'Di Madinig

By shattereign

366K 13.3K 4.5K

All Barcelona ever wanted was for Alesso Yuchengco to finally hear her. She keeps on telling everyone and mak... More

PREFACE
• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 19 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 32 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• 43 •
• 44 •
• 45 •
• 46 •
• 47 •
• 48 •
• 49 •
• 50 •
• 51 •
• 52 •
• 53 •
• 54 •
• 55 •
• 56 •
• 57 •
• 58 •
• 59 •
• 60 •
• 61 •
• 62 •
• 63 •
• 64 •
• 65 •
• 66 •
• 67 •
• 68 •
• 69 •
• 70 •
• 71 •
• 72 •
• 73 •
• 74 •
• 75 •
• 76 •
• 77 •
• 78 •
• 79 •
• 80 •
• 81 •
• 82 •
• 83 •
• 84 •
• 85 •
• 86 •
• 87 •
• 88 •
• 89 •
• 90 •
• 91 •
• 92 •
• 93 •
• 94 •
• 95 •
• 96 •
• 97 •
• 98 •
• 99 •
• 100 •
• Last Chapter (Part One) •
• Epilogue •
• 'Di Madinig •

• Last Chapter (Part Two) •

4K 124 49
By shattereign

Last Chapter (Part Two)

"A-alfie..." I called him as soon as I saw him. He texted me that he wanted and needed me immediately. Ganoon naman ako palagi. Kapag kailangan niya ako, darating ako kaagad. Kasi alam ko namang hindi niya ako tatawagan kung wala na siyang ibang mapuntahan. "A-anong nangyari?"

"Al—" hindi ko na naituloy pa ng bigla niya akong salubungin ng isang mahigpit na yakap.

"Alfie... anong nangyari?" tanong ko ulit.

Mas lalo niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Mas naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya.

"Don't ever leave me, okay?" he pleaded, still sounding so pained to the point that I felt it.

"B-bakit naman kita iiwan?" I asked.

Kumalas siya sa yakap niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iniharap ako sa kanya. "'Because I know that I'm just this. I'm not the best you'll ever meet, Barcelona. I know that there's a lot of guys out there that's more deserving of your love..."

I smiled at him before I cupped his face. "You're not the best I'll ever meet, but you're the best I'll ever have, Alfie."

"Alam ko... hindi ako sweet. Hindi rin ako showy. Pero sana alam mo na nandito lang ako palagi para sa 'yo gaya ng pangako ko. Marami man tayong bagay na pinag-aawayan at hindi pinagkakasunduan, sana alam mo na hindi kita iiwan kung wala naman akong sapat na dahilan at rason para gawain 'yun, okay? And who cares about finding the best?"

Ngumiti na rin siya pabalik sa akin. "You're only saying that because you still haven't seen the worst of me, Barcelona."

"Teka nga, bakit ka ba tumawag?"

Bigla siyang sumimangot. Hinila niya ako at umupo kami sa isang bench dito sa park. It was already midnight. Ang hilig niya talagang tumawag na lang bigla ng walang pasabi. Buti na lang talaga hindi strict sina Mama.

Huminga siya nang malalim bago siya tumingin sa langit. Bilang na bilang na lang mga bituin ngayon, hindi katulad dati. Ang dami na talaga nagbago sa mundo.

"Ano ba 'yun? Sabihin mo na. I-share mo. Masama 'yung may kinikimkim ka."

He sighed. "It's about my mother."

"Bakit?"

"We had a fight."

"Alam mo, Al, mga magulang natin... hindi natin namamalayan, tumatanda na 'yang mga 'yan, kaya sana habang may oras pa... iparamdam mo sa kanilang mahal mo sila. I know, hindi naman maiiwasan ang away sa pamilya, pero as much as kaya, makipagbati ka na kaagad. Be the bigger person. Lower your pride. Ask for forgiveness."

"You don't understand..." he said. "In my twenty-one years of existing in this world, I never felt that she was proud of me and that she loves me. Not even once."

Hinawakan ko iyong kamay niya kaya naman napatingin na siya sa akin. Nginitian ko siya ng tipid. "Maybe she's just not showy... and she shows her love in a different manner, you know?"

