Dating My Ex

Por makiwander

1.2M 41.7K 5.5K

"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance Mais

Prologue
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Ex.5
Ex.6
Ex.7
Ex.8
Ex.9
Ex.10
Ex.11
Ex. 12
Ex. 13
Ex 14
Ex 15
Ex 16
Ex 17
Ex 18
Ex 19
Ex 21
Ex 23
Ex 24
Huling Kabanata

Ex 22

30.2K 1K 84
Por makiwander


Maingay ang bakuran umaga palang dahil sa paghahanda para sa fiesta ngayong bisperas. Ngayong araw ay nagpaalam si Mikel na maagang umalis para tingnan ang lupaing ibinebenta sa kanila sa Lucban at nangakong babalik bago ang pananghalian.

Binuksan ko ang bintana at sumalubong sa akin ang preskong amoy ng mga hinihiwang pampalasa. Merong folksongs na pinapatugtog mula sa stereo at ang masasayang kwentuhan ng mga kababaihan ang humalo sa preskong hangin.

Tumakbo ako pababa ng hagdan nang makaligo na ako para makisali sa kasiyahan pero natigil ako nang makita ko si Lolo G na kakapasok pa lang sa salas.

"Good morning, G!"

"Anong maganda sa umaga?" Iiling iling na nagpatuloy si Lola G papasok ng mansyon habang may iniipit sa kanyang daliri.

"Nasugatan po kayo?" Sinundan ko si Lola G. Walang kasambahay sa paligid, malamang ay dahil tumutulong din ang lahat sa pagluluto. Hindi ako sinagot ni Lola G at dumiretso sa dirty kitchen, binuksan niya ang medicine cabinet doon at kumuha ng ilang gamit. Ako ang sumalok ng mga kinuha niya at dinala iyon sa lamesa.

"Ako na po." Akmang kukuhain ko ang kamay niya pero inilayo niya iyon sa akin at sinimangutan.

"Umalis ka nga sa harap ko! Hindi ako masayang nandito ka at kahit ano pang gawin mo, hindi magbabago ang pananaw ko sa iyo!"

Nasasaktan ako sa malamig na pakikitungo sa akin ni Lola G, matalik na magkaibigan kami noon pa man dahil isa siya sa naawa sa sitwasyon ko. Tuwing may away kami ni Mikel ay mas kinakampihan pa niya ako kaysa sa sarili niyang apo. She's the family I never had. Hindi lamang ako makapagreklamo. Tiyak kong merong malalim na dahilan ang malamig na pakikitungong ito.

"Hindi naman po kailangang magbago ang pananaw niyo. Tutulungan ko kayo sa sugat ninyo dahil mabuti akong tao. Maganda na, mapagkawang gawa pa. Good catch, hindi ba?" Biro ko. Granny sneered at me but she gave me her hand anyway.

Nilinis ko muna ang sugat na palagay ko ay mula sa pagkakahiwa pagkatapos ay maingat iyong binalutan ng guaze.

"Nakakamiss yung version niyo ng Kaldereta, Lol—G."

Umirap si Lola G pagkatapos ay sumilip sa malaking bintana kung saan merong grupo na nagsisimula nang mag-gisa. "Lulutuin ko nga iyon ngayon kung hindi lang ako nahiwa. Malabo na ang mata ko."

"Gusto niyo po, ako na lang ang magtuloy?"

"Hindi ka naman masarap magluto."

"Kuu, sinasabi niyo lang yan kasi galit kayo sa akin. Nung bati niyo pa ako, ang sabi niyo kuhang kuha ko ang recipe niyo. Gata at peanut butter ang sikreto niyo, 'di ba? Kayang kaya ko iyon!"

Hindi umimik si Lola G. Halatang ayaw niyang makialam ako. Tumayo ako para magpaalam.

"Tutulong na lang ako sa paghihiwa, G. Maiwan ko muna kayo."

Nakakatatlong hakbang na ako nang tumikhim si Lola G, "Ipakuha mo kay Mayla ang sangkap ng kaldereta. Ipadala mo sa kusina, ikaw ang magluluto at sasabihin ko kung paano."

