Haunted Houses 2

By Sheree_Mi_Amour

6.7K 203 6

The stories you're about to read are not mine. These are all from popular facebook page "Spookify" and other... More

Friday the 13th
Isang Isla ang Lugar namin
Dormitory
M.M. Inn
Compiled Stories 1
Kapitbahay
Compiled Stories 2
House Encounters
Third Eye
Housemate I didn't know about
Ang Creepy sa Boarding House
Black Lady
Compiled Stories 3
The Devil & The Violin (Parts 1 & 2)
Home Creepy Home
Mansion
Babaeng walang mukha
Compiled Stories 4
Compiled Stories 5
Compiled Stories 6
Different Tales
Compiled Stories 7
Katok Kilabot!
Compiled Stories 8
Apartment Nos. 1 & 2
Kapitbahay na Japanese
Mga Paramdam sa Bahay
Compiled Stories 9
Bata, Itim na pinto at Doppelganger
Compiled Stories 10
Compiled Stories 11
Boarding House Pa Gurl
My Tito's Haunted House
Compiled Stories 12
Ang Lumang Bahay sa Dead End Street
Compiled Stories 13
Compiled Stories 14
Ang Nawawalang Bahay sa Gabi
Bahay sa Tagaytay
Apartment na may bonus
Orihinal na Residente sa Bagong Unit
Compiled Stories 15
Compiled Stories 16
Honeymoon
Gaya-Gaya
Mga Maligno sa Gabi
Pre-nup
Compiled Stories 17
Motel (Parts 1-2)
Batang Pasig
Unit 29-D
Jar
Retreat House (Parts 1-4)
Compiled Stories 18
Bernadette Subdivision
Ang dati kong boarding house chronicles
Compiled Stories 19
AB Boarding House (Parts 1-3)
Ang Bahay ni Mang Gaspar (Parts 1-3)
Haunted House ng Malaybalay (Parts 1-3)
Boarding House (Parts 1 & 2)
Unit D (Parts 1-3)
Unit D (Parts 4 & 5)
The Apartment : Year 2006
Lumang Bahay (Parts 1-6)
Compiled Stories 20
Paranormal Investigation : Old House in Laguna (Parts 1 & 2)
House for Sale (Parts 1 & 2)
Bahay sa Tagaytay
Room 04
Dormitory (Parts 1 & 2)
Kalachuchi Motel
Compiled Stories 21
Compiled Stories 22
Ang Sikreto ng aming tahanan (Parts 1 & 2)
Apartment sa Imus
Apartment & Teacher's Camp
Inuupahan
Dormitory in McKinley
Bagong Bahay
Compiled Stories 23
Ang Dating Bahay ni Kap (Parts 1-6)
Stories by Ye Po Da (Eonnie)
Horror Boarding House (Parts 1 & 2)

Ang Bahay Namin...

736 12 1
By Sheree_Mi_Amour


Share ko lang sa inyo ang mga nangyayari sa bahay namin dito sa Pasig.

February 1992-May 1993: Construction period ng bahay, kaunti pa lang ang mga bahay dati dito at mga puno ng saging at mangga ang nasa paligid namin.

Gabi: Walang gustong magpaiwan upang magbantay o matulog sa mga trabahador kasi daw may naririnig silang mga yabag at pagkagumigising sila nagkalat na ang mga pala, martilyo, at pako sa sahig.

Dapt-hapon: Tinatapos palitadahan ang dinding ng isang trabahador na nasa ibaba ng bigla daw kinuyog ng isa pang trabahador and pinagdugtong-dugtong na lumber woods na tinutuntungan nya. Nahulog sya pero pagtayo nya syang dating ng trabahador na inakala nyang kasa-kasama nya, ang tanong sino ba talaga ang nakasama nya?.

Tanghaling tapat: Kinakalabit ng assistant electrician ang mga electrical wirings ng bahay. Lumusot sya sa may kisame at nakakailang gapang pa lang daw sya ay parang ang layo na ng ginapang nya. Tumingin sya sa pinanggalingan nya at nagulat sya ng hindi nya makita ang lagusan. tumingin sya sa kanyang harapan at nagulat ng makitang nandon na ang lagusan. Nagtaka ang electrician parang umikot lang daw sya. Dali-dali syang bumaba ng kisame at hinintay nya ang main electrician na sya ng tumapos sa pagkakabit ng wirings.

Semi-furnished na ang bahay pero wala pa ring kuryente at naglakas-loob ang isang trabahador na dito na lang matulog kahit na alam nyang may kababalaghang nangyayari sa ginagawang bahay. Nasa kalagitnaan ng gabi nang bigla syang magising dahil sa sobrang init ng paligid. Nagulat sya dahil sa nakakabulag na dilim ng buong bahay gayong nakasindi naman daw ang ilawang gasera. Ninais daw nyang buksan ang mga bintana nang biglang may marinig syang mga yabag sa labas ng kwarto. Sa sobrang takot binalot nya ang sarili nya ng banig na at daling nakatulog. Pagdating ng foreman kinabukasan, hiningi ng trabahador ang sweldo nya at hindi na ito bumalik sa trabaho.