Umiling lang siya.

I squeezed his hand. "I'm proud of you. I will always be proud of you."

"Kinilig ako ng slight," he said.

Napatawa naman ako sa kanya. "Slight lang?"

"You know what?"

"Yeah?"

"Who cares, right? As long as I got you, then I have someone who believes in me, someone who's proud of me and my little achievements in life. That's all I need, Babes... someone who would believe in me. All I need is you."

"True," sabi ko bago ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya at tumingin na rin sa mga bituin sa langit katulad niya. "So, don't ever lose me, okay?"

Naramdaman ko na rin ang pagsandal niya sa ulo ko. "I won't."

* * *

"What? Ano ba ang sinasabi mo?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Maku.

How is that even possible? Hindi naman, 'di ba?

"Bars, totoong sinasabi ko. Si Alfie na daw ang president ng Sigma Chi Alpha."

"H-ha? Hindi niya magagawa sa akin 'yon. Alam niyang frat 'yan ni Bran. Alam niyang kapatid ko si Bran. Sinabi ko sa kanya lahat. Hindi niya gagawin 'yan sa akin," iling ko kay Maku, ayoko pa rin paniwalaan ang mga sinasabi nila tungkol kay Alfie.

"Nagsasabi ako ng totoo, Bars—"

Hindi ko na siya pinatapos pa. Kaagad kong pinuntahan si Alfie sa building nila at eksaktong kakalabas niya lang mula sa room nila.

Mukhang nagulat siya nang makita niya akong nasa harapan niya na. "Totoo ba 'yung naririnig ko?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.

"Totoo ba?"

Wala pa rin sagot.

"Alfie, totoo ba?" I asked again.

Nilapitan ko na siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Tears were already threatening to fall, but I managed to stop it. "Sabihin mong hindi 'yun totoo. Sabihin mo sa aking fake news lang 'yun. Hindi ikaw 'yon. Ibang Alfie 'yon. Marami namang Alfie sa school natin, 'di ba? Hindi naman ikaw ang bagong presidente ng frat."

Pero wala pa rin.

Bakit ba 'di mo ako madinig?

"Ano? Bingi ka na ba?! Hindi mo na ako madinig bigla?!" I asked, tears were starting to fall.

"Alfie, nakaka-gago kasi e. Alam mo namang 'tong frat ang sumira kay Bran, sa kapatid ko. Sa pamilya ko. Sa kompanya namin. Sa buhay ko. Kaya ano 'to? Bakit ka kasali dito? Delikado 'tong pinapasok mo—"

"Why do you care?" he asked.

Natigilan ako. Bakit ba siya nagkaka-ganyan?

Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Why do I care?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. "Kasi nag-aalala ako sa 'yo! Kasi mahalaga ka sa akin! Kasi importante ka sa akin! May pake ako kasi ikaw 'yan, buhay mo 'yan! May pake ako kasi hindi ba..."

Hindi ko matuloy.

Kasi hindi rin ako sigurado.

Hindi ko rin alam kung ano niya nga ba ako.

Kung ano nga ba kami?

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"What?" he asked, expressionless.

Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Alfie?

"Alfie, hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo!"

"Not your life to meddle with," he said as he tried to walk past me, pero kaagad kong nahawakan ang braso niya at akmang pinigilan siya.

"Alfie, ano ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?!"

Marami nang tao ang tumitingin sa amin, but I don't care. I just wanted him to hear me, to whatever I had to say. I wanted him to listen to me. I wanted him to understand what I'm trying to say.

He faced me. "I heard what you said. Hindi naman ako bingi. Ikaw ba? Hindi mo rin ba narinig ang mga sinabi ko? It's not your life to meddle with, so fuck off," aniya bago ulit ako talikuran.

Tumulo ang mga luha ko. "Alfie, ano ba tayo?"

Tumigil siya sa paglalakad.

Unti-unting nawawasak ang puso ko.

Ang sakit pala.

Sobra.

