My Tag Boyfriend (Season 2)

By OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... More

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 22

226K 5.3K 1.6K
By OppaAnja

My Tag 22

Sitti's POV

          Madalas kong mabasa sa mga story sa Wattpad na may mararamdaman ka daw na sipa sa dibdib mo kapag nakita mo 'yung taong mahal mo na may kasamang iba. May kayakap, may ka-akbay, may kasubuan ng pagkain o kahit 'yung may kasamang ibang babae lang.

          Ang tawag daw sa sipa na iyon sa dibdib na medyo masakit ay selos.

          Nang makita ko ang transfer student na iyon na si Mia na hinalikan sa pisngi si Kaizer matapos nyang magpakilala sa harap, akala ko mararamdaman ko na din 'yung mahiwagang sipa na iyon sa dibdib ko.

          Pero hindi. Iba ang naramdaman ko.

          At hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko ngayon.

          "T-TG." biglang humarap sa akin si Kaizer. "L-Let me explain! Hindi ko—"

          "I'm sorry. Excuse me." nakayukong sabi ko saka dali-daling tumakbo palabas ng classroom.

          "Miss Sandoval! Hindi pa tapos ang klase natin!" dinig kong tawag sa akin ng Professor namin.

          Pero hindi ko rin pinansin 'yung tawag na iyon ng Prof namin. Dere-derecho lang akong lumabas ng pinto ng classroom namin.

          "Sitti!"

          Mas binilisan ko 'yung pagtakbo ko nang marinig ko 'yung tawag sa akin ni Kaizer.

          Hindi ko sya nilingon ni hindi ako huminto kahit na ilang beses na nyang tinatawag ang pangalan ko at pinapahinto ako.

          Ayoko syang makita ngayon. Ayokong makita ang kahit na sino sa kanila ngayon.

          Talagang hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ngayon at kapag hindi ko 'to agad nailabas, baka umiyak lang ako.

          At isa pa, ayoko ko ng ipahiya pa ulit ang sarili ko sa harapan nila.

          'I'm sorry, Kaizer...'

 

Kaizer's POV

            "Sitti!"

          "Mister Buenavista, sit down!" malakas na sigaw ng Prof namin sa akin nang akmang papalabas na ako sa classroom namin saka ako napalingon sa kanya.

          "Ano? Gagayahin mo din 'yung kabastusan na ginawa ni Miss Sandoval? You're supposed to act as a role model student here. Saka pinatawag na kayo sa guidance kanina hindi ba? Gusto mo na naman bang madagdagan 'yung demerit mo, Mister Buenavista?"

          "Kai Kai..." bigla kong naramdaman 'yung mahinang tapik sa balikat ko ng kamay ni Kris. "Kung anong desisyon mo, gagatungan ko. Namin. Pwede kang tumalon sa may bintana ng classroom natin kapag ayaw ka talagang palabasin ng Prof."

          Tinitigan ko lang ng masama si Kris saka ko inalis 'yung kamay nya sa balikat ko.

          "Hindi ako baliw para tumalon palabas ng bintana, Kris." bagot na sabi ko sa kanya. "Para saan pa 'yung pinto kung hindi naman ako doon lalabas?"

          "Ibig sabihin—"

          "Hahabulin ko si Sitti." sabi ko saka tuluyan ng lumabas ng classroom.

          "Mister Buenavista!" malakas na tawag at habol sa akin ng Prof namin.

          "Dagdagan nyo na lang demerit ko. Wala akong pake!" sabi ko nang hindi lumilingon saka hinabol si TG.

          Alam kong wala akong ginawang mali. Alam ko na wala akong kasalanan dahil kahit ako nagulat din sa ginawa ni Mia.

          Pero alam ko rin na kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Ayokong mag-isip sya ng kung ano dahil lang sa ginawa ni Mia.

          Ayokong mawala sya sa akin.

          "Nakakainis!" inis na sabi ko sa sarili ko saka huminto sa gitna ng isang corridor at napalingon-lingon sa magkabilang gilid nito.

          "Saan ka ba nagpunta, Sitti?"

