Jigger Hortaleza

By candiedapple__

3.1K 148 80

Kell, ang tukmol na in love (?) sa babaeng self-proclaimed na retired rakista, magtu-21, Philippines! Jigger... More

Synopsis... daw
Panimula--Tristan Kell Sirculo
One: Pika-pika!
Two: Kitchen Knife
Three: Bakit nga ba walang McDo?
Four: Broken Heart, Gitara, Chaise Lounge
Five: Ang Pahamak na ID
Six: Si Orange at si Longgo
Seven: Feeling ng Namboboso
Eight: YOU LIKE HER!
Nine: Deadly Weapons: Chains and Frisbee
Ten: Si Ariella at Adrielle
Eleven: Jennifer is the Name
Twelve: Confessions
Thirteen: Picture Perfect
Fifteen: Looking Forward
Interview, Announcement, Recommendation
Special Chapter: Orange Delight
Part 2: Jennifer Hortaleza

Fourteen: Hugs and Heartbeat

106 7 1
By candiedapple__

PARANG KAILAN lang iyong unang gabi na naglakad si Kell sa daang ito pauwi sa bahay nila sa 11th street. Sa ganito ring oras. Maging ang ihip ng hangin ay ganoon din. Banayad. Hindi mainit, ngunit hindi rin malamig. Tumingala siya at napangiti. Katulad noong unang beses ay mabituin din ang langit. Isn’t this what they called “déjà vu”? Only it wasn’t.

            He halted on his tracks and looked at his front again. At Jigger’s back who was steps away from him.

            Hindi ba’t noong unang gabi na iyon ay naisip niya kung ano ang pakiramdam na kasama niya sa paglalakad ang taong gusto niya? Si Ariella pa nga noon ang bet niya pero nagbago iyon nang gabi ring iyon.

            Nang kausapin siya ni Jigger mula sa terrace ng kambal nilang kwarto.

            Nagsimula ulit siyang maglakad. Marahan lang dahil ayaw niyang sumabay dito. Hindi naman sa ayaw niya. Gusto niya kaya. Ang ayaw niya ay ang maibuko niya ang nararamdaman niya rito dahil sa panananahimik niya. Magtataka ito kung bakit hindi niya ito kukulitin.

            Bakit? Ngayon ba sa tingin mo hindi na siya nagtataka sa hindi mo pagsabay sa paglalakad niya?!

            Ugh.

            Pero kahit na. Hindi muna siya sasabay. Kinakabahan kaya siya. Baka mas lalo pa siyang mabulilyaso!

            He sighed. Ang hirap namang magkagusto sa isang babae. Lalo na kung sa isang Jigger Hortaleza ka magkakagusto. Nakaka-frustrate dahil hindi niya malaman kung ano ang nasa isip nito. Hindi niya malaman kung may nararamdaman din ba ito sa kanya o kung kaibigan lang talaga.

            He groaned.

            “Anong problema mo?”

            Natigilan siya. Tumigil pala si Jigger sa paglalakad kaya tumigil din siya. Nakalingon ito sa kanya at sa tulong ng liwanag mula sa streetlight ay nakita niya ang nagtatakang ekspresyon nito.

            Umiling siya saka sinabing, “wala.”

            “Si Haru ba 'yan?”

            He gave her a what-are-you-saying look. “Bakit mo naman naisip na si Haru?”

            Nagkibit-balikat ito. “Mukha kasing may problema siya. Sa mga magulang ba niya? O hindi siya masaya sa tinitirhan niya?”

            Ikiniling niya ang ulo. “Both?”

            “I see.” Tinalikuran ulit siya nito. “You know, kahit gaano kaganda ang bahay na iyon, hindi mo ako mapapatira doon.”

            Nagsimula na ulit itong maglakad kaya hayun ulit siya, sinundan lang ito.

            “Masyadong malaki iyon para sa akin. Isa pa, masyadong malungkot ang atmosphere no’ng bahay. Parang kahit na may nakatira hindi pa rin sapat. That is just a magnificent structure made to awe people.” Itinaas nito ang kanang kamay saka iwinagayway sa ere. “But is not house that is made for people to come home.”

            “And what is your ideal home?” tanong niya.

            “Ideal home?” Dagli siyang nilingon nito. “A home for me is like ours.”

            He sensed her smile when she said “ours.” Tumaas tuloy ang isang kilay niya. Anong ibig sabihin nitong “ours”? Nakatira ba sila sa iisang bahay? Mag-asawa ba sila?

            Ugh. Petengene, nakakakilig. Nai-imagine niya, ah. Infairness. Kinagat ni Kell ang ibaba niyang labi upang pigilan ang kanyang ngisi.

