HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

678K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 21

9K 199 4
By Vis-beyan28


Chapter 21: 'MISSION---?'

Ahli's POV

Pipikit na sana ako para hinatayin ang putok ng baril ng biglang lumiwanag ang paligid dahilan para mapatingin kami sa pinto.

*baaaaag*

Dun nanggaling ang liwanag kaya naman halos mapapikit ako dahil nakakasilaw. Lalong naging maliwanag sa pandinig ko ang mga putukan ng baril sa labas. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil hindi na naman natuloy ang muntikan ng pagbaril sa akin ni mondriguez.

Para akong nakahinga ng maluwag pero mayron pading natirang kaba at takot.

"P*tangina! Anong problema mo?!"-pakinig kong bulyaw ni mondriguez sa kanyang tauhan na bakas sa mukha ang pagkabalisa.

Mabibigat ang kanyang paghinga na tila kanina pa hindi mapakali.

"Boss, hinahanap ng mga azazel ang babaeng yan. Kailangan nating tumakas dito."-nahihirapang sambit niya.

Nagulat naman ako sa balitang yun. Ibig sabihin, nandito sila khanz! Sila ba ang tinutukoy nilang azazel? Bakit naman azazel? Ano yun?

"Punyeta! Ihanda ang sasakyan sa likod! Tatakas tayo! Hulihin mo yan!"-mabilis naman akong hinila nung lalake at tuluyan na kaming lumabas.

Unang bumungad sa amin ay ang mga nagkakagulong tauhan ni mondriguez! May ilang duguan at patay na! Lalo akong napalunok sa mga nasasaksihan ko. Buong buhay ko, hindi ko pa naransan ang ganitong pangyayari. At kailanman hindi ko hihilinging madamay sa ganitong sitwasyon!

Mabuti sana kung nasa isang shooting lang ako ng pelikula at ako ang bida pero hindi! Totoong pangyayari to at kasalukuyan kaming nasa gitna ng labanan!

Nasa unahan namin ang tatlong men in black habang katabi ko naman si mondriguez at saka ang isang men in black, hawak-hawak ako. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero ang sigurado ako ay tatakas siya at isasama pa ako!

Hindi pwede!

Kailangan kong manatili dito at makatakas!

Malalim akong napalunok habang damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Pinagpapawisan ako ng malamig pero hindi ko na yun inalintana pa. Ang tanging paraan ko na lang para makatakas ay mahanap sila khanz!

Pero paano? Hindi ko sila kayang labanan lahat! Ano ako, si darna? Tanga na lang kapag kakalabanin ko ang mga to, baka hindi pa ako nakakatakas, nasa langit na ako.

Madiin kong pinilig ang aking ulo. Hindi ako mamamatay!

Eh kung tumakbo na lang ako? Pwede, pwede...

Huhuhu...kinakabahan ako.

Juskoh po. Gabayan niyo ako. Bahala na si darna!

"ANG MGA AZAZEL!!!"-sigaw ko at tinuro kunyari sa gilid namin kaya naman napunta lahat ng atensyon nila dun. Naging alerto silang lahat at linabas ang kanilang mga armas.

Hindi na ako nag aksaya ng oras dahil mabilis kong siniko sa sikmura ang men in black na nakahawak sa akin. Nabitawan naman niya ako kaya mabilis akong nakatakbo pabalik sa nanggalingan namin.

"Tangina! Habulin ang inutil na yun!"-umalingawngaw sa buong paligid ang sigaw ni mondriguez!

*baaaang!*

*baaaaang!*

"Huwaaaaaaaaaggg!!! Tuuuuullllooong!!!!"-di ko na napigilang mapasigaw dahil pinaulanan na nila ako ng mga bala!

Para na akong tanga habang tumatakbo dahil nakahawak na ako sa aking ulo! Ng hindi ko na makayanan ang sobrang kaba, napaluhod na ako sa sahig at saka mabilis na gumapang!

Tanga na kung tanga! Baka matamaan pa ako ng bala mahirap na noh!