         

Margaret's POV

          Psh! Nagbalik na naman dito ang bitch na 'to! Nakakainis!

          "Hi Margaret! Long time no see!" masayang bati sa akin ng impaktitang babae na 'to na sa kinamalas-malas ko, katabi ko pa dito sa may harapan.

          Sa halip na sagutin sya, inirapan ko lang sya.

          Huh! Akala nya kung sino syang maganda? Huh! Di hamak na mas maganda na ako sa kanya kahit na baliktarin pa 'yung mundo.

          Ako pa din ang number one. Ang nag-iisang queen bee dito sa Eastton. At hindi porque nagbalik na sya dito ay sya na naman magrereyna-reynahan dito.

          Wala ng mas gagaling pa kay Margaret Torres kundi si Margaret Torres lang din!

          Pero ang bitch na 'to gumawa pa talaga ng eksena sa first day ng school! Nakakainis! Ako dapat ang gumagawa ng eksena dito eh! Bwisit!

          "Bakit hindi mo na ako pinapansin Margaret? Hindi mo na ba ako kilala?" pa-sweet na sabi ni Mia Impakta.

          Nakataas na agad 'yung kilay ko nang hinarap ko ulit sya.

          Mabuti na lang talaga at lumabas muna 'yung Prof namin para i-report 'yung dalawa pang agaw-eksena sa classroom na 'to na si Sitti at Kaizer. Tsk! Mga pasikat talaga ang dalawang iyon!

          "Hoy bitch, para sabihin ko sa'yo wala kang karapatang matawag-tawag ako sa pangalan ko dahil una, loser ka. Pangalawa, hindi ka maganda. At pangatlo, ang plastik mo kaya pwede ba? Tigilan mo ang pagbababoy sa pangalan ko!"

          Napasinghap 'yung impaktita na babae na iyon sabay may pahawak-hawak pa sa tapat ng puso nya at parang windang na windang sya sa mga sinabi ko ngayon-ngayon lang.

          Huh! Ang mga bitch nga naman. Once a bitch, always a bitch.

          "Margaret! Hindi ka ganyan magsalita dati!"

          "At bakit? Paano ba ako magsalita dati huh?" sabi ko sabay tayo sa harapan nya at pinagkrus ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.

          "Margaret..." naiiyak na sabi ni impaktita.

          "Pwede ba?" sabi ko sabay ikot ng mata ko pataas. "Wag mo akong dramahan dito dahil mas lalo mo lang pinapaganda ang role ko dito bilang kontrabida."

          Hindi na umimik si Mia at nakayuko na lang ito sa may mesa nya habang magkadikit 'yung dalawang kamay nya.

          Magwawalk out na sana din ako sa classroom namin nang may bigla akong maalala at muling nilingon si impaktita.

          "Hoy! Isa pa pala." nag-angat sya ng tingin sa akin ulit. "Ako lang nag-iisang kontra-bida dito kaya wag kang nakikisawsaw sa trabaho ko pwede?!"

          Muli ko syang inirapan saka nagwalk out palabas ng klase.

          Nakabunggo ko pa 'yung Prof ko na kakarating lang mula sa guidance office at pinigilan din ako lumabas.

          Pero hindi ako nagpatinag at lumabas pa rin ako ng classroom.

          So ano iyon? Si Kaizer at Sitti lang ang may karapatang lumabas-labas ng klase? Huh! Ako yata ang reyna sa school na 'to kaya may karapatan akong gawin ang mga gusto ko.

          At isa pa, naiimpakta lang ako lalo kapag nakikita ko ang pagmumukha ng plastik na Mia na iyon. Nasisira lang ganda ko sa kanya.

          "Ang kapal ng mukha nyang bumalik-balik pa dito!"

          Nakakaasar talaga kahit kailan ang babae na iyon! Bwisit!

Kaizer's POV

          "Sigurado kang dito sya pumasok?"

          "O-Oo Prince. Kakakita ko lang sa kanya kanina na pumasok sa cubicle na 'yan." sabi ng babae na nakasalubong ko sabay turo sa C.R. ng babae kung saan daw nya nakitang pumasok si Sitti.

