Dating My Ex

By makiwander

1.2M 41.7K 5.5K

"Break Na Tayo? Kailan Pa?" All Rights Reserved Young Adult Romance More

Prologue
Ex.1
Ex.2
Ex.3
Ex.4
Ex.5
Ex.6
Ex.7
Ex.8
Ex.9
Ex.10
Ex.11
Ex. 12
Ex. 13
Ex 14
Ex 15
Ex 16
Ex 17
Ex 18
Ex 21
Ex 22
Ex 23
Ex 24
Huling Kabanata

Ex 19

30.2K 1K 46
By makiwander


"Remember me.. Kapag nag-iisa.. Kapag nalulungkot.. Kapag—"

"Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka, Gabby. Ano ba?" Napatakip ako ng mata nang sumilip ang liwanag mula sa lampshade na binuksan ni Lexy dahil sa inis.

"Gusto na ni Mikel na makaalala ako." Lumabi ako.

"Ay, ang arte. Hindi ba 'yun din naman ang gusto mo? Gusto mong makaalala, bakit? Ngayon ayaw mo na? Namimihasa ka na dahil madalas kayong mag-date? Hoy, Gabby, alalahanin mo nga kung bakit yan ginagawa ni Mikel nang magising ka."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi kumibo. Alam ko namang tama si Lexy, kaya lang nasasaktan akong isipin na matatapos ang lahat ng ito nang hindi pa ako handang bumitaw.

"Kung nahihirapan ka, paano pa si Rye? Hindi ba dapat pangarapin mong makaalala para sa kanya?" Naglakad si Lexy papalapit sa akin at umupo sa kama ko.

Umiling ako at kinusot ang mga mata, "Hindi ko maalala si Rye, kahit kaunti, Lexy. Natatakot akong bumitiw kay Mikel dahil sa alaala ko, siya lang ang inaasahan ko. Paano kami naghiwalay? Hindi ko maisip."

"Simula nagkaroon ka ng malay, 'yan na ang tanong mo. Alam ko, matutuklasan mo din iyon. Huwag kang mawalan ng pag-asa."

Para tuloy akong zombie kinabukasan nang pumasok sa opisina. Hindi pa ako nakakapasok sa opisina ay agad na akong sinalubong ni Kristel.

"Beshy! Saan ka ba nanggaling kahapon? Bakit hindi ka na bumalik? Hanap ng hanap si Sir Mikel sa'yo. Mukhang galit!"

"Nagkita na kami, Kristel. Maayos na."

Tumango-tango si Kristel saka ako pinasadahan ng tingin. "Mukha ngang okay kayo, mukhang pagod na pagod ka, ah." Makahulugang ngumisi si Kristel. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Excuse me, Kristel! Hindi ako ganoong klaseng tao! Anong akala mo sa akin? Karendiryang bukas sa lahat ng gustong kumain?"

"Hindi naman, baka lang kasi nagluto kayo ng yema, at nagdurog siya ng mani."

"Eiw! Kristel!" Hahampasin ko sana siya nang bag nang may tumikhim sa pagitan namin, ang nakasimangot na si Mikel agad ang bumungad sa amin. Nagpatiuna siya sa pinto kaya natataranta din akong sumunod. Pag-kaupong pagkaupo ko sa lamesa ay napansin ko kaagad ang papel na nakalatag doon, isang Memo sa hindi pagbalik sa opisina kahapon. May pirma iyon ni Miss Sushi na HR Manager at ni Mikel.

Nang ilipat ko ang mga mata ko kay Mikel, nakita ko siyang nakataas ang kilay.

"Akala ko ba bati na tayo? Bakit ako may memo?"

"Trabaho lang ito, walang personalan." Shocks, parang linya iyon ni Daboy sa Markang Bungo.

"Minsan lang naman—"

"Once, twice, gaano kadalas ang minsan?" Walang kaemo-emosyong wika ni Mikel.

"Ay alam ko yan, Hilda Koronel yang linyang yan."

Humalukipkip si Mikel at tiningnan akong mabuti, "Pag dating sa linya sa pelikula, ang bilis mo."