"Sorry ha? Ang assuming ko kasi. Akala ko tayo na," pinalis ko ang mga luha na patuloy sa pagpatak. "Sorry. Akala ko lang pala ang lahat. Kasalanan ko. Wala ka namang sinabi na gusto mo ako, kaya bakit nga ba umaasa ako?"

Nanatili lang siyang nakatalikod.

"Hayaan mo, simula ngayon hindi na kita papakielaman ngayong malinaw na sa akin ang lahat. Wala naman kasing tayo. Hindi mo naman ako girlfriend, kaya ano nga bang pake ko kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo?" tanong ko pero hindi pa rin siya gumagalaw. Ni hindi niya ako magawang tingnan.

"Hayaan mo, Alfie, dahil simula ngayon... mawawalan na ako ng pake sa 'yo," sabi ko bago ko siya tuluyang nilagpasan.

* * *

"Babes, right?" biglang harang sa akin ng isang lalaki dito sa hallway.

"Migo," sabi ko kaagad nang mamukhaan ko siya. Isa siya sa mga kaibigan ni Alfie. Ano ang ginagawa niya rito?

"May kailangan ka?" I asked.

"Just wondering... if maybe, alam mo kung nasaan si Alfie?"

"H-ha?" I asked, medyo natigilan sa tanong niya. "Bakit mo naman siya sa akin hahanapin?"

He shrugged. "I don't know. You're close to him."

"Mag-iisang buwan niya na akong hindi kinakausap... kaya sorry, hindi ko rin alam kung nasaan siya."

He sighed. "Okay... just if may malaman ka man about him, don't hesitate to text me, okay?" I nodded as he gave me his number. "Sobrang worried na kasi ng parents niya sa kanya... at maging kaming mga kaibigan niya."

I smiled sadly at him. "Nag-aalala rin ako para sa kanya. Sana umuwi na siya. Sabihin mo rin sa akin kapag may balita na kayo sa kanya, ha?"

He nodded. "Yeah... sana nga bumalik na siya. I'll text you if ever."

After a few weeks... he came back. Bigla na lang siyang pumasok. Bigla na lang siyang nagpakita. Like nothing happened. Na para bang hindi siya nawala at hinanap nang matagal. Na parang walang nag-aalala sa kanya gabi-gabi. Na parang walang halos mawalan na ng bait kakaisip kung buhay pa ba siya, kung okay pa ba siya, kung humihinga pa ba siya.

Ganoon siya ka-selfish.

"Alfie!" tawag ko sa kanya pero parang hindi niya ako naririnig o baka ayaw niya lang talaga akong madinig.

Sinasadya niyang hindi ako dinigin.

"Alfie, wait!" habol ko sa kanya.

Tinakbo ko ang distansya namin at kaagad ko siyang pinigilan sa paghawak sa braso niya. He stopped but he only looked at me, like he felt nothing for me.

Like I meant nothing to him.

"Saan ka ba nanggaling? Sobrang nag-alala kaming lahat sa 'yo! Bakit ba bigla ka na lang nawa—" hindi ko na naituloy pa ang mga gusto kong sabihin nang tanggalin niya ang kamay ko sa braso niya.

"Don't touch me."

Natigilan ako.

Parang may kung anong nawasak sa akin.

Parang anytime, bigla na lang akong sasabog. Iiyak. Pero ayoko. Hindi ako iiyak sa harapan ng gagong 'to. Hindi niya deserve ang luha ko at ang makita akong nasasaktan.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya, but this was too much. Na para bang wala kaming pinagsamahang maganda. Na para bang wala kaming masayang alaala.

I've always tried to understand where he was coming from... but this? Ni ayaw niya nang hawakan ko siya? Ganoon niya na ba kaayaw sa akin?

"Wow!" I smiled sarcastically. "So, ano? Ganoon na lang ba talaga, Alfie? 'Yun na ba 'yon? After making me fall for you, after giving me everything, after all those promises, ito na? Wala na?" I asked him.

"You ghosted me!" duro ko sa kanya. "At ang sakit sakit kasi akala ko ikaw na, e! Akala ko totoo na 'to! Akala ko mayroon kang nararamdaman para sa akin! I thought everything was mutual! Akala ko ikaw na ang para sa akin pero hindi ko akalain na ganito mo lang pala ako ittrato! Na parang isang basura na kapag tapos mo nang gamitin, basta mo na lang itatapon sa kung saan!"

