Starstruck

بواسطة NerdyIrel

6.2M 97.4K 23.6K

Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa k... المزيد

Starstuck
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 34

55.1K 1.6K 211
بواسطة NerdyIrel

Chapter 34

Ashley’s POV

  

“Kuya ano bang problema dun? It’s not like boyfriend ko na siya, okay? Nagdate lang naman kami!”

“Pero nilihim mo pa rin sakin!” Sigaw niya sakin.

I sighed. “Kuya Billy, alam ko naman kasi ang magiging reaksyon mo. You’ll over react and you’ll tell me to stay away from Jace. Kuya malaki na ko, hindi na ko bata. Alam ko na ginagawa ko. Tsaka bakit ikaw, pwede kang mag-girlfriend pero ako hindi? Isang taon lang naman pagitan natin ah. I’m as matured as you are”

“Lalake ako, babae ka. Yun ang pagkakaiba natin”

“What does that supposed to mean?”

“Paano pag nabuntis ka? At a very young age Ashley!”

“SEE! Yan yung sinasabi ko! You’ll over react things! Tingin mo ba hahayaan kong magpabuntis kay Jace? I told you! He’s not yet my boyfriend!!! Ano ba kuya!”

Tumayo na ko para idefend yung sarili ko.

“Ang akin lang Ashley, sana di mo nilihim sakin. Kuya mo ko, bakit dati wala ka namang nililihim sakin ah!”

“Ayoko lang kasing paglayuin mo agad kami ni Jace, kuya. Gusto kong makilala pa siya ng mabuti. Gusto kong masure yung sarili ko na may feelings talaga ako sa kanya”

“And you think pipigilan kita?”

Natigil ako dun. “You won’t?”

“Of course I won’t. Kinausap ko nga si Jace dati diba? Sabi ko sa kanya, layuan ka muna niya until ikaw na yung lumapit sa kanya. Until marealize mo yung feelings mo sa kanya. I did not told him na layuan ka niya completely. I know what it feels to fall in love with someone at ayokong ilayo sayo iyon Ashley. Pero sana, sinabi mo sakin. Hindi yung nililihim mo yan all this time”

Sa sobrang tuwa ko, tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya.

“So pwede kuya? Pwede kaming magdate?”

“As long as alam ko” He simply said.

I looked up at him and smiled. “Thank you kuya! Thank you!”

He sighed and let go of me.

“At nagawa mo pang idamay si Jane dito” he said.

I crossed my arms.

“You know I’m starting to hate her. Why does she have to tell you?” I said, sitting at the couch again.

“Alam mo bang nagaway kami dahil sayo? Nagalit ako sa kanya kasi nagawa niya ring maglihim sakin. Hindi naman niya sinadyang sabihin sakin yung tungkol sanyo ni Jace, nadulas lang siya”

I pouted. “So it’s my fault na nagaway kayo? Ganun?”

“Why do you have to ask her to keep this from me? Alam mong girlfriend ko siya”

“I told you, I don’t want you to find out. Besides, kung nagaway kayo, eh di mas maganda. Kuya, you can’t be with her. Delikado sa career mo----”

“SINASADYA MO YUN? GANUN BA PINAPARATING MO SAKIN?”

Nagulat ako nung nagalit siya ulit.

I bit my lip.

Hindi ko alam kung tama bang sumagot ako.

He looked so mad at me.

“Ashley, kung ayaw mong pakielamanan ko kayo ni Jace, you better stay away from my relationship with Jane! Masaya kang nagaway kami? Gusto mo talagang maghiwalay kami? Di mo man lang ba naisip na siya yung source ng happiness ko? And you want to take that away from me?”

Na-speechless ako dun.

  

I finally realized na wala naman akong karapatan makielam sa kanya.

He should do whatever he wants to do.

Dahil yun din naman ang ginagawa niya sakin.

