HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

678K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 22

9.3K 189 2
By Vis-beyan28


Chapter 22: 'Cutting ties'

Ahli's POV

Sa gitna ng labanan, hindi padin nawawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa anumang mangyari lalo na't isang mafia ang kalaban namin.

Akala ko si mondriguez na ang pinaka tinatakutan kong tao dahil siya lang ang walang awang pumapatay ng tao. Siya yung tipong gagawa ng masama para lang magtagumpay sa kanyang plano. Wala siyang pake sa iba kundi sarili lang niya.

Pero ng makilala ko si khanz...

Hindi ko na alam kung dapat ko pa siyang pagkatiwalaan o kung dapat ko pa siyang kilalanin ng lubos. Dahil sa pinapakita niya sa akin ngayon, binibigyan niya ako ng dahilan upang matakot ako sa kanya.

Hindi ko pa siya lubos kilala pero halos araw-araw na kaming nag uusap. Hindi nga kami kaibigan pero unti-unti na siyang napapalapit sa akin. Kaso, wala akong ibang alam tungkol sa kanya kundi isang lalakeng mayaman at may atraso kay mondriguez.

Sa pinapakita niya sa akin ngayon, lalo akong naguguluhan sa pagkatao niya. Hindi lang siya kundi ang mga kaibigan din niya.

"Ahlisha..."-natauhan ako ng marinig ko ang kanyang boses.

Tsaka ko lang naalala na nasa gitna kami ngayon ng labanan.

Umangat ang paningin ko kay khanz, may bahid na takot at kaba sa aking mukha. Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Hindi ako tanga para hindi malamang masama siyang tao. Pangalawang beses na siyang pumatay ng tao sa mismong harapan ko at natatakot ako dun.

Paano niya magawang sikmurain yun? Saan siya kumukuha ng tapang para kumitil ng buhay ng tao? Sa isiping yun, para na rin siyang si mondriguez na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng masama.

"Ahlisha..."-muli niyang tawag sa pangalan ko at akmang lalapit sa akin pero mabilis akong napaatras.

Nanatili akong nakaupo sa lupa habang siya ay nakatayo sa harapan ko. Naguguluhan sa inasta ko.

Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ang takot na bumabalot sa puso ko.

Unti-unti na ba kitang nakikilala khanz?

"What are you doing?"-kunot noo niyang tanong.

Napalunok ako at umiwas sa kanyang titig.

"H-huwag kang lalapit."-nauutal kong sambit habang patuloy sa pag atras.

"What?!"-naguguluhang bulalas niya.

Magsasalita pa sana siya kaso nagsilapitan na sa gawi namin ang mga natitirang tauhan ni mondriguez kaya walang nagawa si khanz kundi makipaglaban sa kanila.

Hindi niya hinayaang may makalapit sa gawi ko dahil lahat ng lumalampas sa kanya ay mabilis niyang nababaril.

Walang akong magawa kundi ang tumulala sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng takot kay khanz. Isa siyang masamang tao. Alam ko yun. Bakit hindi ko naisip yun ng mas maaga?

Ang tanga mo ahli. Nagpabulag ka sa kanya. Nabulag ka sa tunay niyang anyo dahil sa kagustuhan mong makawala sa sitwasyong ito. Dahil sa kagustuhan kong makalabas sa gulong to. Kaya nakalimutan ko na masama siyang tao dahil sa kagustuhang humingi ng tulong sa kanila. Kinalimutan ko yun.

Tama ba ang ginawa ko o mali?

"P*tangina! Sumama ka sa akin kung ayaw mong sumabog yang ulo mo!"-halos mapaigtad ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni mondriguez sa aking likuran.

Dumagundong ang matinding kaba sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. Wala siyang kasama. May hawak siyang baril at nakatutok yun sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan.

Hindi ako napansin ni khanz dahil nakatutok siya sa mga kalaban niya.

Napalunok ako.

A-anong gagawin ko?

