Hope's POV
Makagaling namin sa puno ng bakbakang fieldtrip heto na kami sakay sa motor papauwi..
Ngunit sa kalagitnaan ng aming byahe ay biglang naging slow pace ang takbo ni Zai. Binagalan nya ang engine nya at nakita kong nakatingin sya sa isang gusali sa gilid ng kalsada. Dahil sa bagal ng takbo nya ay naabutan ko sya. Binagalan ko rin ang takbo at tinanong, "Zai bakit?" ngunit hindi sya sumagot. Kaya naman tinignan ko na lang din ang gusaling tinitignan nya. Nakasulat sa gate niyon ay, Bahay-Ampunan..
Nang tignan kong muli si Zai ay mataman lamang nyang tinitignan ang kabuuan ng gusali. Mayroon itong tatlong palapag at ang labas nito ay halatang luma na at matagal ng hindi naipayos o napinturahan manlang. Ang ilaw ng poste sa labas ng bahay-ampunan ay patay sindi na. At ang kapansin-pansin ay wala manlang itong ilaw sa loob. Mayroon man ay sa tingin ko kandila lamang ang nagiging ilaw ng mga tao sa loob.
"Tara na." biglang sabi ni Zai at pinaandar na ang motor nya. Kaya naman sinundan ko na sya. Binigyan ko muna ng huling sulyap ang bahay-ampunan tsaka binilisan na rin ang takbo.
Ang akala ko'y uuwi na kami ni Zai sa apartment ngunit bigla syang nag-iba ng daan. Sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa..
Eh?
Lotto Outlet?
Bumaba si Zai ng motor nya at pumunta sa isang board ng lotto outlet. May binasa sya sa pader noon. Tinignan ko rin kung anong binabasa nya at doon sya nakatitig sa nakasulat na.. 6/49. What was that? Tinignan ko ang nasa ibaba niyon at nakita ko ang price kung sakaling mananalo ka at iyon ay tumataginting na.. 32Milyon pesooooos! OMG! Ang laki pala ng mapapanalunan dito. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa mga numerong nanalo na sa palagay ko ay kahapon pa. Habang si Zai ay kumuha na ng papel at doon ginuhitan ang mga taya nyang anim na numero.
Matapos makompleto ang numero nya ay nagbayad na sya sa kahera ng lotto outlet. Humagot sya ng saktong bente pesos sa bulsa at ibinigay sa cashier.
Matapos niyon ay narinig ko ang isang babae at lalaki na syang tumataya din sa lotto. "Hindi ko tatayaan ang tinayaan nya. Mukhang hindi sya mananalo sa itsura nya."
"Tama ka dyan. Tignan mo at mukhang yung mantsa sa damit nya ay dugo." tsismoso at tsismosa alert!
"Tara na." muling yaya ni Zai sa akin. Hindi na nya pinansin ang dalawang nagtsitsismisan.
Pagdating sa bahay ay agad naligo si Zai. Ang sabi ko ay huwag ngunit mapilit syang talaga. Hindi naman daw nya babasain ang sugat nya.
Naligo din ako pagkauwi namin at nang matapos ay nagtungo ako sa sala. Nadatnan kong nilalagyan ni Zai ng gamot ang sugat nya habang buhay ang tv. Aba! Nanunood sya? Bihira lang sya manuod ng tv. Swerte na ang isang beses sa isang linggo.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya.
"Oo, kumain ka na dyan." aniya habang pasulyap sulyap sa tv.
Nagsandok ako ng pagkain ko at nagtungo muli sa sala. Nadatnan kong tapos na syang maglinis ng sugat nya sa tagiliran at tahimik ng nakatutok sa tv.
"May hinihintay ka bang palabas Zai?" tanong ko sa kanya.
"Oo." tipid na sagot nya.
"Ano?" puno ng kuryosidad na tanong ko habang ngumunguya.
"Lunokin mo muna yan baka mabilaukan ka." walang emosyong sabi nya habang malamig ang mga matang nakatutok sa tv.
Sinunod ko naman ang sinasabi nya at nilunok ko agad ang isang kutsara ng kanin at ulam na sinubo ko. At sinundan iyon ng pag-inom ng tubig.
"Oh nalunok ko na. Ano nga hinihintay mo?" tanong ko at pinanlakihan ko sya ng mga mata. Binibitin ako e. Tinuro lang naman nya ang isang pirasong square na maliit na papel sa aming lamesita. Kinuha ko iyon at tinignan. "Ito yung tinayaan mo kanina?" sinuri ko ang papel at may anim na numero doon at nakalagay sa itaas ay lotto.
Matapos ko iyong tignan ay biglang nag-flash sa tv ang lotto channel.Doon ko napagtanto na iniintay nya kung ano ang mananalong numero.
"Zai ano gagawin mo sa pera kung manalo ka?" tanong ko.
Hindi sya sumagot bagkus ay nakinig lamang sa boses ng host na binobola ang mga numero. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi muna ko magtatanong. Mamaya na lang. Seryoso kasi masyado ang mukhang ni Zai e.
Nagsimula na ang pagbobola at lumabas na ang unang numero.
"Uwaaaaaa! Zai numero mo iyan numero mo yan oh!" turo ko sa papel na hawak. Muli ay hindi na naman ako pinansin ni Zai. Tutok lang sya sa tv.