June 1993-November 1993: Matapos ang house blessing, lumipat na kami dito. Nagtataka kami dahil madaling mag-overheat ang mga appliances namin kahit na di madalas gamitin. Umalingasaw din ang mabahong amoy na nagmumula sa drainage ng bathroom. Madalas sumama ang pakiramdam nina mama at madalas kaming magising sa gabi dahil sa mga yabag at tila mga taong nag-uusap sa may sala at kusina. At dahil sa mga pangyayari, kumuha si mama ng isang espiritista, kinumpirma nya na may mga lamang lupa (puting dwende, tikbalang at 'mapagbalatkayong' kaluluwa--ang gumaya daw sa trabahor) na naninirahan kasama namin sa bahay na sadyang mapagbiro at natutuwa lang daw sa aming pagdating. Upang hindi na makapangambala. Inorasyunan nya ang buong bahay. At panandaliang nagkaroon ng katahimikan ang bahay.

Summer of 1995: Nagbakasyon sina mama sa probinsya at naiwan ako at ang isa ko pang auntie para magbantay ng bahay. Gabi na umuuwi ang auntie ko mula sa trabaho nya sa may Mandaluyong. At tuwing gabi, bago sya dumating ay nakakarinig ako ng isang kumakatok sa pinto. Alam kong hindi ito ang auntie ko dahil dapat magdo-doorbell muna sya ng at least limang beses, bago buksan ang gate, kumatok sa pintuan at tatawagin ang pangalan ko. Natapos lang ang pagkatok nang bumalik na sina mama by 2nd week of May.

2000-2002: Ni-renovate ang bahay at ginawan ng 2nd at 3rd floors. Nagtaka ang mga trabahador sa isang pader na nasa kaliwa ng kusina malapit sa bathroom, it took them 5 days bago mapatumba ito at sabay-sabay nila itong ginawa. Nalaman ko kay mama na sa pader na iyon matagal na humarap ang espiritista ng mag-orasyon sya. Marahil upang isarado ang lagusan ng mga elemento at multong naninirahan sa lupang kinatitirikan ng bahay namin at sa pagkagiba nito, inasahan na namin ang pagbalik ng mga yabag at ingay sa gabi.

Naging aktibo ang mapagbalatkayong multo sa panggagaya ng boses ng foreman. Biglang hihinto sa pagtatrabaho ang mga trabahador dahil biglang may tatawag sa kanila at pagbaba nila mula 3rd floor magtataka ang foreman tinatanong kung ano uli ang pinapagawa sa kanila. Wala naman daw pinapagawa ang foreman.

1994 - January 2004: Every time na may mamamatay sa amin, isang itim na paru-paro ang lumilipad sa loob ng bahay. Noong 1999, makailang beses na-ospital ang lola ko dahil sa aneurism at komplikasyon sa kanyang heart bypass operation, sinabi ng pinsan ko na may nakita syang itim na paru-parong lumilipad sa may kwarto at sa may kusina. Dito panandaliang nag-stay ang lola ko bago sya sinugod uli sa ospital. November namatay ang lola, at ngayong January 2004 lang, may isang itim na paru-paro ang lumipad sa 3rd floor ng bahay and after a few days, namatay ang biyenan ng uncle ko, matalik na kaibigan ng lola ko nung nabubuhay pa ito.

2000-Present: Tama kayo kung iniisip ninyong bumalik ang mga yabag at ingay matapos magiba ang pader. Hindi na gaano madalas at hindi na rin sa ground floor, kundi sa 3rd floor na sila namamalagi. Tuwing may mga bisita kami sa 3rd floor sila tumutuloy at tila sila man ay di pinapatulog ng mga kasama namin sa bahay. Pinakikiramdaman na lang nila ang paligid at binabalewala ang anumang marinig o makita. Tinanggal na namin ang salamin sa living room sa 3rd floor. Kapag tinitingnan daw ito ng mga bisita mula sa mga kwarto doon parang mala-anino ng tao ang makikita sa reflection ng salamin gayong walang sinumang nakaharap dito. Ito ang bahay namin, kakaiba pero masaya---pag araw lang ha! Hehehe.

- Shared by benj20_ph

Continue Reading

You'll Also Like

122K 3.8K 50
FEROCIOUS The exhibiting or given to extreme fierceness and unrestrained violence and brutality. Kung malapit na ang katapusan ng sangkatauhan, mamam...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
1.8M 102K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
250K 16.4K 42
WATTYS2020 WINNER Highest ranks reached: #1 in Zombies #1 in Horror-Thriller #1 in Zombieapocalypse #2 in Survival #1 in Virus #1 in Apocalypse "Kai...