The Ugly Duckling (PUBLISHED...

By kissmyredlips

4.8M 146K 22.8K

If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend... More

Ugly #1
Ugly #2
Ugly #3
Ugly #4
Ugly #5
Ugly #6
Ugly #7
Ugly #9
Ugly #10
Ugly #11
Ugly #12
Ugly #13
Ugly #14
Ugly #15
Ugly #16
Ugly #17
Ugly #18
Ugly #19
Ugly #20
Ugly #21
Ugly #22
Ugly #23
Ugly #24
Ugly #25
Ugly # 26
Ugly # 27
Ugly #28
Ugly #29
Ugly #30
Ugly #31
Ugly #32
Ugly #33
Ugly #34
Ugly #35
Ugly #36
Ugly #37
Ugly #38
Ugly #39
Ugly #40
Ugly #41
Ugly #42
Ugly #43
Ugly #44
Ugly #45
Ugly #46
Final Ugly Chapter
Epilogue

Ugly #8

96.9K 3K 145
By kissmyredlips

I almost wore handcuffs. Kung hindi pa ako nakaiusap na huwag na magsuot ng ganoon dahil hindi naman ako makakatakbo ay talagang ipapasuot niya iyon sa akin. Isn't this illegal? Shouldn't there be a warrant of arrest to be arrested? Ignorant na kung ignorant. Ano ba ang alam ko sa law? Hindi naman law ang kinukuha ko.

If I wasn't in panic and influenced with alcohol, I would have smoothly escaped my way from trouble pero bigla akong nag panic at medyo lumabo pa ang isip ko dahil sa alak.

Hindi ako talaga makapaniwala na nagawa iyon ni Sage. That jerk. Oh, I'm so going to kill him for it. Lintik lang ang walang ganti. Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa kanya. No way.

Wala man akong alam gaano sa batas, pero alam ko na may karapatan akong tumawag. I saw it in the movies once. They permitted me to call. Naiwan ko ang pouch ko sa lamesa namin kanina. Damn it. I'm also going to make my so called friends pay for this one too.

Una kong naisipan na tawagan si Avis. Siya naman talaga ang tinatawagan ko sa tuwing napapahamak ako pero paniguradong isusumbong ako 'non kay Mommy at Daddy pagkatapos. If the situation was different and light, okay lang sana sa akin but this is major. Paniguradong magagalit sa akin si Daddy at magha-hyperventilate si Mommy.

Luke Dashiel is my last resort. Mabuti na lang at kabisado ko ang number niya by heart. I just hope na kakatulog pa lang niya. Tulog mantika kasi ang isang ito. Naghintay ako ng limang rings bago sinagot ni Luke ang tawag.

"Luke Dashiel!" I cried on the phone. Hindi ako umiyak. It's more of a whine. Katulad ng sabi ko, never pa ako umiyak. And this situation won't ruin that. Siguro frustrated, puwede pa. I'm pissed too. I'm flaming with anger. Gusto kong agawin ang baril ng police officer at habulin si Sage para ipukol iyon sa kanya. Of course, I'm not going to shoot him. I'm supposed to be a thief, not a serial killer.

"Les?" Bedroom voice pa ang gamit ni Luke Dashiel sa akin. Kung iba siguro ang sitwasyon ay baka inasar ko na siya but this is serious. I'm not going to spend my night in the police station! Lalo na at hindi sa jail!

"Help me. Nasa police station ako." I bit my lip. Pinapanuod ako ng police officer na nasa desk. Hindi ko alam kung saan pumunta yung isa na nagdala sa akin dito. Wala akong paki. Pero bago siya umalis, pinaalis niya sa akin yung mascara na suot ko kanina. Kung puwede nga lang ay ipinakain ko na sa kanya iyon sa init ng ulo ko.

"What?! Ano na naman ang ginawa mo?!" He yelled across the line at napangiwi naman ako. Now that my mind isn't hazy, nakakapag-isip na ako ng maayos. Nakikinig sa akin ang police officer at maaring magamit laban sa akin ang mga sasabihin ko.

"Napagbintangan ako nung lalaki sa club na magnanakaw. Imagine, Luke? Ako? Magnanakaw? My record is clean! My credit cards, phone, and my car are proofs that I don't have any motive in stealing anything. Why will I steal if I can afford?"

