APARTMENT 143 (luv wil kep us...

By anonymous_pen

419K 5.4K 1.4K

What if KASAMA MONG MANINIRAHAN sa iisang APARTMENT ang isang TOTALLY STRANGER? Si GIRL, isang SCHOLAR at WOR... More

UNANG CHAPTER: Ang RULES and REGULATIONS bow!
IKALAWANG CHAPTER: Asungot's HOUSE GAY PARTY??? Ahem!
PANGATLONG CHAPTER: Usapang WAGAS lang!
PANG-APAT na CHAPTER: The Pink TEDDY BEAR
IKA-LIMANG CHAPTER: Ang HOUSE PARTY na OMG!
ESPESYAL na CHAPTER: Ako si JOSHUA
IKAANIM NA CHAPTER: Is it clear, SHIELA???
IKAPITONG CHAPTER: a BRAND NEW friendship lang ang PEG!
IKAWALONG CHAPTER: ang GIRLFRIEND ni Joshua!
IKASIYAM NA CHAPTER: mark this DATE... SHIELA and JOSHUA moment
IKASAMPUNG CHAPTER: Go for the win, JOSHUA!
PANLABING-ISANG CHAPTER: miss you like CRAZY
PANLABING-DALAWANG CHAPTER: meet BABY JOSHUA
PANLABING-TATLONG CHAPTER: Ansabeh??? APARTMENT scandal lang!
PANLABING-APAT NA CHAPTER: FRIENDS will always be THERE...
PANLABING-LIMANG CHAPTER: TAMPUHAN MODE... Kalorkey!
ESPESYAL na CHAPTER: Ako si JOSHUA... and this is the REAL ME.
PANLABING-ANIM NA CHAPTER: the NEW SHIELA. A make over.
PANLABING-PITONG CHAPTER: Si VINZ, my BEST FRIEND. (part 1)
PANLABING-PITONG CHAPTER: Si VINZ, my BEST FRIEND. (part 2)
PANLABING-WALONG CHAPTER: Forgiveness means LOVE... AJA!
PANLABING-SIYAM NA CHAPTER: LOVE TRIANGLE lang... ang MODE.
PAN-DALAWAMPUNG CHAPTER: NALILITO... NAHIHILO... Si VINZ o Si JOSHUA?
PANDALAWAMPU'T ISANG CHAPTER: meet CAMILLE... the new GIRL.
CHAPTER ESPESYAL: the SECRET LOVE... patigasan lang ang eksena!
PANDALAWAMPU'T DALAWANG CHAPTER: BEACH PARTY na unforgettable lang
ESPESYAL NA CHAPTER: USAPANG LALAKI... the revelation!
PANDALAWAMPU'T TATLONG CHAPTER: the HARDEST THING is to LET GO
PANDALAWAMPU'T APAT NA CHAPTER: BAD NEWS for JOSHUA... ang hard lang!
ESPESYAL NA CHAPTER: GOODBYE dad... sorry for the hatred.
PANDALAWAMPU'T LIMANG CHAPTER: si CAMILLE... the KONTRABIDA girl!
PANDALAWAMPU'T ANIM NA CHAPTER: FOUR force lang ang scene... super tense!
PANDALAWAMPU'T PITONG CHAPTER: LOVE PROBLEM... tama na 'yan inuman na!
CHAPTER ESPESYAL: KILIG VIBES!!!... moment nilang dalawa ito.
PANDALAWAMPU'T WALONG CHAPTER: MEET THE PARENTS... pati kamag-anak na din! PART1
PANDALAWAMPU'T SIYAM CHAPTER: MEET THE PARENTS...pati kamag-anak na din. PART2
PANTATLUMPONG CHAPTER: LABU-LABONG MGA EKSENA... intense!
PANTATLUMPU'T ISANG CHAPTER: SAD MOMENTUM.... ang sakit naman!
CHAPTER ESPESYAL: VINZ AND CAMILLE... their side of story.
PANTATLUMPU'T DALAWANG CHAPTER: THIS IS IT!... Love, LOVE, Love!
PANTATLUMPU'T TATLONG CHAPTER: STATUS: In a RELATIONSHIP.
PANTATLUMPU'T APAT NA CHAPTER: they say LOVE has its own DILEMMA... sakit!
PANTATLUMPU'T LIMANG CHAPTER: alam na ni CAMILLE... period.
CHAPTER ESPESYAL: the UNEXPECTED TWIST of LIFE... naku!
PANTATLUMPU'T ANIM NA CHAPTER: the DARK MOMENT for Camille
PANTATLUMPU'T PITONG CHAPTER: time to say GOODBYE ... ouch!
HULING CHAPTER: ang ENDING na MIXED EMOTIONS... PART 1.
HULING CHAPTER: ang ENDING na MIXED EMOTIONS... PART 2.
EPILOGUE daw.... epilogue nga ba?
PAHAPYAW sa BOOK 1.
TEASER muna as of now...
COMING SOON...