          "Sige. Salamat."

          Hindi ko na pinansin 'yung halos pagkahimatay ng babae na nakausap ko nang ngitian ko sya sandali at pasalamatan.

          Tsk! Kahit kailan talaga nakakainis ang mga fan girls.

          Napatingin ako sa pinto ng banyo ng babae saka huminga ng malalim bago kinatok ang pinto.

          "TG..."

          "May tao pa!"

          Kumunot ang noo ko nang sumagot sya.

          Tama. Nandito nga sya. "Baliw ka talaga! Hindi ako gagamit ng banyo!" inis na sabi ko. "Please Sitti. Mag-usap naman tayo."

          "Umalis ka na!"

          "Sitti—"

          "SINABI KONG UMALIS KA NA!"

          Nahinto 'yung balak ko sanang pagkatok ulit sa pinto nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Sitti sa kabilang pinto.

          "Sitti."

          "Please Kaizer, please..." mahinang sabi ni Sitti sa kabila saka ako nakarinig ng kakaibang tunog sa kabilang side ng pinto. "U-Umalis ka muna. Ayokong makita ang mukha mo ngayon. Ayoko munang kausapin ka."

          "Pero Sitti naman! Hayaan mo naman akong magpaliwa—"

          "Hindi ko kailangan ng paliwanag mo ngayon! Umalis ka muna, please!"

          Sandali akong hindi nagsalita saka ko dahan-dahang binaba 'yung kamay ko.

          Ilang sandali din akong nakatingin lang sa may pintuan ng banyo na pinagtaguan ni Sitti.

          Hindi ko alam kung anong dapat ko sabihin sa kanya para kumbinsihin sya na makinig muna sa akin kahit sandali lang. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong ipaliwanag sa kanya.

          Hindi ko alam kung paano makikipag-ayos sa kanya.

          "Umiiyak ka ba ngayon?"

          Hindi ako sinagot ni Sitti sa halip nakarinig lang ako ng mahihinang patak sa kabilang linya.

          Napakuyom ako sa kamao ko. Mukhang nasaktan ko yata sya sa nakita nya kanina.

          "Sitti, naaalala mo pa ba 'yung sinabi ko sa'yo noon? 'yung mga sinabi ko sa'yo noon noong nasa retreat house pa tayo sa Baguio?"

          Wala ulit akong nakuhang sagot sa kanya kaya napabuntong-hininga na lang ako saka nagpatuloy sa pagsasalita.

          "TG, lahat ng sinabi ko sa'yo noon, lahat ng iyon totoo. Kaya kung ano man 'yung ginawa ni Mia kanina, wala lang iyon! Wag mo sanang isipin na niloloko kita o ano."

          Hindi ulit sya sumagot.

          Dumadami na 'yung mga estudyanteng nakikitsismis at nakikitingin sa kung ano bang ginagawa ko sa tapat ng pinto ng C.R. ng babae.

          Pero wala na akong pakialam sa kanila. Wala akong pakialam kung magsimula na silang magbulungan o magmukha na akong tanga sa mga mata nila habang kinakausap ko 'yung nakasarang pinto.

          Wala akong pakialam kahit kanino. Ang gusto ko lang makausap si Sitti at maayos 'yung gulo na 'to.

          "Wag mo sanang bibitawan 'yung promise mo sa akin na hindi mo ako iiwan. Na lagi ka lang sa tabi ko. Na kahit anong mangyari, to infinity and beyond tayo. Ikaw ang puso ko. Ako puso mo. Wag mo sanang kakalimutan kung paano ka naging sentro ng mundo ko noong panahon walang-wala ako. Hindi 'to drama, hindi 'to joke at lalong wala akong sakit kaya ko nasasabi 'to.  Sinasabi ko 'to para ipaintindi sa'yo na kahit kailan, ikaw lang ang nag-iisang TG ng buhay ko at hinding-hindi kita lolokohin."

          Gusto kong batukan 'yung sarili ko sa lahat ng kakornihan na lumalabas sa bibig ko.

          Pero desperado na ako. Gusto kong maayos 'to. Ayokong patagalin 'yung away namin—kung meron man.

