Crazy Girls VS Delinquent Boys

By JoeCat28

216K 5.8K 272

[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PU... More

Prologue
Chapter 1 - Hell Day
Chapter 2 - Good Boy Go Bad
Chapter 3 - Round 1: Neil VS Lhee
Chapter 4 - 500 Pesos
Chapter 5 - Triplets?!
Chapter 6 - Vincent
Chapter 7 - Notebook
Chapter 8 - Teddy Bear
Chapter 9 - Sundae
Chapter 10 - Allen's Sister
Chapter 11 - Sandy Erquiza
Chapter 12 - Trouble!
Chapter 13 - Trip ng mga Crazy Girls
Chapter 14 - Rainy Day [Allen&Daniel]
Chapter 15 - Hotness Overload!
Chapter 16 - Da WHO?
Chapter 17 - Pagbabanta
Chapter 18 - Trouble Again
Chapter 19 - Beside you [Lovely&Zeek]
Chapter 20 - Crazy Day
Chapter 21 - Lhee Meets Rome
Chapter 22 - Rome, TK & Xyriel
Chapter 23 - Friends?
Chapter 24 - Date
Chapter 25 - I'm Sorry..
Chapter 26 - Vincent's Day Off
Chapter 27 - Familiar
Chapter 28 - Text Message
Chapter 29 - Who the hell are you?!
Chapter 30 - Dress
Chapter 31 - It's Showtime!
Chapter 32 - The Show
Chapter 33 - Tiwala lang
Chapter 34 - Mobile Number Locator
Chapter 35 - Leukemia?
Chapter 36 - 2 days before..
Chapter 37 - Mr & Mrs Erquiza
Chapter 38 - Engagement Day
Chapter 40 - Alien and Ariel
Chapter 41 - Cousins
Chapter 42 - Doubting
Chapter 43 - Not my classmates!
Chapter 44 - D-5
Chapter 45 - Sila nga
Chapter 46 - Long time no see
Chapter 47 - Flashback '3 years ago'
Chapter 48 - Liar
Chapter 49 - Meeting new people
Chapter 50 - Forget about him
Chapter 51 - Ang katotohanan
Chapter 52 - It's time to change
Chapter 53 - Time to forgive
Chapter 54 - Somebody Out There [Vincent&Renee]
Chapter 55 - It's too late
Chapter 56 - Baby I miss you
Chapter 57 - Secret Admirer?!
Chapter 58 - I'm jealous!
Chapter 59 - Let me be with you
Chapter 60 - Confession Time
Chapter 61 - Please Be Mine
Chapter 62 - Hiro's ex-girlfriend
Chapter 63 - Feelings
Finale: Together (I Love You)
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter: The New Generation
CGVSDB: BOOK 2

Chapter 39 - Engagement Day pt. 2

1.5K 53 0
By JoeCat28

#CGVSDB


Chapter 39 - Engagement Day pt. 2








DINO's POV


Kung saan saan ko hinanap si Sandy, miss na miss ko na kasi talaga siya at ito ang unang beses na magkikita kami dito sa pilipinas pagkatapos naming magmigrate states. I missed her so much! Kanina pa ako text ng text sa kanya but she's not replying.


Nagutom tuloy ako sa paghahanap sa kanya haha—"Oh? Dee!" Sa wakas! Nakita ko rin siya kaya nilapitan ko agad ang girlfriend ko! "My dee! Huhu.. dee dee dee dee—waaa! Nandito ka na dee my loves, dee ganda mo ha!" Pasensya na at parang bata talaga ako kapag kasama o matagal tagal kong hindi nakita ang pinakamamahal kong babae. Hahaha.


"Dee, sobra kitang namiss! Ang gwapo mo naman Dee, I love you." Niyakap niya ako at naupo ako sa tabi niya.


"Kanina pa kita hinahanap dee, ba't hindi ka nagri-reply sa mga texts ko?"


