Heiress(Part One:COMPLETED)

By DarkDreamerGirl

108K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Special Chapter
Epilogue

Chapter XXIV

2.1K 47 0
By DarkDreamerGirl

Glaire's POV

Kanina ay naisipan ko munang maglakad-lakad para ma-relax muna ang isip ko. It's already 9:45 in the evening. Sa Italy, madalas din akong maglakad-lakad sa ganitong oras.

Habang naglalakad napagawi na ako sa madilim at wala ng katao-taong lugar. Pero nagtuluy-tuloy lang ako. And after that I suddenly heard voices. Alam kong malapit lang iyon dito. Pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Dire-diretso lang ang paglalakad ko at unti-unting nalalapit ako sa kinaroroonan ng mga boses. And with that, narinig ko ang isang pamilyar na boses ng isang babae.

Mabilis akong lumapit doon at sinilip kung siya nga ba at tama nga ako ng inakala.

F*ck! Why is she here!? Napapalibutan lang naman si Daydreamer ng mga lalaki habang siya naman ay naka-stance na nakaambang susuntukin niya na ang mga ito. Mukhang hindi sila natinag kaya kaagad akong nakaramdam ng inis that's why the next thing that happened was very fast dahil namalayan ko na lang ang sariling naglalakad na palapit sa kinaroroonan nila at mabilis na sinapak ang isa sa mga iyon.

Nagulat ang lahat sa nangyari lalo na ang engot na babae. Pero ngayon ko lang din naisip na madalas lapitan talaga ng kapahamakan ang babaeng ito kahit na hindi kami magkasama. Ewan ko kung malas lang talaga siya. Tss.

"Don't you dare touch her with your f*cking filthy hands." Malamig na mga salita ang pinakawalan ko.

"G-Glaire!" Rinig ko ang pag-usal ni Daydreamer sa pangalan ko. Hindi ko alam pero parang natuwa ito nang makita ako. Tss.

"Tsah! Aba't sino ka namang inggleserong pakelamero ka, ah!? Aba'y ang yabang mo bata ka, ah!" Matalim kong inilipat ang tingin ko doon sa nagsalita.

"Naintindihan mo ba yung sinabi niya, Pare? Ni isa wala akong na-gets, e. " Rinig ko pang satsat nung isa pa. Ikinuyom ko ng mahigpit ang dalawang kamao ko dahil sa namumuong pagkairita.

Tss! Naiinis ako sa mga pagmumukha ng mga tarantadong mga 'to. Iniisip ko pa lang na kung hindi man ako napadaan dito ay malamang may kung ano nang nagawa ang mga ito sa kanya. Mukha mang hindi kaakit-akit ang katawan ng babaeng 'to pero sigurado akong mapapatay ko talaga ang mga walang hiyang nilalang na mga 'to.

Naalarma na ako nang hawakan siya ng isa sa mga lalaki at takpan ang bibig niya.

"Gago! Sugurin mo na yan!" Sigaw nung lalaki na hudyat para magsikilos ang mga kasamahan niya para sugurin ako. Mabilis akong nakailag sa sunud-sunod na pag-atake ng mga ito at nang nakabuwelo ay kaagad kong sinipa iyong malapit sakin dahilan para bumagsak ito. Abala ako sa pagtumba sakanila nang sumigaw si Daydreamer kaya napalingon ako sa likuran ko.

Kumunot ang noo ko pagkakita sa mga bagong dating. Nakaitim ang mga ito at nakatakip rin ang mga mukha nila. Napangisi ako nang makilala ang mga ito. Sinusundan parin talaga ako. How could I forget those outfits? They're from Lorenzo's ninja unit. That means they're weaklings. Kaagad ko namang naramdaman ang pagkasabik na baliin ang mga leeg nila isa-isa. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil ngayon nanaman nila naisipang magpakita ngayong nandirito ang babaeng 'to.

Walang anu-ano'y mabilis na sumugod ang mga ito sa gawi ko at dali-dali ko namang pinatulog ang natirang lasing sa harap ko bago ko itinutok ang atensyon ko sa mga kalaban mula sa likuran.