Nang lumabas ang pangalawa at pangatlong numero ay, "waaaaaa! Mayroon ka din nyan Zai! OH MY GHAAAAD!" hindi ko mapagilang hindi maging excited sa sunod na numerong lalabas. At nasambit ko na lamang na, "ibigay mo sa amin ang kasunod na numero! Come ooooon!" intense na sabi ko at..
At..
"Yaaaaaaah!" pinaghahampas ko ang lamesita sa tapat namin ni Zai. Tumama ang pang-apat na numero ni Zai!
Pigil hininga kong hinintay ang pang limang numero at..
At..
"Praise the lord!" tumama ulet! Nakagat ko na lamang ang isang throw pillow namin ni Zai na nandoon sa paghihintay ng huling numero. Eto na 'yon! Etoooooo na!
Ang huling numero ay...
15!
Parang gumuho ang mundo koooo!
Tengene nemen! 16 'yong numero ni Zai e! Kinapos pa. Napapadyak ako sa sobrang pagkadismaya sa epic fail na nangyari. Buseeeet!
"Better luck next time." 'yon lang ang sinabi ni Zai at nagdiretso na sa kwarto nya. A-anak ng tinola! Muntik na syang manalo ng milyon milyon tapos ganoon lang reaksyon nya? Kakaibang babae talaga ang aking kaibigan. Tsk tsk. Napailing na lang ako. "Yung number ni Ace ipasa mo sa akin." pahabol nya bago tuluyang pumasok sa kwarto nya.
Napailing na lang ako sa sobrang pagkadismaya! Gusto kong basagin ang tv na nasa harap ko. Andon na 'yong excitement e tapos kinapos pa. Pambihira!
Nanlulumong pinatay ko ang tv at mga switch ng ilaw bago tinungo ang sariling kwarto ko. Ngunit hindi ko kinalimutan na ipasa kay Zai ang number ni Ace. Napangiti na lang ako ng malapad pagka-send ko. At nahiga na.
Ace's POV
Matapos maghapunan ay nagtungo na ako sa silid ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang paglapit ni Frie- este Hell. Oo nga pala Hell na ang dapat na itatawag ko sa kanya dahil 'yon ang gusto nya. Tsk. Palagi ko na lang sinusunod ang gusto ng babaeng 'yon. Ngunit ako ay hindi nya manlang magawang sundin. Nakakainisssss! At talagang mas pinili nya pa ang Renz na 'yon na lapitan kanina e nandon naman ako. Ha! Badtrip!
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Parang gusto kong bugbugin ang Renz na 'yon. Marahas kong dinampot ang isang unan ko at itinapon ito ng malakas sa pader.
Aisssh! Nagulo ko ang buhok ko sa sobrang pagkainis. Nang biglang..
Bzzzt bzzzt
Nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa side table at nakitang may tumatawag. Unknown number. Hindi naka-save ang numerong ito sa contact list ko.
Pipindutin ko na sana ang end call ngunit parang may humahatak sa akin na pindutin ang answer key. Kaya naman dala na rin ng kuryosidad ay pinindot ko ang answer key sabay sabing, "hello?!" sa iritadong tono dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Tsk.
Hindi naman sumagot ang nasa kabilang linya. "Hoy! Badtrip ako ngayon ha! Kaya kung ako sa'yo magsalita ka na! Sino ka ba?!" nakasigaw na utas ko.
"Halata nga." biglang sabi ng nasa kabilang linya. At parang on cue ay nanlaking bigla ang mga mata ko.
"H-h-hell?" wala sa sariling sambit ko dahil kilalang kilala ko ang boses na nasa kabilang linya. Alam kong malamig na naman ang mga tingin nya. Kahit ang salita nya ay nakakapanginig.
Bigla naman akong nabuhayan ng sabihin nyang, "ako nga." sa malamig na tono.
At parang gusto kong mag-macarena dance ngayon. Waaaaaaa! Tumawag sya sa akin dude! Napakurap kurap ako sa screen ng cellphone ko at parang di pa rin makapaniwala.
Pigil hiningang, "oh bakit?" galit galitang tanong ko. Aba! Hindi ko pa rin nakakalimutang pinili nya ang Renz na 'yon kanina kesa sa akin. Psh. Samantalang ako ang nakasama nya sa kweba at nakatabi nya sa bus.
"Wala naman.." walang emosyong tono na sagot nya sa kabilang linya. A-anak ng! "E bakit ka pa tumawag?!" asik ko sa kanya.
"Para marinig ang boses mo bago ako matulog." diretsong sabi nya. At..
At.. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko.
Para marinig ang boses mo bago ako matulog.
Para marinig ang boses mo bago ako matulog.
Para marinig ang boses mo bago ako matulog.
WAAAAAAAAA! Tengene! Kinilig akooooo! Demn ye!
Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi nyang 'yon. Napasuntok ako sa hangin sa sobrang kilig! Tengene telege!
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mukha ko. At mas lalo pang lumapad ng sabihin nyang, "papel ako at staple ka.."
"A-ano?" nauutal na sambit ko.
"Kasi handa akong masaktan madikit lang sa'yo." nanlaki ang mga mata ko at..
Whaaaaat the efffff! DAFUQ! Demn ye! Doble dobleng kilig!!
Ngunit napawi ang mga ngiti ko ng sabihin nyang, "magandang gabi. Paalam." Nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig sa cellphone ko.
Pagkatapos akong pakiligin sa banat nya bigla na lang mawawala! Tsk. Si Hell ba talaga 'yon?
Pero..
Aish! Hindi ako makatulog sa..
KILIG!
itutuloy..