Not an Ordinary Lovestory

By simplyfascinated

6.3K 172 21

SCDPsidestory|Bea Castillo-Vin Alonzo How can you say that it is an ordinary one when they met not in an ordi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Epilogue

Chapter 2

553 13 0
By simplyfascinated

HELLo sa mga Nagbabasa nito! ^_^ Salamat kung binabasa niyo pa ito haha!!! dadami din ang chapters nito tiwala lang. 

~ENJOY~♥

CHAPTER 2

Nandito ulit ako sa aming munting teritoryo ang ‘Haven’ walang kahit na sino ang pwedeng magpunta dito kundi kami lang at dahil na rin yun ang batas ng mga masters. Bawat grupo may kanya-kanyang teritoryo at kapag may ibang grupo na nagpunta sa teritoryo mo isa lang ibig sabihin nun…Gang Fight. Ganun ang kalakaran. Hindi ka pwedeng umatras dahil isa na iyong simbolo ng pagsuko at pagkatalo. Kailangan mong lumaban kahit ayaw mo dahil kung hindi mapapalayas ka sa teritoryo mo.

Tahimik lang naman ang grupo namin dahil wala pang nagtatakang magpunta dito sa teritoryo namin pero mukhang iba na ang ihip ng hangin ngayon dahil sa maling taong napadpad sa grupo namin.

Maari kong sabihin na siya ang bukod tanging pagkakamali sa grupo namin. Si Jake. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya napasama sa amin at ngayon ay tinraydor niya kami.

Kami kasi yung tipo ng gangster na hindi sumasabak sa gulo kumbaga walang pakialam sa paligid nila. Tahimik na namumuhay at nagpapakasarap lang. Hindi kami yung tipo ng grupo na maghahanap ng away o di kaya’y magsisimula ng gulo at iyon ang pagkakaiba namin kay Jake. Siya yung tipong uhaw sa gulo. Ang tanging nasa isip lang ay kung paano lalawak ang kapangyarihan niya.

“Anong iniisip ng aming little leader?” napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin at inagaw ang kinakain kong chitchirya.

“Tinatanong mo ba talaga kung anong iniisip ko at sadyang pagkain lang ang habol mo, Joe?” inis kong sabi. Nginitian lang ako ng loko at ginulo pa ang buhok ko.

“haha! Ganda mo talaga lalo na kapag nagsusungit ka”

“paano kaya kapag nagdalaga ka na Lala? Eh di madami ng magkakandarapa sa’yo…”

“Ano ka ba naman Joe,walang uubra kay Lala kasi magtatangka pa lang sila may mga black eye na agad!hahaha”

“eh kung unahin ko kaya kayo lagyan ng black-eye. Mga leche kayo! Ako na naman ang pinagtripan niyo!” bulyaw ko sa kanilang tatlo na ikinatawa lang nila.

“oh! Ang saya niyo ah…anong meron?”  napatingin kami dun sa mga bagong dating na may mga bitbit na paper bag. Mga pagkain siguro.

Eto ang maganda sa amin. Bigayan. Parang isa kaming buong pamilya na nagtatago ng sikreto sa bawat isa. Wala kaming kaalam-alam sa pagkatao ng bawat isa basta alam lang namin ang pangalan o pekeng mga pangalan at hanggang dun na lang kami dahil yung ang golden rule ng grupo namin.

"you should know how to play FAKE!, fake information is the best strategy and best weapon in the game...you're in if you know how to play FAKE IDENTITY. Once the truth is revealed, you’re out.”

Mabuti na lang wala ni isa sa amin ang nangangahas tuklasin kung ano ang taong pagkatao ng bawat-isa. Walang nakakaalam kung anong klaseng pamilya ang meron kami. Kung ano ang hanap-buhay at kung bakit kami nandito. Ang tanging alam lang namin ay nandito kami dahil ginusto namin at gusto namin ng thrill sa buhay.