Gamit ang isang kamay ko ay humarap ako't hinawakan ang mukha ng unang nakalapit saakin saka ito hinila at ni-untog ang ulo nito sa pader at nawala agad ito sa wisyo or maybe he's dead already. I won't hold back anymore, ngayon pa at alam kong alipores ni Lorenzo ang mga ito.

Abala lang ako sa pagsapak at pagharang sa mga pag-atake nila nang makita ko sa gilid ng mata ko ang pagtilapon ng isa sa mga kalaban.

"Y-Yria?" Rinig kong tawag ni Daydreamer kaya lalong kumunot ang noo ko nang makumpirma ko kung sino ito. Ba't nandito iyan? Lumapit na rin siya saakin at nakangisi pa ito saka nagsalita.

"Mukhang bumabagal ka na, ah. Bakit hanggang ngayon gising pa tong mga to? Huwag mong sabihin mahina ka na ngayon?" Mayabang na wika niya pero hindi ko ito pinansin. Agad na naming sinugod ng sabay ang mga kalaban.

Marami na kaming napatumba nitong si Tempest pero napansin kong tila'y hindi parin sila nauubos dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga kalaban mula sa dilim. Nauubos na ang pasensya ko at gusto ko nang matapos ito.

Sabay pa kaming napalingon ni Tempest sa gawi nung babae dahil sa naging pagsigaw niya at bahagyang nakaramdam ako ng kaba matapos siyang makitang magpumiglas habang hinihila na siya papalayo nung lalaking kasamahan ng mga lasing kanina. Nawala na siya sa isipan ko kanina dahil sa naging pagsulpot nitong mga alaga ni Lorenzo. Damn it!

Lalo akong nainis nang maglabas ng patalim ang walang hiya at itutok sa leeg ni Daydreamer.

"B-Bitiwan mo ako. A-Aray!" Sigaw niya. Hindi ko na hahayaan pang magawa pa niya ang binabalak niya kaya agad akong bumaling kay Tempest.

"Save her. Ako nang bahala rito. Mukhang marami pa akong patutulugin." I said. Tumango ito saka mabilis na pinuntahan ang babaeng iyon.

Nang masiguro kong nakalayo na ito ay bumaling na ako sa mga natitirang mga kalaban. Nagsimula nang maglabas ang mga ito ng kani-kanilang mga armas at sabay-sabay silang sumugod.

I closed my eyes and immediately activated my sharp senses. Ganoon na rin ang paggising ko sa matagal nang natutulog na katauhan. Pagmulat ko sa aking mga mata ay kasabay noon ang pagbabago ng aking presensya. Hinayaan ko lang dumaloy ang umaapaw na lakas at sa isang iglap ay mabilis akong kumilos.

Nagawa kong ilagan ang mga armas nila ng walang kahirap-hirap na parang sumasayaw lang ako sa aking ginagawa. Mabilis na tumumba ang iba at umagos ang napakaraming dugo mula sa leeg ng mga ito. Napangisi ako nang makita at maramdaman kong mapuno ng malapot na pulang likido ang dalawang kamay ko. Matagal ko na itong hindi ginagawa.

Napangisi lalo ako dahil sa sobrang pagkasabik na nararamdaman ko ngayon. Nararamdaman ko ang bawat presensya nilang lahat kaya naman nang may sumugod saakin mula sa likuran ay mabilis ko lang inilagan ang katana nito at hinawakan ko siya kaagad sa leeg nito saka sinakal gamit lamang ang isang kamay ko.

Binaon ko ang kuko ko rito hanggang sa tumalsik ang dugo niya at dumaplis pa ang iba sa mukha ko. Ni walang kahirap-hirap ay mabilis na hinila ko ito dahilan para mapunit ang leeg niya saka ko ito binitawan.

Sunod kong hinarap ang iba pa nang nakangisi. Lalo akong nanabik dahil sa takot na mababakas sa mga ito. Tila ba'y nanigas na ang mga ito dahil sa kanilang nasilayan. Kapansin-pansin din ang panginginig nila.

