Dating My Ex

By makiwander

1.2M 41.7K 5.5K

"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance More

Prologue
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Ex.5
Ex.6
Ex.7
Ex.8
Ex.9
Ex.10
Ex.11
Ex. 12
Ex. 13
Ex 14
Ex 15
Ex 16
Ex 17
Ex 18
Ex 19
Ex 21
Ex 22
Ex 23
Huling Kabanata

Ex 24

39.7K 1.2K 82
By makiwander


"Sigurado ka, Bes? Pupunta ka? Alam mo naman ang pupwedeng mangyari doon hindi ba?" Inayos ni Lexy ang pagkakakulot ng buhok ko.

Isang puting sweetheart neckline tube ang suot ko, ang haba noon ay hanggang tuhod lang. A pair of pearl stud earring and a bracelet are my only accessories.

Tumango ako, "Inimbitahan niya ako. Sino ba naman ako para tumanggi?"

Napangiti si Lexy, "Kalma ka lang doon, baka naman mag-emote ka pa doon."

"Hindi." Umiling ako, kanina nga ay nagtext pa sila Kristel at Jax, tiniyak na makakapunta ako. I am going for them, too. Gusto ko silang makita bago ang pagtungo ko sa Europe para mamasyal sa huling pagkakataon. I still have savings from my last treatment. Imbes na magpatingin muli sa doktor ay hahayaan ko na lang ang pangyayari. I want to seize life, whatever's left of it.

"Hindi na ba talaga mapipigilan ang pag-alis mo?"

"Ano ka ba, Lexy? Napaka-clingy mo para sa kaibigan." Umirap ako.

"Gaga, alam mo naman kung bakit hindi ba?"

"Bakit naman kasi ako mananatili dito, Lexy? Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain! Ayoko ng putik!"

"OA ha, akala ko ba kasi wala ka nang kamag-anak?"

"Lately ko lang nalaman na miyembro pala ako ng Royal Family, it figures." Dinaan ko sa biro ang pagsisinungaling. Sinabi ko kay Lexy na naimbitahan ako ng kamag-anak na manirahan kasama sila. Ilang taon na siyang nag-aalala para sa akin, hindi ko hahayaang hanggang sa huli ay ganoon pa din.

"It recurred, I am sorry, Gabby.."

"What are the options, Doc Robles?" Seryoso kong tiningnan ang doktor na kasa-kasama ko sa sakit ko sa unang pagkakataon.

"We can do another treatment. Scrape the tumor out of your brain, get a radiation therapy after. Exactly what we did almost two years ago."

"Mabubura ulit ang alaala ko?"

"Maybe. Maybe not. Maswerte kang bumalik nga iyon."

"Babalik ba ulit ang tumor kapag pinatanggal ko?"

"18 to 21 months are given for the tumor recurrence. In your case, it was earlier Hindi naman lahat ng pasyente ay umuulit ang bukol.." Doctor Robles sighed. "I want to be honest with you as much as possible, Gabby. Your mother died because of cancer, not because of the car accident. Your father died because of the car accident but your mother survived yet died after because of the stress. Your cancer is heriditary."

"Paano kung hindi ko ipatanggal? How much time do I have?"

"I do not suggest that you will refrain from treatments, Gabby. It will be painful."

"How much time, Doc?" Giit ko.

"Four, six months?"

"That should be enough."

"Miss Semilla, nahihibang ka na ba?"

I shook my head. "Siguro nga. Everyone will die, Doc. I accepted this fate years ago."

"Gabby!" My friends cheered when they saw me. May mga hawak silang mga baso ng alak sa kanilang kamay at nagkikislapan ang suot nila Kristel at Yuri. Ang mga boys naman ay nakasuot ng pormal na suit at talaga namang guwapong guwapo.

"Huwag kayong mag-ingay, para dumating lang star of the night, nagkakagulo na kayo."

Mas lalo silang nagpalakpakan at talaga namang hindi na nila napigilan ang mga taga-hanga ko.

"Ganyan nga mga human, magbigay pugay kayo sa diyosa."

The hotel function room was filled with fresh white daffodill and white roses. Humalimyak iyon sa buong lugar kasabay ng amoy ng cinnamon at vanilla. Mga sikat na personalidad ang nasa paligid at humalo ang ilang empleyado na nakikisaya din.

