Something Twisted

By _cinnamondreamer_

9.3K 392 29

"Hindi hinihingi ang pag-ibig. Kusang ibinibigay 'yon ng puso." Hindi makapaniwala si Adam na isa siya sa mga... More

Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Epilogue

Chapter One

935 19 9
By _cinnamondreamer_

AH, THIS is life! sabi ni Adam sa sarili nang makalusong siya sa maligamgam na soda pool—na puno ng purified water—matapos niyang magpamasahe. Nilanghap niya ang sariwang hangin ng lugar at pakiramdam niya'y noon lang siya muling nakahinga ng maayos. Ikinalugod din niya ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa talon doon pati na rin ang huni ng mga ibon.

Kasalukuyan siyang nasa Hidden Valley—isang pribadong resort sa Laguna kung saan magdaraos ng ika-pitumpong kaarawan ng kanyang Lola Carmen. Alas-diyes na ng umaga nang makarating sila doon dahil dalawa't kalahating oras ang biyahe mula Maynila hanggang sa Hidden Valley. Kumain muna si Adam ng agahan sa restaurant doon bago magpakasarap sa spring pools at masahe doon. Ipinagpasalamat niyang walang masyadong guests ang lugar ngayon kaya naman makakapag-relax siya ng maayos.

Ayon sa kanyang Lola Carmen ay iyon daw ang paborito nitong pagbakasyunan—na para bang hindi sa isang rest house sa Tagaytay nakatira ang mga ito. Pero naiintindihan niya ang pagkagusto ng lola niya sa lugar. Sariwa kasi ang hangin doon dahil napreserba ng Tinampay family—ang pamilyang may-ari ng resort—ang natural na ganda ng kalikasan. Kaya napasama na rin iyon sa listahan ng paboritong lugar ni Adam para mag-unwind.

Lumangoy si Adam sa soda pool. Then, he resurfaced and breathed nature in. Pakiramdam niya'y naging isa siya sa kalikasan. His mother used to tell him that nature has a way of cleansing the soul. Iyon ang naging paniniwala ng kanyang ina noon lalo na ng magkaroon ito ng breast cancer kaya kahit noong naka-confine ito sa ospital ay marami itong alagang halaman doon.

Don't think it, Adam, sabi niya sa sarili dahil bumalik na naman sa kanyang alaala ang sakit ng pagkawala ng pinakamamahal niyang ina. Bumuntong-hininga na lang siya ng malalim para mawala ang lungkot na muli na namang bumalong sa kanyang puso.

Pagkuwa'y nakarinig si Adam ng mga yabag kaya napalingon siya sa may entrance ng pool. Nakita niyang naglalakad papunta roon ang best friend niyang si Elice. Nakasuot pa ito ng puting roba at sa paghahakay nito'y alam ni Adam na inaantok pa rin ang dalaga. With Elice's sleeping habit, kulang pa ang ten hours of sleep dito.

"Sinong masamang tao ang gumising sa'yo?" tanong niya rito.

"Si mommy. She told me you're here," naghahakay pang sabi nito. Kahapon pa kasi ito at ang iba pang bisita ng lola niya sa resort. Weekend naman kasi. Ngayong araw lang nakarating doon si Adam dahil may importanteng ipinagawa sa kanya ang boss niya.

"That's so unlady like, Elice," sabi niya sa kaibigan patungkol sa paghahakay nito. Natawa siya ng ikutan lang siya nito ng mga mata. Iyon kasi ang madalas na linya ng Tita Myrna niya—ang mommy ni Elice—dito. "Nasaan nga pala sila?"

"Golfing, probably. Alam natin kung gaano ka-hardcore sa golf ang Lolo Timothy mo. Sino bang makaka-hindi sa kanya?" ani Elice saka ito humiga sa isa sa mga beach beds na nasa gilid ng pool.

"Ako," sagot niya rito.

"Well, yeah. Probably because he doesn't want to see you humiliate yourself again," pang-aasar ni Elice sa kanya kahit nakapikit ang mga mata nito. Umahon si Adam sa pool. At narinig iyon ni Elice dahil agad siya nitong binalaan. "Don't even think about it, Adam. Give me five more minutes to sleep."

Pero napangisi lang siya rito at itinuloy pa rin ang balak. Mabilis siyang lumapit kay Elice at binuhat ito paahon sa beach bed na kinahihigaan nito. Saka siya tumalon sa soda pool habang karga ang kaibigan.

"Damn you, A!" mariing sigaw sa kanya ni Elice kasunod ang malakas na hampas sa braso ni Adam. Lumangoy siya palayo rito.