"Tangina! Tumayo ka!"-lalo akong nagulat ng padaklot niya akong hinila patayo at marahas akong kinaladkad papasok ulit sa abandonadong bahay.

Lalo akong kinabahan. Wala akong kalaban-labang sumunod lang sa kanya dahil kapag lumaban ako, hindi ko na alam kung saan hahantong ang buhay ko.

Napakagat labi ako.

Kailan pa ba matapos tapos ang gulong to? Pagod na ako. Gusto ko ng sumuko. Pakiramdam ko lahat ng taong nasa paligid ko ay nagsisinungaling sa akin. Sino ba ang pwede kong pagkatiwalaan? Sarili ko lang ata.

Parang gusto ko ng umiyak. Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa aking braso habang kinakaladkad ako. Hindi na ako magtataka kapag nagkapasa yun.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pati ang mga pasikot-sikot na dinadaanan namin ay hindi ko na alam. Wala na akong naririnig na putukan ng baril dito sa loob. Marahil, tapos na ang laban dito at tanging sa likod na ng bahay nagaganap ang laban.

Hindi ko din alam kung nasaan sina renzo at kung anong ginagawa nila. Inaalala ko si khanz. Baka kung ano ng nangyari sa kanya dahil marami pa naman ang mga tauhan ni mondriguez at may mga armas pa.

"Hinding-hindi ko hahayaang makakatakas ka pa ng buhay dito! Kung ayaw mong barilin ko yang ulo mo, sumunod ka sa akin!"-nanlilisik ang mga matang bulyaw sa akin ni mondriguez at naging mas marahas ang paghila niya sa akin patungo sa pangalawang palapag ng abandonadong bahay.

Hindi ako umimik. Nag iisip ako kung paano tumakas pero mukhang hindi ko siya kayang kalabanin. Dahil unang una wala akong laban. May armas siya pero ako wala. Mas mabuti ng manahimik kaysa naman totohanin pa niya ang sinabi niya.

Gaya kanina, walang masayadong kagamitan dito kundi mga sirang upuan at mga drum. Napakatahimik ng paligid. Ang ilang pader ay tila nabutas na kung kaya't pumapasok ang sinag ng araw dito. Ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin sa labas.

"Huwag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ko."-banta niya at saka basta na lang ako tinulak patungo sa isang upuan.

Umalis diya saglit at pagbalik niya, may hawak na siyang tali. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng makita yun.

"A-anong gagawin mo sa akin?"-kinakabahan kong naisatinig habang nakatingin sa tali'ng hawak niya.

Ngumisi naman siya na parang demonyo. "Hindi niyo ako maloloko! Sabay sabay tayong mamamatay dito lahat!"-aniya at saka tumawa na parang nababaliw.

Nanlaki ang mata sa gulat at akmang tatakas kaso mabilis niya akong nasikmuraan! Halos mapadaing ako sa sobrang sakit pero kinagat ko ang pang ibaba kong labi.

Parang tuluyan ng nawala ang natitira kong lakas dahil matagumpay niya akong naitali sa upuan. Tinali niya ng sobrang higpit ang kamay at paa ko para hindi na ako makatakas pa.

Pagkatapos nun, ngumisi na naman siya ng nakakaloko na tila nang aasar pa.

"Pakawalan mo ako dito! Walang kang puso!"-galit na bulalas ko sa kanya.

Lalong lumapad ang ngisi niya. Nababaliwa na ata siya.

"Matagal na akong walang puso bustamantelo. Magkita na lang tayo sa impyerno."-at saka siya humalakhak habang naglalakad papalayo sa akin.

Sumigaw ako ng sumigaw sa kanya pero hanggang sa mawala siya sa paningin ko, hindi niya ako pinakinggan.

Gusto kong umiyak sa labis na kawalan ng pag asa. Hindi ko aakalaing ganito kalalabasan ng plano namin. Napakahirap. Nakakapagod. Naakatakot. Parang gusto ko na lang mamatay dito.