This is DVC's anniversary party. Napayuko ako nang makita ang ilang miyembro ng pamilya ng mga Dela Vega dahil sa hiya. I caused ruckus inside their family years ago, mabuti nga't nagkaayos na si Favius at Mikel. Hinila ni Kristel ang kamay ko para lumapit sa buffet table at hindi na ako nakawala.

"Sandali, Kristel.."

"Hindi ka pa kumakain. Sosyal ang mga pagkain dito, alam kong magugustuhan mo." Sa kabila ng pagpapabigat ko ay nakarating kami agad sa unahan nang humiwa kami ng distansiya sa mga tao na parang may maliit na usapan sa mga cocktail tables.

Nabitiwan ni Kristel ang kamay ko at nagpatiuna na siya, sinubukan ko siyang habulin hanggang sa mabangga ang ng isang bulto. I lost my balance but then a strong arms carried my weight. Hindi agad ako nakakilos at napalunok na lang.

"S-sa pelikula, magtititigan ang mga bida at magkakaroon ng kissing scene." Kumurap kurap pa ako sa hindi kapani-paniwalang kagwapuhan ni Mikel. He's wearing a white tux with black lining. His hair was comb to a sleek back. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at saka ako dahan dahang itinayo.

"You're here." Bulong niya.

"You invited me, my God, Mikel. Sabi na nga ba't pinaplastik mo lang ako. Ikaw talaga!"

Tatalikod na sana ako nang hilahin ako ni Mikel.

"Ano ba, huwag mo akong hilahin dahil kukuha ako ng pagkain! Pagkatapos uuwi na ako. 'Wag kang panira ng plano."

"Gabby, you don't understand. Kapag pumunta ka dito.." Huminga siya ng malalim, "Akin ka."

"A-anong pinagsasasabi mo?"

Nasa ganoon kaming ayos nang may magsalitang emcee doon sa harapan.

"This is a very special day for the Dela Vega's as we celebrate their 50th anniversary. Not only that, may we call on DVC's CEO here on stage, Mr. Mikel Croix Dela Vega—"

Tiningnan muna ako ni Mikel pagkatapos ay humakbang patungo sa stage, naroon din si Scarlette kasama ang kanyang pamilya. I saw Lola G and Mikel's father. Naroon din ang pamilya ni Elera at Elixir. Tila isang giveaway ang susunod na mangyayari.

"Madame Guada was waiting for this moment, in fact she's excited. Ilang buwan na din naman itong laman ng society pages so I know everyone has guesses?"

Lola G was giggling, I felt a void in my heart but I chose to ignore. This is how it is supposed to be. Ganito na kalayo ang inabot ng pang-iiwan ko noon. Nagkaroon na sila ng kani-kaniyang buhay na wala ako.

There are things that you have to accept the consequences no matter how painful it is. Because you always choose what is right than what will make you happy. You should know how bad it would feel. Wala kang karapatang umiyak at manghinayang.

Kaya hindi ko maintindihan ang makukulit luha ay gusto na namang magpapansin sa desisyong ginawa ko na nasa harapan ko na ngayon. Para iyong malaking sampal sa akin.

Masaya akong makita si Mikel na lumagay sa tahimik bago ako mawala pero hindi ko maiwasang masaktan.

That's the way it is. Ito ang ginusto kong makita noon pero hindi nangyari agad agad.

"I am sorry but this is a mistake."

Napalingon ako sa stage at nakitang si Mikel ay panay ang hingi ng tawad sa lahat ng taong naroon. Ang mga bisita ay panay ang bulungan. Scarlette was in tears and shaking her head.

Nilingon ako ni Mikel, sumunod ang ulo ng mga naroon sa stage. Naunang nagmartsa si Scarlette patungo sa akin pero nilagpasan siya ni Mikel at hinila ako papalabas ng fuction hall. Walang ni isang salita ang namutawi sa akin.

Binalot kami parehas ng kadiliman sa labas ng hotel pero patuloy pa din kami sa paghakbang papalayo, pinagtataguan ang mga humahabol sa amin. Natanggal ang isa sa suot kong sapatos at iginalaw ang kabila para tuloy na mawala iyon at nagpatuloy sa paghakbang na walang panyapak. Unti-unti ay parang binubuhusan ako ng common sense habang papalayo kami.