"Shit! Shit! Ayoko pang makita si San pedro maawa kayo!!!!"-sigaw ko pa habang patuloy sa pag gapang sa sahig!

Sobrang sakit na ng tuhod ko pero hindi ko yun ininda pa. Mas mahalaga ang buhay ko dito kaysa sa tuhod ko!

"Hulihin siya!"

O_O

Gulat akong napalingon sa aking likuran ng makitang malapit na sila sa akin kaya naman mabilis na akong tumayo at tumakbo! Mabuti na lang at tumigil na sila sa pagpapaulan ng baril sa akin. Pero ngayon, tatlong men in black na ang humahabol sa akin!

Habol ang hiningang nagtago ako sa likod ng isang malaking drum. Lalo akong kinabahan dahil wala akong maisip na lugar kung saan ko mahahanap sila khanz. Posibleng nasa labas sila dahil nakita kong nagkakagulo ang mga tauhan ni mondriguez malapit sa pintuan. At dun na sila naglalaban laban. Pero paano ako makakapunta doon gayong may mga tauhan siya doon?

Tangina! Ang hirap mag isip!

"Huwag niyong hahayaang makatakas yun, malalagot tayo kay boss!"-pakinig ko ang sigaw ng mga tauhan niya. Lalo akong sumiksik sa likod ng drum para lalo akong hindi makita.

Makalipas lang ng ilang segundo, wala na akong narinig na ingay. Kaya naman halos pigil ang hiningang sumilip ako para masigurong wala na sila at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang isang men in black na nakatayo na sa harapan ko.

"Nahuli ka rin!"

Napasigaw ako ng akmang huhulihin niya ako pero mabilis ko siyang sinipa kaso nasalo naman niya paa ko!

"Huwag! Bitawan mo ako gago!"-pilit kong ginagalaw ang paa kong hawak niya.

"Tangina!"-malutong na mura niya ng yung sapatos ko ang natanggal kaya naman nakawala ako.

O_O

Medyo natulala pa ako dun dahil nag iisip ako kung tatakbo na ako o kukunin ko muna yung sapatos ko. Kapag tatakbo ako, wala na akong sapatos. Kapag naman kukunin ko posibleng mahuli niya ako.

Ay ewan! Bahala na!

"Akin yang sapatos ko!"-mabilis ko siyang sinugod dahilan para magulat siya.

Hindi ko siya pinansin. Mabilis ko siyang dinambahan ng suntok pero nakaiwas siya.

Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Matapang ka bata. Binabantaan kita. Kung ako sayo, tumakas ka na."-pang iinsulto niya at tinapon sa kung saan ang sapatos ko.

Lalo akong nainis. Ngayon naka medyas lang ang isa kong paa. Tsk.

Hindi ko aakalaing ganito ako hahantong sa ganitong sitwasyon. Kapag kasama ko lang talaga sila gelo paniguradong pagtatawanan nila ako.

Sino bang matino na makikipaglaban para lang makuha ang sapatos niya? Ako lang ata.

-.-

Magsasalita pa sana ako ng agad na siyang sumugod sa akin! Mabilis kong iniwasan ang kanyang mga atake. Hindi ko talaga maikakailang mabilis ang mga kilos ng mga tauhan ni mondriguez. Ang hirap makasabay at ang hirap maiwasan minsan. Si khanz lang ata ang makakapag patumba sa mga to.

Mabilis akong napayuko ng akmang aambahan niya ako ng sapak pero hindi ko na naiwasan ang malakas niyang suntok sa aking sikmura kaya naman mabilis akong nanghina!

Napaupo agad ako sa sahig sa sobrang sakit ng sikmura ko.

"Tsk. Tsk. Tsk. Huwag mag matapang babae. Mahina ka lang."-insulto pa niya kaya lalo akong nainis.

Ang sarap hambalusin ang mukha. Kapag talaga ako, nakatsamba makikita niya ang hinahanap niya.

Nanatili akong nakayuko habang iniinda ang sakit sa aking sikmura ng makita ko ang sapatos ko, hindi kalayuan sa akin.