Narinig ko ang tunog ng keys sa kabilang linya. He's already up. Susunduin niya na ako. That's good. Hindi naman malayo ang bahay nila. Siguro thirty minutes lang ngayon since it's already past one."Nasaan ka ba? I'm going to fetch you."

"Yung police station near Hustler club. I left my pouch with Aly and the other girls, pero unahin mo muna ako."

Luke sighed. "Of course."

Just like my estimation, nakarating si Luke within thirty minutes. Actually, he came earlier which I'm thankful for. Hindi ko gusto ang feeling na naghihintay sa police station. Pasalamat na lang talaga ako at hindi ako pinapasok sa loob ng kulungan. The police officer was nice enough. He thinks I'm innocent too. Siguro he based it from my conversation with Luke. It was officially the most terrible moment in my life and I don't want to experience it ever again.

Nang makarating si Luke ay ipinaliwanag ng police officer na nasa desk na hindi usually nilalagay ang mga ganitong cases sa record kaya hindi marurumihan ang record ko. Unless someone filed a complaint, which in my case—wala naman. The police officer added that he can see that I'm innocent naman kaya mas lalong hindi na kailangan. He says na some complaints made here aren't being taken seriously dahil nga kadalasan ay under the influence of alcohol na. They just usually detain them kapag walang sumundo. In the end, Luke still left money to bail me out.

As soon as we left, Luke demanded the truth from me. Hindi naman ako nag si-sinungaling kay Luke talaga. I just sometime omit the truth from him but I don't lie. Pero this time, I told him everything. I used the opportunity to rant and tell him how I'm outraged because I didn't have the time to vent my frustration since I was in the freaking police station. Sinabi ko ang tungkol sa dare at sa pagkaladkad na ginawa ni Sage sa akin.

Pinagalitan ako ni Luke dahil sa dare. He said it was my fault in the first place. After he lectured me about everything that happened ay inihatid niya na ako. I made him promise not to tell my parents a word about what happened and he agreed. Siyempre ayaw rin naman akong mapahamak ni Luke Dashiel. He knows I'll be grounded kapag nalaman ni Mommy at Daddy ang nangyari sa akin.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang gabing iyon pero hindi ko pa rin nakakalimutan. At hanggang ngayon, nangangati pa rin ang palad ko na makaganti sa may kasalanan kung bakit nangyari iyon.

Of course, I'm not going to blame myself. I'm not stupid. Of course, I'll be blaming Sage.

"Ano na ang plano mo?" Tanong ni Dee. Sinabi ko rin sa kanya ang buong pangyayari. Of course, I'm going to tell her everything. She's my best friend. Para siyang counterpart ni Luke Dashiel. Mas matagal man kaming mag kaibigan ni Luke, magkapantay lang ang pagmamahal ko sa kanilang dalawa bilang best friends ko.

"I'm going to make him pay for the other night." Kasabay ng pag simangot ko ang pag kuyom ng mga panga ko sa inis.

"Make him pay... How?" A loud bell tinged inside my brain. Napahinto ako at napansin iyon ni Dee. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at unti-unting may lumabas na mapang-inis na ngiti sa mga labi ko.

"By making him... pay." I stressed the last word to point out what I mean but it only confused Dee more. Hindi na niya ako tinanong pa kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pag ngisi ko.

May practice ngayon ang buong team. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magta-trabaho ako para sa team. Nautusan ako ni Coach at hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil sumampa ako na magiging libre ang schedule ko lagi para sa team. If I have one honorable attitude—it's that I'm a woman of my words.Mabuti na rin iyon dahil mas mapapadali ko ang pagbabayad ni Sage sa ginawa niya sa akin nung isang gabi.

I won't call it quits hangga't hindi ko siya napagbabayad sa ginawa niya sa akin. Hindi matatahimik ang magandang kaluluwa ko. I want to be entitled to have the last laugh. Ako dapat ang mas nakakalamang. Ako ang angat. I always win. I should always win.

Hindi pa ako napapakilala ni Coach sa team and I find with that for now. Tutal, white collar job lang ang binigay sa akin ni Coach ngayon at wala pang contact o interaction sa players. I'm just going to be in his office and sort out the files that he wants me to organize.