"At least, gising na gising ka na ngayon. Kailangan mo nang magbago ng sleeping habit, E. Sure, the more sleep, the better. Pero marami ka ring mami-miss kapag palagi kang sobra sa tulog. Like breakfast. Na-miss mo ang breakfast buffet kanina. And you love buffets," nang-aasar na sabi niya rito.

"Shut up, A. Diet ako," nakasimangot na sabi ni Elcie pagkatapos ng litanya ni Adam.

"Diet? Kailan pa? As far as I know you, you don't do diets, E."

Paano ito magda-diet kung pagkain ang palagi nitong kaharap? Chef kasi si Elice. Kaga-graduate lang nito tatlong buwan na ang nakararaan sa isang culinary school sa Paris. Ngayon ay nagta-trabaho ito bilang sous chef sa Silver Grande Hotel.

Sinabuyan siya nito ng tubig. "Dahil sa'yo! Sabi mo kasi mas malaki na ang braso ko sa braso mo. Sabi mo pa, hindi mo na ako iaangkas ulit sa bike mo dahil baka ma-flat 'yon. I hate you, you fucking jerk!"

"Ah..." Natawa ng malakas si Adam ng maalala kung kailan niya sinabi ang mga iyon. "Bumili naman ako ng sasakyan para sa'yo," aniya. Pinaulanan siya ng tubig ni Elice dahil doon pero tawa lang ng tawa si Adam.

"'Kala mo, magugustuhan ng date ko ang brasong 'to," pagkuwa'y sabi ni Elice.

Napakunot-noo dito si Adam. Parang nanigas ang kalamnan niya nang marinig iyon mula sa kaibigan. "Date? May date ka? Kailan? Kilala ko ba 'yan?" sunud-sunod na tanong niya rito.

"Nope. Hindi ko pa rin nga siya kilala eh," sabi ni Elice pagkatapos nitong umiling.

She was bashful. Pagdating sa usaping dating at pag-ibig ay nahihiya talagang magsabi sa kanya si Elice. Siguro ay may kinalaman iyon sa naging confession nito sa kanya noong high school o wala siyang female hormones para intindihin ito sa bagay na iyon kaya hindi ito nag-o-open kay Adam sa usaping ganoon.

"Blind date? Hindi ikaw ang tipo na pumapatol sa blind date, E. Desperada ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

Muli siyang sinabuyan ng tubig ni Elice. "Joke lang."

"Weh?"

"Fine. May nakilala akong babae sa isang cake shop last week. Siguro nasa early fifties na siya. Nag-click kami dahil pareho kaming addicted sa cakes. Nag-recommend kami sa isa't isa ng mga paborito naming cake shop hanggang sa naging mas personal na ang usapan namin. May anak daw siya na single. He's five years older than me. Baka interesado daw akong makipag-date. Gwapo daw naman 'yon. Siyempre, tinanggihan ko. Pero ano bang masama sa blind date?"

"Are you lonely, E?" nag-aalalang tanong niya rito.

Elice is just Elice. Ni hindi pa ito nagkaka-nobyo dahil hindi pa daw ito handa pagkatapos ay gusto nitong makipag-blind date ngayon? No. Hindi siya makakapayag na dumaan sa ganoon ang kaibigan niya. Elice could get any man she wants. She's beautiful and awesome. Gusto niyang makakilala ito ng isang lalaki sa normal na paraan hindi sa isang blind date. Pero kahit na ang isiping makakakilala ito ng isang lalaki kahit sa "normal" pang paraan ay pakiramdam ni Adam ay parang may pumo-pompyang sa ulo niya.

"No, you dork. Pero gusto kong ma-in love at gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sa'kin," ani Elice.

Medyo natamaan si Adam sa sinabi nito dahil pakiramdam niya'y nagkukulang siya bilang kaibigan nito. Kaya nilapitan niya si Elice at niyakap ito ng mahigpit. "I love you, E. Always," masuyong sabi niya rito saka ito hinalikan sa noo.

"Right. Kaya pakainin mo na ako ngayon. Nagugutom na ako," reklamo ni Elice pagkatapos.

Kaya umahon na sila mula sa pool at naglakad patungo sa restaurant doon. Malapit na sila sa may restaurant ng maulinigan nila ang pag-uusap ng isang pareha ng babae't lalaki saka isang resort staff. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa isang "hidden spring" na tumutupad daw ng mga kahilingan.