Nakangiti kong binalingan si Lola G pero umismid muli siya, "Wala lang akong choice."

"Opo, naiintindihan ko, G."

Pinagtulong-tulungan ng mga kalalakihan na taga baryo ang ilang kilong karne papasok ng kusina. Inutusan ako ni Lola G na maglagay ng bawang, sibuyas, asin, paminta at kalamansi doon sa karne. Sinabi niyang haluin kong mabuti ang karne para lumambot.

"G, kung lamutakin ko din kaya yang puso niyo para lumambot sa akin, effective kaya?" Biro ko kay Lola G habang minamasahe ang karne ng baka sa malaking kawa.

Nagsalubong ang kilay ni Lola G, "Eh kung lamukusin kaya kita at ihagis sa labas ng pamamahay ko?"

"Nagtatanong lang eh." Binalikan ko ang mga karne at minasahe with tender, love and care. Nasa ganoon kaming sandali nang merong pumasok sa kusina. Napangiti ako nang makilala kung sino iyon.

"Lola!" The tall man with huge frame greeted Lola G. Nakasuot siya ng gray v-neck shirt na hinulma ng husto ang kanyang katawan at ang maong niya at binalangkas ang muscles sa kanyang binti. Napawi ang ngiti ng lalaki nang makita ako.

"What are you doing here?" Pabagsak na tanong ng lalaki sa akin.

"Hi Favius." I greeted despite his cold query.

"Favius, nasa Lucban si Mikel kasama si Terrence, tumitingin ng lupa doon." Singit ni Lola G.

"Why are you here?" Ulit sa akin ni Favius, ang pinsan ni Mikel. Mas nagsalubong ang kanyang kilay. Favius is the most rough among the cousins. Walang malambot sa kanyang pagkatao. If the Dela Vega men were raised to be gentlemen, ibahin doon si Favius. He's not totally bad, but he's crass.

"Dinala siya ni Mikel dito. Hindi ka nagpasabing darating ka. Magpahinga ka muna sa kuwarto mo."

Pinasadahan ako ni Favius ng kakaibang tingin, binasa niya pangibabang labi. He tousled his hair as if it is not tousled enough. Kinabahan ako ng bahagya sa akto niyang iyon.

Naiiling na tumalikod ito pagkatapos.

"Favius! Let's talk." Sabay na nawala si Lola G at Favius sa kusina. Napabuga ako ng hangin at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ang pagdating ni Mikel ng pananghalian ay hindi nangyari. Nagtext siyang gagabihin dahil sa nag-intay pa sila sa mayari ng lupa para makausap. Sinabi kong ayos lang ako. Dahil sa tensyon sa loob ng mansyon ay pinili ko din na manatili sa labas para tumulong sa mga kababaihan.

"Alam mo kasi, dapat tinatanong mo siya kung 'mahal mo ba ako kaya kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako.' ganern." Turo ko kay Tina na isang dalagang namumrublema sa pag-ibig.

"Naku, narinig ko na iyon, Ate Gabby."

"Pero totoo naman yon di ba? Ang problema sa kanya, syinota niya ang bestfriend niya."

"Ate Gabby talaga! Mapagbiro ka."

"Gabby, ipinapatawag ka ni Donya Guada." Napalingon ako kay Manang Mayla. Binutiwan ko ang kutsilyo na hawak ko at sumunod sa kanya papasok ng mansyon.

"Iluto na natin ang kaldereta." Bungad sa akin ni Lola G nang makita ako. Tumango ako at sumunod sa kanya patungo sa kusina.

Sunod sunod ang mando ni Lola G at sinusunod ko naman iyon. Napapatango siya kapag tama ang aking ginagawa. Nakikihalo din siya paminsan minsan. Papatapos na kami nang mayroon muling bulto ang pumasok sa kusina.

"My favorite Lola!" Humagikgik ang lalaking hinahanap ng mata ang kanyang lola. I smiled when I saw Puma, ang kapatid ni Red. Napaawang ang labi niya.

"Man, my favorite model is here.." Kumindat sa akin si Puma at saka ako inakbayan.