"Teka, may patama ba sa likod niyan? Kung hindi mo naa-appreciate ang mga pelikula at OPM, hindi naman kita pinipilit. Buti pa si Rye, naiintindihan ako."

"Pero kailangan mo ng tulong ko hindi ba?"

"Teka nga, bakit ka ba nanunumbat? Ano na naman ang ginawa ko?"

"Bakit mo sinabi kay Rye na may binibili kaming lupa sa Atimonan? That data is classified, Gabby! That hectare, is supposed to be a commercial center and condo towers developed by DVC. Kalaban ng Project Development arm ng DVC and G Corp., and now, they have offered triple to buy that land. You know that Lola wanted to stay in Quezon, she has a vision for that province before she dies. Gabby, I am doing everything to help you. Why don't you just stick your nose to where it belong!" Halos mapatid ang litid ni Mikel sa leeg at alam kong hindi pa iyon ang buhos ng kanyang galit. Imbes na itanggi ay nakaramdam ako ng sakit sa kanyang pag-aakusa.

"Aray ko naman, ang sakit mo namang magsalita." Pinilit kong ngumiti pero may maliit na luhang pumatak sa aking pisngi. "Sino naman nagsabi sa'yo na ako ang nagsabi kay Rye ng ganon?"

"Ikaw lang ang may direct contact doon. You were there yesterday and you even spent your whole afternoon talking to the son of the CEO."

"So dahil nandon ako kahapon, ako na? Ako na agad."

"Stop using a movie line on me, Gabrielle."

"Hindi 'yon line." Mapait na pakli ko. "I'll call in sick today. Or better yet, leave another memo on my table tomorrow."

Walang sinabi si Mikel hanggang sa makatalikod ako, bitbit ang memo at ang aking bag. Nang buksan ko ang pinto ay naroon si Kristel at nakikinig.

Kung tutuusin ay maaari ko naman itong itanggi at hayaan na lang siya sa paniniwala niya. I don't know why'd he ever think of me that way. The Mikel seven years ago won't even judge me of any. Masakit iyon sa pakiramdam. I think that is the worst. Being judged with a valid reason is already painful but being judged because of hate? Prejudice from the person you care about? Masakit.

Tumakbo ako patungong train station at tinungo ang G tower. Hindi ko alam kung makikita ko dito si Rye pero dahil wala akong number niya, minabuti ko nang magbaka sakali. Ngumiti muli sa akin ang guwardiya pagkakita sa akin, siguro ay dapat sabihin ko din sa kanya na hindi ako makaalala at hihingi ng pasensya, pero hindi iyon ang ipinunta ko ngayon.

Dumiretso ako sa reception na mukhang kakilala din ako. "Hello, nandito ba si Rye?"

"Ah, opo, nasa itaas. Sa opisina ng Mommy niya."

"Pupwede mo bang tawagan?"

Agad na tinungo ng receptionist ang telepono at merong kinausap, nang ibaba iyon ay ngumiti siyang muli sa akin.

"Pababa na daw, Miss Gab."

"Salamat."

I just waited for a couple of minutes when Rye showed up. Mukhang sumakay sa unang biyahe ng elevator na dumating dahil hinihingal pa siya at patakbo pa niya akong sinalubong. Hindi ko alam kung anong posisyon ni Rye sa G Corp., kung tama ang sinabi ni Mikel na anak ng CEO siya, why does he even wearing jeans and now a navy blue v-neck shirt and a white sneakers na parang manonood lang ng basketball game? But let's not discount his naturally pink lips, thick brows and strong jaw, since he's always smiling, that made him look boyish instead of someone you'll fear.

Alright, kailangan kong tumigil sa pagpuri sa kagwapuhan ng kahit sino ngayong seryoso ang aking problema.

"Gabby, bakit?"

"Pupwede ba tayong mag-usap?"

Tumaas ang kilay niya na parang nagtataka pero ibinaba niya ang kamay niya sa aking likod at iginiya patungo sa café na pinuntahan namin kahapon.

"Huwag ka nang umorder, may gusto lang akong malaman." Hindi pa nakakaupo ay sinabi ko agad.

"Bakit niyo binili ang lupa sa Atimonan?"

