyang halakhak.

Tinext ko na lang si Yvette na kay Ivan na lang ako matutulog. Medyo nakunsensya pa ako dahil sa hindi pagsasabi ng totoo. Kaya lang miss na miss ko rin kasi si Bullet. Gusto ko rin siyang makasama.

"Babe.. Nasaan yung BMW mo? Bakit ito ang gamit mong sasakyan?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm...ano..hiniram ng Tito ko." Parang natataranta niyang sagot.

"Ahhh. Memorable kasi sa akin yung BMW mo babe. Alam mo na." Sabi ko.

Natawa na lang siya sa sinabi ko.Unti unti na akong nakaramdam ng antok. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa marahang haplos ng kamay sa aking mukha.

"Babe wake up. Nandito na tayo." Bulong niya sa akin.

Nasa parking lot na kami ng isang building. May ilang sasakyan nakapark dito. Kinusot kusot ko muna ang aking mga mata.

"San na ba tayo" tanong ko.

"Sa condo ko. Tara, mukhang antok ka na. Gusto mo buhatin kita? "Biro niya sa akin habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Okay lang. Kaya ko pang maglakad babe." Nahihiyang sagot ko.

Inakbayan niya ako ng papunta na kami sa elevator. Pagpasok namin sa elevator agad niyang pinindot ang 17th floor. Naglakad na kami sa pasilyo paglabas namin sa elevator. Tumigil kami sa isang pintuan na may nakalagay na letter B. May kinuhang card si Bullet sa bulsa niya at nilagay sa slot ng pintuan. Binuksan niya ang pintuan at kinapa ang switch ng ilaw.

Studio type ang condo, pagpasok mo ay may isang couch tapos ay counter top na table sa kitchen. May isang king size na kama na may bedsheet na light blue ang kulay. Ceiling to floor ang salamin na bintana. Kitang kita ang ilaw ng mga gusali. May sliding glass door na papunta naman sa terrace.

"Magbihis ka na lang muna babe para makatulog ka na. Mukhang kanina ka pa inaantok." Binuksan niya ang closet at may kinuha doon.

Inabot niya sa akin ang isang kulay puting tshirt at checkered na boxer shorts. Bago yun. May nakalagay pang tag. Umupo ako sa kama at kinalas ang strap ng sandals ko. Binuksan niya ang sliding door at lumabas siya sa terrace. Kinuha ko ang binigay niyang damit at binuksan ko ang isang pinto na sa tingin ko ay ang banyo. Kulay blue din ang mga tiles dito. Naghilamos na lang ako. Nakakita ako sa cabinet ng isang toothbrush na hindi pa nagamit at yun ang ginamit ko. Mabilis akong nagbihis at pagkatapos ay lumabas na ng banyo.

"Matulog ka na babe, maliligo lang ako." Sabi niya ng makitang palabas na ako ng banyo.

Nakahubad na siya ng tshirt , nakajeans lang siya at nakayapak sa malambot na carpet .Shemaaay!!! Biglang naginit ang pisngi ko. Ang six pack na abs, malapad na dibdib. Actually medyo payat siya hindi yung talagang puro muscles. Toned lahat walang fats. Sheeet muntik ng tumulo ang laway ko.

"Ahhh...s-sige babe. Goodnight." Nauutal kong sabi.

Nilapitan ko siya at nagtiptoe para maabot ko ang lips niya. Binigyan ko siya ng isang mabilis pero madiin na halik. Jejeje. Ito na ang simula ng aking mission. Ang paibigin ng bonggang bongga si Bullet Lagdameo. Napanganga siya sa ginawa ko. Pero may nakita akong pagtwinkle sa mga mata niya. Pumunta na ako sa kama para humiga. Umiiling siyang pumasok sa banyo.

Di ko alam kung ilang minuto na akong nakatulog. Naramdaman ko na lang na nakahiga na siya sa tabi ko at kinukumutan ako. Niyakap ko na lang siya at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Unti unti ay bumigat na ang mga mata ko at nakatulog akong masayang masaya.

A/N : hi everyone. First story ko po ito. Sana magustuhan niyo. Kung may comment kayo or suggestion welcome na welcome po yun. Kung gusto niyong magvote sobra niyo po akong mapapasaya.

-jazzz

Continue Reading

You'll Also Like

Curious By Dcmuch

Teen Fiction

29.2K 1.2K 35
It was just a normal day of summer when Angelika discovered an interesting quote from Facebook. Shared, liked, and commended by a lot of people, a st...
33.5K 631 28
"Handa akong maging bituin mo sa kahit na ano. Na kahit nasaan ka man, tumingala ka lang sa kalangitan, naroroon lang ako lagi para sa 'yo." SYNOPSIS...
4.2K 168 13
Totoo nga kayang wala ng makapapantay sa pag-ibig na inialay natin para sa taong una nating minahal? Dumaan man ang napakatagal na panahon siya pa ri...
1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...