PROLOGUE muna TAYO

36.5K 281 41
By anonymous_pen

HI GUYS!!!

PASALAMAT MUNA AKO SA LAHAT NG SUMUPORTA SA MGA GAWA KO, MAPA-SHORT STORIES MAN SIYA O SERIES...

I CONSIDERED ALL OF YOU AS A BLESSINGS.

PLEASE KEEP SUPPORTING ME FOR MY NEW WORKS.

THANKS AND GOD BLESS YOU ALL!!!

- anonymous_pen @ ur service.

*******************************************************************

 

Buti na lang naabutan ko ang may-ari ng apartment. Sabi kasi ng mga nangungupahan dito bihira na lang mag-stay sa kanilang bahay ang may-ari dahil busy ang mga ito sa sobrang dami daw ng negosyo ng mag-asawa.

Kinausap na niya ako. Sinabi na niya lahat ng mga dapat kong malaman sa apartment at lalo na sa loob ng compound na halos binubuo ng 14 na apartments. Ini-explain din niya ang mga rules and regulations nila.

Tapos niyaya na niya ako na tingnan ang loob ng apartment. Lumabas na kami ng kanilang bahay at lumakad papunta sa nasabing apartment.

Oops, magpapakilala muna ako. Ako si Sheila Mae Cruz. 19 years old at isang simpleng babae. Oo, simple lang. Hindi ko naman sinasabing CONSERVATIVE ako, pero minsan kasi nagiging LIBERATED ako depende na siguro iyon sa SITUATION. Nasa 2nd year na ako sa college sa isang UNIVERSITY. SCHOLAR at isang WORKING STUDENT.

Heto ako, naghahanap ng sariling APARTMENT. NAsa DORM kasi ako hanggang ngayon. Pero medyo nahihirapan na ako dahil siksikan kami at hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral. Masyado lang kasing magulo pag nasa DORM ka... Walang PRIVACY at lalong walang PEACE of MIND.

By the way, laking probinsiya ako. Pero sa dalawang taon ko na dito sa MANILA, at least nakaka-ADJUST na ako... Hindi na ako ang tipong SHUNGA-SHUNGA lang at PROMDI EFFECT ang personality. Hindi naman kami iyong tipong mayaman o mahirap, sakto lang. May sarili kaming lupa sa probinsiya, pero kinakapus nga lang dahil sa ANIM kaming magkakapatid.

Kaya ako heto, kahit mahirap ay tinitiis kong lumayo sa kanila at maging working student para matustusan ang pag-aaral ko. Buti na lang, nakakuha ako ng scholarship, at least malaki talaga ang naitutulong nito sa akin. 

