Gregory Troye

By LenaBuncaras

415K 4.5K 1.6K

The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na... More

Chapter 1: The Stalker
Chapter 2: Carl John
Chapter 3: Ultimate Fan of All Time
Chapter 4: The Writing Contest
Chapter 5: In-Chief
Chapter 6: Secret Admirer
Chapter 7: Hi, Crush
Chapter 9: She's Already Taken . . . Me

Chapter 8: Babe

8.1K 478 179
By LenaBuncaras

Nanginginig sa tuwa si Vincent na lalo lang pinatindi ng air con nang sugurin si Karen sa cubicle nito. Napakalapad ng ngiti niya nang bulagain niya ang owner ng DCE.

"Karen, nandito 'yong crush ko!" excited niyang sinabi at nagtago pa sa mababang glass wall ng cubicle habang sinisilip si Eunice na nasa kabilang block ng kay Karen. "Sabi na, meant to be talaga kami." Ibinalik niya ang tingin kay Karen habang naka-finger heart pa at nakangiti.

Tiningnan lang siya nito at mababasa sa mukha ang pagtatanong kung ano ang pinagsasasabi niya.

"GT, what are you doing?" nalilitong tanong ni Karen na hindi alam kung matatawa o maguguluhan sa ikinikilos niya.

"Remember that girl? 'Yong sinasabi ko sa 'yo na nakilala ko three years ago? 'Yong bumili ng libro ko?"

"Uh-huh?" Tumango lang ito, kunwaring may natatandaan kahit hindi pa sigurado.

"She's here!"

"Wh . . . ere?" tanong ni Karen habang nakataas ang kaliwang kilay.

"'Yong maliit na babaeng ipinakilala mo sa 'kin kanina!"

"Si Niz?" nagtatakang tanong ni Karen sabay urong paatras habang nandidilat. "Si Niz?! Really?"

"Eunice Riodova ang name niya, right?"

"Yes. And . . . ?"

"Siya 'yong crush ko!" Umupo siya agad sa harapang upuan ni Karen at saka tinuktok ang mesa. "Gaano siya kadalas pumasok sa work?" seryoso niyang tanong dito.

"GT, home-based siya—"

"No! Hindi puwede!" putol niya kay Karen sabay dikdik ng hintuturo sa mesa. "Kapag nandito ako, dapat pumasok siya. Dapat ngayon pa lang, malinaw na 'yon sa kanya. Gaganda ang araw niya at sisipagin siya sa work once na makita niya ako araw-araw. And you can attest to that." Sabay duro niya sa kausap.

"Hahaha! Oh my God." Natawa tuloy si Karen sa kanya. "GT, yung confidence level mo, unreachable na talaga! May tinitira ka bang hindi namin alam?"

"Karen, willing akong ibigay ang lahat ng time ko for DCE, pumasok lang siya. Tell her, this company needs her every day," desidido niyang utos. "Wait, ano pala ulit ang position niya? I forgot, sorry naman."

Napahagalpak tuloy si Karen sa kanya. "Hahaha! GT, I cannot!" Panay lang ang tawa sa kanya nito dahil halos pandilatan na niya ito sa pagpapaliwanag niya. "What's gotten into you, huh?"

Sineryoso na ni Vincent ang usapan kaya sumeryoso na rin ang facial expression niya. Umayos siya ng pagkakaupo at kunwaring tinatadtad ang mesa habang nagpapaliwanag. "I . . . want . . . her . . . here." Nag-isang tango pa siya para masabing malinaw na ang mensaheng gusto niyang iparating kay Karen. "Hindi mo alam kung ano'ng pinagdaanan ko, mapansin lang niya."

Napailing na lang si Karen habang nakangiti. "GT, siya ang lead editor ng DCE. You said we needed to fire her kasi iresponsable siya."

"Anong fire her?!" malakas niyang tanong. "Did I say that? No, no, no, no." Umiling pa siya at hiniwa ang hangin. "That is not true!"

"Uh-huh." Tumango si Karen habang nakatuon na ang tingin sa monitor ng computer nito. "That was true. You've just said that yesterday pagkabigay mo ng portfolio ng The F— Buddies."

"Then erased that! Papasukin mo na lang siya araw-araw."

"That can't be. Hindi niya kami pinakikinggan."

"Papasukin mo siya sa work or I'll bring her the work."

Napahinto na naman sa ginagawa si Karen at buong pagtataka siyang tiningnan. "Hardheaded si Niz, okay?"

"Ano kaya'ng magandang eanderment for her?" tanong ni Vincent sa hangin at hindi na pinansin pa ang sinasabi ni Karen. "I call you guys darling. Not that special. Not gonna work sa first names, hmm . . ."

"Are you even listening, GT?" dismayadong sinabi ni Karen at saka nangalumbaba habang pinanonood siyang mag-isip ng itatawag kay Eunice.

"She's my baby girl. Can I call her my baby girl?" tanong niya kay Karen na ikinangiwi lang nito. "I know, that's too long for a name. What about 'babe'?"

"Vincent, you serious?" tanong ni Karen, napapangiwi na.

