Let Go

By binnie26

3.1K 54 3

Paano ba bumitaw? Kung ang puso ko'y ikaw pa rin ang pilit isinisigaw? Paano ba makalimot? Kung kahit saan ak... More

Work of Fiction
Let Go
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty one
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Epilogue
Author's Note

Chapter Six

69 1 0
By binnie26

Flashback continuation...

Kinabukasan ay tamad akong bumangon sa higaan at kumilos para pumasok sa klase.

Tahimik akong kumain ng agahan at matapos noon ay umalis na sa bahay.

Mabilis ang naging byahe ko. Pagbaba ko sa tricycle ay mabagal lang akong naglalakad. Lalampasan ko na sana yung grocery store kung saan kami naghihintayan ni Braze nang may biglang humablit sa braso ko.

Napaangat ako ng tingin at sumalubong sakin ang seryosong titig ni Braze.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko nung nakaraan? Ni hindi ka rin nagtext tapos pinatay mo pa ang phone mo? Do you know how worried I am? Nagpaaalam kang pupunta lang sa CR tapos hindi ka na bumalik, may problema ba Reese?" Dire-diretsong tanong niya.

Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa mga mata niya.

Seeing how worried he was of me hurt a bit.

'I know that I have fallen for this guy. Bakit kasi siya pa ang ginusto ni Pam?'

"Reese, please tell me. May problema ba?" Sabi niya at humawak sa braso ko.

Bumuntong hininga muna ko at nag-iwas ng tingin sa kanya bago nagsalita.

"Wala Braze." Sabi ko lang at tinanggal na ang pagkakahawak niya sakin.

"Are you sure?" Sabi niya.

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.

Naglakad na ko paalis kaya naman sinabayan na niya ko. I know that gusto pa niyang mangulit para magsabi ako ng totoo pero pinipigilan niya ang sarili niya.

Tahimik lang kami sa byaheng dalawa hanggang sa makarating na kami sa school.

Pagpasok sa gate ay tanaw ko na sila Elisse na naghihintay na samin sa pathway.

Dali-dali akong dumiretso sa kanila at lumapit agad kay Elisse.

"San ka pumunta nung nakaraang araw?" Bungad na tanong ni Elisse sakin.

"Umuwi na. Sumama kasi ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko.

Napatango naman sila dahil doon.

Nagtungo na kami sa aming first subject at di kagaya nung nakaraan kay Elisse ako sumabay maglakad at hindi kay Braze.

Ramdam kong nasa likod ko lang siya kasabay si Pam.

Napangiti ako nang marinig kong nag-uusap sila. Dahil iyon naman ang gusto ko.

Pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko. Dahil hindi ko man aminin alam ko sa sarili kong nahulog na ko.

Pagpasok sa room ay dun ako naupo sa pagitan nila Erin at Elisse na lagi dating pwesto ni Pam.

"Reese ako diyan. Dun ka sa tabi ni Braze." Sabi ni Pam nang makalapit sakin.

"Ikaw na lang don, dito na lang ako." Sabi ko.

"Sira. Ganun na ang ayos natin noon pa bakit ayaw mo nang tumabi sa kanya? May problema kayo?" Sabi ni Pam.

"Palit na muna tayo ngayon. Please." Sabi ko na nagpapaungay pa ng mata.

"Okay." Sabi naman niya at naupo na doon sa dating pwesto ko.

Ramdam ko ang titig sakin ni Braze na alam kong naguguluhan na sa ikinikilos ko pero hindi ako nag-abalang tingnan pa siya.

Matapos ang klase ay mabilis kong ianyos ang nga gamit ko.

"Bakit nagmamadali ka?" Tanong ni Elisse.

"May kailangan kasi kong puntahan." Sabi ko.

"Puntahan? Hindi ka papasok ng hapon?" Tanong ni Erin.

"Papasok ako. Ngayong lunchbreak lang ako aalis babalik din ako before magstart yung next class." Sabi ko.