"Sorry Dino, nalowbat ako eh, hindi ko rin nakita kanina sa bahay na palowbat na pala ako. Hindi bale na, basta nandito ka na kasama ko, masaya na ako." Ang sweet sweet talaga ng loves ko.


"Okay lang dee, naiintindihan ko. Teka, Allen-liit ikaw ba 'yan?"


Aba—hindi na siya baby tulad noon haha.


"Babae ka na ha, Allen-liit!" Natatawa ko pang sabi sa kanya, mahilig ko talaga kulitin siya noon pa. Parang kapatid narin kasi ang turing ko sa kanya. Namiss ko 'tong batang 'to haha.


"Anong pinagsasabi mo dyan? Babae talaga ako noh." Pinaningkitan niya ako ng mga mata hahaha.


"Hindi ka na boyish." Pagka-klaro ko.


"Alangan namang dalhin ko dito ang pagkaboyish ko, gusto mong mapahiya ako?"


Bakit ganon? Ang cold cold na niya sa'kin? Hindi ba niya ako namiss? Huhu.


"Lil sis, alam mo bang lagi kang tinatanong ni Dino sa'kin kapag nagkikita kami sa states? Namiss ka kaya nitong dee ko haha." Napapatango ako bilang pagsangayon sa sinabi ni dee my loves.


"Talaga?"


"Oo nga, namiss kita!" Pinat ko ang ulo niya na lagi kong ginagagawa.


"Pasalubong ko?"


Napakamot ako kasi nakalimutan kong dalhan siya ng pasalubong pero—joke! Haha, syempre meron ako, kakalimutan ko ba naman ang pasalubong ko sa little sister?















ALLEN's POV


Akala ko naman wala siyang dinalang pasalubong sa'kin, kung wala—papahiwalayan ko sa kanya si ate Sandy, joke! Hahaha, mahal na mahal nitong dal'wa ang isa't isa noh.


Tsaka namiss ko rin si Dino, syempre naman. Pero hindi ko sasabihin sa kanya, haha.


"Allen-liit~" Kinakalabit pa ako nito, hay nako parang bata lang? Hanggang ngayon 'yan parin ang tawag niya sa'kin, porket ang tangkad niya? Hmp!


"Asal bata ka parin, wag mo na nga akong tawaging Allen-liit!" Inirapan ko naman siya.


"Hahaha, ang cute kaya ng tawag ko sa'yo, namiss kita my little sister!" Leche! I-hug ba naman ako? Kadiri!


"Wag mo nga akong tawaging littler sister Dino. Hindi kita kapatid!"


Lumayo layo ako ng konti sa kanya, wala lang.. gusto ko lang inisin eh hahaha.


"Hahaha—syempre future brother-in-law mo kaya 'to." Ano daw?


"Bakit? Magpapaampon ka sa parents ko? Mukha mo!"


Akala ko maiinsulto siya sa sinabi ko tinawanan lang niya, kung mapapansin niyo kasi parang ayaw ko sa kanya pero syempre hindi 'yon totoo, gustong gusto ko sila ni ate Sandy, katulad ng ate ko na mahal na mahal ako, ganon din si Dino sa'kin, mabait talaga siya. Gusto ko lang kasing binibiro siya haha.


"Dee, bakit ganon? Ayaw ba ni Allen-li—ay! Allen sa'kin? Waaaa.. nakakalungkot naman." Kunyari naiiyak siya at yumuko sa balikat ni ate Sandy haha.


"Hindi naman siguro, haha." Natatawang sabi ni ate Sandy, alam kasi niyang ganyan kami ni Dino magusap.


"Namimiss ko na yung dating Allen na maliit.." Eh hindi na ako liliit pa! "Allen~" Parang baliw din 'to eh. "Alleeeen~" Makulit talaga, ngayon ko lang napansin na para siyang si Lhee.


"Ano? Ang kuliiiiit!"