*Baaaaaang!*

Halos mapasigaw ako sa gulat ng may marinig akong malakas na pagsabog galing sa baba hanggang sa naramdam ko na ang init at naamoy ko ang usok patungo sa kinaroroonan ko.

Hindi ako tanga para hindi matukoy kung ano yun. Lalo na't nagsisimula ng kumalat ang apoy patungo sa akin.

Bomba...

Hindi kaya nagtanim ng bomba sina casz dito? Kaya ba pinapahanda ni khanz ang bomba kanina pa? Gusto nilang pasabugin ang abandonadong bahay na ito!

Sa Isiping yun, lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Alam ni mondriguez na may bombang itinanim sila casz dito kaya naman dinala ako ni mondriguez sa ikalawang palapag para hindi na ako makatakas pa!

Nanginginig ang dalawa kong kamay habang nagpupumiglas. Sigaw ako ng sigaw, nagbabakasakaling may makarinig sa akin. Pero mukhang walang tao sa baba.

Lalong nagkalat ang mga naglalakihang apoy patungo sa aking kinaroroonan. Napakaingay ng paligid dahil sa mga kahoy na natutupok ng apoy ay nagsisibagsakan.

Naiiyak ako dahil nanghihina na ako. Hindi ko napigilan pa ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Luhang nagpapahiwatig na sumusuko na ako. Luhang sumisimbolo ng kahinaan ko. Tuluyan na akong nawalan ng pag asa.

Napaubo ako dahil sa makapal na usok. Napapapikit ang aking mata ngunit pinanatili kong maging matatag.

Himdi ko na alam ang gagawin ko. Nanghihina na ako at wala na akong ibang maisip na paraan pa.

Sa sandaling yun, gusto ko ng pumikit ngunit mabait ata sa akin si tadhana dahil ang taong kanina ko pa gustong tawagin ay paparating sa gawi ko.

Pilit kong inaaninag ang mukha niya sa gitna ng apoy at usok. Kahit papikit pikit, pinilit kong huwag magpa apekto sa usok.

"Fvk! Ahlisha?! Where are you? Dammit!"-pakinig ko ang kanyang mura.

Gusto kong tawagin ang pangalan niya ngunit pati na ata ang boses ko'y nawalan na.

"Khanz, calm down you idiot! I'm sure she's here."-kumpara kay khanz, mahinahon naman ang boses ni renzo.

"How can I fvking calm down tejada?! I'm going to double kill mondriguez for making it worst dammit!"-pakinig ko pang sagot niya.

Tuluyan ng nanlalabo ang paningin ko pero dinig na dinig ko pa din ang bangayan ng dalawa.

"Khanz! Fvk! I found her!"

"Shit! Where is she?"-lalong naging klaro ang boses nilang dalawa.

Papalakas ng papalakas ang mga yabag nila at alam kong patungo sila sa gawi ko. Parang biglang bumalik ang pag asa kanina pa nawala sa akin.

Salamat lord...

"Ahlisha! Hey! Fvk!"-tinapik tapik ni khanz ang pisngi ko dahilan para mapamulat ang aking mga mata.

Bumungad sa aking ang nag aalalang mukha ni khanz. Sa pangalawang pagkakataon nakita ko siyang may emosyon sa kanyang mukha. Pinagpapawisan siya at gulong gulo ang buhok na animo'y kanina pa niya ginugulo dahil sa inis.

"Kailangan na nating umalis dito. 5 minutes na lang sasabog ang pangalawang bomba at sisiguraduhin ko sa inyo magiging toasted human tayo dito! Ayoko pang mabawasan ng gwapo sa mundong ito."-biro pa ni renzo.

Nasaan sina casz at drex?

Hindi kumibo si khanz dahil mabilis niya akong kinalagan habang si renzo naman ay tila naghahanap ng daan papalabas.