"Do you want me to go with you Reese? Para di ka mag-isa." Sabi ni Braze.

"Hindi na Braze. Kita na lang tayo mamaya!" Sabi ko sa kanila at tumakbo na ko paalis sa building.

Nagtungo ako doon sa tagong parte ng campus na malapit sa mga education students.

Naupo lang ako sa ilalim ng malaking puno doon at tumanaw lang sa malawak na field na nasa harapan ko.

Hindi ko akalaing sobrang laki pala talaga ng eskwelahang ito.

Kinuha ko ang sandwich at juice ko sa bag at iyon ang kinain ko.

"Para kang tanga Reese." Bulong ko sa sarili ko.

Dahil nagdahilan pa ko ng kung ano-ano para lang makalayo sa kanila.

Bakit kasi ang hirap ng sitwasyon?

Bakit kasi isang lalaki lang ang nakakuha ng pareho naming atensiyon?

Napahawak ako sa dibdib ko nangbahagyang kumirot ito.

"Kalma heart mawawala din to. Makakasurvive tayo pareho." Sabi ko habang marahang tinatapik ang dibdib ko.

Inubos ko lang ang oras na nakaupo sa ilalim ng puno habang nakikinig lang ng music sa phone.

Nang tumuntong ang ala-una ay nagtungo na ko sa pathway papuntang I.T Building. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na silang masayang nag-uusap habang nakaupo sa isang shed.

"Kumusta lakad?" Tanong ni Elisse nang makalapit ako sa kanila.

"It's fine." Sabi ko lang.

"Kuya palit tayo ng upuan, gusto ko diyan sa gitna ni Elisse at Erin." Sabi ko kay Marcus nang mapansin kong sa tabi ni Braze yung bakanteng upuan.

"Ayoko nga! Diyan ka sa tabi ng Braze mo! Kanina pa nagmamaktol yan." Sabi ni Marcus.

Napatingin naman ako kay Braze na busngot na ang mukha.

"Kung ayaw mo kong katabi aalis na lang ako." Sabi ni Braze at naglakad palayo.

"Sundan mo Reese. Kanina pa niya hindi alam ang gagawin dahil pakiramdam niya iniiwasan mo siya." Sabi ni Pam.

Napatitig naman ako sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako at patakbong sinundan si Braze.

Sakto namang papasok pa lang siya sa building nang mahawakan ko ang braso niya.

Hinila ko agad siya. Dire-diretso akong lumabas ng campus. At huminto lang nang nasa tapat na kami ng nagtitinda ng streetfoods.

"Bakit hinila mo ko dito?" Nagtatakhang tanong ni Braze.

"Nagugutom ako eh." Sabi ko.

"Eh bakit kailangang ako pa ang hilahin mo? Bakit hindi sila Elisse ang isinama mo tutal ay sila lang naman ang gusto mong makasama at hindi ako." Sabi niya na may himig pagtatampo.

"Hindi naman sa ganoon Braze. Gusto ko lang naman na makipagbond ka din sa iba hindi yung puro tayong dalawa ang magkadikit. Hindi lang naman ako ang kaibigan mo. Nandiyan sila Marcus, si Pam gusto ko lang na ibalik yung closeness niyong dalawa noon. Bago pa naging tayo ang malapit Braze." Sabi ko.

"Pero malapit pa rin naman kami Reese. At tsaka close naman ako sa kanilang lahat. Hindi ko naman pinababayaan yung ibang kaibigan natin kahit pa ikaw talaga ang Focus ko." Sabi niya.

"Okay. I'm sorry." Sabi ko na lang. Dahil alam kong mali ang ginagawa ko sa kanya.

"Ano ba kasing problema Reese? Why are you avoiding me?"sabi niya.

"It's not that Braze. May iniisip lang ako." Sabi ko at hinarap na yung nagtitinda.