You know that feeling...

Akala mo totoo na ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa pero hindi pala.

Nagkamali ka lang pala.

Ikaw lang pala ang nakaramdam noon.

"Siguro nga assuming ako, pero minahal mo naman talaga ako, hindi ba?" I asked him. Kaunti na lang at tutulo na ang mga luha. Ang hirap magsalita. Ang sikip sikip sa dibdib.

"Kahit konti, kahit minsan, kahit sandali... nagustuhan mo rin naman ako, hindi ba? Kasi nadama ko, Alfie. Alam kong totoo lahat ng 'yon. Alam kong totoo 'yung naramdaman ko. 'Yung mga pagsundo mo sa akin. 'Yung araw-araw mong text. Pangangamusta. Panlilibre. 'Yung tuition fee ko!"

He looked away.

"'Yung mga late night talks. Mga usapan natin... 'tsaka 'yung mga putanginang yakap mo na siyang tuluyang nakapagpahulog sa akin sa 'yo... totoo naman 'yun, 'di ba? Hindi mo naman pineke, 'di ba? Hindi naman 'yun kayang pekein, Alfie. Hindi napepeke ang pagmamahal, hindi ba?"

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Ni wala siyang emosyon. Ni parang hindi man lang siya naaapektuhan. Ni parang wala talaga siyang nararamdaman para sa akin.

At tuluyang nang pumatak ang mga luha.

Hindi ko na kayang pigilan pa.

Hinampas ko siya sa inis. Wala na akong ibang magpagbuntungan ng galit. Wala na akong pake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao. Deserve naman ng gagong 'to.

"Ano, ha? Tangina, bingi ka ba? Hindi mo ba ako naririnig?! Hindi mo ba narinig lahat nang sinabi ko?! Lahat nang tanong ko?! Wala ka man lang bang sasabihin?! Kahit sorry man lang?!"

Katahimikan.

Umiyak lang ako sa harapan niya.

"Ang sakit... ang sakit sakit, Alfie. Ang sakit dito," itinuro ko ang banda kung nasaan ang puso ko. "Sobra."

Iniiwas niya lang ulit ang tingin niya sa akin.

I wiped my tears away. I tried to smile at him. I really did. "Salamat sa tuition fee. Salamat sa friendship. Salamat sa lahat, and don't you worry, mag-aaral ako nang mabuti para naman hindi masayang ang ibinayad mo," I said before walking away from him and everything I ever felt for him.

Sabi ko, magiging okay ako. Kasi hindi naman ganoon kalalim iyong mayroon kami noon. Saglit lang naman 'yon. Ni baka nga hindi totoo ang lahat. Baka hindi rin naman totoo ang nararamdaman ko... pero tangina ang sakit nung makita ko siyang kasama si Quentin.

Sabi sa akin ni Rai... nabalitaan niya daw na nililigawan na siya si Alfie. Ni minsan hindi niya sinasabi sa aking liligawan niya ako... hindi niya ginawa sa akin 'yon.

Siguro nga tama naman sila... hindi niya naman talaga ako minahal.

That's why I did what I said. I was true to my words. I studied as hard as I could. Not only for Alfie, but also for myself. If I wanted to be a doctor, then I should help myself. Wala ng ibang tutulong sa akin. Si kuya... hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon. Si Mama at Papa, hanggang ngayon humahanap pa rin ng paraan para maisalba ang kompanya namin na siyang bumubuhay sa amin.

"Dean, ipinatawag niyo daw po ako?" I asked as soon as I got in her office. Kinakabahan na ako. Dahil ang rason lang naman kung bakit pinatawag ng Dean ng college niyo ay kapag may kabulastugan kang ginawa.

She smiled. "Take a seat, Ms. Estrella. And breathe, please."

I smiled back. Umupo na ako doon sa silya sa harap ng table niya. "Bakit po? May ginawa po ba akong masama? May bagsak po ba akong grades? Ano pong pwede kong gawain? Hindi po ako pwede magka-failing grade-"

Tumawa siya bigla. "Ms. Estrella, hindi iyan ang concern ko."