Hindi siya nangingielam sa mga bagay na tingin ko nagpapasaya sakin.

Hinahayaan niya ko magdesisyon sa buhay ko.

He even allowed me to date Jace kahit na third year highschool student pa lang ako.

At si Ate Jane ang nagpapasaya sa kuya ko.

Dapat maging masaya ako sa kanila.

“I’m sorry Kuya” Mahinang sabi ko. “I’m sorry kung yung career mo lang palagi yung iniisip ko at hindi ikaw”

“Ash, itigil mo pakikielam samin ha. Jane knows the consequences ng relationship namin. Wala siyang gagawing makakasama sakin. And as much as I want to tell the world that she’s mine, I can’t. Pinipigilan niya pa nga ako”

  

“I’m really sorry” I said, looking down.

I guess Ate Jane is not the kind of person I think she is.

Oo, fangirl siya ng kapatid ko pero hindi siya yung klase ng tao na gagawin lahat para lang sumikat at ipagsigawan sa lahat na siya yung minahal ng idol niya.

Now I feel so bad at what I did.

“Well your sorry can’t fix anything” He said in a low voice.

Tingin ko nga, hindi ko dapat marinig yun.

Parang binulong niya lang kasi.

“Magkaaway pa rin kayo?” Tanong ko.

“I’m mad at her”

This is bad.

Maybe I should fix this.

Ako ang dahilan kung bakit sila nagaway, dapat ako rin ang maghanap ng solusyon.

If Jane really makes my brother happy, then so be it.

Babawi ako sa kanila.

Billy’s POV

“Bakit late ka na? Kanina pa naghihintay si Aki” Sigaw ni Mel pagpunta ko sa hotel na sinasabi niya.

I called her, telling her na ayokong sa condominium ko kami magayos.

Alam niyang hindi ako nagpapapasok ng iba dun.

Si Jane pa lang ang nakakapasok doon at si Ash na isang beses pa lang.

I just rolled my eyes at Mel.

The premiere will start in less than 10 minutes.

Okay lang kung malate ako ng 5 minutes or more.

Ako naman ang bida sa movie.

They will, of course, wait for me.

Tahimik na lang ako dumiretso sa bathroom para maligo.

Then sinuot ko na yung tuxedo na niready niya for me.

Paglabas ko, inayusan agad nila ako.

Yung buhok ko, onting make-up.

Lahat naman ng artista nagme-make up.

Mapalalake or babae yan.

“I called Jane and your friends na nga pala about the ticket” Mel said pagpasok niya sa room ko.

I just frowned.

I doubt na pupunta si Jane.

She knows na galit pa rin ako sa kanya.

I just can’t believe she’ll keep something like that from me for a long time.

I trusted her.

“You don’t look happy about it” She mumbled.

Di na lang ako sumagot.

I don’t have to tell her na nagaway kami ng girlfriend ko and that hindi pa kami okay ngayon.

***

It turned out na nandito rin pala sa hotel na ito si Akiko.

Plano pala talaga nila na sabay kami ni Aki pumunta sa premiere at para na rin lumabas sa balita na sinundo ko siya.

In that case, mas paguusapan na naman yung loveteam namin.

“Here she comes” Bulong ni mel.

I turned around and saw her in a silver gown.

Naglakad agad ako papunta sa kanya at ngumiti.

Though that smile didn't mean na okay na ko.

“What can you say?” Nakangiting sabi niya.

“You look pretty”

She pouted. “Pretty? Is that the best you got?”

Ayaw niya ng word na ginamit ko.

Anubayun.

“I meant beautiful”

There.

She smiled widely then took my hands.

“Let’s get out of here like this. Para isipin nila, tayo na”

I just nodded.

Nakita ko rin kasing ngumiti si Mel, ibig sabihin, approved siya.

OKAY FINE!

For the sake of the loveteam!

(-_-)

Paglabas namin ng hotel, dinumog agad kami ng media.