Nang may isang natumba sa kanila at unti-unting umaatras para sana makatakas ay hindi ko ito hinayaan kaya sa isang iglap ay nakalapit ako sa mga ito.

Nagpakawala ako ng isang halakhak na mismong kahit ako ay hindi ko na makilala kung sino pa ba ito. Tanging kasabikan lang sa dugo ang hinahanap ko ngayon. Tanging iisang imahe lang ang nakikita ko at nararamdaman ko ngayon.

The demon is taking over my whole being again. I could really feel the bloodlust and it drives me crazy.

Habang hawak ko na sa leeg ang panghuling isda ay biglang may naalala ako at nilabanan ang sarili ko upang mapahinto ito. Hindi ako nahirapan dahil mabuti na lang at nakisama ito ngayon kaya agad kong binitawan ang kalaban mula sa pagkakahawak ko sa leeg niya.

Biglang nagising ako at nakabalik kaagad sa katinuan. Saka ko lang din napansin at napagmasdan nang tuluyan kung anong nangyari sa buong paligid. Napamura ako dahil sa aking nasilayan dahil nagkalat sa paligid ang walang buhay na mga katawan na naliligo sa sarili nilang mga dugo.

Maingat kong itinaas saka ko tinignan ang mga kamay ko and they were all covered with fresh crimson blood. Naramdaman ko nanaman ang pagngisi ko. The monster inside me keeps getting agitated that's why I immediately calm myself. I need to stop already.

Napatingin ako sa pinuntahan kanina ni Tempest para sundan iyong may hawak kay Daydreamer. Pupuntahan ko na sana sila nang may bumaong matulis na bagay sa may tagiliran ko.

Tinignan ko kung sino man ang gumawa noon at naalalang siya iyong binitawan ko kanina. Tss. Sinayang niya ang pagkakataong ibinigay ko sakanya kaya ngayon ay hindi ko na ito hinayaan pang mabuhay. Mabilis ko itong hinawakan sa panga saka binali ang leeg nito.

I tossed the body aside saka kaagad kong inabot sa likuran ko ang nakatarak na punyal at tinanggal iyon. Naramdaman ko lang ang pagdaloy ng dugo mula roon pero hindi ko na inintindi pa ang sakit. Kailangan ko nang mapuntahan sila dahil baka kung ano nang nangyari sa engot na babaeng iyon.

Mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan nila at saktong naabutan kong nakalapat na sa leeg nung babae ang kutsilyo. Napasinghal ako pagkakita sa dumadaloy na dugo mula sa leeg niya dahil sa hiwa mula roon. Namuo kaagad ang galit saakin at walang anu-ano'y mabilis akong nakalapit sa harap nila.

Nagtama ang tingin naming dalawa ng engot na babae at mukhang hindi niya inaasahan lalo na nang makita ang kabuuan ko. Unti-unting nagbago ang ekspesyon niya. Hanggang sa tuluyan na rin siyang napapikit at mawalan ng malay.

Iyon na ang naging hudyat ko para mabilis na maibato ko ang hawak na patalim at tumama ito sa braso nung lalaking may hawak sakanya at dahil doon ay napabitaw siya nang tuluyan. Kaagad naman nakakilos si Yria upang masalo ang walang malay na babae.

Naglakad ako papunta sa lalaki at habang nakahawak ito sa duguang braso niya ay unti-unti itong umaatras at halata sa itsura nito ang sobrang takot.

"H-Huwag kang lalapit. Anong gagawin mo? H-Halimaw! Waaaaaahhh---" Bigla na lang natumba ito at nawalan na rin ng malay. Napailing na lang ako. Tss, stupid coward!

Tumingin naman na ako sa dalawa at buhat-buhat na ni Yria yung engot na babae. Napukaw ang atensyon ko sa nakitang pag-aalala sa mukha nitong si Tempest habang tinitignan ang mukha niya. Mukhang namang napansin nito ang pagtingin ko sakanila kaya lumingon ito sa kinatatayuan ko. Kasabay noon ang pagkabigla nang tumingin ito sa mga mata ko.