"A-ano po?"

"Almost all of the professors here in our department says that you've improved a lot and your topping almost all of your exams, labs and even your integrating projects."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga po?"

She smiled. "Yes, and with that, I'm assigning you to be the head of the upcoming Science Fair."

"Po?!" gulat na tanong ko.

Natawa nanaman siya. "I need someone as passionate as you to be able for us to turn this fair into a success. So, do you accept my offer or not? With that, the department will be willing to make you our scholar."

"Dean, seryoso po ba kayo?" I asked. Parang hindi ko maproseso.

She nodded. "Yes, but that will only happen if magustuhan namin ang kalalabasan ng Science Fair na magaganap."

"I accept the offer po and I promise I'll do my best," I smiled for the first time again. Sobrang saya ko. Mahal pa rin talaga ako ni Lord kahit na may mga pagkakataon na nagalit na ako sa kanya. I'm still blessed after all.

* * *

"Ate, uuna na po kami," sabi nung mga freshie na katulong ko sa buong maghapon. Ngumiti ako sa kanila bago tumango. "Sige, mag-iingat kayo, ha? Agahan niyo na lang pasok bukas."

"Sige, ate, umuwi ka na rin ha? Goodluck satin bukas!"

I nodded. "Oo, patapos na rin naman 'to. Ingat kayo!" I waved them goodbye. Ikinabit ko na ang huling letter doon sa stage. Napa-ngiti na lang ako habang tinitingnan ang gawa namin. Ilang linggo namin 'tong pinaghirapan. Kaya dapat lang na maging maganda ang fair namin. Deserve namin na maging successful 'yon.

Bumalik na ako sa lab para kuhanin sana ang bag ko nang makita kong hindi pa tapos 'yung isang experiment na ipepresent bukas para sa exhibit. "My god," na lang ang tanging nasabi ko.

Dahil alam ko naman na 'to dahil nagawa na namin last year, pipilitin ko na lang tapusin ngayong gabi. I can't afford to mess this fair up. Everything should be perfect. Dahil dito nakasalalay ang mga susunod na taon ng buhay ko. Kung magiging doktor pa ba ako... o hindi na. Kung may tutulong pa ba sa akin o wala na.

I was in the middle of calculating when I started sweating and it started to get hot inside. "Bakit ba kasi ang bawal electric fan sa lab—" at halos matigilan ako nang makita ko ang apoy na unti-unti nang lumalaki.

"T-tulong!" I tried to shout for help.

Panic started to consume me. I tried to normalize my breathing even when everything was suffocating for me. Nagsimula na akong maubo. Gusto ko lumabas pero may apoy na rin sa pinto. Palaki na nang palaki ang apoy maging ang usok sa loob. Wala na akong makita hanggang sa isang malakas na pagsabog ang narinig ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Pinilit kong imulat ang mata ko. Ang sakit. Ang sikip sa dibdib. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Sobrang hapdi ng balat ko, parang sinusunog ako ng buhay. Isang lalaki ang naaaninag ko. He was holding my hand like he was my lifeline.

"Alesso..." was the last thing I said before I drifted to sleep.

Puti.

'Yan ang una kong nakita.

IV was the second thing I saw.

And the third, it was a guy. He was sitting beside the hospital bed. He was sleeping while holding my hand.

At first, I thought it was him... but then, I was wrong.

Bakit ako nasa ospital?

Ang tanging naaalala ko ay 'yung fair.

Tapos... sunog.

May pagsabog...

I tried to move my hand. At unti-unti ko nang naramdaman iyong masasakit at mahahapdi na parte ng katawan ko. Biglang nagising si Alesso sa ginawa ko. He looked relieved the moment he saw me. He was saying something. I tried to hear him, pero wala akong marinig.

Hindi ko maintindihan.

Wala akong maintindihan.

Hindi ko marinig.

Hanggang sa dumating na rin sina Mama at Papa. Maging sina Maku pumasok sa kwarto. I can see them saying my name, but I can't seem to hear a thing.