Camera flashes everywhere.

“Sinundo mo ba siya billy?”

“Are you two together now?”

“Nanliligaw ba siya sayo akiko?”

“Sinagot mo na ba siya?”

“Real life romance daw meron kayo?”

“Is it true na hinintay mo talaga magayos si Aki for hours?”

More like siya yung naghintay sakin.

Lol.

“Yup, sinundo ko po si Aki” I said, smiling at them habang nili-lead si Akiko papunta dun sa sasakyan.

Kita kong ngumiti lang si Akiko.

Pagpasok namin sa kotse, di niya pa rin binitawan yung kamay ko.

“That was so cool! For sure tayo na naman laman ng balita” She said, holding my hand tighter.

Malamang aki, tayo talaga laman ng balita.

May movie kasi tayo at premiere ngayon diba?

I pulled my hands away and reached for my phone.

Tinignan ko iyon.

No text messages.

No missed calls.

Kahit isang text from Jane, wala.

Is she mad at me?

For saying those words to her?

Is she angry at me?

Dahil nagalit din ako sa kanya?

I hope she’s not.

Oo, medyo galit ako sa kanya but still…

I should understand kung bakit niya ginawa yun.

Naipit lang siya.

Wala siyang choice.

I closed my eyes.

Sana nandun siya sa premiere para makapagusap kami.

Kahit saglit lang.

Ayokong matapos ang araw na ito na di kami nagkakaayos.

Jane’s POV

“Seriously Katkat, ayokong pumunta” I said.

“Pero nakapagpaalam na ko sa papa mo. He said yes!! FOR THE FIRST TIME, ang luwag ng parents mo sayo oh! Come on! Kalimutan mo muna si Luke and focus on Billy para naman sumaya ka!”

Paano ko naman kakalimutan si Luke?

Eh si Luke na kilala niyang boyfriend ko at si Billy ay iisa?

Tsaka tama bang magpakita ako kay Billy?

Ngayon na galit na galit siya sakin?

Baka hindi siya makapagfocus sa premiere dahil sakin…

“Stop crying as if namatayan ka Jane! Tara na!”

Kanina pa kasi ako iyak ng iyak dito sa kama ko.

Di ko siya tinawagan kasi alam kong di naman niya sasagutin yun.

Gosh, ano bang dapat kong gawin?

“San mo ba nakuha yang ticket mo?”

“Sa manager niya na si…Mel”

What?

Bakit?

Gusto ba ni Billy na pumunta ako?

Kaya niya inutusan si Mel na bigyan ng ticket si Katkat?

“Wait, you know mel?” Umupo ako para tignan siya.

“Well obviously no but she called you, But you’re too busy to answer your phone kaya ako sumagot. She thinks I’m you kaya nung sinabi niya na may premiere ticket ka, I immediately said yes. And I said, two tickets para naman isama mo ko hehe”

“Did she mentioned kung si Billy ba nagsabi na bigyan ako ng premiere ticket?”

“No. Hoy wag ka nga magdream! Busy yun si Billy kaya bakit naman niya tayo maiisip? Mga fans lang naman tayo”

Ako, girlfriend niya ko Katkat.

I’m not just his fan.

“I’m not feeling well” Sabi ko na lang sabay higa ulit sa kama.

She’s right.

Billy’s busy.

Di niya ko maiisip.

Tsaka galit siya sakin.

Malamang hindi niya sasabihan si Mel na i-invite ako.

“Jane, bakit ka ba ganyan? Si Billy pinaguusapan natin oh! Tara na!!! Gusto ko makita ulit ang idol ko! Please!!! For me jaja, please!”

Groaning, I stood up and glared at her.

“Okay fine! But I have nothing to wear”

“That won’t be a problem!” She said clapping her hands bago tumakbo palabas ng room.

I sighed.

Hindi na lang ako magpapakita kay Billy.

