Dating My Ex

By makiwander

1.2M 41.7K 5.5K

"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance More

Prologue
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Ex.5
Ex.6
Ex.7
Ex.8
Ex.9
Ex.10
Ex.11
Ex. 12
Ex. 13
Ex 14
Ex 15
Ex 16
Ex 17
Ex 18
Ex 19
Ex 21
Ex 22
Ex 24
Huling Kabanata

Ex 23

31.3K 1.1K 51
By makiwander

"Huwag na." Kinuha ko kay Lola G ang limang CD na naalala ko pa kung bakit.

"Ibinigay ko po ito sa'yo para maipaliwanag mo kay Mikel kung bakit, kung sakaling mamamatay na ako."

"Gabby.." Lola G groaned.

"But this poor thing didn't die. Binigyan ko lang ng sama ng loob si Mikel. You want answers, Mikel as to why? I hurt you because it is the path that I chose. Tandang tanda ko pa nung nagpropose ka. Gustong gusto kitang kunin at tanggapin ang singsing na iyon, gusto kong sabihin na oo, payag akong mapangasawa mo. Isa iyong karangalan."

Pinunasan ko ang luha ko, "Pero hindi ko masabi dahil ayokong mangako. Ayokong bumuo ng pamilya gayong alam na alam ko na iiwan kita. I chose your hate than your grief while I am still living. Bata ka pa, malakas, you were slowly reaching for your dreams and I don't want you to set it aside because I am sick."

"You know that I will drop everything behind for you, Gabby." Puno ng hinanakit na sabi ni Mikel.

"Alam ko. Kaya nga ganon ang naging desisyon ko.." Hinaplos ko ang mukha ni Mikel na basa din ng luha. "Siguro kaya ako binigyan ng second chance para mag-sorry sa'yo?"

Nakikihati lang kami ng liwanag mula sa labas ng pinto ng aking kuwarto. "Mikel, wala kang naging kasalanan doon. Hindi ka nagkulang. Hindi mo na din kailangang maghirap ng ganito. Go back to your owner."

Mabigat ang naging pagtango niya, "So you don't need me, now? Great, I am more than happy to help, Gabrielle. Welcome back." Pagkasabi 'non ay tumalikod na si Mikel. Naramdaman ko ang pag-gagap ni Lola G sa parehas kong palad at kinuha ang CD na nasa aking kamay.

"I still want to see what's here. I forgive you. Thank you for your sacrifices for Mikel. I understand you, Gabby."

Mapait akong tumango at nagpaalam sa isang pahina na iniwan kong nakabukas. Ngayon ay matutuldukan na ito. I saw Mikel's retreating back. Kinapa ko ang puso ko, it is still as painful when I turned him down five years ago. It was always like this. The seven years of memories I've lost were seven years of painful longing, too. Hindi nawala ang pagmamahal ko. Hindi ko kailanman kinalimutan si Mikel anumang distansiya ang inilagay ko sa aming pagitan.

Siya pa rin.

---

"Movie? Dinner?" Sunod sunod na tanong ni Rye. Walang gana akong umiling at inabot ang bote ng pain killer para mawala ang pananakit ng ulo ko. Inayos ko ang pagkakapahinga ng aking ulo sa sofa sa apartment namin ni Lexy.

"I am sorry, I am not in the mood. Migraine." Wika ko pero alam kong higit pa iyon sa migraine. My head was throbbing on a daily basis and I lie to myself that the meds are helping.

"Gabby, alam mo naman na sigurong hindi kita niloloko, hindi ba? Merong tayo." Nakangiti ngunit bakas ang sakit sa mukha ni Rye. I nodded.

"Alam ko."

Napailing si Rye at mahinang natawa, "I know, this sounded pathetic. Alam kong hindi mo pa din ako kayang mahalin. But I can help you."

Hindi pa din kayang mahalin. Sinabi niya noon na subukan namin, sinabi kong mamamatay na ako pero mapilit siya. Sinubukan ko din naman na maging patas sa kanya, kahit na sa panahong kasama ko siya, isang tao lang ang patuloy kong minamahal.

"You cannot help me, Rye. Bakit mo ba inaaksaya ang panahon mo sa akin?" I know it sounded harsh but I feel off and don't want to mask it anymore.