Makapal talaga mukha ko kaya kahit anong trabaho ay pinapasok ko. Naging janitress na rin ako sa isang ospital, encoder sa isang maliit na opisina, librarian sa school, at marami pang iba... Minsan din naging tutor na rin ako at nagtuturo ng guitar lesson. Sa ngayon, I'm working as a part-time cashier sa isang kilalang department store. Isang waitress sa isang maliit na restaurant at Encoder sa ADMIN. DEPARTMENT ng UNIVERSITY na pinapasukan ko.

"Aba'y nakalimutan ko ang susi sa bahay!"bulalas ng matandang babae ng marating namin ang apartment.

Nginitian ko na lang siya. Talagang matanda na si nanay at nakalimutan ang susi!

"Bumalik na nga lang tayo sa bahay. Tapos pirmahan mo na rin ang kontrata. Pasensiya ka na at tumatanda na talaga ako."nakangiting yaya ng matanda.

"Wala pong problema 'yon."nakangiti kong tugon sa kanya.

"Mamu, what are you doing?!"

Sabay kaming napatingin sa aming likuran.

Isang bading ang nagmamadaling lumapit. Super taray kung lumakad ito na parang nasa contest lang ng MISS GAY.

"Saan ka ba nagpupupunta at hindi kita mahagilap? Dapat ikaw na ang nakikipag-usap dito kay ano para sa apatment."sabi ng matanda. Hindi pa pala niya alam ang pangalan ko.

"Apartment?!"malakas na sigaw ng bakla.

Grabe naman kung maka-react parang may WORLD WAR lang! Ang landi at ang harot pa!

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Hawig lang kay Vice Ganda! Payatot. Sakit sa mata ng suot nitong halos COLOR WHEEL sa dami ng kulay. Super puti ng face sa kapal ng foundation at nagmukhang clown sa super red lipsptick na gamit. Lalong tumangkad ito sa suot na high heels.

"Mamu, may nauna na sa kanya! So, hindi na pwede!"maarte nitong sabi na inirapan pa ako.

Sus! Kala mo naman maganda! Akala ko nga nakawala lang sa aquarium! Finding nemo lang ang peg?

"Anong may nauna na? Hoy, Florentino, wala kang sinasabi sa akin na meron ka na palang nakuhang mangungupahan dito sa apartment na ito?"

Pinigilan kong matawa. Florentino? Nice name! Astig na astig.

Biglang may lumapit sa amin na isang nakangiting binata. Mukhang mayaman dahil sa porma nito.  Tapos abot sa ilong ko ang mukhang mamahaling pabango nito.

"Ay! Halika dito, Joshua! Dali-dali!"malakas at tuwang-tuwang yaya ng bading sa binata na hiwakan pa sa braso ito at niyaka-yakap.

Hala! Si Forentino parang O.A. lang kung makayaya sa lalaking ito! Parang hihimatayin na iwan! Parang isda lang na na iniahon sa tubig at biglang nilagay sa lupa! Kung makagalaw parang ewan!

At nakakasuka silang dalawa ah! Ewww! As in!


Napatitig ako sa lalaki. Ano bang pumasok sa isip nito at pumatol sa bakla? Sayang siya... May hitsura pa naman. Matangkad. Makinis at maputi. Mukha ding mayaman. Ganon na ba talaga siya ka-desperado at nakipag-relasyon siya sa isdang este baklang ito?

"Hello po, tita!"nakangiting bati nito na tinanggal ang suot na sunglass.

Napanganga naman ako sa kanya. Nakakabaliw naman titigan ang kanyang mga mata at  ngiti. As in super gwapo niya! Tapos ang manly pa ng boses na may halong lambing. 

"Mamu, siya si Joshua! Ang bagong mangungupahan sa atin!"masaya at halos kinikilig na pagpapakilala ng bading.

"Wala nang bakante! Siya ang naunang pumunta dito para upahan itong apartment! Hindi mo naman sinabi na meron kang transaction sa lalaking 'yan!"

"What?! No! Hindi ako papayag! Gusto ko si Joshua ang titira diyan!"halos magwala ito na nakakapit pa rin sa binata.