Billy’s POV

Kakatapos lang namin panuorin yung movie.

Paglabas namin ni Aki, dinagsa ulit kami ng mga tao.

Lahat sila nag-congratulate samin.

Mga natuwa sa success ng movie.

Puros good feedbacks ang natanggap namin.

Madami din ang lumapit sakin at kinausap ako.

Mga producers, directors pati mga artista.

But all this time, isang tao lang naman ang gusto kong makausap.

At kanina ko pa siya hindi makita.

I let go of Aki’s hand nung may humila sa kanya.

I just smiled at her at sinabi ko, mamaya na lang kami magpicture.

Gusto niya kasing may ipost kaming dalawa sa instagram na picture namin.

I looked around at nakita ko yung tropa ko sa may gilid.

Lumapit agad ako sa kanila at nung nakita nila ako, mga naghiyawan sila.

Kiko: “Yow pare! Congrats!”

Francis: “Astig nun ah!”

Kevin: “Gusto ko yung chill mong role ah! haha”

Princess: “Pero mas bet ko loveteam niyo ni Julia before haha”

“Thanks. Nakita niyo si Jane?”

Kiko: “Teka…parang? Ay oo! Nakita namin siya”

Francis: “Kasama niya si Katkat”

Kevin: “But she doesn't look okay”

Princess: “Nagaway ba kayo?”

She doesn't look okay.

Crap.

But I’m glad na pumunta siya.

“Asan? Umalis na?”

Kiko: “Siguro”

Francis: “Biglang nawala eh”

Kevin: “Kanina kasama lang namin sila”

Princess: “Spill the beans Billy”

I groaned.

“Yes, nagaway kami. Nilihim niya kasi sakin na nagdedate pala si Ashley at yung pinsan niya. But I want to talk to her to fix everything. Sana nandito pa siya”

Kiko: “Tsk, dude, wala pa kayong isang month, away agad?”

Francis: “Tulungan ka namin hanapin siya”

Kevin: “Yup, then itext ka namin pag nahanap namin siya”

Princess: “Ay oo nga pala, sabi ng mom mo dumiretso ka daw sa bahay niyo. May party yata dun for the success of your movie”

“Okay sige, thanks guys”

Nagmadali na kong libutin yung lugar.

I really want to talk to jane.

“Katkat, ayoko ngang lumapit sa kanya. Wag ka na magpapicture kay Billy”

I stopped when I heard that voice.

Kahit gaano pa kaingay yung lugar, alam ko pa rin yung boses ni Jane.

I looked around.

Tapos napatigil ako nung nakita ko si Jane.

In that moment, parang naramdaman niya yata ako kaya napatingin din siya sa direction ko.

Fuck.

Namumula mga mata niya.

“OHMYGOSH! BILLY PAPICTURE” Hihilahin sana ni Katkat si Jane palapit at pupunta sana ako sa kanila kaso biglang may humawak sa braso ko.

“Hey, I’ve been looking for you”

I looked at my side and saw Aki.

“Bakit?”

“Come on, picture na tayo. Reen, papicture naman kami oh” She handed her phone to her personal assistant.

I looked at Jane first at nakita kong nakatingin lang siya.

“Billy!” Akiko complained. “Your arms!” She whispered.

I willingly wrapped my arms around her waist and smiled.

Tapos after we took a picture, hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako.

“Yung director nung sikat na movie from America, nandito. He wants to talk to us” She said, pulling me towards the opposite direction kung nasaan si Jane.

I looked around to look at Jane again pero nagulat ako kasi wala na siya.

Nasan na siya?

“Billy!” Akiko tried to pull me again.

Nagpahila na lang ako since wala naman akong magagawa.

Putek, bakit biglang umalis si Jane?

I need to talk to her.

Sana makita ko siya ulit mamaya.

***

Kiko: “Di ko siya nakita”

Francis: “Ikaw ba bro?”