“you’re idling feisty princess.” Nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita si Damon na nakangiti. Gwapo talaga ng lalaking ito lalo na kapag ngumingiti pero minsan natatakot ako sa kanya kapag ganyan siya.

“anong kakainin natin?” nakangiting tanong ko.

“Ako magluluto!” agad akong napatingin sa likuran niya kung saan masayang inilalabas ni Joe yung laman ng paper bags.

Oh sht! No way!

“What?! Doon ka nga kung ayaw mong masapak kita!” sita ni Saj.

“ang harsh mo Saj! Hindi porket mas malaki katawan mo sa akin gaganyanin mo na ako!”

“tngna Joe huwag ka ngang umarte dyan kundi pati ako sasapak sa’yo.”

“Aidan naman, pre! Diba kampi tayo? Hindi? Cole!kambal! ayaw nila akong kampihan kaya halika dito!” sabi niya na tila naghahanap ng kakampi.

“Joe, kambal gustuhin ko man kampihan ka pero pagdating sa pagkain hayaan mo ng sila ang magluto kaysa humantong tayong lahat sa ospital.” Maamong sabi ni Cole.

“Ano?! Wala ba kayong tiwala sa luto ko?!”

“obviously? Wala. So better leave all of that and start making a fuss outside than making us beat you non-stop.” Malumanay na sabi ni Damon na agad naman ginawa ni Joe. Psh. Takot lang.

“Sabi ko nga eh, sige na kayo na Saj ang magluto maglalaro na lang muna ako. Kambal! Let’s rock and roll!!!” sabi nito at kaagad na hinila si Cole palabas ng Haven.

“may sayad talaga…” hindi ko maiwasang sabihin. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng napatingin kaming lahat sa may pintuan dahil sa lakas ng tugtog na papalapit sa amin.

I'll make love to you...

Like you want me to...

And I'll hold you tight...

Baby all through the night...

I'll make love to you—

  “yow! How are you people?!”

“fcksht Franco! Patayin mo yang tugtog mo! ano ka bingi?!” As always. Ang unang magrereact sa mga ganitong bagay ay walang iba kundi si Saj. Sa mainitin talaga siya eh. Pinatay din naman kaagad ni Franco yung pinapatugtog niya at nakangiting hinarap si Saj

“thank you Saj! I appreciate your biggest word ‘fcksht’ and the others…did you miss me?!” sinamaan lang siya ng tingin ni Saj at nagsi-iling naman ang iba na nagsasabing hindi nila ito namiss.

Paano nga ba namin siya mamiss eh kakakita lang namin kahapon.

“ouch naman mga dude! You hurt my feelings, you know—Aray!tngna—Wae! Pare, I miss you!” napatingin kami sa bagong dating na si Wae at lahat kami napangiti hindi dahil sa pambabatok niya kay Franco kundi dahil nandito na siya. Nandito na ulit siya. Matagal din siyang nawala dahil sa…hindi namin alam. Ganun naman kami eh…biglang mawawala at kapag bumalik wala ni isa sa amin ang magtatakang magtanong kahit curious na curious kami dahil bawal nga.

“Don’t tell me, bakla ka na ngayon Franco?”

“FCK DUDE! Ako bakla?! Hindi mo ba alam na may naka-se—“

“Franco, watch your mouth. Nakakalimutan mo na atang may bata dito.”

“hehe pasensya boss Damon nakalimutan ko na nandito pala ang ating munting prinsesa.” Sabi nito at nag-bow pa.

Isa ito sa mga kinaiinis ko sa kanila. May oras na tinatrato nila akong bata at madalas ay tawagin nila akong prinsesa. Ginawa pa nila akong leader kung ganito lang din naman ang tingin nila sa akin.

“Nasan na yung kambal? Kambal sa kalokohan?”

“Saan pa ba, Wae? Eh di dun sa lugar kung saan may pwede silang paglaruan.” Sabi ni Aidan at tinulungan na ulit si Saj.