"Your eyes are glowing. No doubt they'll be scared 'cause they're really different, but I could say that they are beautiful and at the same time deadly." Sabi nito. Iniwas ko agad ang mata ko at tumingin sa sahig.

"Idala mo na siya sa ospital." Nasabi ko na lang bago ako nagpasyang talikuran sila.

"Kailangan sumunod ka rin." He said bago pa ako tuluyang makalayo.

"You need to tell her everything after what she just saw." Iyon ang huling narinig ko sakanya.

Nang tuluyan na akong makalayo sa lugar na iyon ay ramdam ko na ang panginginig ng aking mga kamay at paa. Ipinikit ko ang aking mata. Masyado akong naging kampante kanina na magagawa kong kontrolin ang sarili ko. I didn't expect that to happen. Hindi ko na alam kung gaano na ito kalakas ngayon.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga pagkatapos ay narinig ko na lang na may nagsalita mula sa aking likuran.

"Hay! Matagal-tagal na rin noong huling nagkalat ka." Natatawang wika ng sumulpot na si Blaise. Hindi ko siya nilingon. Sa halip ay nagsalita ako.

"Linisin mo na lang ang mga iyan." Utos ko habang nakapikit parin.

"Tss! Pasalamat ka talaga at malakas ka saakin." Tumawa ulit ito.

"Pero may iba bang nakakita sayo habang hinihiwalay mo ang mga kaluluwa ng mga iyan sa katawan nila?" Tanong niya pa kaya tinignan ko ito. Nawala ang ngisi niya.

"Biro lang. " Wika niya saka sumeryoso ito. "But I really hope that no one saw you while you're dealing with those." Dagdag niya. Umiling lang ako bilang tugon.

"Bumabalik nanaman ba, Lhian?"

Sa tanong niyang iyon ay tinignan ko siya ng malamig. Napabuntong hininga na lamang ito.

"Base sa tingin mong iyan ay masasabi kong hinayaan mong lumabas at kontrolin ka ulit nito, hindi ba?" Ngumisi ito sabay bato niya ng isang bagay at mabilis kong sinalo iyon.

Tinignan ko ang lalagyanan ng contact lense bago ko ibalik ang tingin sakanya.

"Palitan mo na yang gamit mo ngayon. Mas makapal iyang pinagawa ko ngayon at makakaya niyang takpan ang tunay na kulay ng mga mata mo." Seryosong sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Base rito sa mga nakikita kong nagkalat na katawan. You really went all out. Sa tindi ng galit mo at pagkasabik ay lalo pang lumakas ang halimaw diyan sa loob mo ngayon, Lhian." Wika niya.

Ibinulsa ko na muna ang hawak ko at nanatili lang akong nakatingin sa sahig. Kahit ako ay ngayon palang nagsi-sink in ang mga nagawa ko kanina lang. I really went out of control. Ngayon ko lang naisip na papaano pa kaya kung hindi ko na nakontrol ang sarili ko kanina? Maaaring pati ang babaeng iyon at yung si Tempest ay nadamay.

"Mukhang hindi nakayanan niyang lenses mo maitago ang tunay na kulay ng mga mata mo dahil sa matinding emosyon na naramdaman mo kanina." Paliwanag pa niya.

"They're really glowing crimson red right now."

Pagkarinig ko sa sinabi niya ay naikuyom ko kaagad ang kamao ko ganoon na rin ang pagtangis ng panga ko.

"Hayaan mo na. I need to go. Ipalinis mo na iyang mga tauhan ni Lorenzo. May kailangan lang akong puntahan." Inilihis ko na lang ang usapan dahil ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol sa mga mata ko.

"Tss. Sinasabi na nga ba, e! Iyong gagong Lory na yun. Sige, nagpatawag na ako ng mga tauhan para linisin ang mga ito." Seryosong wika niya. Bigla namang napamura ito nang mapansin nito ang tagiliran ko.

"Hoy, Lhian! Nasaksak ka? Nababaliw ka na talaga! Ipagamot mo nga yan!" Utas niya ngunit hindi ko ito pinansin.