"Mikel! Mikel! Stop. Sandali lang!"

Tumigil si Mikel pero hindi pa din binitiwan ang kamay ko.

"You made a mistake years ago and we need to correct it. We will correct that, Gabby. We should be together."

"Mikel, paano si Scarlette? Paano ang pamilya niyong umaasa sa inyong dalawa? Ano? Hahayaan mo na lang 'yon? Hindi 'yon tama Mikel!"

"At ano ang tama? Yung ginawa mo seven years ago? Yung iniwan mo ako? Hindi mo ako isinama sa mga desisyon mo?"

"Hindi mo naiintindihan, Mikel!" I was in hysteric.

"Ano ang hindi ko maintindihan? Tanggap ko na ang ginawa mo noon. Sapat na ba iyon? Gusto kong tayong dalawa pa din sa huli! Pupwede na ba iyon, Gabrielle? Mahal kita! Kahit paulit ulit mo akong saktan, paulit ulit pa din akong babalik dahil sa'yo 'to. Sa'yong sa'yo!" Galit na itinuro ni Mikel ang kanyang dibdib na namumula na din ang mukha sa galit. Hinang hina akong ibinukas ang bibig ko. Ilang beses, walang lumabas na salita. Ilang beses, binigo ako ng pagpapaliwanag. Umalpas ang makakapal na luha na nakipag-unahan. Sayang, bakit hindi kami pupwede? Sayang, bakit malabo ang maging kami?

"Mikel, I am dying. I still am dying! I have this—this tumor on my brain." Hirap na hirap ang dibdib ko sa pagpapaliwanag. "Mikel, bumabalik lang siya kahit anong gawin ko! Kahit ipatanggal ko siya ng ilang beses, bumabalik.." Sumbong ko na nanghihina. "Gusto kong labanan ang sakit ko, pero wala eh. Wala." Hinanakit ko na namamaos at wala nang magagawa pa.

Natulala si Mikel habang unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko na napigilan ang mas maraming luhang umalpas sa mga mata ko.

"And I still want to see you end up with someone who will take care of you. Kahit hindi ako 'yon." Bulong ko.

"Damn it, Gabby." Kumuyom ang kamao ni Mikel sa pinipigilang galit, "Damn it!"

"Mikel!" Sinubukan kong habulin siya pero hindi ko na magawang ihakbang ang mga paa ko.

So this is it? Kung hahabulin ko pa, para saan pa? Mababago ba 'non ang kapalaran ko? O ang kapalaran naming dalawa? It was painful seven years ago and it still is painful now. Or more painful now. Umasa ako sa second chance pero kinapos pa din!

Bigo kong inihakbang ang mga paa kong walang panyapak. Tiningnan ko ang paligid kung saan kami umabot sa pagtakas. Ang Baywalk. Ang paborito naming lugar. Ibinuhos ko ang lahat lahat ng hinanakit ko.

Why there are people who's capable of having second chances? Bakit epic fail yung sa akin?

"Ang tipid Mo namang magbuhos ng biyaya sa akin, Lord." Tumingala ako sa langit at itinapon doon ang lahat ng sama ng loob ko. "Pero ayaw kitang sisihin dahil Diyos ka. Alam mo ang lahat. At kahit ganito, mahal kita! Mahal na mahal kita at alam kong ganon ka din kaya excited kang makasama ako." Napahilamos ako ng sariling luha at ipinagpatuloy ang pag-iyak nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

There, I accepted defeat. I accepted that Mikel and I will part ways. Kahit papaano ay mas maayos ito kaysa una.

"Bucket list? Wala ka bang bucket list na pwede nating tuparin?"

Napalingon ako sa mayari ng pamilyar na boses, nakita ko sa tabi ko si Mikel. Pulang pula ang mata niya at namamasa din ng luha. Sa malayo din ang tingin niya, parang hindi magawa na ibigay sa akin ang tingin niya dahil galit pa siya.

"I will file an indefinite leave..."

"Mikel.."

"I will go with you.."

"Hindi na kailangan.." Tutol ko.

"Ipinagdamot mo sakin ang ilang taon, pupwede ko na bang hingin ang ilang araw? Please?" Pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

Kinuha ko ang kamay ni Mikel at saka ako nanghihinang tumango.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...