Naging mabilis lang yung paghahanda ni Saj at Aidan ng pagkain dahil sila naman ang madalas na naghahanda kaya alam na nila ang gagawin nila at sa kanila lang kami may tiwala pagdating sa pagkain. Dumating na rin yung kambal sa kalokohan at tulad ng dati mukhang may nabiktima na naman sila.

Nandito na kami ngayon sa hapagkainan at naupo sa kanya-kanya naming pwesto. Pahaba ang mesa namin dahil mas elegante daw tingnan at dahil ako ang pinuno ako ang nakaupo sa dulo samantalang si Damon naman sa kabilang dulo.

Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Pero lagi din naman iyong sinasagot ng isang pangyayari.

FLASHBACK

“wow! bata pa to pre. Sariwa pa!” nakangising sabi nung mama habang naglalakad palapit sa akin. Wala kasi akong sundo ngayon kaya nagpasya akong maglakad mag-isa hanggang sa madaanan ko ang isang eskinita at nandito na nga sila. Mukha silang mga adik.

“Tama. Masarap ito.” Napaatras na ako dahil sa takot. Marunong ako mag-taekwondo pero sa tingin ko hindi ko magagamit iyon ay mas nangingibabaw ang takot ko. Ngayon ko pa lang nararasan ito at hindi ko alam kung anong dapat gawin.

Napasinghap na lang ako ng maramdaman kong lumapat ang likuran ko sa pader at malapit na sila sa akin.

“p-please po maawa kayo sa akin.” Pagmamakaawa ko.

“wala kaming awa eh…” tumatawang sabi nila at lalong lumapit kaya napapikit na lang ako at hinihintay na hawakan nila pero wala pa rin kaya dinilat ko ang mga mata ko at nanlaki ang mga ito ng makitang nakabulagta na yung dalawang mama sa sahig.

Tiningnan ko yung may kagagagawan nun at hindi lang isa kundi madaming lalaki ang naroon at nakangiting nakatingin sa akin. Isa lang ang nakatayo na tiyak kong siya ang nagpabagsak sa dalawang mama samantalang yung iba naman ay tila nanunuod lang ng shooting.

“you’re safe now, little princess….” Sabi niya at nag-thumbs up yung iba.

END

Ang lalaking nakipaglaban nun ay walang iba kundi si Damon. Tiningnan ko siya habang tahimik lang itong kumakain at iniisip kung sino ba talaga siya.

Nung makita ko kasi sila ulit nakikipag-away din sila nun pero ibang-iba sila nung una ko silang makita para silang mga hayok na ang tanging gusto lang ay ang mambugbog kaya no choice ako kundi lapitan sila at pigilan dahil parang wala silang balak na buhayin yung mga kaaway nila hanggang sa napunta na nga ako sa ganitong sitwasyon.

Ako ang naging leader dahil ayaw na nilang maulit yung dati. Ayaw na nilang ilabas yung mga halimaw na nasa loob nila.

Sino ba talaga ang mga taong kasama ko ngayon? Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan at edad nila at ang personalidad na pinapakita nila dito sa loob ng Haven.

“Wae, wala ka bang pasalubong? Kahit chocolates man lang?” Tanong ni Cole. Sa pagkakaalam ko 19 na siya at makulit siyang tao. Lahat dinadaan sa tawa at mahilig siyang mantrip ng iba. Yun na ata ang nagbibigay kasiyahan sa kanya.

“yogurt wala?” Nakangiting tanong ni Joe. Siya yung kakambal ni Cole pagdating sa kalokohan dahil dun siya magaling. Ang favorite subject ng kalokohan niya ay ang pagkain kaya nga sa tuwing tatangkain niyang ipagluto kami gumagawa kami ng paraan para mapalayas siya sa kusina. Kapareho niya ng edad si Cole.