Nagkibit balikat na lang ako.

Oo, nakita ko si Jane kanina pero umalis din siya kaagad.

I wonder kung bakit.

Dahil ba galit din siya sakin?

Or dahil sa nakita niya kami ni Aki?

Princess: “We should go to your house now. Your mom is sending me messages every now and then. It’s annoying”

Tumawa silang lahat at ngumiti na lang ako.

Siguro after nitong party, puntahan ko na lang si Jane sa kanila.

Or tatawagan ko na lang siya.

Bahala na, basta gusto ko talagang maayos ito.

***

Pagdating sa bahay, nagulat ako sa dami ng tao na ininvite ni Mama.

Panay mga artista din na kakilala ko at kakilala niya.

Walang media, Thank God.

I’m too tired to pretend like someone else pagdating pa rin sa bahay.

“Congrats anak, I’m so proud of you” She said, hugging me tightly.

“Thanks Mom. Si Dad po?”

“Work”

Of course.

Ilang minuto din akong hindi nakaalis sa pwesto ko sa dami ng kumausap sakin.

Buti na lang nagyaya na sila Princess na pumunta kami sa rooftop.

Umakyat agad kami ng tropa sa second floor papunta sa rooftop nung may lumapit samin.

“Bro, can you ask our mom na itigil na ito at pauwiin na ko? I wanna go to sleep” Pagcomplain ni Luke sakin.

Di siguro siya makaalis kasi pag nakita siya ng mga bisita, malalaman na may kakambal ako.

“Walang makakapigil kay Mama, alam mo yan haha”

He looked at my friends then looked at me. “Bakit sila kasama mo?” Tanong niya.

Kiko: “Ano yun?”

Francis: “May problema ka samin dude?”

Kevin: “Oo nga, anong problema kung kami kasama niya?”

Luke just sighed. “Bakit sila at hindi si Jane?”

“Nagaway kami” I simply said.

“I know that. Kausap ko siya kanina nung iniwan mo siya sa may lobby. Man, you’re pathetic. Grabe iyak ni Jane kanina”

I frowned imagining na hinayaan ko lang umiyak yung girlfriend ko.

“Kakausapin ko siya mamaya after this party”

“Bakit hindi pa ngayon?”

I just looked at him.

Kelan pa siya naging okay samin ni Jane?

“What do you mean?”

“She’s at your room. Pinagstay ko siya dun--------”

Di ko na siya pinatapos magsalita.

Tumakbo agad ako papunta sa kwarto ko.

And when I did, my heart stopped.

Nakita kong nakaupo siya sa kama ko, naiyak.

Fuck.

I am really pathetic.

Jane’s POV

I can’t help it!

Lalo akong umiyak nung pinapasok ako ni Luke dito sa kwarto ni Billy.

Gosh, ang tanga ko kasi!

I should have been honest to him!

“Jane”

I froze hearing that voice.

I slowly looked up.

“Jane” Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako.

Nagulat ako kaya di ako nakapagresponse agad sa yakap niya.

“Aren't you mad at me?” I asked him.

*Sniff*

He was about to say something nung may nagsalita.

“Atleast close the door. Madaming pwedeng umakyat dito at makita kayo”

We both looked at the door and saw Ashley smiling at us. “I’m really sorry Ate Jane, Kuya Billy” Then she closed it.

Billy sighed and walked towards it para i-lock iyon.

Then bumalik siya sa tabi ko.

“Where were we?” He asked.

I looked down to my hands.

“Akala ko galit ka…”

“I am”

Tumingin ako sa kanya at pinunasan ko yung mga luha sa mukha ko.

Para akong ewan.

Iyak ako ng iyak.

Kanina pa kong hapon.

“Okay…sige. Aalis muna ako” Tumayo na ko pero nagulat ako nung hinawakan niya yung braso  ko at pinaupo ulit ako sa kama niya.

“Porket galit ako, aalis ka?”