"Ikaw? Bakit mo inaaksaya ang panahon mo sa kanya? May nagbago ba? 'Di ba dapat wala naman? You're memories were back and the lives of the people went back as usual. Mikel is getting married."

Parang isinampal pa ni Rye ang masakit na katotohanan sa akin. Ilang ulit akong tumango na para bang naiintindihan ko iyon kahit hindi. Laman iyon ng society pages kahit walang kumpirmasyon sa parehas na panig. Nabuhay muli ang balita na ikakasal na si Mikel at Scarlette at nakaabang na ang lahat.

"Gusto ko munang mapag-isa, Rye. I want silence, sorry. Migraine." Ulit ko ng dahilan. Nakakaunawang tumango si Rye sa akin pagkatapos ay tahimik na lumabas ng apartment.

Kinuha ko ang magazine na kakabili pa lang ni Lexy, muntik pang hindi ipakita sa akin iyon pero nakita ko din naman. It is all over instagram. Kahit ata bingi, maririnig ang balita.

'Ah! You need to keep moving, Gab.' I whispered to myself ignoring the pain on my muscles. Tumayo ako at nagbihis ng panlakad at napagpasyahang lumabas na muna ng apartment. Ilang linggo na akong nanatili doon, nawalan na din ako ng ganang i-charge ang cellphone ko.

Tinungo ko ang pinakamalapit na baywalk sa apartment namin ni Lexy. Hindi ako confident na maglakad lakad sa malalayong lugar dahil sa nararamdaman kong madalas na pagkahilo. Maybe still the side-effect of my regained memories.

"Dalawang scoop ng keso-langka, Manong." Sambit ko doon sa nagtitinda ng ice cream na agad namang sumalok mula sa kanyang cart. Naghanap ako ng bayad sa aking bulsa at nang iabot sa akin ng sorbetero ang order ko ay may malaking kamay ang kumuha doon kasabay ng paghablot ng sorbertero ng fifty pesos ko.

"Hey!" Ungot ko sa lalaking nakatalikod na dinilaan na ang ice cream ko. "Bayaran mo sa akin yan, tirador ka ng ice cream!" Gigil na sambit ko. Nanginig ang likod ng lalaki kaya naman hinabol ko iyon at tumayo sa harapan niya. Napaatras ako nang mapagtanto kung sino iyon. Nanliit ang mata ko sa nakangising si Mikel.

Iniumang niya ang ice cream na may kagat na niya. "Gusto mo pa?" Tanong niya na tila nang-aasar. Taas noo akong nagpamewang at saka kinagatan din ang ice cream. Akala niya aatras ako?

Tumaas din ang kilay niya at kinagatan muli ang ice cream, I did the same, I placed my hand on top of his hand to get a grip. We were attacking the ice cream until it almost melted in both of our hands. Nagkatinginan kami nang matapos na ang aming pinag-aagawan.

"Ubos na!" Reklamo ko. "Bayaran mo yan."

"Bakit ko babayaran? Kumain ka din naman."

I sneered at him. Kinuha niya ang kamay ko at pinagdaop iyon. Hinila niya ako patungo sa water fountain at hinugasan ang parehas na kamay namin. Tinuyo niya ang mga kamay namin ng panyo mula sa bulsa ng kanyang slacks.

"Long time, no see. Kumusta?"

"Maganda pa din. Limpak limpak pa din ang sex appeal. Ikaw?"

"Miserable. Tara, bili tayong fishball."

Hindi ko alam kung anong iniisip ni Mikel pero sumunod naman ako sa kanya. Himala ding nawala ang pananakit ng ulo habang naglalakad kami sa baywalk na tanging malamlam na ilaw na lang ang nagsisilbing liwanag dahil sa tuluyang paglubog ng araw.

Ipinahinga ni Mikel ang kamay niya sa aking balikat at bilang isang tanga, hinayaan ko na naman siya.

"I was waiting for you to come here." Aniya. Nilingon ko siya at sinubuan ng fishball.

"Paano mo nalaman na pupunta ako dito?"

"You are that predictable, Gabby. Hindi ko lang nahulaan ang sakit mo and somehow I felt responsible to that. Masyado akong naging masaya nung tayo pa. Akala ko wala nang pupwedeng sumira sa kasiyahan kong yon. Or maybe I was unconsciously rejecting the thought."