Dahan dahan akong lumapit doon habang siya naman ay papalapit sa akin. May mga sinasabi pa siyang pang iinsulto sa akin pero hindi ko na nagawang makinig pa.

"Ano?! Tumayo ka diyan! Pagbibigyan kita."-ngisi niya at mabilis na lumapit sa akin. Hinila niya ako sa braso pero nagmatigas ako.

"Pero bago yan, ito muna sayo!"-mabilis kong kinuha yung sapatos ko at hindi na nagdalawang isip na isampal sa kanyang pagmumukha!

*paaaaak!*

Umalingawngaw sa buong paligid ang tunog na yun kaya pati ako eh halos mapapikit.

Nakangiwi ko siyang tinignan at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang bumakat sa pisngi niya ang sapatos ko! Namumula ang bahaging yun at nanatili siya nakahiga sa sahig.

Hindi na ata humihinga.

Kung nasa ibang sitwasyon lang ako, baka matawa pa ako.

"S-sorry...hehehe..."-napapakamot sa ulong tumayo ako at akmang magsasalita pa sana ng makita ko ang dalawa pang men in black na papalapit sa akin!

Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo habang bitbit ang sapatos ko!

Wala na bang mas kokomplikado dito? Shit naman oh!

Kahit masakit ang sikmura ko at kahit pagod na ako, nagpatuloy lang ako sa aking pagtakbo. Hindi ko na alam kung saan pa ako patungo basta makalayo lang ako sa lugar na ito. Gusto ko ng tumakas. Gusto ko ng makalabas.

*booogsh*

"Shit!"-malutong akong napamura ng may nabangga akong matigas na bagay dahilan para mapasalampak ako sa sahig!

Dinig na dinig ko ang mabibigat kong paghinga at ramdam ko na ang sobrang pagod. Parang gusto ko na lang maiyak sa kawalang pag asa na may magliligtas pa sa akin. Pagod na akong tumakbo.

"Ahlisha..."

O_O

"KHANZ!"-di ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw sa sobrang galak.

Mabilis akong tumayo at walang pasabing niyakap siya ng mahigpit. Parang ngayon lang ako nakaramdam ng kaligtasan. Parang nawala lahat ng takot at pangamba ko ng makita siya.

"A-akala ko hindi niyo na ako maalala."-bulong ko na may gumagaralgal na boses.

Parang gusto ko na lang umiyak. Sa wakas, hindi na ako maghihirap. Sa wakas, may kasama na ako.

"Tsk. Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagsusu suot?"-marinig ko lang boses niya para akong nakahinga ng maluwag.

Yung bigat na nasa dibdib ko ay tila nawala ng makita ko siya at sobrang nagpapasalamat ako dahil nandiyan siya.

"Are you okay? Did they hurt you?"-hindi ko alam kung namimingi ako o ano dahil parang ang lambing ng boses niya?

Umiling na lang ako sa dibdib niya habang nanatiling yakap parin siya. Binabalewala ang tinig niyang yun. Parang gusto ko na lang atang nasa tabi niya palagi dahil pakiramdam ko ligtas ako.

"Let's go."-kumawala siya sa yakap ko at hinila na ako.

Hawak niya ang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay may hawak na baril. Napalunok ako dun.

Pinindot niya ang earphone sa kaliwang tenga niya at saka nagsalita. "I found her fvkers.....yeah....mondriguez is missing....I'll find him."-pagkatapos nun ay nawala na ang kausap sa kabilang linya.

Hightech na ata pati cellphone sa kanila eh. Akalain mong pwede pala kayong makapag usap kahit earphone lang gamit. Akala ko sa cellphone lang pwedeng makipag komunikasyon.

Natigilan ako sa paglalakad ng may maalala ako!

"Si mondriguez pala! Tatakas siya!"-bulalas ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

Gaya ng dati, walang bakas na emosyon sa kanyang mukha. Ang kanyang malamig na titig na naghahatid sa akin ng pagkailang.

"Where is that fvker?"-maalumanay niyang tanong na para bang wala kami sa gitna ng labanan.

"Patungo siya sa likod dahil may naghihintay doon sa kanya na sasakyan."-tatango tango kong sagot.