"Ang alam ko, hija, nagpapakita lamang ang spring na iyon sa mga piling tao at hindi basta-basta makikita ng kung sinumang may gusto. Kung hinahanap ninyo ang spring na iyon ngunit hindi kayo ang piling tao, hindi ninyo makikita iyon kahit anong gawin ninyo," paliwanag ng resort staff sa pareha.

"Pero paano kung nakita ko na po minsan ang spring? Paano magpapakita ulit sa'kin 'yon?" tanong ng babaeng mala-Avril Lavigne ang vibe. May pagka-desperado ang tinig nito.

"That's just absurd. A spring that can grant wishes? Ah, nasa probinsya nga tayo," pabulong na sabi ni Adam kay Elice matapos marinig ang pag-uusap na iyon. Niyakag na niya patungo sa restaurant si Elice dahil baka mas lalo lang itong malipasan ng gutom sa tatlong taong sa tingin niya'y nasisiraan na ng ulo.

"What if it's true?" maya-maya'y tanong ni Elice nang kumakain na ito sa restaurant.

"Ang alin?"

"'Yong sa hidden spring na nagga-grant ng wishes. Paano kung mayro'n ngang gano'n? Anong hihilingin mo sakaling makita mo ang hidden spring na 'yon?"

Napakunot-noo si Adam sa kaibigan dahil hindi niya akalaing papatol ito sa ganoong mga haka-haka. Hindi siya naniniwala sa mga alamat. Sa panahon ngayon, sino pa ba ang naniniwala sa ganoon? Pero sira-ulo din siguro siya dahil nag-isip siya ng isang hiling na nais niyang matupad. And all he thought of were crazy ones. Especially, the one that involved bringing his mother back to life.

"Ang happiness mo na lang, E. Para hindi ka na umasa pa sa'kin," pabirong sabi na alng niya kay Elice.

"Seriously? Iyon din ang hihilingin ko. Happiness mo para hindi ka na umasa pa kay—"

Naputol ang iba pang sasabihin ni Elice ng tumunog ang cell phone ni Adam. Si Chino ang tumatag. Nagulat pa si Adam dahil iyon yata ang unang beses na ito ang tumawag sa kanya. Madalas kasi'y abala ito sa trabaho bilang Bar and Restaurant Manager sa hotel ring pinagtatrabahuhan ni Elice.

"Hey, baby. What's up?"

"Big news, baby. Siguradong lilipad ka agad papunta dito 'pag narinig mo kung ano," pagsakay ni Chino sa trip niya. Pero naintriga siya sa huli nitong sinabi.

"Ano'ng big news?"

"Kris' back," sabi ni Chino.

Adam's heart sped up as his world stopped spinning.




HUMUGOT muna ng isang malalim na buntong-hininga si Jared bago kumatok sa pintuan ng opisina ni Roberto Marasigan—ang presidente ng M Architects at kanyang ama—sa kanilang bahay o sa bahay nila ng mama niya. Kahit madalas itong manatili sa bahay nila ay doon pa rin nakatira si Roberto sa bahay ng unang pamilya nito bilang respeto daw sa mga ito.

Mahigit limang taon na ang nakalilipas mula ng magkaroon siya ng isang ama pero hindi pa rin sanay si Jared na maging anak ni Roberto Marasigan. It was an honor and a curse at the same time. Lumaki siyang walang kinikilalang ama kaya nang malaman niyang ito ang tatay niya ay higit pa sa kasiyahan ang naramdaman niya. Nang tanggapin niya ang kamay nito'y wala siyang ibang in-expect pero ipinangako niya sa kanyang sariling magiging mabuting anak siya dito. Wala siyang expectation pero ito pala ang mayroon—malaki at mataas na expectations.

May mga bagay na isinakripisyo si Jared para maabot ang mga expectations na iyon. May mga tao siyang kinailangang iwan para maging mabuting anak. Idagdag pa ang pangarap niyang magkaroon ng isang buong pamilya dahilan para makasira siya ng isa. He was a selfish bastard. Kaya ngayon ay gumagawa siya ng paraan para itama ang lahat ng nagawa niyang mali noon. Pero hindi ganoon kadaling maitama ang kanyang mga pagkakamali lalo na't nakasakit siya ng mga tao.

"Good afternoon, Sir," magalang na bati ni Jared kay Roberto pagpasok niya sa opisina nito. Naroon din ang kanyang inang si Rita.