            “Iyong katulad ng mga pamilya natin. Pamilya mo, at pamilya ko.”

            He barely held a snort.

            “Bakit parang hindi ka makapaniwala?”

            He shrugged.

            “Tsk.” Nilapitan siya nito saka pinalo sa braso. “Mag-isip ka nga.”

            “Aray ko naman. Kailangan may pagpalo?”

            Palo ulit. “Oo! Para matauhan ka at ma-realize mo na masaya ang magkaroon ng buong pamilya.”

            Suminghot siya. “Masasabi mo ba 'yan kung meron kang nagger na kuya? Hindi 'no.”

            “Well, at least, you have a brother. An older and younger brother at that. May nanay ka rin. May tatay.” Itinuro nito ang sarili. “Ako naman, may bunsong kapatid, nanay at tatay. Kaya masaya ako at dapat masaya ka rin.”

            Were they really having this kind of conversation on their way home? Saka 'di ba si Haru ang topic kanina?

            Oo, si Haru. Na napunta sa bahay. Na napunta sa pamilya. Hindi mo ba nase-sense ang connection, tukmol?

            Hindi masyado… Ah…

            “Look at Haru.” Nagsimula na ulit silang maglakad pero this time, magkasabay na sila. Paanong hindi, eh, nakahawak sa may siko niya si Jigger. Naks, nakahawak! Kell-egs. “May mga magulang siya pero parang wala rin. Tapos wala rin pala siyang kapatid. Alam mo ba kung gaano kalungkot ang buhay niya? Sagana nga siya sa mga materyal na bagay pero sa tingin mo ba sapat na iyon? Tsk. Kaya siguro pinagtityagaan niya ang presensya mo kasi no choice siya.”

            “Aba’t—” Mahinang piningot niya ang tainga nito. “No choice? Alam mo bang high school pa lang magkaibigan na kami?”

            Mapang-asar na tumawa ito saka siya binitawan. Mabilis itong naglakad palayo sa kanya saka patalikod na naglakad upang makaharap siya. “Kawawang Haru. High school pa lang kayo nang simulan ka niyang pagtiyagaan?”

            “Tingnan mo 'tong babaeng 'to.”

            Nginisihan lang siya nito saka tuluyan na siyang tinilakuran.

            Why did it felt that something had drastically changed? Parang simula nang isiwalat nito sa kanya kanina ang mga mali nito ay may nagbago rito. Nagbago in a good way. Alam niyo iyong mga taong nawalan bigla ng dinadala? Ganoon ang nakikita niya rito. And he was glad.

            And Jigger was acting cute towards him now. Wow.

            Ilang minuto pa silang naglakad nang tahimik at wala siyang reklamo doon. Ang payapa at ang gaan ng pagiging tahimik nila. Pakiramdam niyang may pagkakaintindihan na sila.

            Nakanaks. M. U! Kell-egs part two.

            Naaaninag na niya ang mga bahay nila. Ilang lakad na lang pero iyong pakiramdaman niyang ayaw pa niyang matapos nang gano’n-gano’n lang ang gabing ito ay kumalampag sa dibdib niya.

            Are you, tukmol, insinuating that you wanted a goodnight kiss? Dream on.

            Napangisi siya sa naisip. Aba, why not?

            Gusto mong maputulan ng ‘kwan’?

            A hand held his arm preventing him from walking further. Kamay iyon ni Jigger. Nagtatakang bumaling siya rito. Nagkataon pa namang doon sila natigil sa bahay na walang nakatira kaya walang ilaw. Kaya hindi niya rin makita ang ekspresyon ng mukha nito.

            “Jigger?”

            “Nakapag-decide na 'ko.”

            Nakapag-decide ng ano? “Okay… Tapos?”

            “Magso-sorry na 'ko kina Mama at Papa.”

            Napangiti siya. “Good.”

            “Alam kong matagal ko na dapat 'tong ginawa at alam kong kahit hindi ako humingi ng tawad ay okay na ako sa kanila pero 'di ba’t mas maigi pa rin na marinig nila sa 'kin ang paghingi ko ng sorry?”

            Tumango-tango siya saka masuyong hinawakan ang kamay nito na nakahawak pa rin sa kanyang braso. Pagkatapos ay marahan niya iyong pinisil para iparating dito na tama ang desisyon nito at suportado niya ito. Isa pa, gusto niya ring mawala ang pag-aalala sa boses nito. “Tama. Saka mukhang hinihintay lang naman ng mga magulang mo na i-approach mo sila.”