"Puma, pumasok ka doon sa loob, iwanan mo kami dito." Muli ay hindi naging kumportable si Lola G sa presensiya ng kanyang apo na dumating.

"Ikaw naman, Lola. Ngayon ko lang nakita ulit itong laman ng panaginip ko habang nagbibinata ako eh." Puma was always blunt pero bata pa siya noon. I think he's now 23.

"Before your cousin snap at you, leave us alone, Puma."

"Who's cousin? Favius or Mikel?"

"Puma!" Mas lalong malakas na sigaw ni Lola G. Itinaas ni Puma ang dalawang kamay niya nang natatawang iniwan kami sa kusina. Hindi na ako nagsalita muli nang iwan kami ni Puma. Sunod sunod ang kumakalabit sa isipan ko habang hinahalo ang kaldereta doon sa kalan.

"Naghapunan ka na ba?" Dumikit ang balat ni Lola G sa aking kamay at inagaw ang sandok, doon lang ako bumalik sa huwisyo.

Ngumiti ako at umiling kay Lola G. "Nabusog na po ako doon sa labas kakapatikim nila sa akin ng iniluluto."

"Halika muna." Hininaan ni Lola G ang apoy at saka umupo sa upuang kahoy. Umupo din ako at saka inalis ni Lola G ang net cover ng nasa gitna ng lamesa. "Tikman mo itong puto bao. Hindi pa paborito mo ito?"

Itinulak sa akin ni Lola G ang kulay ube na kakanin. Puto Bumbong din ito na bersyon ng taga-Gumaca.

Natutuwa kong kinuha ang platito saka humiwa ng maliit mula doon. Nalasahan ko ang pamilyar na matamis sa aking dila at hindi ko mapigilan ang pakiramdam na parang kailan lang ang huli. Sumubo ako muli ng isa at hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaluha. Sunod sunod akong sumubo sa pag-aakalang pipigilan non ang nadarama kong emosyon.

"Sorry po, Lola G. Hindi ko po talaga maalala ang ginawa ko. Kung ganon po kalaki, patawad po talaga at hindi man lang ako nagdalawang isip na magpakita pa sa inyo muli. Alam kong tahimik na kayo. Sorry po."

Bumuntong hininga si Lola G. Inalis niya ang salamin niya at nagpunas ng mata. "Ano bang nangyari sa'yong bata ka? Akala ko hindi na kita maiintindihan noon pero mas lalo kitang hindi maintindihan ngayon. Bakit ka pa kasi bumalik? Ayos na ang lahat, ayos na si Mikel." Mahina ngunit bakas ang malungkot na boses ni Lola G.

"Puma, stop it!" Narinig ko ang baritonong boses ni Favius, sabay kaming natigilan ni Lola G nang bumalik si Puma sa kusina at hila-hila siya ni Favius sa damit.

"Goddammit, Puma! Stop it!" Namumula ang mukha ni Favius at hindi ikinubli ang galit sa pinsan.

"Magpapapirma lang naman ako! Ang tagal ko nang itinago ito, nagkadikit dikit na nga ang pahina!" Malakas na tumawa si Puma na nanunuya at ibinato sa lamesa ang magazine.

Victor Magazine.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang sarili ko doon. Nanginginig ang kamay ko nang kinuha ang magazine na iyon.

"Puma! What are you doing?" Nanginginig din ang boses ni Lola G.

"The hell, Puma! She cannot remember everything!" Favius explained. Dumaan na lang iyon sa aking tainga.

"So what? Should we care about it as if she did not ruin this family? Kaya nga wala nang umuuwi dito dahil sa kanya. That b*tch is capable of wrecking us! You and Mikel!"

Binuklat ko ang pahina ng magazine. This was 5 years ago. Kuha ito ni Victor Lo. Now it all makes sense now. Kung bakit ako kilala ni Victor, kung bakit galit sa akin si Mikel. Marahil isa ito sa dahilan.

"The sl*t kissed you in front of everyone when Mikel proposed to her. Damn it! Ano ba yan? Think people! Manggugulo lang ang babaeng yan! Hindi naman natin siya kaano ano."