Iniwan ko na lang siya at mabilis na lumayo ako sa lugar na iyon. Mabilis na inakyat ko ang isang building at tinalon ang mga ito para walang makakita saakin lalo pa't halos buong katawan ko ay may bahid ng dugo.

Sinalubong ko ang hangin at naramdaman ang pagdampi nito sa balat ko. Tinalon ko ang isang mababang gusali at maayos na nakalapag ng walang kahirap hirap.

Kaagad namang pumasok sa isipan ko ang mukha kanina nung babaeng yun. Hindi ko maiwasang isipin kung anong ibig sabihin ng tingin niya matapos niyang makita akong ganito lalo na nang makita niya ang mga mata ko.

Sana hindi takot ang nakita ko mula sa mga mata niya dahil kapag ganoon nga, hindi ko na magagawang magpakita pang muli sakanya.

I need to get rid of this demon that they implanted within me after I've accomplished my last mission.

....

....

Yria's POV

Mabilis kong idinala si Cielle sa loob ng kotse ko at agad kong binuhay ang makina nito saka pinaharurot ito.

Shit! Hindi ganito ang inaasahan kong dadatnan ko. I swear hindi ko kaya pag may nangyaring masama sakanya. Masyado akong nahuli.

Tinignan ko siya at dumadaloy parin ang maraming dugo sa leeg niya. Damn it! Baka may natamaang vein. Shit talaga! Mauubusan na siya ng dugo!

Binilisan ko na talaga ang pagpapatakbo sa kotse ko at wala na akong pakealam pa. Basta ang mahalaga ay maiabot ko siya sa ospital.

Pero naalala ko ang mga nangyari kanina. Si Glaire! Alam kong may nangyari kanina habang nakikipaglaban siya. Duguan ang buong katawan niya. Hindi na ako bumalik kanina sa parte kung saan ko siya iniwan. Hindi ko alam kung ano nang nangyari. Tss! At ang mas nakakabahala pa ay noong makita ko ang mga mata niya. Those bloody eyes were glowing.

Pero sa ngayon hindi ko na muna iisipin iyon. Saka ko na lang kukumprontahin si Glaire kapag maayos na ang lahat.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang ospital na pag-aari namin. Agad kong pinark sa harap at binuhat ko na si Cielle. Itinakbo ko siya papuntang emergency at mabuti na lang dahil agad naman kami nakita ng mga nurse kaya tinugunan nila kami kaagad.

"Please, save her. Marami nang dugo ang nawala sakanya." Wika ko at tumango silang lahat at kaagad siyang dinaluhan.

Sinundan ko lang siyang maidala sa isang bed at asikasuhin siya ng doktor bago isinara na nila ng tuluyan ang kurtina.

Nag-antay lang muna ako hanggang sa matapos sila. At matapos ang mahigit trenta minutos ay lumabas na mula roon ang doktor at nang makita ako ay bago pa ito makapunta sa kinauupuan ko ay kaagad na akong tumayo at mabilis na lumapit sakanya.

"Doc, kumusta na po siya? Ano na pong lagay niya?" Nag-aalalang tanong ko sakanya at ngumiti naman ito.

"Tell me, kailangan ba niya ng dugo? Willing akong magbigay." Pagpi-prisinta ko pero umiling lang ito.

"Calm down, Mister Tempest. Maayos na po ang lagay niya. Mabuti na lang at agad niyo siyang naidala rito. Hindi naman naging malalim ang sugat niya at napatigil din namin ang bleeding. She's okay now." Wika niya dahilan para gumaan ang pakiramdam ko. Masyado lang talaga akong naging oa kanina.

Matapos kong magpasalamat ay nagpaalam na rin ang doktor at iniwan na ako. Tumingin ako sa may gawi ng kinalalagyan ni Cielle at nakitang lumabas na ang tatlong nurse na tumulong kanina. Nakita nila ako at sinabing maaari ko na raw siyang puntahan. Nagpasalamat naman ako sa mga ito.