*klaaaak*

Nakarinig kami ng sunod sunod na pagbagsak ng mga kahoy sa likod namin dahilan para mas lalong lumaki ang apoy!

"We need to fvking get out of here!"-bulalas ni khanz at saka walang pasabing binuhat niya ako.

Gusto kong maglakad para hindi na siya mahirapan kaso wala na akong lakas.

Sabay na tumingin si khanz at renzo sa kanilang relo at saka sabay na napamura.

"2 minutes. Fvk! This is one of my hellish memories I will not fvking forget."-mahinang bulalas ni renzo sa sarili at saka patakbo na silang naglakad patungo sa gilid ng bahay. Nasa pangalawa pa kaming palapag at wala na kaming bababaan pa. Linamon na ng malaking apoy.

Parang gusto ko rin magmura.

Nakahanap si renzo ng isang bintana na ngayon ay wasak na wasak na ang katabi nitong pader. Malaki ang butas nito kaya naman pwede kaming lumabas dun.

"Let's jump."-renzo.

"The fvk!"-mura ni khanz at saka napairap pa sa sobrang inis.

"K-khanzler...ibaba mo na ako. Kaya ko to."-sabi ko at bumababa sa kanyang pagkakabuhat.

Bakas sa mukha niya ang pagtutol pero sa huli napabuntong hininga na lang siya.

"1....."-bilang ni renzo habang naghahanda kaming tumalon.

Halos gusto ko nga mahimatay sa taas pero hula ko namang walang mangyayaring masama sa amin. Safe naman ang pagbabagsakan namin. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa sobrang kaba.

"2...

Huminga ako ng malalim at akmang pipikit ng maramdaman ko ang isang malambot na kamay ang humawak din sa kamay ko. Umangat ang tingin ko kay khanz na ngayon ay mariin na nakatitig sa akin. Para bang binibigyan niya ako lakas at tapang.

Sa pagkakataong yun, tila bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi sa takot o sa kaba. Sa gitna ng peligrong nasa amin tila ngayon lang ako nakaramdam na kakaibang pakiramdam habang hawak ni khanz ang kamay ko.

"3! Jump!"

Kasabay ng pagtalon namin ay ang malakas na pagsabog ang aking narinig. Nanatiling hawak ang kamay naming isa't-isa. Hanggang sa naramdaman ko ang bisig niyang yumakap sa akin na tila ako'y prinoprotektahan niya. Kaya naman sa pagbagsak naming dalawa, wala akong naramdaming sakit kundi ang lambot at init ng kanyang bisig na nakapalibot sa akin.

"Khanz..."-bulong ko sa kanyang pangalan habang unti-unting nanlalabo ang aking paningin.

"Kahit nasaan ka pa, hindi ako titigil hangga't hindi kita nahahanap..fvk hell! I will find you no matter what it takes."-bago ako nawalan ng malay, narinig ko ang mga katagang binanggit niya mula sa kanyang labi na lalong nagpakabog sa dibdib ko.

**

Nagising akong masakit ang katawan ko. Bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Tansya kong wala akong sa kwarto ko.

Nasaan ako?

Mariin akong napapikit ng mahilo ako pero nawala din agad kaya agad akong nagmulat. Nanatili akong nakahiga habang nililibot ang paligid. Wala ako sa hospital, yun ang pagkakaalam ko dahil nasa kwarto ako. Ang lawak ng kwarto at napakalinis. Kukay puti at blue ang kulay ng mga pader. Tapos amoy lalake dito kaya naman hindi na ako magtatakang lalake ang may ari nito.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari kanina. Tuluyan ng pumasok sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Pagkatapos akong nahimatay wala na akong matatandaang nangyari. Hindi ko na din alam kung ano ang nangyari kina drex at casz. Hindi ko na alam kung nagtagumpay ba kami o nakatakas si mondriguez dahil tuluyan na akong bumigay at nawalan ng malay.

Ano kayang nangyari? Nasaan ako? Sinong kwarto ito?