Hindi ko matagalan ang paninitig sa larawang wala akong damit. I never thought I will ever do that. Hindi ko iyon magagawa. Umiling iling ako. Gusto kong maglaho na lang bigla pero imbes na hilingin yon ay naramdaman ko ang matinding pananakit ng ulo.

"Gabby!" Sabay na sigaw ni Favius at ni Lola G. Nanginig ang ulo ko sa sobrang pananakit. Seizure, so this is how it felt seven years ago. I saw illusions, I saw my parents in front of me, I heard voices talking all at the same time. I saw memories, fragments of it. Walang kwento at walang pagkakaayos. Mas lalo kong ininda ang pananakit ng ulo ko.

"Ahhhh!" Sumigaw ako dahil parang sasabog iyon. Bumagsak ako sa sahig. Nakita ko si Mikel. Tumatakbo papalapit sa akin, hindi ko alam kung totoo din ba iyon o isang ilusyon. Nakita ko si Puma, sasaksakin niya ako. Nakita ko si Favius, nakaambang sasakalin ako.

"Huwag! Please, huwag!" Sumigaw ako hanggang sa unti-unting nawalan ng malay.

---

"She's in a deep stress." Narinig ko ang boses ni Red. "Hindi iyon senyales na bumalik ang kanyang alaala. Tatlo ang episodes ng hallucinations niya kanina. Ang sabi niya sa nurse ay huwag siyang patayin. Tinawag niyang Mama si Doctora Santos."

Kumirot muli ang ulo ko. Bumukas ang pinto. Nakita ko si Lexy na patakbo akong sinugod.

"Gabby, Gabby. I am here." Malalamig ang kamay niyang hinawakan ako sa braso. "Anong nangyari sa kanya Mikel?"

"S-she saw her magazine."

Napabitaw sa akin si Lexy. "Damn it, Mikel. Sinabi ko naman sa iyo kung paano siya aalagaan hindi ba?"

"I know, I know! I tried, okay!" Bakas ang guilt sa boses ni Mikel.

Tuluyan na akong nagmulat ng mata at nakita ko doon si Mikel, Lexy, Red, Favius at Lola G. Sumilip ako sa bintana at napagtantong umaga na pala.

"Good morning.." Pinilit kong tumayo pero agad akong pinigilan ni Lexy. "Anong sumakit sa'yo? Anong nakita mo bago ka mawalan ng malay? Were your muscles painful?"

Napalabi ako at tiningnan si Mikel. "I am sorry, Mikel." Nahihiya kong hinarap si Mikel, ang ex-boyfriend ko.

"Huwag mong alalahanin 'yon, Gabby. Just rest."

"I want to go home, Lexy. Nakakahiya na sa pamilya nila. Sorry po, Lola G. I really am."

"Gabby, you can still stay a little bit longer. Napagsabihan na namin si Puma na huwag kang guluhin."

Malungkot akong umiling. "Hindi na po. Nakakahiya na po. Salamat po."

"Gabby, just stay one more night. Please. Kahit si Lexy ay maaari ka ding samahan."

"Oo nga, Gabby, fiesta pa naman ngayon." Ngumiti si Lola G na parang sinasabing pagbigyan ko sila. Nakahiyaan ko na din ang mas tumanggi pa kaya sumang-ayon ako. Sinasarili ang katotohanan.

Naalala ko na ang lahat. Naalala ko kung paano. Naalala ko na kung bakit. Naalala ko na kung gaano pa din kasakit ang lumipas na panahon.

Naalala ko si Victor, ang paglapit ko sa kanya para itulak na ako papalayo ni Mikel sa pamamagitan ng pag-pose ng sexy sa isang magazine. Naalala ko ang lahat ng ginawa ko dahil ang akala ko ay katapusan ko na. I want to die without anyone crying for my sake. Dahil alam ko ang pakiramdam na mawalan ng minamahal. I was miserable when my parents left and I cannot do that to Mikel. He already lost his mom. I was his everything but I cannot let him suffer with me. Sapat na ako.