Bumili ako ng dalawang order ng siomai at iqnbot kay Braze yung isa bilang peace offering.

Tinanggap naman niya ito at napangiti ako dahil doon.

Nginitian din naman niya ko pabalik.

Kumain lang kaming dalawa at matapos noon ay bumalik na sa loob ng campus.

Hindi na namin inabutan yung apat dun sa shed na inuupuan nila kanina.

"San tayo? Nasa AC daw sila nanonood. May naglalaro daw kasi from other department." Sabi ni Braze.

"Sunod ka na lang sa kanila. Sa library lang ako." Sabi ko.

"Sasamahan na kita. Wala din naman akong hilig manood ng sports." Sabi niya.

Ayaw ko man dahil kaming dalawa lang ay napapayag na rin ako.

Gusto ko siyang iwasan pero papaano ko gagawin yun kung hindi ko kayang nasasaktan siya. Paano ko gagawin kung hindi ko kayang iba ang pakikitungo niya sakin?

'What am I gonna do?'

Pagpasok sa library ay pumwesto lang ako sa usual spot ko at kumuha na lang ng novel book para basahin.

Tumabi naman sakin si Braze.

Makalipas ang ilang minuyo ay nagsalita si Braze.

"Wala na daw klase nagyayaya sila kumain daw o di kaya maglibot sa mall. Ano sama tayo?" Sabi niya.

"Ikaw na lang Braze dito muna ko." Sabi ko at nagpatuloy lang sa pagbabasa.

Naramdaman kong tumayo si Braze sa inuupuan niya. Napatingin ako sa kanya ag nakita kong naglalakd na siya palabas ng library.

Gusto ko man sumunod ay hindi ko na ginawa at pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa kaya naman ganun na lang ang pagtataka ko nang bumalik si Braze at naupo muli sa pwesto niya.

"Akala ko sasama ka sa kanila?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Ayaw mong sumama eh. Kaya ayaw ko na rin. Sinabi ko naman sayo, sasamahan kita kahit saan, uunahin kita sa lahat ng bagay." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko na makayanan ang intensidad ng tingin niya.

"Hindi mo kailangang gawin yun Braze. Hindi kailangang unahin mo ko sa lahat ng bagay. Don't treat me too special Braze. Baka kasi mamaya hindi ko maibigay ang gusto mo, sa huli ay pagsisihan mo pang naging magkaibigan tayo." Sabi ko.

"Hindi ko pagsisisihan ang lahat ng ito. Hindi mo man maibigay ang hinihiling ko atleaste alam kong ginawa ko ang lahat ng makakaya ko." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya pero sa ibang direksiyon siya nakatingin.

Tumahimik na lang ako at nagfocus sa pagbabasa hanggang sa makaramdam ako ng antok.

Halos nakapikit na ko habang nagbabasa ng libro.

At dahil sa antok ay nawalan na ko ng pakialam sa paligid ko.

Pero bago tuluyang kainin ng antok ay naramdaman ko ang bahagyang pagtapik at paghawak sa mukha ko. At ang pagpatong ng ulo ko sa isang malambot  at mabangong bagay na nagpalala pa lalo sa antok ko.

Nagising ako ng makarinig ako ng mahinang bulong sa tenga ko.

"Reese wake up. Isasara na daw ang library." Sabi ng boses.

Iminulat ko ang mata ko at mukha ni Braze ang agad bumungad sakin.

"Ayaw sana kitang gisingin kaya lang late na din kasi tapos isasara na yung library pasensya ka na." Sinserong sabi niya.

Tumango naman ako sa kanya at binalingan ang librong kinuha ko. Pero bumalik din agad ang atensiyon ko sa kanya nang mapagtanto ang sinab niya.

"Late? Anong oras na ba?" Tanong ko.

"7pm na." Sabi niya.

"What?! Bakit di mo ko ginising agad?" Nagugulat na sabi ko sa kanya.