Wala akong marinig.

Ano ba ang mali sa akin?

It's been three days. Hindi pa rin ako nakakagalaw nang maayos. Kahit hindi ko pa nakikita, ramdam ko ang mga lapnos sa balat ko. Hindi pa rin ako nakakaimik dahil sa mga nakapasak sa akin. Ang dami. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero ngayong araw, tuluyan na nilang tinanggal iyong nasa bibig ko na tumutulong sa akin para makahinga nang maayos.

Unang pumasok si Alesso sa kwarto.

Nasaan ba si Alfie?

Napatingin ako sa hawak hawak niya. May dala siyang white board at marker. Umupo siya sa harapan ko.

Nung mga nakaraang araw, nakita ko siyang umiyak kasama sina Mama at Papa dahil sa kung ano mang sinabi ng doctor sa kanila... hindi pa malinaw sa akin noon, pero ngayon mukhang naiintindihan ko na. Lumilinaw na kung ano ang sinabi ng doktor nung araw na 'yon. Unti-unti ko nang nauunawaan, kahit ayoko.

Dahil tinawag ko si Alesso, pero kahit sarili ko... hindi ko na rin madinig.

Pero... hindi.

Hindi pwede.

Imposible.

Hindi naman, 'di ba?

Baka mali lang ako ng akala.

He held my hand as he slightly squeezed it. Nagsimula na siyang magsulat sa white board na dala dala niya.

Hi

Tiningnan ko siya, pinipigilan ko ang sarili ko na kaawaan ang kalagayan ko ngayon. Pinipigilan ang sarili na maiyak sa sitwasyon. Ayokong maniwala.

Ayoko.

Are you feeling better now?

Naka-ngiti siya sa akin, pero kita mong pinipilit niya lang na mahing masaya. Bakas ang lungkot sa mga mata niya.

"Kailan ka pa umuwi?" I tried asking. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sinabi ko, pakiramdam ko lang na tama naman iyong natanong ko. Pandinig lang naman ang nawala sa akin.

Nagsimula na ulit siyang magsulat.

Sabi ni Maku may fair ka daw kaya gusto kong makita para suportahan ka kaya umuwi kaagad ako nung malaman ko

Kinagat ko iyong pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na maiyak. I can't believe he would go home dor me... and if not for him, I wouldn't be here today. I wouldn't be alive. Baka ngayon... abo na lang ako.

Ang sakit kasi totoo. Totoo nga. Wala na talaga akong marinig. Mukhang napansin niya na may iniisip ako kaya nagsulat ulit siya ng panibago.

Hey... I'm here, okay?

At tuluyan nang tumulo ang mga luha.

Hindi ko na napigilan.

Kaagad niya akong niyakap nang mahigpit at iniiyak ko lang ang lahat sa kanya. I was thankful for him. He was too much for me. Sobrang bait at buti niya talagang tao. He's like a guardian angel to me... and now he was also my savior.

After an hour and after I was done crying, I got the board and marker from him. I tried to write even though it was a bit painful because of my burnt skin.

100% ba? Wala na ba talagang pagasa na marinig pa kita?

Kinuha niya mula sa akin ang board.

50-50 if you're willing to do an operation

He was smiling sadly at me. Ibinaba niya iyong board at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko bago niya ako hinalikan sa noo. He said something I didn't hear again. I couldn't hear it, but I felt it.

Kailan ba ako masasanay?

* * *

I looked at myself in the mirror, I turned around and saw the skin at may back which was already burned. Hindi na gaano kahapdi dahil naka-ilang linggo na rin kaya medyo natuyo na 'yon.

Pinigilan ko iyong sarili ko na maiyak nanaman habang tinitingnan ko ang kalagayan ko. Hindi ko dapat kaawaan ang sarili ko. Hindi. I should be strong. I must be strong. Magiging doctor pa ako, hindi ba? Kaya hindi dapat ganito.

At halos matigilan ako nang makita ko ang lalaking nasa likuran ko na ngayon. Si Bran. Tuluyan na akong napaiyak. Kaagad ko siyang niyakap. Sobrang na-miss ko siya.