Napangiti siya dahil nakita na naman niya ang kasiyahan sa mukha nito. Nitong mga nakalipas na taon ay halos permanente na ang ngiti sa mukha nito. Parang hindi ito dumaan sa hirap at lungkot sa pagpapalaki sa kanya ng mag-isa. At iyon ang dahilan kung bakit hindi niya gaanong pinagsisihan ang pagtanggap niya sa kamay ni Roberto Marasigan, kung bakit pinili niyang sundin ang lahat ng gusto nito—ang kaligayahan at kaginhawahan ng buhay ng kanyang ina ang pinakamahalaga sa kanya.

"Hi, 'Ma," bati niya rin dito.

"Jared, halika. May binili akong cake," anang mama niya.

"Hindi na, 'Ma. May meeting pa akong dapat puntahan eh," tanggi niya rito saka hinarap ang kanyang ama. "Ngayon na po kami magsisimulang magtrabaho ng team ko para sa Calypso project, Sir."

"Jared, siguraduhin mong makukuha mo ang project na 'yon. Alam mo namang ito ang magdedesisyon ng posisyon mo sa firm, 'di ba? Don't fail me," seryosong sabi ni Roberto sa kanya. Tingin pa lang nito ay mabigat na para kay Jared pero mas nararamdaman niya ang bigat sa pakiramdam ng pagiging anak ni Roberto Marasigan tuwing nagsasalita ito.

"Yes, Sir," simpleng sagot niya sa pa-simpleng pressure nito. Pero dahil iyon ang unang beses na buo daw nitong ipagkakatiwala sa kanya ang isang proyekto ay gagawin niya ang lahat para manalo sa bidding na iyon—kahit ibig sabihin niyon ay kailangan niyang kalabanin ang isang taong mahalaga sa kanya.

"May komunikasyon ka ba sa kapatid mo?" pagkuwa'y tanong ng kanyang ama. Nagulat si Jared sa tanong nito dahil ni minsan sa loob ng limang taong nakalipas ay hindi ito nagtanong tungkol sa isa pa nitong anak. Gusto na ba nitong muling tanggapin ang taong iyon?

"Wala po. It's not like we're in good terms with each other," aniya rito.

Siguro'y abala siya sa pag-iisip ng paraan para makaganti sa'kin o para wasakin ang pamilya natin, ngali-ngaling sabihin pa niya rito.

"I see. Well, gusto ko lang sanang ipaalam sa kanya na napagdesisyunan na naming magpakasal ni Rita."

Oh, shoot. Siguradong "ikasisiya" niya ang balitang 'yan. "Bakit kailangan n'yo pang sabihin sa kanya, eh alam naman nating magsasayang lang kayo ng oras. Hindi n'yo makukuha ang approval niya kung 'yon ang gusto n'yong gawin," seryosong sabi niya sa mga ito.

"Jared," nananaway na sabi ng mama niya.

"Marasigan pa rin siya," sabi naman ng kanyang ama sa karaniwan nitong blangkong ekspresyon.

Ayaw naman niyang bumalik. Bakit hindi ka na lang makontento sa'kin? gustong sabihin ni Jared dito. Iba ang pressure na nararamdaman niya sa pagiging anak ni Roberto Marasigan at iba ang pressure na nararamdaman niya sa kaalamang anumang oras ay aagawing muli sa kanya ng isa pa nitong anak ang lahat ng mayroon siya ngayon. After all, kahit siya ang panganay na anak, si Adam pa rin ang unang naging lehitimong anak nito. Si Adam pa rin ang kilalang anak ng mga colleagues nito.

"I'll try to find him," sa huli ay sabi na lang niya sa kanyang ama.

"Good. Another thing, Jared. May meeting ka nga palang dapat puntahan sa Silver Grande mamaya. I'll tell Andrew the details later. Go on now," pagdi-dismiss ni Roberto sa kanya.

Hinalikan niya ang pisngi ng kanyang ina bago siya tuluyang lumabas ng silid. Ano naman kayang meeting ang dapat niyang puntahan sa Silver Grande Hotel?




"IT'S TIME to prove your worth."

Nginitian ni Kris ang boss niyang si Sir Carlos Villarosa matapos nitong sabihin sa kanya ang detalye ng Calypso project bidding na siyang dahilan kung bakit siya nito pinabalik sa Pilipinas mula Singapore ngayon.

"Yes, Sir. I will do my very best," sabi niya rito.

Mula airport ay agad siyang dumiretso sa mismong residence ng mga Villarosa dahil iyon ang utos ni Sir Carlos. Linggo kasi ngayon kaya walang pasok sa opisina. Ngayong araw lang siya nakalipad mula Singapore dahil may tinapos pa siyang trabaho sa Villarosa & Associates Singapore branch kung saan siya naka-base.