“kita niyo na?! hindi ako ang bakla dito! Walang lalaking mahilig sa yogurt!”  sabi ni Franco na tinataas pa ang tinidor niya. Siya yung tipo ng tao na happy-go-lucky. Mahilig siya sa babae na sa sobrang hilig gabi-gabi may kasama at tuwing umaga may tinatakasan. Hindi ko nga alam kung matino ba siya kapag hindi siya gangster pero sa tingin ko hindi. Sa tingin ko sadyang mahilig lang talaga siya sa babae. Isa siya sa mga matanda na sa amin dahil 24 na siya at dapat kuya na ang tawag namin sa kanya pero sa takbo ng utak niya hindi bagay sa kanya na tawagin siyang ganun. Mistula kasi syang bata. Bata na mahilig maglaro. Ang pagkakaiba nga lang mga babae ang paborito niyang laruin.

“at kailan pa naging basehan ang yogurt ha Franco?” tila nawalan naman ng sasabihin si Franco ng tanungin siya ni Aidan. Ang dakilang bwisit sa amin. Magaling siya mang-asar at sa tuwing ngingiti siya parang may ibang kahuluagan ang ngiting iyon. Ang sabi niya dati 22 na siya kaya yun ang alam ko.

“just get over with that yogurt thing guys. Kung bakla si Franco then so be it!” napatingin kaming lahat kay Saj ng sabihin niya iyon.

“What?” tanong nito.Hindi kasi namin alam kung matatawa ba kami sa sinabi niya o hindi. Alam naming biro niya lang iyon pero taliwas kasi sa pinapakita ng mukha niya. Ganito kasi talaga ang pagkakakilala namin sa kanya. Sa pagkakaalam ko 22 na siya at mahilig mag-joke pero hindi naman bumebenta sa amin kasi hindi halata sa mukha niya na nagjojoke siya. Mainitin din kasi ang ulo niya pero hindi ganun kalala kagaya ni—

“where’s CAD?” CAD. Siya yung pinakamainitin ang ulo sa lahat. Mas mabuting huwag mo siyang kausapin at tratuhin na parang hangin kapag mainit ang ulo niya kundi malalagot ka. Ang bukod tangi lang naman na nagpapainit ng ulo niya ay yung kambal eh. Hindi mo mahahalatang 21 na siya kasi lagi lang seryoso ang mukha niya na tila laging may iniisip.

“oo nga, kakabalik ko lang pero hindi ko na agad siya nakita. Saan na naman ba busy ang lalaking iyon?” natatawang tanong ni Wae. Siya ang pinakamatanda sa amin dahil 25 na siya at siya ang pinakamatino sa lahat. Mabait siya at approachable pero kapag galit siya galit talaga. Nakakatakot siya magalit kaya iniiwasan nilang lahat na galitin siya maliban kay Damon.

Magkasing-edad lang kasi sila at kapag nagkakairingan silang dalawa dinadaan nila sa laban hanggang sa humupa yung galit nila sa isa’t-isa. Si Wae ay katulad ng tubig na kalmado lang parati pero kapag nagalit para itong malalaking alon sa dagat at si Damon naman ay parang yelo na malamig makitungo sa lahat maliban sa amin pero parang apoy na nagliliyab kapag kinaaway mo.

Mabait sila pareho pero kapwa nagiging ibang tao oras na magalit sila at sila ang kinakatakutan ng lahat ng miyembro kasi para silang leader na kapag nagbitaw ng salita dapat sundin.

Nung una nagtataka ako kung bakit walang nagpupunta sa teritoryo namin samantalang parang wala namang amor sa pakikipag-away ang mga kagrupo ko hanggang sa makita ko kung paano sila makipag-away.

Tila sila mga halimaw kapag nakikipag-away sila at iyon ang hindi alam ni Jake. Hindi niya alam na ang mga taong pinupuntirya niya ngayon ay may mga kinukubling halimaw.

Hindi ako katulad nila dahil wala ako nun. Diskarte lang ang meron ako at tapang para harapin ang mag kalaban namin.

Hindi ko ito inaasahan pero ng dumating ito sa buhay ko tinanggap ko ito ng buong-buo dahil nakita kong pwede akong mag-enjoy dito.

2:12 am

9/27/2014

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!