Hinawi ko ang kurtina at sumilip ako sa loob. Ngumiti ako pagkakita sakanya matapos ko siyang makitang payapang natutulog. Unti-unting naglakad ako palapit sakanya. Napadako ang tingin ko sa gilid ng leeg niya kung saan may nakatakip na gauze bandage roon.

"Hindi ko na siguro alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari pa sayong masama." Halos pabulong lang na sabi ko habang nakatingin sakanya.

Inilinga ko ang aking paningin at nakita sa tabing mesa nito ang kwintas niya. Tinanggal ito noong gamutin ang sugat niya sa leeg. Agad akong lumapit sa mesa at kinuha iyon. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para malaman niya ang totoo.

Bumuntong hininga ako at ibinulsa na lang muna iyon. Hanggang sa may maramdaman ako at makita sa gilid ng aking mata ang isang pigura. Kumunot ang noo ko nang lingunin ko ito at makita si Glaire na mariing pinagmamasdan si Cielle. Kailan pa siya diyan? Ni hindi ko man lang napansin.

Hindi naman ito kumurap man lang kahit nakatingin na ako sakanya. Nanatili lang siyang nakatingin kay Cielle. Kaya inilipat-lipat ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Napansin ko rin ang ipinapakitang ekspresyon ni Glaire.

Something's different now beside those eyes at pansin kong hindi na pula ang kulay ng mga ito, and they're not glowing anymore. Mas nahalata ko ngayon ang lungkot at kung hindi ako nagkakamali ay bakas talaga ang pag-aalala sa mukha niya.

I cleared my throat to get his attention and good thing he already blinked and throw his glance at me.

"We need to talk." I said casually while my eyebrows raised. Saka ako lumabas at kaagad nagtungo sa may elevator at bago pa magsara ang pinto ay nakapasok na siya. Tahimik lang kami sa loob. At nakikita ko sa gilid ng mata ko na mukhang nagpalit na ito ng damit dahil naka-suot na ito ng black v-neck shirt at black pants. Nakaputi siya kanina kaya kitang-kita ang mga dugo sa kanyang damit. Nang makarating na kami sa roof-top ay mabilis ko siyang hinarap at seryosong tinignan siya.

Mabuti at mukhang tinakpan na niya ulit ng contact lenses yung mga mata niya. Sakto lang para less intimidating. Oo, aaminin ko. Maski ako ay nakaramdam talaga ng takot pagkakita sa mga mata niya kanina.

Pumikit na lang ako at naglabas ng mahabang buntong hininga saka ako nagsimulang magsalita.

"Alright, salamat dahil kung hindi ka naunang makarating doon kanina ay baka mas malala pa ang nangyari kay Cielle." Wika ko. Bahagyang napangiwi ako dahil hindi siya umimik. Ano pa bang aasahan ko sa taong 'to? Hindi ko na inantay itong magsalita kaya itinuloy ko na lang ang sasabihin ko.

"Pero hindi ibig sabihin na magiging maayos na ang pakikitungo ko sayo. Mas mabuti paring maging maingat dahil alam ko parin kung ano ang mga kaya mong gawin, Leandros." Matigas na sabi ko.

Nanatili itong mariin na nakatingin saakin hanggang sa kumurap ito at ilipat ang tingin niya sa madilim na kalangitan.

"Dapat lang." Usal niya. Itinaas ko ang isang kilay ko sa sinabi niya.

"Hanggang sa hindi napapatay ang demonyo rito sa loob ko, hinding-hindi ako mapagkakatiwalaan." Seryosong wika niya saka nito inilagay sa bulsa niya ang kaliwang kamay niya at naglakad papunta sa dulo nitong roof-top at sumandal sa may railings.

"Kung alam niyo lang kung gaano na lang ako kasabik mamatay para lang hindi na umiral pa itong halimaw sa loob ko. Kaso nga lang hindi ko pa maaaring maisagawa iyon sa ngayon dahil may nag-iisang misyon pa akong dapat tuparin," Tumingin ito saakin gamit ang malamig niyang mga mata at talagang mararamdaman mo ang emosyong ipinapakita nito; kalungkutan at galit.