          Kapag papasok ka sa isang relasyon, pagdating sa mga ganitong problema, wala ka dapat pride na ititira sa sarili mo. Kahit na wala kang makitang mali sa'yo o sa ginawa mo, lunukin mo pa rin ang pride mo para maayos ang problema.

          Dahil ang tunay na relasyon ay hindi binubuo ng pride.

          Kasalanan ng Mia na 'to ang lahat! Kung hindi nya ginawa iyon sa harap ni TG, hindi sana kami magkakagulo ng ganito! Nakakainis!

          Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung paano ko ba mababawian si Mia nang bigla na lang akong nakarinig ng malakas na flash sa kabilang bahagi ng pinto kung nasaan si Sitti.

          'Teka bakit may flash? Para saan iyon? Ano bang ginagawa nya sa loob?' sa isip ko.

          Napatingin ako sa pinto ng C.R. saka pinanood ang dahan-dahan na pagbukas noon at ang dahan-dahang paglitaw ng ulo ni Sitti sa may pintuan habang napapatingin ito sa paligid saka ito napatingin sa direksyon ko.

          "N-Nandito ka pa?!" namumula ang mukhang sabi nya.

          Napakunot-noo ako doon sa tinanong nya at biglang pamumula ng mukha nya.

           "Hindi ako umalis dahil gusto kitang makausap."

          Tuluyang nang lumabas si Sitti sa may C.R. saka naiilang na humarap sa akin habang nakayuko ito sa may sahig.

          "May narinig ka ba?" nahihiyang sabi nya.

          "Huh? Narinig na ano?"

          "W-Wala! Wala!" mabilis na sabi nya saka winagayway 'yung kamay nya sa harapan ko.

          Sandali ko syang tinitigan saka ako bumuntong-hininga.

          "Sitti, pag-usapan natin 'to." sabi ko saka kinuha 'yung mga kamay nya.

          "Huh? Pag-usapan ang alin?"

          Sandali akong natigilan sa sinabi nya. "Tungkol kay Mia."

          "Huh? Bakit? Ano bang tungkol sa kanya?" kunot-noong tanong ni Sitti.

          "'yung tungkol sa ginawa nya kanina."

          "Ah 'yung hinalikan ka nya? O bakit? Anong meron?"

          Bigla ko syang binitawan saka tinitigan sya ng matagal sa mukha. "Ganyan ka ba kagalit sa akin kaya nagbabaliw-baliwan ka na naman?"

          "Huh? Bakit ako magagalit sa'yo? Saka sinong baliw? Hoy! Ang kapal ng mukha mo ah! Sabing hindi ako baliw eh! Ang yabang nito—"        

          "Teka nga lang sandali!" putol ko sa sasabihin nya. "Galit ka ba sa akin dahil sa bigla akong hinalikan ni Mia?"

          "Hindi."

          "Eh bakit ka tumakbo palabas ng classroom kung hindi ka naman pala galit? Saka bakit mo ako pinagtaasan ng boses kanina?"

          Siya naman ngayon 'yung natigilan saka bigla na namang namula 'yung mukha nya saka napayuko ulit doon sa sahig.

          "Magsabi ka nga ng totoo sa akin, TG..." sabi ko saka ko hinawakan 'yung baba nya at sapilitang inangat 'yung mukha nya paharap sa akin. "Nagselos ka ba kay Mia kanina?"

          "Hindi."

          "Eh bakit ka nagtago sa loob ng C.R.?"

          Mababaliw na ako sa babae na 'to!

          "A-Ano...kasi..."

          "Ano kasi? Ano?!"

          Nakita ko 'yung pagkagat ng labi ni Sitti sa tanong ko sa kanya saka nya ako sinenyasan na mas lumapit pa sa kanya.

          Nilapit ko pa 'yung mukha ko sa kanya saka sya may binulong sa akin.

          "Naaalala mo pa ba 'yung kinain natin kanina sa bahay?"

          "Oh? Anong meron doon?" takang tanong ko.

          "Medyo nasira kasi tyan ko doon."

          "Tapos?"