"Pinapatawad mo na ba ako?"

"I cannot stay mad at you that long, Gabby."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. "I know, I don't deserve you."

"Neither was I. Paano mo nakayang wala ako sa tabi mo, Gabby? Bakit mo piniling hindi ko hawakan ang kamay mo tuwing nasasaktan ka? Bakit hindi mo sa akin ibinahagi ang ilan para mas lumakas ka pa?"

Parang gripo na kusang tumulo ang mga luha sa mata ko. Nahihirapan akong huminga. Sa wakas ay tanggap na niya ang nangyari at ngayon ay inuusig naman ako ng aking konsensya. Bakit nga ba hindi? Bakit nga ba ako nagdesisyon para sa sarili?

Hindi ba ang relasyon ay pandalawahan? Ang pagmamahalan, ang away, ang desisyon ay pandalawahan. Hindi tatayo ang isa kung hindi sasama ang kabila. Paano ko nagawang tiisin si Mikel at saktan ng ganon?

"Dahil ayokong manghina ka." Impit na pakli ko, ang tanging sagot sa lahat ng mga tanong. "Hindi kita bibigyan ng kahit anong makakabawas sa iyo. I want you to gain and nothing to lose in loving me. I loved you that way, Mikel at hindi ako mahihiyang sabihin na hindi ko pa din napapatawad ang sarili ko sa pananakit sa'yo."

"So you think I am better without you? You think I became better?"

"You are, Mikel." And I wish I was there to see that.

Mahina siyang tumango. "DVC is throwing a party this coming Saturday. Your friends wants to see you."

Just like that, I know that this will be the end of this. This may be the calm after the storm. Or was it?

---

Hinaplos ko ang perlas na bracelet sa aking pulsuhan. The feeling was there. Sinasabi ko na nga ba, hindi nakalimot kailanman ang puso ko na si Mikel ang tanging kinikilala. Pakiramdam ko ay hindi ako naging patas sa sarili ko at lalo't higit kay Rye.

Pinanood ko siyang itulak ng alon at suwabeng kumilos sa ibabaw non. He's like showing who the god is. Nakangiti niyang nilagpasan ang bawat pagsubok ng alon na siya at patumbahin. Nakaabang ako sa kanyang paghinto sa dalampasigan. Malungkot kong kinainggitan ang kanyang kakayanan na makipagtagisan sa alon, nabigo ako sa sa parteng iyon.

"Ang layo ng tingin mo."

Kumislap ang tubig sa balat ni Rye at naambunan ako ng patak ng tubig alat doon. Pinalis niya ng kamay ang tubig at saka seryoso akong tiningnan.

"Salamat sa pagsama sa akin sa huling pagkakataon, Gabby."

"Rye?"

"I am not blind, Gabby. You're not happy. Kahit naalala mo na ang lahat, alam kong hindi pa ko din siya napalitan sa puso mo. Go catch the ex and make it work." Pinilit niyang ngumiti.

Umiling ako. "Hindi, Rye. Maayos na ang lahat."

Pinigil ni Rye ang pagsasalita ko. "Hindi maayos ang lahat kung merong hindi masaya. I always wished for your happiness, Gabby. Regardless on where, what and who. No one can define happiness for you but yourself. This is not it. Hindi ka naman bulag, hindi ba?"

Tumango ako, "I want him." Pag-amin ko. "But I cannot take him back because of my decisions in the past. Dapat panindigan ko iyon. At ngayon, Rye, may isa pa akong kinatatakutan.."

Tumingin sa malayo si Rye at hinawakan ang parehas kong kamay, mahigpit. "Have you had yourself checked? Nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang pananakit ng ulo mo."

Mas lalong lumakas ang hinagpis ko, "Natatakot ako."

"Saan?" Kalmadong ngumiti si Rye at tumingin sa malayo.

"Baka maigsi na lang ang buhay ko. Baka hanggang dito na lang talaga."

"Then all the more that you have to seize it. Gabby, lumaban ka. Sulitin mo ang oras na meron ka. Just, just be honest this time. Hindi lang ikaw ang marunong masaktan."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...