"Ano naman ang misyong iyon?" Hindi ko napigilang itanong.

"Bago ako mawala sa mundong ito, kailangan ko munang tuparin ang pangako ko sa isang importanteng tao, iyon ay ang tapusin ang mga pumaslang sakanya at ang pinagmulan ng mga pasakit at paghihirap namin. Uubusin ko ang mga taong nagtanim nitong halimaw sa buong pagkatao ko. Kapag naisakatuparan ko na ang lahat, tapos na ang lahat para saakin. Maaari niyo na akong paslangin."

Hindi ko inasahan ang mga sinabi niya. Kung ganoon ay may balak siyang maghiganti sa kung sino man. Kahit papaano ay dahil sa pagsabi niya ng mga ito ay naintindihan ko na siya. Kung ganoon ay may malalim na dahilan kung kaya't naririto siya.

Ang huling misyon na sinasabi niya ay may malalim na pinanggagalingan at dahil ito sa isang taong importante para sakanya. Dito ko lang naisip na mas masaklap ang naging nakaraan nitong taong ito at naging dahilan noon ay ang pagbabago ng buhay niya.

Ayon sa sinabi niya ay batid kong ipinilit lang sakanya ang buhay na kinalakihan niya. Kung sa bagay, sino naman magkakagusto sa buhay na punung-puno ng karahasan?

"I didn't expect that you'd open up." Nasabi ko na lang. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa sa tulad niya dahil hindi ko mahinuha kung anong klase ang mga pinagdaanan niya.

"Gusto ko lang maging malinaw na ang lahat. Kung ano man ang mga nagawa ko noon ay iyon ay dahil sa nabulag ako sa sobrang galit ko at sa kagustuhan kong maging malakas at katakutan ako ng kahit na sinuman. At ngayon, gusto ko nang itama ang lahat-lahat." Diretsong sagot niya.

"Sa maikling pananatili ko lang dito ay marami rin akong napagtanto. Inaamin ko, nakalimutan ko noon kung bakit ako lumalaban pa at ngayon gusto ko nang matapos ang lahat kaya ito na ang oras para gawin iyon."

Hindi ko naman inasahan ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi habang nagsasalita ito.

"At isa pang dahilan. Ayoko nang may madamay pa nang dahil lang sa laban na ito lalung-lalo na ang engot na babaeng iyon." Lalong lumawak ang ngiti niya dahil doon. Napaisip pa ako kung sino ang tinutukoy niya at napadako ang isipan ko kay Cielle. Sigurado akong siya ang tinutukoy niya dahil sila lang naman ang medyo madalas niyang kasama.

"I always call her Daydreamer to make her angry. At kahit na tatanga-tanga siya ayoko namang mapahamak parin ang isang tulad niyang kaawa-awa. Airhead nga siya at madalas siyang mag-daydream pero..."

Kumunot ang noo ko nang huminto ito. Ewan ko pero napangisi ako nang may maisip ako dahil sa mga descriptions niya kay Cielle. Kahit na ganoon ang mga sinabi niya patungkol sakanya ay pansin kong may malalim na ibig sabihin ang mga iyon. Naituon kong muli ang atensyon sakanya nang magsalita ulit ito.

"Siya lang ang nakapagparamdam muli saakin kung paano sumaya,"

"Kaya ngayon palang aalis na ako bago pa niya matuklasan ang totoo kong pagkatao. Gusto kong manatili lang na ganoon ang nalalaman nila patungkol saakin."

Sa kabutihan at busilak na puso na taglay ni Cielle ay talagang mapapaamo niya ang kahit na sino. At hindi ko akalaing pati ang isang tulad ni Leandros Salvatore ay magagawa niyang baguhin.

Awtomatikong sumilay ang isang ngisi sa aking labi.

Nakita kong tumalikod na si Glaire at humarap sa buong syudad na pumapalibot dito sa ospital.

"Malapit na sila at kailangan maunahan ko ang mga ito." Kumunot muli ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean? Sino ba talaga ang mga iyon?" Takang tanong ko. Hindi ko maiwasang mapaisip.