"P-Pero pipirma na ako ng kontrata kaya sa tingin ko ako ang nauna?"sabad ko na hindi maiwasang mapatitig sa lalaki.

"Oo nga naman, pipirma na siya!"sang-ayon ng matanda."At tigilan mo na naman yang kalandian mo, Florentino!"

"Mamu, hindi nga Florentino name ko! I'm Shakira! The Waka-Waka Girl!"inis na sabi nito na kumembot-kembot pa.

"Masasapak kita! Natatandaan ko pa na Florentino ang ibinigay naming pangalan sa'yo ng daddy mo!"

"So, wala na po ba talagang vacant? I need lang po kasi ng bagong malilipatan."sabat ng binata.

"Hay naku, wala na! Nauna na sa'yo itong si miss!"sabi ng matanda.

"Mamu! No! Magwe-welga ako! Ayokong mawalay sa akin si papa Joshua! Waaahhh!!!!"lumuhod pa ito sa ina.

Kung pwede lang sanang tumawa ng malakas ginawa ko na kanina pa! Ngayon lang ako nakakita ng super landing bakla! Mala-teleserye pa ang ginagawang pag-arte sa nanay.

"Mamu, this beautiful creature from heaven above is begging you! I'm your beloved daughter created by the genuine love of yours and dad! Please, let him be the one..."maarte nitong pagmamakaawa sa ina.

"Hay naku, sige sige... Tutal dalawa naman ang kuwarto nitong apatment na ito, silang dalawa na lang ang umupa."biglang sabi ng matanda.

"Ho?"nagulat talaga ako. 

Nagkatinginan kaming dalawa ng lalaki. Nginitian lang niya ako. Nainis ako.

"Mamu?! Silang dalawa together sa house?! Are you kidding me?"malandi at asar na sabi ng bading."Hindi pwede 'yan!"

"Para wala ng problema, sige kayong dalawa na lang tumira diyan. Same price pa rin, 10 thousand for two months deposit at 5 thousand monthly. So, depende na 'yan kung papayag kayong dalawa na kunin. Mag-usap na lang muna kayo."paliwanag ng matanda.

"Sa akin, okay lang po. Kelangan ko lang talaga ng bagong malilipatan."nakangiting sang-ayon ng binata na kinindatan pa ako bigla.

Naasar ako sa kanyang ginawa. Inirapan ko siya. Grabe, hindi man lang nagpaubaya ang kulangot na ito! Ke lalaking tao ayaw mag-give way. Super nakakainis! Ako, kasama siya sa iisang bahay? May kasama akong lalake na stranger na unknown na titira sa bahay? Bakit kasi sumulpot pa ang asungot na ito?... Kung hindi ko lang talaga kailangan ang apartment na ito hindi talaga ako papayag na makasama ang kulangot na ito!

"Ikaw iha, payag ka ba?"tanong ng matanda sa akin."Sa tingin ko wala naman kayong gagawing kababalaghan diyan sa bahay."

"Mamu! You're such! Kainis na you!"sabi ng bading.

"S-Sige po. Payag na po ako."sabi ko na lang.

"Mabuti naman. So, samahan n'yo na ako sa bahay para maibigay ko na sa inyo ang susi. Actually, tatlo ang duplicate kaya hindi na kayo mamomroblema. Tapos pirmahan n'yo na rin ang kontrata."

"Mamu, give me the one key!"singit ng bading.

"Tumigil ka! Hala, bumalik ka na nga rin sa bahay para maasikaso mo na daddy mo, aalis pa kami mamaya."

"Whatever mamu!"mataray na sabi ng bading.

Tiningnan ko ang lalake. Bigla niya akong nginitian.

Kainis ka! Asungot! Sabi ko na lang sa sarili ko.

**********************************************************************************

ABANGAN ang FIRST CHAPTER please...

THANKS!!!

Continue Reading

You'll Also Like

863K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...