"Ang sarap kasi ng tulog mo eh ayaw kitang istorbohin." Sabi niya.

"Braze maiintindihan ko naman kung gigisingin mo ko. Tingnan mo tuloy late na. Papauwi pa lang tayo pano kung wala ka nang masakyan niyan? Sana kung ayaw mo akong gisingin iniwan mo na ko. Para nakauwi ka agad." Sabi ko.

Nagi-guilty kasi ako dahil inabot pa siya ng gabi kakahintay lang sakin. Eh pwede naman siyang umuwi na.

Hindi siya nagsalita. Iniligpit ko na ang mga libro. Matapos ay lumabas na kami.

Napasimangot ako nang makita kung gaano na kadilim sa labas ng campus.

"Tingnan mo nga Braze. Sobrang dilim na. Paano kung wala ka nang masakyan niyan eh di, hindi ka na makakauwi? Sana talaga iniwan mo na lang ako. Eh di sana namamahinga ka na sa bahay niyo. Hindi tulad nito na nasa labas ka pa at babyahe pa lang pauwi. Delikado pa naman kasi gabi na. Hays. Sana talaga i—" hindi ko an naituloy yung sasabihin ko nang magsalita siya.

"Okay lang Reese, kung ayaw mo kong kasama." Seryososng sabi niya at nauna nang maglakad.

Napatahimik naman ako at natigilan dahil doon. Hindi agad ako nakapagsalita. Napahinto ako at napatingin lang sa papalayong bulto niya.

'Ano nanaman ang ginawa mo Reese?!'

Nang mapagtantong masyado na siyang lumalayo ay hinabol ko siya. Swerte naman at hindi ganoon kabilis ang naging lakad niya.

Nang malapit na ko sa kanya ay agad kong hinawakan ang braso niya.

Napahinto siya dahil doon.

"I'm sorry. Hindi naman kita ayaw kasama eh. Iniisip ko lang kasi na baka hindi ka makauwi niya dahil sakin. Baka mapahamak ka. I'm sorry Braze." Sinserong sabi ko.

Hinarap niya ko at ganun na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang makita ko ang pangingilid ng luha niya.

'He's crying, anong ginawa mo Reese?!'

Gusto kong sabunutan ang sarili ko nanag makita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata niya.

'I've hurt him, damn Reese ang galing mo talagang manakit.'

"Bakit kasi kailangang ipaulit-ulit mo pa na sana iniwan na lang kita. Sana hindi na lang kita sinamahan. Sana hinayaan na lang kita. Tell me Reese ayaw mo ba talaga sa presensiya ko? Ayaw mo na bang kasama ko? Alam mo ayos tayo noon eh. Ginagawa ko na to at ayos lang naman sayo. Wala kang reklamo. Pero bakit ngayon? Anong nagbago Reese? Nagsawa ka? Come on tell me!" Sabi niya.

Para namang pinipiga ang puso ko nang makita ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya.

"Ano tatahimik ka na lang? Sabihin mo sakin Reese. Please sabihin mo. Kasi kanina ko pa tinatanong yung sarili ko kung bakit parang lumalayo ka? Iniisip ko kung may nagawa ba ko nung nakaraan para magbago ng ganyan yung pakikitungo mo sakin. May nasabi ba ko? O may ginawa ba kong nakaoffend sayo? Kasi As far as I remember ayos tayo. Maayos tayo bago ka biglang hindi na lang bumalik nung nakaraan at diretsong umuwi. Kung may nagawa ako please Reese sabihin mo. Lasi sa totoo lang mababaliw na ko. Please Reese." Sabi niya sa kabila ng pagtulo ng mga luha niya.

Hindi ako nakapagsalita at parang tanga lang na nakatingin sa kanya. Ramdam ko rin ang pangingilid ng mga luha ko pero pinipigilan ko ito.

Napahilamos si Braze ng mukha at pabalang na pinahid ang mga luha niya.