Shit! Bakit ko ba nakalimutan yun? Baka nakatakas na ang lalakeng yun!

Hindi naman siya kumibo dahil pinasadahan niya ako ng tingin at ng makitang hawak hawak ko ang sapatos ko ay napangiwi siya.

"What happened to you tombs?"-tila natatawa pa niyang tanong.

Napasimangot ako at saka hinila siya. "Huwag ka ng magtanong. Bilisan natin dahil baka makatakas yun."-nakasimangot kong tugon, hindi inalintana ang reaksyon niya.

Ang hirap kaya pinagdaanan ko. Pati sapatos ko eh dinamay. Tsk.

Habang tinatahak namin ang daan patungong likod ng bahay, hindi padin nawawala ang mga putukan ng baril sa paligid. Nagpapasalamat na lang ako dahil walang men in black dito ngayon.

"Teka nga, nasaan sina drex? Bakit ang tagal niyo?"-kunot noo ko siyang nilingon.

Nanatili naman siyang nagpapatianod sa aking hila habang nakatingin sa akin. Para siyang bata habang nakasunod lang sa kanyang nanay.

"Na traffic kami eh."-simpleng sagot niya na nagpaawang sa ang labi.

Ano daw?

Na traffic kami eh.

Tanginang traffic yan!

"Mapapahamak pa ako sa traffic na yan. Kung hindi pa sana kayo dumating, baka matagal na akong walang buhay!"-bulalas ko at saka lumiko ng makitang may pinto dun patungo sa likod ng bahay.

Dinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

Nagawa pang tumawa ang ugok na to.

Hindi ko siya pinansin at akmang pipihitin ang doorknob upang buksan ng bumukas ito at bumungad sa amin ang isang men in black!

Dahil sa gulat ko agad kong naisampal sa mukha nung isa yung sapatos na hawak ko kaya ayun, natumba agad!

O_O

O_O

"Really?"-pakinig kong wika ni khanz sa likod ko. Iiling iling siya habang pilit na pinipigilang huwag tumawa.

"Na-nagulat kaya ako dun!"-depensa ko at nakangusong sinuot ang sapatos ko.

Baka hindi ko pa nasu suot to, sira na kakasampal ng mga mukha.

"Tsk."-inirapan niya ako at saka nauna ng lumabas. Sumunod naman ako at unang bumungad sa amin ay ang mga nagtataasang puno. Mas marami ang puno dito sa likod.

Nanatili akong nasa likod ni khanz habang siya ay hawak ang baril niya, nagmamatiyaga sa paligid.

"Bakit tayo lang ang nandito? Nasan sina casz?"-takang tanong ko.

"Your noisy."-reklamo niya kaya naman tinikom ko na lang bibig ko.

Linibot ko ang paningin ko, nagbabakasakaling mahanap kung nasaan na sina mondriguez pero wala akong makita kundi mga puno.

"Nakatakas na ata siya khanzler."-bulong ko pero hindi siya nagsalita.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ang lamig dito, at hindi ko mapigilang mangamba. Kaming dalawa lang ang nandito pero pakiramdam ko marami kami. Pakiramdam ko may nagmamasid tulad noong mga panahong, nagmamasid sa akin ang mga men in black.

Hindi kaya patibong ito?

*baaaang*

*baaaang*

"Fvk!"-malutong na mura ni khanz at mabilis niya akong hinila patungo sa isang puno!

Nagsilabasan naman ang mga men in black na kanina pa pala nakatago! Ang dami nila, bwisit! Sabi na nga ba at isa itong patibong! Plano yun ni mondriguez!

"Tsk. Tsk. Tsk. Lacuesta...huwag ka ng magtago. Oras mo na para mamatay!"-at saka tumawa ng malakas si mondriguez na para bang nababaliw na.

Nanatili naman kaming nagtatago dalawa habang panay na ang mura ni khanz.

"A-ano ng gagawin natin? Marami sila khanz! Hindi natin sila kaya."-kinakabahan sabi ko. Hindi ako mapakali sa isiping napapalibutan na nila kami!