May isang linggo na mula nang tawagan siya ni Sir Carlos para ipaalam na inimbitahan sila ni Greg Rodriguez—ang developer ng Calypso—sa architectural plan bidding ng ipapatayo nitong bagong subdivision sa Laguna. At dalawang firm lang ang inimbitahan nito para sa naturang bidding—ang firm nila at ang M Architects. Personal daw na ni-request ni Greg Rodgriguez na siya ang maging head architect ng team na ipanlalaban ng kanilang firm sa bidding. Nagustuhan daw kasi nito ang ilang designs niya na nasa kanilang website kaya pinauwi siya ni Sir Carlos.

Ibinigay na sa kanila ng Rodriguez Holdings ang size at dimension ng site. Ang kailangan lang naman nilang gawin ay ang architectural plan ng lugar—kung ano ang magiging hitsura ng lugar at ng bawat bahay pati na ang landscapes. Pero dahil malaki ang project ay hindi iyon kakayaning mag-isa ni Kris. Kailangan niya ng urban planners—na gagawa ng plano kung saan ilalagay ang mga daan at kung ilang bahay ang kakasya sa isang area para maging accessible iyon—at ilan pang architects.

"Pero sir, pwedeng ako ba mismo ang pumili ng team members ko?" tanong niya kay Sir Carlos.

"Do you have people in mind?"

"Yes, Sir."

"Okay. Basta siguraduhin mo lang na ikapapanalo natin ang mga pipiliin mong tao."

Tatlong taon na mula nang umalis siya patungong Singapore. Noong ipadala siya roon ng Villarosa & Associates ay walang pag-aalinlangan na tinanggap niya ang offer. Dahil wala nang pumipigil pa sa kanyang manatili sa bansa noon. Wala na roon ang mga taong pinahahalagahan niya. Pero na-realize ni Kris na may mga bagay pala siyang na-miss sa bansa, mga taong gusto niyang makitang muli at makilala.

Katulad ng makulit na batang 'to, sabi ni Kris sa sarili nang makita ang bagong post ni Adam sa kanyang Facebook wall.

Adam Elizondo: You have some explaining to do. See you. x

Kris Roxan Caniete: Haha. Will do. Got news for you later.

Nagpahatid siya sa driver ni Sir Carlos sa Silver Grande Hotel dahil may mga tao siyang kikitain doon. Excited na siyang makita muli sina Chino at China pati na rin ang anak ng mga itong si Philip. Habang nasa biyahe siya papunta doo'y iniisip pa rin niya ang tungkol sa Calypso project.

Plano ni Kris na kunin bilang team member niya si Adam. Kahit bago pa lang ito sa kompanya ay alam niyang may ibubuga na ito noon pa man. Besides, naging malapit sila sa isa't isa noon dahil tinulungan niya ito sa pag-aaral. Masasabi niyang naging "estudyante" niya ito noon.

Pero tatanggapin kaya nito ang trabaho kapag sinabi niyang may posibilidad na si Jared ang maging kalaban nila? She doesn't want to cause the two brothers any more rift between them. Si Jared. Alam niyang nakabalik na ito sa bansa may anim na buwan na ang nakalilipas. Kaya may posibilidad na ito ang makalaban nila sa Calypso project.

Jared, masaya ka ba ngayon? Sana worth it nga ang pag-iwan mo sa'kin noon.

"Ah. You're still silly, Kris," napapailing na sabi na lang niya sa sarili.

---

Pinagsisisihan ko na hindi ko ito nailagay dito sa Wattpad no'ng nagpo-promote kami ng Hidden Desire series. Hindi kasi ako active noon sa Wattpad. Obvious ba? Haha. Anyways, personal favorite ko ang story na 'to. Pero second fave ko na siya ngayon dahil kay Rush. Ahem! Sana magustuhan n'yo 'to. 😊

Continue Reading

You'll Also Like

76.2K 2.8K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
2.2K 138 23
They were needed, to make the plan successful. A big change in the history of game. Will the six of them could figured out how to end the master plan...
59.7K 2K 28
Book 1: You're Everywhere Book 2 na this! (AlDub Fanfic) They were apart for a long years at nang magkita naman sila, akala ni Maine na nasa...
64.8K 2.6K 33
Book 1: You're Everywhere Book 2: I Was MaiDen For Loving You Book 3 na this! Kung iisipin, ang lahat ng bagay ay nasa tamang panah...