"Kung ayaw mong magsalita, sige ganito na lang. Tell me Reese, do you want me to avoid you? Gusto mo bang lumayo na ko sayo? Do you want me out of your life?" Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Nang marinig ko ang mga salitang iyon. Ayaw ko man ay tumulo ang mga luhang pinipigilan ko.

At kasabay nito ay ang paglabas ng salitang wawasak samin pareho mula sa bibig ko.

"Yes Braze, I want that. Please iwasan mo na ko, layuan mo na ko..." sabi ko sa kabila ng pagtulo ng mga luha ko.

Pero hindi ko inalis ang titig ko sa kanya. Kaya naman kitang kita ko ang masagana muling pagbagsak ng mga luha niya.

"Yun ba talaga ang gusto mo?" Nanginginig ang boses na sabi niya dahil sa pagluha.

Pumikit ako nang hindi ko matagalan ang tingin niya at tsaka ako tumango.

"Sasaya ka ba kapag lumayo na ko?" Tanong pa niya.

'No Braze! I won't be happy.' I want to tell him that but I chose not to.

Itinikom ko lang ang bibig ko at pikit matang tumango habang patuloy oa rin ang masaganang pagtulo ng luha ko.

Naramdaman ko naman ang paabalot ng mainit na bagay sa katawan ko.

Niyakap ako ni Braze. Mahigpit ito at parang ayaw nang bumitaw. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Kung yun ang magpapasaya sayo then gagawin ko. Ibibigay ko ang gusto mo. Ito na ang huling beses na sasamahan kita. Alagaan mo ang sarili mo Reese. Pinapangako kong hindi na kita guguluhin. Mahal na mahal kita." Sabi niya habang yakap ako.

'Mahal din kita.'

Dahan-dahan siyang bumitaw sa yakap at tinitigan ako.

Napapikit ako nang maramdaman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

Matapos noon ay lumayo siya. Binigyan niya ko ng isang malungkot na ngiti bago tuluyang tumalikod at iwan na ko.

Pinanood ko lang siyang lumayo mula sakin.

Gusto ko siyang habulin, gusto kong sabihin na wag niya kong iwan. Gusto kong sabihin na manatili lang siya sa tabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

Gusto kong sabihin na ayaw ko siyang lumayo. Pero hindi pwede.

Gaano ko man kagustong manatili siya sa tabi ko hindi ako pwedeng maging selfish. Dahil mahal siya ni Pam.

Matagal na. At kay Pam siguro mahuhulog ang loob niya kung hindi sila nagkahiwalay. Si Pam sana ang mamahalin niya kung hindi ako ang nakasama niya.

Napahagulgol na lang ako at parang batang umiyak nang umiyak. Sakto pang bumuhos nag malakas na ulan.

Na animo nakikisama sa sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng mga oras na yun.

Nagulat na lang ako na nasa tapat na ko ng bahay namin.

Tahimik akong pumasok at umakyat agad sa kwarto.

Pagpasok na pagpasok ko dito ay bumuhos nanaman ang mga luha ko.

Parang tanga akong hinahampas ang dibdib ko dahil sumisidhi ang sakit nito at parang nahihirapan na ko sa paghinga.

My heart is in pain literally and emotionally.

Kaya naman lumapit agad ako sa drawer ko kinuha ang tabletang iniinom ko para mapakalma ang sarili ko.

Nang kumalma ako ay nagpalit na ko ng damit. Matapos nun ay nahiga na ko sa kama ko.

'I will never forget this day. The day I broke my own heart along with the man I love, just to save my bestfriend heart from breaking.'

Nang gabing iyon ay wala akong ginawa kundi alalahanin ang lahat at namnamin ang sakit na nararamdaman ko.

Dahil alam kong kinabukasan pagmulat ng mata ko. Wala na sa buhay ko ang nag-iisang taong walang ginawa kundi mahalin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
18.5K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!