Akmang aalis na sana ako sa kama ng bumukas ang pinto at tumambad sa harapan ko si casz. Maaliwalas ang kanyang mukha kaya naman yung nabawasan ng kaunti ang pangamba ko.

"You okay now?"-tanong niya at saka sinara ang pinto.

Naglakad siya papalapit sa akin at saka sumandal sa pader habang nakahalukipkip,

"Okay na ako."-tipid kong tugon, napatango tango naman siya.

Natahimik kami ng ilang minuto. Gusto kong magtanong pero nahihiya ako. Ang dami kong gustong itanong pero natatakot ako sa maaari niyang sagot.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakatakas si mondriguez. Magiging Impyerno ang buhay ko kapag buhay pa siya. Natatakot ako na baka ang mga malalapit na sa akin ang idamay niya.

Nang mapansin niyang hindi ako umimik, nagsalita siya.

"Don't think to much ahli. Just rest."

"P-paano kung balikan ako ni mondriguez?  P-paano kung idamay na niya ang mga kaibigan at pamilya ko?"-kinakabahan kong tanong, bakas sa tono ko ang labis na takot at pangamba.

Natawa naman siya ng mahina dahilan para magkasalubong ang kilay ko.

"At natatawa ka pa talaga sa mga sinabi ko?"-inis kong sabi.

"Your thinking too much. Don't worry, that will never gonna happen again."-kalmado niyang tugon, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Look, hahayaan ba naming hindi magtagumpay ang plano natin lalo na't marami na tayong naisakripisyo? Kapag nagplano kami, palaging tagumpay walang mintis."-at saka siya umiling pa.

"Ibig mong sabihin..."-napalunok ako at ang mga bumara sa aking dibdib ay tila nawala. Ang bigat ng damdamin ko ay tila gumaan.

"Yeah your right. Mondriguez is gone. And sorry for the bombs. Hindi ko naman aakalaing dadalhin ka pa sa loob ng abandonadong bahay ng gagong mondriguez na yun."

"I-ikaw ang nagtanim ng mga bombang yun?"-takang kong tanong.

"Well, yeah..."-kibit balikat niya sagot.

Napalunok ako.

Bakit pa ba ako magtataka? Iba talaga ang pagkakakilanlan ko sa kanila.

Gusto kong tanungin sa kanya ang mga sinabi ni mondriguez sa akin. Gusto kong tanungin kung bakit azazel ang tawag nila kila casz. Kung ano ang atraso nila kay mondriguez para umabot sa ganitong sitwasyon. Alam ba nila na isang mafia ang pamilyang kinalaban nila? Paano kung makulong sila dahil sa ginawa nilang pagpatay kay mondriguez?

"S-sino ang p-pumatay kay..."-napalunok ako. "...m-mondriguez?"-kinakabahan kong tanong sa kanya.

Napabuntong hininga siya sa tanong ko. "It's better for you to not know anymore. Don't think too much. As long as your with him, your safe."-seryoso niyang sabi at saka kalaunan ay ngumiti siya.

Lalo akong nagtaka sa mga pinagsasabi niya.

Bakit hindi ko pwedeng malaman? At sino naman ang sinasabi niya?

Minsan talaga ay nakakalitong kausap ang mga ito.

Magsasalita pa sana ako ng makarinig kami ng ingay sa labas. Nagkatinginan kami ni casz na may nagtatakang ekspresyon.

Anong nangyayari?

Hindi ko alam pero bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pakiramdam ko, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Stay here."-bilin pa niya bago ako linayasan.

Pero mukhang hindi ko masusunod ang sinabi niya dahil parang may isip ang katawan ko. Namalayan ko na lang na naglalakad ako palabas ng kwarto.

"Dammit! Bakit siya pa? Why did you let her get into this fvking situation!"

Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang boses na yun. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sobrang gulat. Lalong dumagundong ang kaba ko.

Paano niya nalaman na nandito ako?