"Hihi.. hindi pa ba kayo nagkikita ng pinsan mo? Kanina ka pa hinahanap non.


Saglit akong natigilan sa sinabi ni Dino, tss—ano bang pake ko don? "Ako hinahanap non? Pake ko." Tumayo ako, iniiwasan ko lang na mapagusapan pa namin 'yon ng matagal.


"Oh? Saan ka naman pupunta? Iiwan mo na ako agad?" Kadiri, iiwan daw? Alam kong gusto niyang solohin ang ate ko noh, ibibigay ko na nga diba?


"Nabo-bored kasi ako.. geh, sayo na ang ate ko."


"Wahahaha.. bait naman ng little sister namin, thank you Allen!"















Author's Pov


Nagsimula na ang party, kumakain narin ang mga bisita. Pinuntahan nina Sandy ang pinsan nakaka-engage lang at binati ito.


"Congrats to the both of you." Nakangiting sabi ni Sandy sa pinsan niyang si Loraine.


"Sandy, ang ganda ganda mo parin, thank you for coming, tsaka may wedding pa haha. Hm, next time kayo na ni Dino ang ie-engage." Sabi ni Loraine sa kanyang pinsan.


"Hahaha, medyo matagal tagal pa 'yan Loraine, pero mangyayari yan." Kinindatan nito ni Dino at ngumiti sila sa isa't isa ni Sandy.


"Tita, tito! Thank you po at dumating kayo." Pagpapasalamat naman ni Loraine sa parents ni Sandy nung lapitan siya ng mga ito.


"Wala iyon hija, we're happy for you. So, kailan ba ang wedding?" Tanong ni Tiffany dito.


"Nex t next month tita, we hope to see you there." Loraine.


Tila may hinahanap naman si Loraine na isang tao, nakita niyang nakatayo at tahimik lamang si Allen habang nasa tabi ito ng papa niya. Nilapitan nito ang dalaga at hinawakan ang dalawang mga kamay.


"Wow~ Allen is that you? Naman.. dalagang dalaga na 'tong cousin ko ha." Ngumiti ang mga naroon na kasama ni Allen.


"Hi, umm.. congrats nga pala ate Loraine." Nahihiyang sabi naman ni Allen.


"Thank you coz! Wait a minute, nagkita na ba kayo ng brother ko? You know he's excited to see you. Well anyway, I hope magkita na kayo, sige Sandy, dino and tito and tita, papasalamatan pa po namin ang ibang mga bisista. Please do enjoy."


Umalis na si Loraine kasama ang fiancé nitong si Marco.


"Sandy, ikaw na ang bahala sa kapatid mo, pupuntahan pa namin ang tiat't tito Steve niyo." Stephen.


"Don't worry tito Stephen, ako na po ang bahala sa kanilang dal'wa." Dino.


Samantala, magkakasam aprin sina Xyriel at T.K na nasa loob ng bahay, mas pinili kasi nitong dal'wang malayo muna sa maraming tao.


"Xyriel, hindi pa ba tayo kakain?" Nagugutom namang sabi ni T.K.


"Kumain ka na T.K, medyo busog pa ako. Geh, labas muna ako."


Lumabas na si T.K para kumuha ng pagkain niya, habang kumukuha siya ng pagkain may babaeng kilala siyang nilapitan siya nito.


"T.K, it's me.. remember me? It's me Danica!" Dati itong ex-girlfriend ng binata.


"Oh.. yah yah, syempre natatandaan pa kita Danica, maganda ka parin."


Pero ang totoo niyan ay hindi na nito natatandaan pa ni T.K.















ALLEN's POV


Naiilang na ako sa mga matang nakatingin sa'min dito, isa pa kung makatingin naman ang ibang mga relatives namin parang gusto akong kainin ng buhay, feeling ko sa'kin nakatingin eh. Gusto ko na tuloy umuwi kami, anong oras ba kami makakauwi?! Namimiss ko na ang mga kaibigan ko.


