INDISCREET (to be published b...

By SefahMil

39.2K 837 20

Isang kapitag-pitagang miyembro ng Society of Church Maidens, Tandang Sora Chapter si Eloida. Aktibo siya sa... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 10

1.4K 34 0
By SefahMil

Hindi kasi tumila ang ulan kaya hindi sila nakababa. Naghihiwa ng sibuyas si Eloida nang may isang grupo na dumating sa kampo. Naloka siya dahil sinuong talaga ang ulan para lang maabot ang Batung. Nililipol nga ang mga ito ng putik na para bang napakalakas na hagunos ang sinuong. Mabuti nga at hindi sila nadisgrasya sa sobrang pagpupumilit. Napatigil nga siya nang hinubad ng isa ang kapoteng suot. Ang blonde na kasama ni Waldo Zachary sa orginal na video nito. Napakaganda ng blonde at matangkad din. Iyon nga lang medyo may edad. Parang palapit na ng fifty years old. Dumiretso ang babae sa loob ng tent ni Mr. Zachary. Maya-maya ay may sigawan. Ang sunod niyang nakita ay tinapon ni Mr. Zachary ang blonde sa labas. Galit na galit namang nagsisigaw ang babae sa banyagang wika, parang French.

Walang sagot mula sa loob ng tent.

Maya-maya ay inutusan ng blonde sa Ingles ang mga kasamahang Pinoy nito na magtayo ng tent. Hindi raw ito aalis.

"We risk our lives just to get here and no one appreciates!!" galit na galit na sigaw ng blonde.

Ipinagpatuloy nga niya ang pagluluto habang patingin-tingin sa pagtayo ng tolda sa gilid ng kahoy ng apitong.

At may bumaklas sa braso niya.

"You!" Si Mr. Zachary dinuduro siya. "Ikaw ba nagsabi kay Schubert kung saan ang kampo na 'to?"

"Po?" tanong niya. "Hindi ko po siya kilala."

"Liar!" Kinaladkad siya nito sa likod ng tent kung saan ay hindi ito makita ng blonde. "Go home! Baka nga nagpresenta kang maging kusinera para lasunin kami rito!"

"Sir, mali po 'yong pagkaintindi niyo," sagot niya.

"No! Be gone!" singhal nito sa kanya sabay taboy.

"Sir, may problema po ba?" seryosong tanong ni Boy na papalapit sa kanila.

"Make her leave!" utos ng lalaki kay Boy.

"Sir, hindi naman po ganyan kadali 'yang hinihingi niyo. Kung pauuwiin ko 'yan mag-isa at may mangyaring masama ay baka ako pa ang malilintikan niyan sa amin."

"Schubert et al arrived here at this weather so I bet that woman can go down at this weather!"

"Suwerte po nila dahil walang nangyari sa kanila. Paano po kapag bumaba kami ngayon tapos may madisgrasya sa amin? Sa inyo rin po ang balik noon," patuloy ni Boy sa seryosong boses.

Natahimik din si Mr. Zachary sa narinig.

"At saka, sir, huwag na kayong padalos-dalos magsalita. Kilala ko po ang pamilya niyan at mabubuting tao po sila. Baka kasi mali lang ang pagkakaintindi niyo sa sitwasyon."

Hindi sumagot si Mr. Zachary pero galit.

Iyon naman siya nabigyan ng tsansa na magsalita. "Sir, inaamin po namin na si Butchok po ang gumawa no'n at kaya nga po ako nandito para po makahingi ng pasensiya sa inyo."

"So inaako niyo nga pala talaga na kayo nga ang gumawa?!" Napalabas ng mapakla na tawa ang lalaki.

Napailing naman siya bago nagpatuloy. "Sir, wala po akong kinalaman doon. Sino bang disenteng babaeng gustong makitang nakabukaka 'yong sarili doon? Alam niyo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang binigay sa akin ng sex video na 'yon. Lahat na lang ng pag-iinsulto at pagbabastos kinain ko dahil doon. Dati kapag dumadaan ako sa kalye namin, wala namang namamansin sa akin. Ngayon, halos lapain na ako ng lahat. Ito ba ang mga iindahin ko sa kaunting halaga?"

Hindi sumagot ang lalaki.

"Sa tingin niyo ba, sir, sa nangyari ay may disenteng lalaki pang mag-siseryoso sa akin? Tingnan niyo po kung saan ako ngayon? Nandito ako sa bundok dahil nawalan po ako ng trabaho. Wala po akong trabaho, walang asawa at may hinaharap na kaso dahil sa pesteng sex video na 'yan!"

Wala talagang sinagot ang lalaki. Galit lang itong tumalikod.

Sumunod naman doon si Boy kaya bumalik siya sa ginagawa. Pinagsabihan ba naman siyang lalasunin ang mga tao rito. At mukhang seryoso ang akusa nito dahil may dalawang lalaking trabahador ang pumunta ng kusina at nagsabing sila na lang daw ang magluluto. Ano pa ba ang magagawa niya? Umalis na lang siya at naglakad-lakad para makapag-isip. Doon siya umupo sa gilid ng napakalaking kahoy malapit sa ilog. Naengganyo rin siyang maligo. Iligo niya lang siguro ang sama ng loob. Siguro mamaya na lang kapag madilim na para walang makakita.

Continue Reading

You'll Also Like

759K 9.1K 38
Being with him and being his TOY is hell.
231K 7.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
527K 8.9K 55
Naghiwalay sa maling dahilan. Ang inakalang tadhana ay hindi pala katotohanan. Dahil pinagtagpo lang sila pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Pe...