Kailangan ko pa bang mawalan ng pandinig bago ka umuwi ulit? I wrote on the white board.

Gago hindi was his reply.

I laughed.

Nalaman na ba kung sino ang may gawa ng sunog?

Natigilan siya. Hindi niya ako sinagot.

Binura ko 'yung sinulat ko kani-kanina lang. Kinakabahan na ako sa naging reaksyon niya. Sino ang may gawa?

Bakit ganyan ang mukha mo?

Ang hirap pala talaga kapag hindi mo na naririnig iyong sarili mo... ang hirap kapag hindi mo na nadidinig iyong mga tao sa paligid mo. Ang hirap kapag may kulang sa'yo.

Wala he wrote then he smiled at me.

He said it was nothing, but it felt like I was about to lose everything when I finally figure out who did it.

* * *

It's real.

This is real.

I'm deaf.

I can't hear anything.

Akala ko kasi isang masamang panaginip lang ang lahat, pero bakit hindi pa rin ako nagigising? Bakit ayaw ko pa rin magising? Gusto kong paniwalaan na isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito... kaso hindi.

Kasi totoo.

Kasi nararamdaman ko.

Wala na akong pandinig.

Wala akong marinig.

Minsan naririnig ko sila, pero sobrang labo. Parang may kung anong nawasak sa loob ng tainga ko. Alam kong nagsasalita sila, pero hindi ko maunawaan. Hindi ko maintindihan 'yung mga sinasabi nila. Wala akong maintindihan, basta ang tanging alam ko, may sinasabi sila. Kinakausap nila ang isa't-isa.

Ni parang hindi na ako normal na tao. Wala na ang normal kong buhay. Nawasak na lahat ng mga pangarap ko.

Hindi na ako makapasok. Hindi na ako maka-imik. Hindi makarinig. Wala na akong magawa... ano pa ang saysay ng buhay ko kung hindi ko rin naman makakamit ang mga pangarap ko?

Kung mananatili lang akong ganito?

Kung mananatili akong walang kwenta?

Minsan, hindi ko maiwasang itanong bakit ba hindi na lang ako tuluyang nasunog? Bakit ba hindi na lang ako tuluyang namatay? Tutal wala na rin namang saysay itong buhay ko.

Parang mas okay pa kung nawala na lang ako.

Nilapitan ko si Poccholo, iyong aso namin. Wala kasing tao dito sa bahay ngayon. Inaayos nila Mama, Papa at Kuya iyong mga nagawa niyang mali sa buhay kaya naisipan kong magpunta na lang kami sa park ni Poccholo. Tutal, iyon lang naman ang tanging magagawa ko sa ngayon.

I had no other choice.

Nang makarating kami sa park, halos matigilan ako sa lalaking nakita kong naka-upo sa swing. "Hi," was the thing I assumed he said.

It has been months since the last time I saw him. I wasn't even mad at him for ignoring me, but what hurt the most was that he never visited me. Not even once. Ang sakit na wala lang talaga ako sa kanya. Na ni ayaw niya man lang akong makita o kamustahin man lang matapos ang nangyari sa akin.

I was already deaf, but I still wished to not hear anymore.

Kasi nakakarindi na ang mundong ito.

Ayoko nang marinig pa ang mga bagay na sasaktan lang ako.

Instead of a reply, I just looked at him, not knowing what to say, not knowing where to start, not knowing what to feel.

I'm sorry, Alfie... hindi na kita madinig.

Continue Reading

You'll Also Like

54.7K 1K 103
Just A 2 of 4. Kealla have thought that Zio, a new transferee from an international school that he's just clearly but a nobody. Not until he slowly r...
'Di Masabi By ulan

Teen Fiction

148K 5.7K 109
There are many reasons why MM can't like Phillip Gallantes. First, he's way older than her. Second, he's one of her brother's bestfriends. Third, he...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
292K 8.7K 123
𝗲𝗽𝗶𝘀𝘁𝗼𝗹𝗮𝗿𝘆 | 𝗽𝗲𝗿𝗲𝗻𝗻𝗲 #𝟯 A girl that doesn't care about anything related to boys, that was forced to build a connection with someone...