Hands on ngayon si Coach sa team kaya naiwan akong mag-isa sa office ni Coach. Malapit lang ang office ni Coach sa shower room ng soccer team. Naghintay muna ako ng thirty minutes bago lumabas ng office. Nakalahati ko na yung pinapagawa ni Coach nang binitawan ko iyon para isagawa ang plano ko.

I didn't waste any time and went straight to the team's shower slash locker room just like how I planned. I tucked my dry and frizzy hair behind my ear bago dumungaw sa door way.

"Hello? May tao ba d'yan?" My voice echoed inside the room. I waited for anyone to respond but no one did. Umangat ang ngisi sa magkabilang sulok ng mga labi ko. I reached for my pocket and brought out my fake phone to make a call.

"Luke, where are you?"

"The place where you left me, of course. Where else do you think would I be?" Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam ko na iniirapan niya ako ngayon. Pinalampas ko na lang iyon.

"Well, get your ass over here. Hurry up. I don't want to get caught. Ano na lang ang gagawin ko pag nahuli tayo?"

"Chill, Celestine. Malapit na ako. I can see your nostrils flaring from here, you know." He obviously made that up dahil nasa loob na ako ng locker room so he can't see me.

"Oh shut up and don't get caught." Ibinaba ko na ang tawag at matapos ay sinimulan nang hanapin ang locker ni Sage. Alam ko ang locker number niya. Number nineteen iyon. Natatandaan ko.

A smile crept on my face when I found his. I was about to walk towards the locker when a loud slam interrupted the silence and surprised the hell out of me. Napatalon at bahagyang napasigaw ako sa sobrang gulat.

My eyes were widened and my heart's beating so fast when I made a quick turn to check who caught me in the act. Nawala ang takot ko nang makita ko na si Luke lang iyon. He was grinning so brightly. Sinadya niya ang malakas na pagsara ng pinto. I know it.With my gritted teeth, I stormed to Luke and raised my arm to hit him on the arm thrice. "Nakakainis ka! Nakakainis ka! You scared me, Luke Dashiel!"

"Aray! Aray!" Sinasalag ni Luke ang paghampas ko sa kanya habang tumatawa. Hindi ko nga alam kung nasasaktan ba talaga siya dahil sobrang ligalig kasi ng pagtawa niya.

Hindi rin naman kami nag tagal ni Luke sa loob ng locker room. Pagkatapos 'non ay umalis na rin siya agad. Umalis na rin ako sa locker room at bumalik sa office ni Coach para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Baka mahuli pa na wala ako doon.

I counted every forty passing minutes. Kanina ko pa tapos ang mga pinagawa sa akin ni Coach pero hindi muna ako umalis ng office. It was exactly forty-two minutes when someone knocked on the office door before opening it.

May isang lalaki na hindi pamilyar sa akin ang dumungaw doon at inikot ang paningin sa kwarto hanggang sa makita ako. His brows raised when he saw me and pursed his lips. "Pinapatawag ka ni Coach. Pinapasama ka sa team sa labas, may pizza party. Hinahanap ka rin kanina ni Coach, pero wala ka dito. Saan ka nagpunta?"

My eyes widened. So nahuli nga ako na wala sa office. I mentally bit my lip at mabilis na nakaisip ng alibi. "Pumunta kasi ako ng banyo dahil naiihi ako. Pasensiya na."

He shrugged. "Whatever. Just... Tara na."

I waited for him to leave pero hindi niya ginawa iyon. I think he wants me to walk with him there. Siguro inutos rin ni Coach. Tumango naman ako at nagmamadaling naglakad patungo sa pinto. Bago ako makalapit ay tumalikod na siya at nagsimula maglakad paalis ng office. Mabilis naman ako sumunod sa kanya.

Pagkarating ko roon ay nakita ko ang karamihan sa team na mukhang mga bagong shower lang. Basa pa ang mga buhok nila pero nakapalibot sila sa isang mahabang table at maingay na nagku-kwentuhan.