"Binili namin? Hindi ko alam. At anong 'bakit?'" There's a humor on his face. Binura niya iyon nang makita akong seryoso. "Because we are in this business. Real estate and development ang G. Corp., Gabby. We buy opportunities and sell it as dreams."

"Alam niyo ba ang negosasyon ng DVC sa lupang iyon bago niyo alukin ng tatlong beses ang presyo ng napagkasunduan?"

"I don't know, maybe we do. Kaya nga triple iyong binili."

Nagpakawala ng mabigat na hangin si Rye, "This is business, Gabby. Hindi dahil kakilala mo ang mayari ng DVC ay iiwasan na namin ang mga oportunidad na tinitingnan nila. I don't know what happened but let me see how I can help to feed your curiosity."

"Paano niyo nalaman na may ibinebenta doon sa eksaktong lugar na iyon? Nasa final negotation na ang mayari ng lupa at ang DVC, I saw them in our office, hindi kumportable si Mr. Tegio na pag-usapan ang negosasyon sa harap ng ibang tao. Ang Dela Vega ang una at kaisa-isa niyang inalok ng kanyang presyo at hindi iyon tinawaran. Sinabi niyang kaibigan niya si Donya Guada kaya iaalok niya ito sa DVC kahit marami nang nagtanong at pinilit siyang bilhin ang lupa."

Itinaas ni Rye ang kanyang kamay para patigilin ako sa pagpapanic. May ginawa siyang ilang tawag at buong oras niyon ay nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig sa isang bahagi lamang ng usapan. Nang ibaba ni Rye ang telepono ay tinitigan niya akong mabuti.


"That man was bluffing. We had the information from his uncle. Kamag-anak niya mismo ang nagsabi sa amin ng lupa kaya pinilit ng Operations Manager ko na makipagnegosasyon. Hindi namin hinanap ang property sa Atimonan, believe it or not, Gabby."

Lalong dumami ang katanungan sa aking isip. Imposibleng maski ang tiyuhin ni Mr. Tegio ay alam iyon dahil doon siya nag-iingat, lalo na ang presyo kung magkano iyon ibinenta. Maliban na lang kung merong nagsabi.

"Sinong tiyuhin iyon?"

"Gabby, seriously?"

Tumango ako. Walang nagawa si Rye kundi i-trace ang mga pangyayari kahit mukhang wala naman siyang ideya sa nangyaring negosasyon sa ilalim. Hindi niya alam na merong kuwento sa likod ng pagbili ng lupa at hindi niya maunawaan kung bakit interesado ako.

Ilang oras pang pananatili ko sa G Towers ay iniabot na sa akin ni Rye ang pangalan ng contact nila sa lupa ni Mr. Ambo Tegio. Si Romeo Tegio. Gusto kong makausap ang taong ito. Gusto ko siyang tanungin. Sa totoo lang ay kaming tatlo lang nila Mr. Tegio ang nakakita ng kontrata ng DVC at Tegio, paano nalaman ni Romeo Tegio ang presyong iyon? Wala naman sa mukha ni Mr. Ambo na sasabihin niya ito sa Tiyuhin niya.

"What are you thinking, Gab?"

Umiling ako.

"Maraming salamat, Rye."

Nasa train station ako at hindi ko alam ang sasakyan, kung papauwi ba sa apartment o ang pagbalik sa opisina ni Mikel. Dahil naiinis pa ako kay Mikel, napagdesisyunan kong umuwi na lang para isagawa ang susunod kong plano. Kakausapin ko si Romeo Tegio at aalamin ang pangyayari.

Nang makauwi ako ay ikinuwento ko kay Lexy ang lahat.

"Siyempre, bugso lang ng damdamin yon. Sa dami ng pinagdaanan mo kay Mikel, ngayon ka pa magbabalat sibuyas?" Inabot sa akin ni Lexy ang isang basong juice at sandwich. Kakauwi rin lang niya galing sa ospital.

"Hindi ako nagbabalat sibuyas, Lexy. Hindi lang ako makapaniwala na pinagbintangan niya ako ng ganon kalaking kasalanan. Hindi ako taksil, Lexy! At alam niya yon!"

Natigilan ako sa sariling mga salita. Hindi ako taksil, hindi nga ba? Did I betray him somewhere in 7 years that I forgot?