          "Alam mo na kung ano susunod!" nahihiya at namumulang sabi nya saka lumayo na sya sa akin.

          "Hindi ko alam! Ano nga?!" naiiritang sabi ko.

          Mas hininaan ni Sitti 'yung boses nya nang bumulong ulit sya sa akin.

          "Nung hinalikan ka ni Mia kanina, saktong sumakit 'yung tyan ko. Nasira yata tyan ko sa kanain natin kanina. Kaya ako tumakbo palabas ng classroom kanina kasi ano...alam mo na 'yun!"

          Tulala akong naglayo ng mukha ko sa kanya saka sya tinitigan ng matagal sa mukha.

          "Ano ba?! Wag mo nga akong titigan! Nakakainis! May ipangbablackmail ka na naman sa akin!"

          "So...kaya ka tumakbo papalabas ng classroom kanina kasi...masakit lang tyan mo?"

          "Oo nga sabi eh! Nakakainis ka naman o! Kailangan talaga ulit-ulitin?! Baka gusto mong ipagsigawan pa sa buong Eastton 'yung rason ko para pagtawanan na naman nila ako—"

          "HAHAHAHAHAHAHA!!!"

Sitti's POV

            "HAHAHAHAHAHAHA!!!"

          Tsk! Nakakainis! Sabi na eh! Sabi na! Tatawanan nya lang ako sa sinabi ko!

          Naku! Oras talaga na ipagkalat nya 'yung nakakahiya kong dahilan sa bigla-bigla kong pag-excuse sa klase hinding-hindi ko sya mapapatawad!

          Kainis din naman kasi 'yung kinain ko eh! Bulok na yata 'yun! Aish!

          Akala nyo siguro nagselos ako doon kay Mia ano? Hindi no! Bakit ako magseselos sa kanya?

          Saka ito? Itong mayabang na 'to pagseselosan ko? Huh! NO WAY!

          Kiss lang nama sa pinsgi 'yun di ba? Dapat ba maging big deal sa akin 'yun?

          Teka! Dapat ba akong magwala doon sa ginawa ni Mia? Saka dapat ba ako magalit kay yabang?

          Pero bakit? Bakit ako magagalit sa kanya? Hindi naman sya 'yung nanghalik kay Mia di ba? Kaya bakit ako magagalit?

          Eh siya pala ang baliw sa amin eh! Kung ano-ano iniisip—

          "Aray!" biglang sabi ko nang bigla na lang akong pitikin ni Kaizer sa noo.

          Nakakainis! Bumalik na naman 'yung pagiging forehead bully nya! Ay teka! Kailan ba 'to nawala?

          Teka! Dapat ko na bang isumbong sa Gabriela ang pananakit ni Kaizer sa noo ko? Counted na ba iyon as physical abuse?

          "Baliw ka talaga!"

          "Ikaw naman maya—"

          Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko nang bigla na lang nya ako hilain saka ko mahigpit na niyakap.

          "A-Ano...K-Kaizer—" sabi ko saka sya pilit tinutulak palayo.

          "Sandali lang. Payakap lang sandali."

          Dahan-dahan kong binaba 'yung kamay ko saka ako huminto sa pagtutulak sa kanya palayo sa akin.

          Naramdaman ko 'yung pagpatong ni yabang ng baba nya sa ulo ko saka nya mas hinigpitan 'yung yakap nya sa akin na nagpapula ng husto sa pisngi ko at nagpabilis ng sobra sa tibok ng puso ko.

          Nakakainis! Bakit ba affected ako masyado sa ginagawa nya sa akin huh? Sobrang baliw na baliw na ba ako sa kanya?

          "Akala ko mawawala ka na sa akin..." mahinang bulong nya sa akin. "Tinakot mo ako kanina alam mo ba 'yon?"

          Napaangat ako ng tingin sa kanya samantalang sya naman ay napayuko sa akin kaya nagtama 'yung mga mata namin.

          "Akala ko iiwan mo na ako kanina dahil sa ginawa ni Mia." seryosong sabi ni Kaizer habang nakatitig sya sa mga mata ko. "Akala ko may away na tayo. Wala pala. Puro akala lang pala 'yung kanina."