Nakarinig ako ng malakas na pagkalabog kaya naman tumakbo na ako patungo sa salas kung saan nandun silang lahat.

Si zadkiel na bakas sa kanyang mukha ang galit. Nasa likod niya si drex at renzo para pigilan ito sa anumang gawin niya at nakaupo na sa sahig si khanz habang hawak ang labi niya habang nakatayo lang sa gilid si casz.

Lalo akong kinabahan ng makita si zad. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Hindi basta-basta nagagalit si zad sa kahit sino dahil mahaba ang pasensya niya.

"Don't you dare drag her into this khanz dahil kaya kong talikuran ang pagkakaibigan natin kapag may nangyari sa kanyang masama."-bulalas ni zad at saka dinuro si khanz na ngayon ay walang ekspresyon na sa mukha.

"Z-zad..."-di ko napigilang sambitin ang kaniyang pangalan dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

Gulat silang lahat maliban kay khanz  na nanatiling walang ekspresyon habang si zad ay hindi pa din nawawala ang galit.

Lalo akong napalunok at kinabahan.

Naglakad papalapit sa akin si zad at bawat hakbang niya ay parang gusto ko na lumubog sa kinatatayuan ko.

Alam na niya...paano?

"Let's go."-malamig niyang sabi at hinila na lang ako basta palabas ng bahay. Saka ko lang nalaman kung nasaan ako.

Nasa Headquarters ako ni khanz. Nakapunta na ako dito noon.

Ng makalabas kami, mabilis niya akong pinapasok sa kanyang kotse. Sobrang lakas ng pagkakasarado niya ng pinto kaya ramdam ko talaga na galit siya. Natatakot ako kay zad.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung magso-sorry ako dahil naglihim ako o mag e-explain muna. Kinakabahan ako.

Nang makapasok siya sa kotse, natahimik kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa.

"Layuan mo sila ahli."-basag niya sa katahimikan.

Nagulat ako dun sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata.

"Z-zad---"

"Why did you lie to me?"-napakagat labi ako ng marinig ang boses niyang maalumanay na.

Nawala ang galit sa mukha niya at nakikita ko sa harapan ko ang dating zad na kaibigan ko.

Hindi ko alam pero naiiyak ako. Hindi ko aakalaing, ganito na lang siya mag alala sa akin. Kaya niyang pigilan ang galit niya pagdating sa akin.

"S-sorry..."-tuluyan ng nagsibuhusan ang mga luha ko.

Pagdating kay zad, ang hirap magpigil ng emosyon. Dahil siya lang naman ang taong nakaka alam sa mga kahinaan ko.

Humarap siya sa akin at nakita ko kung paano lumambot ang mukha niya ng makitang lumuluha ako.

"Ayoko lang na mag alala ka at ayoko na ding madamay ka. Z-zad, kayo na lang ang natitira sa akin. Natatakot ako na...na madamay kayo sa gulong napasok ko. Ayoko nang mawalan..."-bulalas ko.

"Ahli...hey..."-mabilis niya akong niyakap dahilan para lalo akong napaiyak sa dibdib niya.

"You don't have to do that. As long as you have me, tutulungan kita. Nandito ako kaya naman huwag kang matatakot na magsabi sa akin. I can always protect you no matter what..."

Saka ko lang napagtanto na hindi pala ako nag iisa dahil nandiyan si zad para tulungan ako. Ang tanga ko lang dahil naglihim ako sa kanya. Ang tanga ko lang dahil hindi ako nagtiwala sa kaibigan ko na handa niya akong tulungan sa kahit anumang bagay.

I'm sorry zad...

________________________________________

A/N: Drex is in the multimedia,  check it out. And also, don't forhet to vote and follow. God bless!♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 780K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1K 51 47
SYPNOSIS Reixa grew up in a poor family with only her mother supporting the three of them, she always imprinted in her mind all the sufferings and sa...
25.1M 628K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...