"Okay. Ganito, I'll—"

"Kuya Vincent," bulong ni Yeng mula sa pintuan ng cubicle ni Karen. "Hi, Boss Ayen." Ibinalik din nito ang tingin kay Vincent. "Kuya, tawag ka ni Ate Niz."

"Huh!" Napangisi agad si Vincent at proud pa siyang nagpagpag ng balikat bago ibalik ang tingin kay Karen. "Told ya, she needs me." Kumambyo pa siya sa kanang tagiliran at nilawayan ang ibabang labi habang kunwaring nasisilaw sa paligid pagtayo.

Guwapong-guwapo siya sa sarili habang nilalakad ang papunta sa cubicle ni Eunice. Napupuno ng overwhelming feeling ang buong sistema niya magmula nang makita niya ito sa floor na iyon.

Iniisip niyang siya na nga halos ang sumalo ng trabaho nito. Kung gusto rin ni Eunice, pati ito, sasaluhin na rin niya kapag na-fall ito sa kanya.

Agad-agad ang upo niya sa harapan nito at saka proud na tiningnan ang lead editor ng DCE na nakasimangot sa kanya.

"Hi," pagbati niya habang nakangiti.

"What's this?" tanong nito habang may hawak na folder.

Walang nakalagay na kahit ano sa folder na iyon kaya ang isinagot niya: "A folder. Visual test ba 'to?"

Nagtataka naman siya kung bakit siya tinatanong tungkol sa isang blangkong folder.

"'Wag kang pilosopo. Tinatanong ko kung ano 'to at para saan 'to?"

Pinanindigan naman niya ang sagot. Folder lang kasi talaga ang nakikita niya. Kung ano man ang meron doon na ikinagagalit nito, iyon ang wala siyang alam.

"Oo nga. That's a folder, and that's used to keep files. Assessment ba 'to kung may common sense ako o wala?"

Napaatras siya nang biglang ibalibag sa kanya ni Eunice ang hawak nito. Pinanlakihan lang niya ng mata ang pagtama sa dibdib niya ng folder dahil hindi niya iyon inaasahan.

Oh my, babe. Okay lang kahit harsh ka, love pa rin kita.

"You're fired," walang patumanggang sinabi nito.

Noon lang niya binasa kung ano ang meron sa folder na iyon. Nabasa niya ang title page ng The F— Buddies. Tumango lang siya at naintindihan na ang tanong ni Eunice—sa wakas.

"This is our upcoming project. It's a collaborative novel, and isa ako sa writer nito." Inayos niya ang folder sa mesa ni Eunice at nginitian na naman niya ito. "You can't fire me."

"You're under my team. I can fire you."

Biglang nagbago ang mood niya dahil naroon na naman ito sa pagsusungit sa kanya. "Karen hired me," mabigat na niyang tugon kay Eunice.

"You're under my team."

At mukhang magtatalo na naman silang dalawa.

"You're not my boss," pagpipilit niya sabay krus ng mga braso.

"You . . . are . . . under . . . my . . . fucking . . . team."

"Sorry, babe. I know this is the first time I met you, but you are not my boss." At ipinagdiinan pa niya ang mga salita para mag-react ito. Maalala man lang ang mga nangyari noong nakaraang tatlong taon. Inisip niyang malamang naman na makikilala siya nito dahil sa nangyari noon at ito na mismo ang magsasabing hindi iyon ang first time nilang pagkikita.

Ang kaso, tumayo lang ito at nag-walkout.

"O? Saan siya pupunta?" Lumabas siya agad sa cubicle ni Eunice at nakitang kausap nito si Karen. Natatawa tuloy siya sa inakto nito.

Wala naman nang magagawa si Eunice dahil unang-una, kailangan si Gregory Troye ng DCE. Pangalawa, kailangan ng DCE ng magaling na editor. Pangatlo, siya si Vincent Gregorio—'yon na 'yon.

Sumandal na lang siya sa glass wall ng cubicle nito at naghintay na sabihin ni Karen dito ang mabuting balita. Malamang na pipiliin siya at ang gusto niya ni Karen dahil siya ang magsasalba sa DCE sa napipinto nitong paglubog.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Eunice sa cubicle ni Karen at sobrang nakasimangot ang mukha nito. Halos matahin siya nito na parang pinatay niya ang buong pamilya ng babaeng nginingisihan. Inirapan siya nito at saka kinuha ang gamit nito sa table.

"Hey, babe," bati pa niya at saka ito huminto sa harap niya para hagurin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Punong-puno ng galit ang mga mata nito na nginingitian lang niya. "What's the verdict?"

Lalo lang itong nanggalaiti sabay sabi ng, "Go fuck yourself."

Naglakad lang ito palabas ng floor palayo sa kanya. Doon lang naglaho ang ngiti niya sa labi nang sundan niya ito ng tingin.

Mukhang hindi effective ang charm niya kay crush. Baka lang kaya pang daanin sa pa-cute. Susubukan na lang niyang magpaguwapo bukas, baka mapansin na siya nang hindi ito nagagalit.


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 554 83
Rebecca Allison Brandt, a young fashion model and writer who suffered from an ultimate heartbreak when she broke up with her long time boyfriend. She...
7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...