“Ayoko namang magusap tayo na galit ka pa rin sakin. Natatakot ako sa pwede mong sabihin. Baka kasi…”

“Baka ano?” Mahinang tanong niya.

I looked away.

“Jane, baka ano?”

“Baka makipaghiwalay ka sakin”

Hindi siya sumagot.

Ang tagal niyang nanahimik kaya tumingin na ko sa kanya.

“You think I could do that?”

“I don’t know…I’m just afraid you will”

He squeezed my hand and pulled it para halikan niya iyon.

“I’m still mad at you Jane but that doesn't mean I stopped loving you already. Mahal pa rin kita at gusto kong ayusin natin ito”

Billy’s POV

“I’m sorry for lying to you” Jane whispered.

“Hindi ka naman nagsinungaling, naglihim ka lang”

“Well then I’m sorry for that”

I sighed.

Halatang naglalagay siya ng wall between us sa takot niya sakin.

I can’t believe iniisip niyang makikipaghiwalay ako sa kanya just because I’m mad at her.

“Jane, listen to me” I cupped her face para titigan niya ko maiigi.

Naiinis ako sa sarili ko.

Sobrang namumula yung mga mata niya.

I hate that I caused her this pain.

“I’m sorry for being angry at you and for not understanding you. You made a mistake and clearly, hindi tama yung ginawa ko. I should have listened to you first. Dapat inintindi kita”

“It’s not your fault na sinira ko yung tiwala mo sakin” She said, defending me.

“Jane, ano ba. Sisisihin mo ba talaga sarili mo? I’m trying to fix this. Parehas lang tayong nagkamali”

“Please don’t be mad at me anymore” She pleaded.

How can I endure this girl?

For a moment, yes galit pa rin ako sa kanya.

But seeing her talk like this, lahat ng galit ko nagfade away kaagad.

“Okay, I won’t. Just promise me you won’t do it again”

“I promise”

I sighed and kissed her lightly.

Pinunasan ko yung luha niya and gladly, wala nang sumunod.

Di na siya umiyak.

“I hate seeing you cry” I said, hugging her.

She rested her head at the crook of my neck.

“I hate seeing you angry”

“I hate that we had a fight”

“So do I” She said.

Tahimik lang kaming dalawa for a couple of minutes.

Kontento kaming magkayakap lang.

The feeling of her hot breath in my neck feels like heaven already.

I could stay like this forever.

“I watched your movie, you’re good” She mumbled.

“Thanks. Sana ikaw na lang yung katabi ko dun habang nanonood. Bakit ka nga pala umalis kaagad? Kakausapin sana kita”

She suddenly hugged me tighter.

“I saw you with Akiko earlier. You looked happy with her….”

“You didn't answered my question”

Nanahimik na siya and that’s when I realized na si Akiko pala dahilan.

“You were jealous?” gulat na tanong ko.

Di siya nagsalita.

Nahihiya yata sakin.

I laughed a little. “That’s called acting, baby”

Still, di siya nagsalita.

Lumayo ako sa pagkakayakap niya para tignan yung mukha niya.

She’s blushing.

“You’re ashamed because you were jealous?” Tanong ko and she nodded.

Natawa ako.

Ang cute niya talaga.

“Don’t be. Ako nga hindi ko kinahihiyang nagselos ako sanyo ni Angelo diba?” I said, wrapping my arms around her again.

“Everything’s new to me. Hindi ako sanay sa ganitong feeling. Bakit ikaw parang expert ka na? Sabi mo first girlfriend mo rin ako?”

“Officially in real life, yes. Pero sa dami ng nakalove team ko, syempre may idea na ko what’s it like to be in a relationship. The only difference is that, I’m not pretending anymore. Totoo na talaga yung mga nararamdaman ko this time”

She just nodded and bit her lip.

Kaya di ko napigilan sarili ko, I kissed her again.