"Musta na ang mga iyon? Kumain na kaya sila? Siguro ang saya saya nila kasi nasa bahay lang silang apat. Hala—baka kinain na nila lahat ng mga pagkain sa ref! Hahaha.." Matakaw pa naman si Renee.


Para akong baliw dito na tatawang magisa.


Itong dalawa kong kasama, ang lalandi.. joke! Hahaha, ang sweet sweet nina ate Sandy at dino, kulang na lang langgamin na sila.


"Anong tinitingin tingin mo dyan Allen? Gusto mo bang tabihan kami? Kikilitiin ka namin tulad nung dati hahaha!


"No thanks. Ah, ate Sandy magc-cr lang ako."


Nagpaalam akong magc-cr lang muna ako kaya tumayo na ako, tsaka gusto kong mapalayo sa mga matang laging nakasunod sa'min o sa'kin.


Shit naman.. ang tagal tagal ko nang hindi nakapunta sa bahay na 'to, last punta ko siguro dito nung six (6) years old pa lamang ako, ganito parin naman ang mansion nila, natatandaan ko parin ang structure at mga lugar dito—syempre matalas ang memory ko haha. Pero hindi ko makalimutan kung ano ang tawag ko sa mansion na 'to—mansion ng mga aswang! Parang ayaw kasi ng mga magulang niya sa'kin, ang magasawang mayari nitong bahay. Mabuti na lang hindi nila alam kung saan kami nakatira ngayon, mas gusto kasi ng parents ko na malayo kami sa mga relatives namin at walang nakakaalam sa kinaroroonan namin, mas mabuti na'yon—ayokong nakakasalamuha ang relatives ko.


"Teka—nasaan na ba ang cr? Hindi na ba dito?" May cr naman dito sa pool area pero dahil sa laki nitong lugar nawawala na ako, iba na ba? Yung door papasok sa loob ng bahay naka-locked! Ugh!


Nawalan na ako ng ganang maghanap ng cr, tsaka hindi naman talaga ako naiihin, gusto ko lang makalayo don sa maraming tao!


Oo nga pala—natatandaan ko pa na may maliit na garden sila dito sa backyard.. nandito pa kayo 'yon? Kasi nga diba kapag ang mansion ang bahay, malaki ito at marami kang makikita sa labas ng bahay.


Hinanap ko ang garden na 'yon, malayo 'to sa pool area.. sana naman hindi iyon nawala o sinira. Natatandaan kong maraming puno kang dadaanan bago mo marating ang garden, medyo tago 'yon.. yung garden maliit lang siya pero may maliit na fishpond don sa loob, may parang maliit na fountain din, may mauupuan karin, pwede mong tambahayan 'yon kung gusto mong mapagisa ka.


Hindi naman ako nagkamali sa pinuntahan ko, nakita ko ang mga puno na magdadala sayo sa garden, sinundan ko 'yon at nakarating na nga ako! Ang talas talas talaga ng memory ko hahaha! May utak ako—ha! Akala ni Renee wala akong utak, bleh you're wrong, nyahahaha!


"Wow! Mabuti na lang nandito pa 'to, walang nagbago. Nice!"


Naupo ako sa isang maliit na bench na nakaharap sa fishpond, nakatalikod naman ako mula sa entrance na papasok dito.


Hay nako.. kanina kasi dal'wang beses akong tinanong kung nagkita na ba kami non! Kainis lang ha, bakit ba nila ako tinatanong? Ayoko siyang makita!


Ilang minuto na akong nakaupo dito—actually, mga three minutes pa lang hahaha!


"Just like I said, dito nga kita makikita."


Nanlalaki naman ang mga mata ko. Shit!




Continue Reading

You'll Also Like

83.7K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
14.5K 843 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
316K 21.8K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
200K 4K 54
New Owner? Ibig sabihin ba nito New Wilton na rin? Of course not! Still Girls are not allowed and that's the rule! But there's an exception in every...