Kasabay ng pagdating namin ang pagdating ng bagong ligo na si Sage. Iniwan na ako ng lalaking sumundo sa akin kanina at dumeretso sa mga ibang players. Hindi nila ako napansin dahil nabaling ang atensyon nilang lahat kay Sage.

"Oh good, there's Sage! Sage, my man!" Sabi ng isang lalaki na halatang ibang lahi sa itsura at pananalita pa lang. Lumapit siya kay Sage at umakbay.

"What's happening here?" Kitang-kita sa mukha ni Sage ang pagkagulo. Maybe he's not used getting the team's attention and warm affection kagaya ngayon.

"I can't believe you treated us all these food. Grabe, man, you're the fucking best! I think I'm falling in love with you!" Sabi pa nung isa bago tumawa. Nakisabay ang iba sa pagtawa niya at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko sa pag ngisi. I'm probably wearing a goofy smile right now.

"Treated? Food? What?" Gulong-gulo na tanong niya.

The team scattered around kaya naalis ang pagkakaharang nila sa table. Tumama ang mga mata ni Sage doon at sumunod naman ang mga tingin ko sa tinitingnan niya. Sa ibabaw ng table, may sampung pizza boxes—servings ng iba't ibang pasta at iba pang mga dishes. It was like a buffet for fifty people.

"Mr. Savellano?" Napalingon si Sage sa isang babae na may suot-suot na uniporme ng isang sikat na quick catering service.

"Yes?"

"Here's the bill po." Tulalang kinuha iyon ni Sage at halos bumagsak ang panga niya sa sahig nang makita ang resibo.

"Bakit mo naman sa akin ipinapakita ang bill na 'to? I didn't order any of this." The clerk's lips pursed into thin line. Yung soccer team naman ay walang alam sa pangyayari dahil abala sila sa pag-uunahan sa nakahain na pag kain.

"Sa inyo po ba ang mobile number na nakasulat sa bill?" Tiningnan ni Sage ang maliit na papel bago tumango. "Tumawag po kayo earlier, using that number. Paano pong naging hindi kayo?"

"But I really didn't—"

"Kailangan ko pa po bang tawagin ang management namin?"Mariin na pumikit si Sage at mukhang nagpipigil ng galit. Hindi ako ganoon kalayo sa kanya kaya kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga panga niya. I bit my lip, still holding back my laughter.

"No." Dumilat si Sage. Kung hindi pa itataas ni Sage ang isang kamay niya ay hindi ko iyon mapapansin. My grin went even wider. Kung kanina ay may pekeng ngiti pa sa mukha ni Sage, ngayon naman ay kulang na lang maging all black ang mukha niya sa sobrang pagkagalit niya.

He's mad alright. Sage gripped on the object that I didn't know he was holding earlier. Kulang na lang ay mayupi na iyon sa sobrang pagkagigil niya.

It was the same mask that I wore the other night.

I smirked as I watch him shake in silent anger. Alam kong gusto niyang sumigaw sa inis dahil naisahan ko siya pero hindi niya magawa dahil kasama niya ang soccer team.

"Sage, pare, come eat with us!" Mabilis na ibinaba ni Sage ang kamay niya at binalingan ng tingin ang tumawag sa kanya.

"You guys eat. I bought it for the team." The guy just nodded at him. Ang ibang players naman ay sumigaw ng pasasalamat sa kanya. Blangko lang ang mukha ni Sage na tumango sa kanila.

Tumalikod si Sage na parang nagbabalak ng umalis nang tumama ang mga mata niya sa akin. His forehead furrowed when he saw me. Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ako sigurado kung nakita niya ngayon. I'd like to think that he didn't.

"Sir?" Tinawag ulit ng clerk ang atensyon niya. Inalis ni Sage ang tingin sa akin at ibinaling sa clerk.

He inwardly groaned. "Follow me." He started to walk and the clerk trailed behind him.

I allowed myself to smirk as I watched Sage's retreating form. He was walking towards the locker room. Nakalayo na sila when my smirk transformed into a full blast grin.

Well, I told him he's going to pay... Didn't I?

Continue Reading

You'll Also Like

4M 72.5K 28
Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... me? Written ©️ 2013-2014 (Republished 2...
2.3M 21.3K 11
1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as t...
4.4M 134K 33
More Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then...
685K 32.9K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...