"O sige, sabihin na natin na ganon nga. Na pinagbintangan ka nga ng tao, eh di ipaliwanag mo. Alam mo na naman ang totoo, 'di ba?"

"Hindi iyon sapat lang, dadalhin ko sa kanya si Romeo para magpaliwanag."

"Hoy, Gabrielle Bethany, I know your fascination about Philippine movies pero kung mag-a-ala action star ka na, babatukan talaga kita. You don't know what's behind the story. Malaking halaga ang pinag-uusapan diyan, Gabby kaya malamang, delikado din yang transaksyon na yan para pakialaman mo."

"Pupunta ako sa Quezon.." Wika ko na hindi iniintindi ang sinasabi ni Lexy.

"Stop."

"Mag-iimpake ako at pupunta ako sa Quezon."

"Nasisiraan ka na!"

Dumiretso ako sa kuwarto ko at nag-impake sa pang-isang linggo na damit. Nag-type din ako ng leave of absence notice para kay Miss Sushi at saka payapang natulog nang gabing iyon.

Madilim pa nang bumangon ako at naghanda papunta sa Quezon. Suot ko ang all black attire ko, leather pants, leather longsleeves at leather combat shoes, nagsuot din ako ng shades kahit madilim pa sa labas.

Sinabog ng hangin ang buhok kong nakatali sa likod. Agad na nadama ng aking mukha ang hamog nag simulan kong baybayin ang daan patungo sa train station na siyang sasakyan ko patungo sa sakayan ng bus papuntang Quezon, nakakatatlong hakbang palang ako nang may humila na sa kamay ko. Agad akong kumawala at ipinakita ang martial arts skills ko.

"Gabby."

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Mikel, basa pa ang kanyang buhok at nakasuot ng white shirt na may imprentang view sa New York traffic at kaswal na shorts. Sinasampal ako ng mamahaling pabango niya na bagay na bagay sa personalidad niya. Malamig.

"Yes?" Tumaas ang kilay ko at humalukipkip.

"Where are you going?"

"Why do you care? Nakaleave ako ng isang linggo."

"I know. Kaya nga nagpunta ako dito para itanong sayo kung saan ka pupunta."

"Bakit mo kailangan malaman?"

"I am your boss."

"Pwes, kung ayaw mo akong payagang magleave, magreresign na lang ako." Umingos ako at nagmartsa muli patungo sa train station.

"Gabby, ano ba? Kung tungkol ito sa nasabi ko sa'yo kahapon, I am sorry."

"No, Mikel, you are not sorry. Alam mo, nung una, hinahangaan kita. Pero nang makilala kita, sinabi ko sa sarili ko na hindi lang kita papantayan, lalampasan pa kita!"

Napakamot si Mikel ng ulo nang makilalang hiniram ko ang linya ni Ate Shawie sa Bituing Walang Ningning.

"Alam ko na ang nangyari doon sa lupa ni Mr. Tegio at mas aalamin ko pa para iharap sa pagmumukha mo yung maling akala mo."

"It is not important anymore, Gabby. Wala na sa DVC ang lupa. You don't need to do silly—"

"Silly? You think I am silly? Yan ang hirap sa'yo. Hirap sa'yo, sala ka sa init, sala ka sa lamig."

"Gabby." Niyugyog ni Mikel ang parehas kong balikat at saka ako tinitigan sa mata, parang binubutas ang pagkatao ko. The kind of stares that weakened my knees when I was younger. Sure we both grew old, but this stares will always be my favorite.

"You are being cute, and stop being cute. Hindi ko mapigilan ang sarili ko gawin 'to." Pagkasabi non ay hinila ako ni Mikel pabagsak sa dibdib niya.

"Hinto." Utos ko. Hindi kumilos si Mikel kaya hindi ko din napigilang tugunin ang yakap niya.

"Sorry, pero hindi talaga ako." Bulong ko na mamasa masa ang mata.

"It is okay, Baby. I am sorry for judging you. That's the aftermath of my jealousy. I was being impulsive of my thoughts. I didn't mean to hurt your feelings." Hinalikan ni Mikel ang aking noo at doon nag-init ang aking puso.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...