Umuwi kami sa mansyon ng mga Dela Vega bago ang pananghalian. Puno na ang bakuran ng mansyon ng mga mamamayan ng Atimonan. Lahat sila ay nagkakasiyahan. Si Lexy ay tuwang tuwa na nakihalo sa maliit na kaguluhan samantalang ako ay piniling magtungo sa silid. I want to fake my sore muscles but I simply can't. Pagod ang aking pakiramdam at nananakit pa din ang ulo dahil sa bumalik na alaala at dinagdagan pa ng matitinding hallucinations. Naiwan si Lola G at si Mikel sa salas at tila may mahalagang pinag-uusapan.

"Favius." Tawag ko nang makita ko siyang papasok sa katabing kuwarto ko. "Kung ano mang ginawa ko, I am really sorry. I have no excuse, just sorry."

Tumango siya, "Wala 'yon. Just don't do the same thing again, Gabby. Maayos na ang lahat. You know what I mean."

I nodded my head and watched him shut his door. Pumasok ako sa guest room at saka ipinahinga ang nananakit na ulo. I woke up in extreme darkness, niyakap ko ang sarili ko sa sobra sobrang panlalamig kahit na nakalimutan kong buksan ang aircon kanina at walang pumapasok na hangin sa kuwarto.

Nakakarinig ako ng usapan sa labas, marahil ay doon sa nagkakasiyahan.

"You want the truth?" Nabangon ako sa boses na iyon ni Mikel.

"Mikel?"

"You dumped me on the day that I proposed to you. Gabby. Hanggang ngayon, malaki pa ding palaisipan sa akin yon. Sinabi mong si Favius ang gusto mo and you will do everything to get him. Binugbog ko ang pinsan ko, it made no sense. Bakit mo ipagpapalit si Favius sa akin? Siya, na isang araw mo pa lang nakikita?"

Napapikit ako sa alaalang bumabalik. I never wanted to do it but he left me with no choice. I don't want him to get stuck with me and my sickness. He doesn't deserve that. Hindi maaaring tumigil ang mundo niya dahul sa akin. He deserve the world. Not me.

"Pinalagpas ko ang pag-pose mo sa magazine na iyon. I know you expected me to get mad but I didn't. I tried to understand you. Maybe you were excited to celebrate your body, on shedding weight. You kissed the photographer in front of me, what did I think about it? That you were drugged. You won't do that to me. I was faithful to you and I expected you to do the same."

Napatakip ako ng bibig, "I am so sorry, Mikel."

"Hindi ka man lang naawa sa akin, Gabby. Hindi ka man lang nagdalawang isip na saktan ako, pero pinatawad kita. Bawat pagkakamali mo, walang kasinglaki non ng pagmamahal ko sa'yo. Do you know how big my love for you was?"

Alam kong parehas kaming lumuluha pero dahil walang nagbubukas ng ilaw ay walang makakakita. Nagsisisi ako kung bakit ko pa iyon nagawa. But those choices was brought by mixed anxiety and depression. I was only thinking about myself and the outcome.

"Kung mauulit ko lang.."

"Things changed since then. We both moved on. And we are living differently now, Gabby. May sarili ka na ding buhay. At ako din. We accepted that."

"And you don't love me anymore? You are just helping me to get back what I've lost?" Maliit at hinang hina ang boses ko.

"Siguro gusto ko lang makaalala ka para tanungin kita ulit kung bakit. The truth was for me too, Gabby."

"So this is pointless now?" Malungkot na tanong ko. "Dahil naalala ko na ang lahat."

Natahimik si Mikel, nanatili kaming ganon nang maramdaman ko ang halik niya sa aking palad.

"Babalik ka na sa kanya, Gabby. You now realized that we are nothing anymore."

Tututol sana ako nang may marinig kaming ay mahihinang katok doon sa labas ng kuwarto ko. Si Mikel ang tumayo para pagbuksan iyon.

"Hindi ko alam kung makakatulong pero—" Itinaas ni Lola G ang kamay niya at merong limang CD doon. "Hindi ko ito pinanood kahit kailan nang iabot sa akin ito ni Gabby limang araw pagkatapos niyong maghiwalay. I loathe her. But I think, now is the time."

Continuar a ler

Também vai Gostar

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...