"Stay here and don't make a move."-matigas niyang utos at saka linabas ang isa pang baril sa kanyang likod.

Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"S-saan mo nakuha ang mga yan?"-taka kong tanong pero mukhang wala siyang balak sagutin.

Pinindot niya ang earphone sa kanyang tenga. "Casz, ready the fvking bomb."-utos niya.

Lalo akong kinabahan sa narinig ko.

May bomba? Saan naman nila nakuha yung bomba? At para kanino yun? Bakit ang dami nilang alam sa mga ganitong bagay? Nalilito na ako pero at the same time kinakabahan. Kinakabahan dahil hindi ko pa lubos kilala sila khanz.

Dahil sa pagkatulala ko hindi ko na namalayang, wala na siya sa aking harapan! Saka ko lang nakitang lumabas na siya sa pinagtataguan namin habang nagpapalitan na siya ng putok ng baril! Lalong umingay ang paligid.

Wala akong magawa kundi ang magtago ng maiigi. Hindi ko kayang panuorin siyang nakikipaglaban. Hindi ko kaya. Sa dami ng tauhan ni mondriguez laban lang kay khanz?

Himala na lang kapag nagtagumpay si khanz.

"Shit ka ahli! Kailangan mong tumulong!"-nalilito na ako kung anong dapatkong gawin.

Kung mamanatili ba ako dito o tutulong sa kanya. Pero wala akong armas! Alangan gamitin ko ulit tong sapatos ko? Nice ahli. Ang galing mong mag isip. Tsk.

-.-

"Aish! Bahala na si batman!"-bulalas ko at akmang lalabas na para tumulong ng may humarang sa aking dalawang men in black!

"Sumama ka sa amin!"-mabilis nilang akong hinila dahilan para mapasigaw ako at magpumiglas!

"Ayoko! Bitawan niyo ako!"-malakas kong sinipa sa paa yung isa kaya naman nabitawan niya agad ako.

Sinapak ko naman sa mukha yung isa pa dahilan para mapaatras ito kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo!

Pero hindi pa ako nakakalayo ng may humablot sa buhok ko at ang bumungad sa akin ay isang malakas na sampal!

"Shit!"-malakas na mura ko habang sapo sapo ang labi kong dumudugo na naman.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong mamatay!"-galit akong hinila nung men in black kaya lalo akong nagpumiglas.

"Bitawan mo ako! Hi di ako samama! Khanz!!!"-hindi ko na napigilang isigaw ang pangalan ni khanz sa sobrang kaba.

"Walang tutulong sayo kaya kung ako sayo, sumama ka na----"

*baaaaang*

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makitang dumudugo na ang bibig nung men in black habang sapo niya ang kanyang dibdib na ngayon ay duguan na rin!

Dahan dahan niyang nabitawan ang kamay ko kaya napaupo ako sa lupa. Hindi lamang sa gulat kundi sa takot na nakita ko. Hindi pa ako nakakakita ng taong namatay sa mismong harapan ko!

Umangat ang paningin ko sa taong gumawa nun at lalong nadagdagan ang takot sa aking puso ng makita ko si khanzler.

Naglalakad siya patungo sa akin habang nakahawak ng baril sa magkabilang kamay. Yung mata niya ay tila may apoy na nag aalab. Na anumang oras ay kayang kaya ka niyang kitilin.

"No one dare to touch what's mine."-nagbabantang tinig niya sa men in black na ngayon ay wala ng buhay...

At ang may kagagawan lang naman yun ay ang taong hindi ko pa lubos kilala...

Khanz, sino ka ba talaga?

_________________________________________

A/N: Pagpasensyahan niyo na kung ito lang nakaya ko ngayon guys. Sinadya ko talagang ihabol to ngayon hehehe. So sana nag enjoy kayo and of course super duper thank you sa mga nagbabasa at nag vo-vote diyan. I really do appreciate your effort. I don't know kung kailan ako maga-update kaya naman abang-abang lang diyan. Thanks!♥♥

And oh, check the multimedia. Zadkiel is there. :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
20.4M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...