          "Kaizer—"

          "TG, mangako ka sa akin ulit, na kahit anong mangyari magmula ngayon, hinding-hindi ka makikipaghiwalay sa akin."

          "Huh?"

          Biglang sumimangot 'yung mukha nya saka ako binitawan.

          "Ano ba naman 'yan! Pati ba naman 'yung pagsabi ng oo hindi mo pa rin makuha? Gaano ka ba ka-slow huh?"

          Ako naman ngayon 'yung napasimangot. "Eh sa hindi ko nakuha 'yung sinabi mo eh!"

          "Baliw ka talaga! Ang slow-slow mo!"

          "Mayabang ka pa din!"

          "Baliw!"

          "Mayabang!"

          "Baliw!"

          "Mayabang!"

          "Iiwan mo ba ako o hindi?"

          "Syempre hindi! Ano bang klaseng ta—"

          Bigla akong napatakip sa bibig ko sa nasabi ko.

          Argh! Nakakainis! Nahuli na naman nya ako! Nakakainis ka talaga kahit kailan Kaizer Buenavista!

          Napatingin ako ulit sa mukha nya at nakita ko sa labi nya ang ngiting tagumpay nya.

          "Nagpromise ka na. Hinding-hindi ka makikipaghiwalay sa akin."

          "Hoy! Wag kang madaya! Magkaiba 'yung iwan sa hiwa—"

          "Aish! Parehas lang iyon!" putol sa akin ni Kaizer saka nya binaba 'yung ulo nya sa akin para magtapat 'yung mga mukha namin. "Paano ba 'yan? Wala ka ng kawala sa akin?"

          Namumula 'yung mukha ko sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

          Pero hindi ako papatalo kay yabang! Taas-noo ko syang hinarap bago ulit nagsalita.

          "Bakit? May choice ba ako? Binigyan mo ba ako ng choice na iwan ka?"

          "Hindi."

          Nagulat ako nang biglang halikan ni Kaizer 'yung noo ko.

          Wala sa sarili na napahawak ako sa noo ko na hinalikan nya saka namula ng sobrang ang mukha ko nang mapatingin ako sa mukha nya ulit.

          Nginisihan nya lang ako at 'yung pamumula ng mukha ko.

          "Anong—"

          "Ako puso mo, TG." putol na naman nya sa sasabihin ko saka hinalikan na naman nya 'yung noo ko.

          "Kai—"

          "FELICITY SANDOVAL! KAIZER BUENAVISTA! IN MY OFFICE! NOW!"

          Sabay kaming napatingin ni Kaizer nang marinig namin ang malakas at galit na sigaw na iyon. At sa paglingon namin, nakita na naman namin 'yung mukha ng guidance councelor namin.

          Sandali naming pinanood 'yung pagalit na pagmamartsa ng GC palapit sa direksyon namin ni Kaizer saka kami napatingin sa isa't-isa.

          "Demerit na naman?" tanong ko sa kanya.

          Tumango sya sa akin. "Public display of affection. Demerit na naman, TG."

          Sandali kaming nagkatitigan saka dahan-dahang napangiti sa isa't-isa at natawa.

          Sabay naming hinarap ni yabang 'yung galit na panenermon ng GC sa amin nang magkahawak-kamay.

          At kapag ako nagrepeat ng isang taon sa dami ng demerit na nakuha ko, wala na kayong ibang pwedeng sisihin kundi si Kaizer Buenavista! Tsk!

LEAVE COMMENTS! ^____________^v HAPPY 2 MILLION READS MTB SEASON 2! AND HAPPY 10TH MONTHSARY MY TAG BOYFRIEND! SPREAD THE LOVE! ♥

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...
42.1K 2.1K 15
Si Vera Cheng ay member ng No Boyfriend Since Birth Society. Magka-boyfriend kaya siya bago mag-Valentine's Day? Valentine Girl is a light romance fi...
1.2M 23.7K 21
Aragon Series #5: The Aragon Goddess and Aragon Princess Story. EVERYTHING WILL REPEAT.
29.8M 609K 64
Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two differ...