            “Sa tingin mo?”

            “Oo. Kaya…” Kinuha niya ang kamay nito saka niya mahigpit na hinawakan niya iyon. He even intertwined their fingers. Ah. 'Sarap ng feeling. “Tara na. You have a long night to say your ‘sorry.’” Nginitian niya ito. “Tara.”

            Pero bago pa siya makagalaw at hilahin ito ay pinigilan na siya ni Jigger. Mahigpit na niyakap siya nito, ang ulo nito ay nakasandal sa kanyang dibdib. “Thank you,” her faint whisper.

            Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga! Holy trinity! Yakap-yakap siya ni Jigger! Yakap siya! Pakiningshet! Ang puso niya! Ang puso niya!

            He heaved a deep sigh, a small, happy smile curving his lips. Gusto niyang magkekendeng-kendeng at mag-fist pump! Hallelujah! Of course he did none of those, makakasira iyon ng momentum. He just tentatively put his arms around her and hugged her not-so-tightly enough to actually feel her soft, warm body cuddled with him. And for him to realized that he was not dreaming. He even closed his eyes. “Your welcome.”

            Hindi niya alam kung kaninong tibok ng puso ang naririnig niya. Kung sa kanya ba o kay Jigger. Nag-aalala siya na baka sa kanya iyon at marinig nito iyon. Pero nangangarap din siyang kay Jigger iyon at pareho sila ng ng heartbeat—Teka, galing sa isang Koreanovela 'yon, ah?

            Sa isip niya ay bigla siyang nakarinig ng nasirang plaka nang itulak siya ni Jigger at nagtatakbo ito pauwi. Natawa na lang siya. Matapos nitong pagsawaan ang katawan niya tatabukhan lang siya nito? Matinde!

            Nonetheless, he was feeling gwapo and looking gago at the same time. Feeling gwapo kasi niyakap siya ni Jigger. Looking gago kasi ang lawak ng ngiti niya sa tapat ng walang ilaw na bahay na para bang nakapang-rape siya.

            LOL.

            He sobered. Was it really a possibility that their heart beat as one?

            Napakamot na lang siya ng ulo.

            Anong Koreanovela ba 'yong may korning bidang lalaki na ang sabi, eh, pareho sila ng heartbeat no’ng bidang babae?

            Ay, ambot, a!

“THE BROKEN friendship started it all.”

            Kumunot ang noo niya. “Huh?” Hindi niya yata na-gets iyon. “Paano?”

            Jigger made a clicking sound. “Kasi ganito 'yon. Makinig kang mabuti.”

            “Okay.”

            “Itong mga ‘kaibigan’ kong 'to, kaibigan ko na sila simula pa nang una. I mean, since elementary kami-kami na ang magkakasama. Since we are a group. hindi mawawala ang iringan, pagkakaroon ng parehong crush, inggitan and such. Natural 'yon sa aming mga babae. Iyong plastikan. But still, stick together kami kahit gano’n.

            “Sa aming lima, ako, hindi sa pagmamayabang, ang habulin ng boys.” Nakatanggap siya bigla ng palo sa ulo dahil natawa siya. Hindi dahil sa hindi siya naniniwala. Iyon ay dahil sa mayabang nitong tono. “Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag. Hmp.” Nagpatuloy pa rin ito ng kwento. “At sila, sabihin nating, mga ‘so-so’ lang ang ganda.” Kulang na lang ay mag-flip hair ito.

            This time, napahagalpak na si Kell ng tawa. May sense of humor din palang itinatago itong si Jigger, bakit ngayon niya lang nalaman?

            Pinandilatan siya nito. “Hoy, may sinabi ba 'kong tumawa ka? Ha? Tahimik.”

            Tumahimik nga siya.

            “Anyway,” tahimik nitong usal, “kaya nadamay ang pamilya ko sa kwento ay dahil sa katangahan ko at pagiging desperada ko.” Sandali siya nitong nilingon bago nito niyakap ang mga binti at saka ipinatong doon ang baba nito. “In my vain attempt to get my ‘friends’ back, nalimutan ko ang responsibilidad ko bilang isang anak. Dahil din sa kanila kaya ako umalis ng Crux, that’s the name of the band, by the way, na pinagsisihan ko rin sa huli. Kasi kahit na anong gawin kong pag-reach out sa kanila, wala ring nangyari. It felt like, I was being thrown away from the boat we all made. It’s…unfair.