Ghad, I love this girl.

“Let’s not fight again, okay?”

“Alright…” She answered.

“Oo nga pala, hindi alam ng mama mo na nandito ako”

Nagulat ako dun kaya tinignan ko siya.

“How come?”

“Pauwi na sana ako nung hinila ako ni Ashley. Nagaway pa nga sila ni Katkat but eventually, ako na yung nagsabi kay katerina na maguusap lang kami ni Ash. I didn’t know na dadalhin niya ko dito. Your mom weren't here nung dumating kami dito. Nagusap kami ni Ashley, nagsorry siya sa ginawa niya. And then bigla na lang dumating yung mom mo pati yung mga guests niyo kaya hinila ako ni Luke paakyat dito. Sabi niya wag daw ako lalabas”

This is a bad idea.

Ayaw ni Mama kay Jane.

At hindi niya rin alam na girlfriend ko na si Jane.

“Can you stay here? I mean spend the night here?” I asked her.

“No. Ang paalam lang namin kay Papa, pupunta lang kami sa premiere”

Crap.

“Tsaka may surprise party kami for Katkat. Buti na lang napakiusapan ko si Nathan sa phone. I told him about the plan and he told me na hindi niya muna ihahatid pauwi si Katkat”

Double crap.

“Jane, ipapakilala kita sa mom ko mamaya….as my girlfriend. If that’s okay?”

“WHAT? No no no no! Billy, are you insane?”

“Magtataka din naman siya kung bakit ka andito at kung bakit kasama kita. We might as well tell her the truth already”

“Pero billy----”

“I’ll take care of everything. I promise”

She just looked at me at kita kong kinakabahan na siya.

“Okay. Let’s do this”

***

Kumain muna kami ng tropa kasama si Jane ng dinner sa rooftop.

Ayoko kasing i-entertain yung mga bisita ni Mama.

Pagod na kasi ako dahil sa premiere kanina.

Mga 10 pm na nung nagsialisan yung mga bisita.

I immediately took Jane’s hand.

“Ready?”

“Never will” She jokingly said.

Bumaba na kaming dalawa at nakasalubong ko pa si Luke.

“I guess you two are okay now, huh?”

“Yup”

“Saan kayo pupunta?”

“Kay mama”

Nanlaki mata ni Luke sa sinabi ko. “You mean, you’ll tell her about Jane?”

“I’ll introduce her as my girlfriend”

“Baliw ka ba? Tingin mo okay kay mama yan?”

“Wala rin naman siyang magagawa”

“Ghad, you are insane”

I ignored her at naglakad na kami ni Jane pababa.

Saktong-sakto kakabalik lang ni Mama galing sa labas.

“Billy----Oh. Aren’t you…that die hard fan?” Tanong ni Mama. She stopped talking when she saw na magkaholding hands kami ni Jane.

“Yes, Ma. Siya po yun and siya rin po yung naging partner ko sa fashion event sa school, remember?”

Di nagsalita si Mama.

Tinitigan niya lang kami.

“What is she doing here?”

“Mom, I want you to meet Jane. My girlfriend”

Jane tensed beside me.

I looked at her and smiled.

It’s going to be okay.

“WHAT THE HELL! ANO BANG INIISIP MO BILLY? You can’t be serious!”

I knew this was going to happen.

-----------------------------------------------------

Anebe nemen yen. Hoho.

Anyway, thanks for those readers na palaging nagko-comment, nagvo-vote, sa mga nagdededicate ng stories sakin and sa mga patuloy na nagbabasa ng ongoing story na ito! I hope you guys liked this one! Mhuah.

Xoxo, Nerdyirel.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.3M 40.8K 59
(Informally written and not yet edited) This is a Playboy's Baby Spin-off. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟮 - 𝟮𝟬𝟭𝟯 • • 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦...
6.2K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
1M 39.6K 60
If there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. ...
8K 345 63
|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guil...