Narinig ko ang buntong hininga niya at nagsalita muli.

"As I have said before. I am now the target of the Salvatore Clan." Seryosong humarap ito.

Naalala ko noon ang naging pag-uusap namin sa school. Hindi naging maganda ang pakikitungo ko roon dahil sa galit ko sakanya pero nagawa parin niyang sabihin ang mga iyon saakin.

Sa pagkakaalala ko sa mga sinabi niya noon ay target na nga talaga siya ng sarili niyang angkan.

"Sisimulan ko na ngayon ang huling misyon ko. Iyon ang ubusin ang pinaka-kinamumuhian ko at nagparanas saamin ng matinding paghihirap. Dito na magtatapos ang Salvatore."

Matapos niyang magsalita ay nagsimula niyang tanggalin ang suot niyang contact lenses at sumilay ang magkaibang kulay ng mga nito. They're not crimson red anymore and instead they're back to being gray and violet and I think those are the true colors of his eyes.

Kaagad naman akong naalarma nang umakyat ito sa may railings at balanseng nakatayo na rito.

"Hey! What are you doing!? Akala ko ba may huling misyon ka pang dapat gawin? Bakit magpapakamatay ka na agad-agad?" Sigaw ko at akmang lalapitan siya. Pero itinaas niya lang ang isang kamay niya kaya agad akong huminto.

"Masyado kang advance mag-isip, Tempesta." Seryosong wika lang niya. Kumunot pa ang noo ko sa pagtawag niya sa Italiano ng apelyido ko.

"Ano rin ang pina-plano mo?"

Bago ko pa marinig ang isasagot niya ay narinig ko na ang tunog ng isang sasakyang pang himpapawid. Mula sa 'di kalayuan ay mabilis na papalapit ang isang helicopter. At nang huminto ito malapit sa mismong kinatatayuan ni Leandros ay medyo napapikit ako dahil sa lakas ng hangin na dala nito.

Kasunod naman noon ang pagbukas ng pinto ng helicopter at tumambad ang isang nakatayong lalaki na mukhang isa sa men-in-black dahil sa suot nitong itim na suit at naka-shades pa ito. May hawak itong rope ladder saka nito hinagis ang dulo nito na kaagad namang inabot ni Leandros.

Napailing na lang ako dahil sa gagawin ng taong 'to. Tss.

"Make sure you'll come back. She might get sad. Hindi ko maipapangakong makakapagsinungaling ako sakanya." Kinailangan kong isigaw iyon dahil sa lakas ng tunog ng helicopter. Alam kong narinig niya dahil bahagyang napalingon ito ng kaonti.

"Alam kong tanggap ka niya maging sino ka man at kahit na umalis ka na hindi man lang nagsasabi sakanya."

Napangisi na lang ako nang itaas nito ang kaliwang kamay niya at mag-thumbs up bago ito mahigpit na kumapit sa ladder at sumenyas sa tauhan niya. Nagsimula nang lumipad palayo ang helicopter hanggang sa tuluyan na itong makalayo at hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Napailing na lang ako saka nagpasyang bumalik na sa loob ng ospital.

Napangisi ako bigla.

I know that he'll surely come back. Kahit na may plano siyang mamatay alam kong magkakaroon na siya ng dahilan para hindi na gawin ang bagay na iyon.

He'll come back atleast for the Daydreamer.

At sigurado akong sa susunod nilang pagkikita ay wala nang taguan ng nararamdaman...

....

....

....

To be Continued....

11-03-14

Edited: 03-09-19

Continue Reading

You'll Also Like

271K 4.2K 45
How does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag...
19.3K 437 48
This is the kingdom where all magic lies. Dana is a princess and also a warlock in the world of Magique. She has to go back to her real world to save...
159K 4.1K 49
A love can heal each darkness of a person. ⒸAll Right Reserve 2014 √ Completed
31.8K 995 49
[VAMPIRE DUOLOGY BOOK 1] Everyone can change, the reason behind is either about their society or the people around them. But what if her society is f...