            “'Ayun, kinausap ako ni Bennett. Ang sabi niya, ako pa rin daw ang lead guitarist at tatanggapin pa rin nila ako pero ako na mismo ang umayaw. Hindi sa umayaw, ang problema ay nahihiya ako. Umalis ako sa dahilang dahil sa Crux nawala ang mga kaibigan ko not realizing that whom I really lost was them… When I started to desperately grab those bitches. Tsk. Those… Grr!”

            Now ladies’ and gentlemen, Jigger Hortaleza actually growled!

            Huminga ito ng malalim marahil ay upang kalmahin nito ang sarili. Humigop pa nga ito ng isang beses sa Zagu nito. “Dahil din sa kanila, tinamad na akong mag-aral. Sa mentality ko, paano pa ako makakapag-aral kung wala na sila? Ang pathetic at ang petty ng reason 'no? Pero anong magagawa ko kung ipinararamdam nila sa akin araw-araw na wala akong kwenta kung wala sila? Tsk. Umabot ang gano’ng senaryo hanggang sa mag-fourth year kami. Syempre that time, wala na ang Crux sa school kasi graduates na sila kaya ako, mas lalong naging loner at sila, naging instant bully ko to the point na pagkatapos ng middle term ng school year, I decided to not continue my schooling. Na of course, mahigpit na tinutulan ng mga magulang ko.”

            “Kahit ako tututol.”

            “Alam ko. 'Ayun napilit ako nila Mama. Natapos ko ang high school without flying colors which disappointed my papa. Kahit hindi niya sabihin alam ko. At mas lalo pa siyang na-disappoint nang sabihin ko sa kanilang ayaw ko nang mag-aral. Gusto niya akong maging CPA pero naalala ko na sinabi niyang kahit na anong kurso ang piliin ko, ayos lang sa kanya. Mas importante raw kasi ang kaligayahan ko kaysa sa kagustuhan niya.

            “Ain’t h-he the sweetest?” Her voice cracked. “But I disappointed the sweetest guy and the most important guy of my life and now I don’t know how to make amends.”

            Pinagmasdan lang ni Kell si Jigger na ngayon ay nakasubsob na ang mukha sa mga tuhod nito. Hindi niya alam kung naiyak ba ito o ano ngunit ang kaalamang malungkot ito ay sapat na upang makadama rin siya ng lungkot.

            “Jigger—”

            Napamulat si Kell ng mga mata nang marinig niyang may kumakatok sa pader na nasa gilid niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa higaan niya at nagpapahinga. Parang ang haba kasi ng araw na ito para sa kanya.

            Muling may kumatok at kasunod niyon ay ang pagtunog ng kanyang cell phone. May nag-text. Limang messages na. Si Jigger. Kinatok niya rin muna ng dalawang beses ang pader bago niya binasa ang message.

            Una. Tristan.

            Pangalawa. Huy, tulog ka n?

            Pangatlo. Tukmol, psst!

            Pang-apat. 3ow pHoewSZX. Natawa siya.

            Pang-lima. Ugh. Wake up!

            Nag-reply siya. Gising na po. Anong kailangan ng prinsesa? Kailangan ng prinsipe? Sent.

            Nagulat siya nang malakas na kinalampag nito ang pader na nakapagitan sa kwarto nila.

            May message ulit. Gago.

            Tinawagan na lang niya ito.

            “Oh, bakit ka tumawag?” mataray nitong bungad.

            “Oh, e bakit mo sinagot?” panggagaya niya rito.

            “Tsk. May sasabihin pa naman sana 'ko.”

            “Meron?” Tumikhim siya at pinaseryoso ang boses. “Ano?”

            Narinig niya ang paghigit nito ng hininga. “I did it.” That was barely audible.

            “Did what?”

            “Sorry.”

            “Sorry—Ah. Okay na kayo ng Papa mo?”

            “Yep.”

            Hindi niya napigilan ang pagngiti. Dinig na dinig niya kasi ang kasiyahan sa pananalita nito. “Edi mabuti.”

            “Thank you.”

            “Nakakailang thank you ka na sa akin ngayong araw na 'to, Miss Hortaleza. Pwede bang ipa-frame 'yan?”

            Tumawa ito pero agad ding tumigil. “Baliw. Nagte-thank you na nga, e. Ayaw mo pa?”

            “Hindi sa ayaw…”

            “Ang arte mo. Goodnight!”

            Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa mga labi. Then he sweetly said, “Goodnight.”

            Pinutol na nito ang linya.

            Napatitig siya sa cell phone niya. “Hindi lang pala ‘I love you’ ang nakakakilig. Pati rin pala ‘goodnight.’”

Continue Reading

You'll Also Like

46.4K 3.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.9M 95.5K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.1M 86.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...