Alpha's Omega [ Completed *un...

Galing kay mcookie013

925K 17.5K 1.6K

Higit pa

A message from the writer
Before you read the story
Alpha's Omega
Chapter 1 - Mason's Stupidity
Chapter 2 - Laurent Academy
Chapter 3 - Pairs Match Dungeon
Chapter 4 - Mates
Chapter 5 - Got to believe
Chapter 6 - Angelu
Chapter 7 - Interrupted
Chapter 8 - Assasins
Chapter 9 - Jillian Chuza
Chapter 10 - Micole "Cole" Hale
Announcement
Chapter 11 - Bad Influence
Chapter 12 - Decisions
Chapter 13 - Plans
Special.... Child?
A/N na serious ;)
Chapter 14 - Lie
Chapter 15 - Tricked
Chapter 16 - Feelings
Announcement Part Two
Chapter 17 - Tease
Chapter 18 - Free
Chapter 19 - Choose
Chapter 20 - Clash
Chapter 21 - Letting go
Chapter 22 - Making amends
Chapter 23 - Hard to say
Chapter 24 - Hunted
Chapter 25 - Secure
Chapter 26 - Attacked
Chapter 27 - Revelation
Chapter 28 - Unite
Chapter 29 - Move along
The End - All's well that ends well
Pasasalamat
Special Chapter: DyLona
Special Chapter: Lucas & Lil Saint
Special Chapter: Angelu & Dianne
Special Chapter: Micole & Jillian
Special Chapter (Book Edition)
Book Update and some important announcement!
Aiden's Story Part 1 of 5
Aiden's Story Part 2 of 5
Who wants to have a copy of Alpha's Omega? *u*
Aiden's Story Part 3 of 5
Aiden's Story Part 4 of 5
Aiden's Story Part 5 of 5
UPDATE! (Re: Book)
Winners! Winners!
Attention! Batch 2 ng Alpha's Omega
Second Batch!
Open for reservations! Third batch!

Chapter 30 - It ends tonight

15.1K 270 17
Galing kay mcookie013

Third Person POV

"Isang maling hakbang mo lang Dylan at mamamatay ang babaeng ito." Banta ni Noah kay Dylan. Hindi niya inakalang maabutan pa sila ng pangkat nina Dylan. Pesteng rogue talaga at bakit nagpahuli pa. Hindi niya mapigilan ang matinding inis dahilan upang mapahigpit ang pagsabot niya sa buhok ni Ilona.

"Aw!" Daing ng babae, napahawak ang babae sa sariling ulo at napaigik sa lakas ng pagkakahila ni Noah sa kanyang buhok.

"Free her at once!" Malakas na sigaw ni Dylan sa gawi ni Noah. "Pakawalan mo siya habang may pagkakataon pa, Noah." Dylan's eyes turned darker, hindi pa siya nagpapalit-anyo bilang lobo ngunit nakikiusap na ang kanyang lobo na kumawala at paslangin ang taong kinilala niyang ama.

"Don't boss me around! Ikaw! Ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala si Amadea sa akin! Ikaw ang naging dahilan ng lahat ng iyon, Dylan! Kung hindi ka lang ipinanganak ng malandi mon-"

"Don't you dare disrespect Chloe's name, bastard!" Galit na sigaw ni Aquelio at tiningnan ng masama si Noah. "Kasalanan mo ang lahat. Ikaw ang nagdala kay Amadea sa kanyang tiyak na kamatayan! Ang galit at inggit mo sa Stavros ang nagtulak kay Amadea sa kanyang kamatayan!"

"Huwag mong bilugin ang ulo ko , Aquelio! Alam mo kung gaano kalaki ang galit ko sa iyo, pero ano ang ginawa mo? Binuntis mo ang anak ko!" Nangagalaiting sigaw ni Noah sa lalake.

"She was my mate! She was my Luna, pero ano ang ginawa mo Noah? Walang awa siyang pinatay ni Amadea! What's worse was that you kept Dylan from me!" Tugon ni Aquelio at humakbang palapit kay Noah, "But I won't allow it this time. Hinding-hindi mararanasan ng anak ko ang pakiramdam na mawalan ng kabiyak." He promised.

I will keep Noah distracted. Nagulat pa si Dylan nang marinig ang boses ni Ilona sa kanyang isipan.

No, baby. Don't. We can manage. Bawal kang magpalit-anyo dahil sa kalagayan mo, Let us handle the situation. Sagot ni Dylan kay Ilona bago tingnan ang kabiyak. I love you, baby. I promise to make everything right. Pagkatapos ng lahat ng ito ay magsisimula tayong muli.

No. We will not start again, Dylan. Hindi na tayo babalik sa simula, instead we will continue from where it ended. Tugon ni Ilona habang pinipigil ang luhang gustong bumagsak mula sa kanyang mata. Hindi pwedeng makahalata si Noah na nag-uusap sila ni Dylan.

"Ako na ang bahala kay Montres at sa anak nito, focus your attention to your mate. Iminindlink ko na si Khaos para makasunod siya agad dito." Mahinang bulong ni Aquelio malapit sa kanyang anak. Alam niyang magiging delikado ang lagay ni Ilona sa pinaplano nilang gawin ni Dylan, pero naniniwala siyang makakaya nilang talunin ang kanilang mga kalaban.

"Okay." Maikling tugon ni Dylan bago humakbang palayo, matiim niyang tiningnan si Noah na kasalukuyan pa ring nakasabunot sa buhok ni Ilona. Naningkit ang mata niya sa galit, hindi talaga marunong sumuko ang isang ito.

"Sinasabi ko sa iyo, kapag nagpalit-anyo k-" Naputol ang anumang sasabihin ni Noah nang bigla na lamang lumundag si Dylan sa direksyon niya. Habang nasa ere ay nagawa ni Dylan na makapag-palit ng anyo.

Dahil na rin sa pagkataranta niya ay naibalya ni Noah palayo si Ilona para sana tumakbo ngunit naging huli na ang lahat para sa kanya. Nagawa na ni Dylan na kagatin ang kanyang braso bago siya ibinalibag patungo sa kalapit na puno.

Mabilis ang naging pagkilos ni Noah at agad na nagpalit-anyo. Umalulong si Noah bilang hudyat sa mga naiwang lobo na sugurin ang mga kasamahan ni Dylan. Lingid sa kaalaman ng Laurent ay mas maraming bilang ng mga rogues ang nakuha niya para pumanig sa kanila.

I'm still a part of Laurent, son. Surprised? May panunuyang wika ni Noah kay Dylan gamit ang mindlink niya. Hindi mapigilang umangil ni Dylan at naghanda para sa muling pag-atake niya kay Noah.

I swear to you I'll end this war, Noah. I'll end this by killing you! Tugon niya sa lalaking itinuring niyang ama bago siya lumundag sa gawi nito. Mabilis naman ang naging pagkilos ni Noah at nakaiwas sa atake ni Dylan. Parehas na malalaki at malalakas ang lobo ng dalawa. Nagsukatan sila ng tingin, ng kakayahan. Iniisip ni Dylan ang posibleng paraan para madali niyang mapatay si Noah.

You're definitely wrong, son. I will end this war by killing your precious mate. Napailing si Noah sa kanyang naisip. Papatayin niya si Ilona, kasunod ay si Dylan, at panghuli ay si Aquelio. Maipaghihiganti na rin niya sa wakas ang pagkamatay ni Amadea. Mabibigyan na rin niya ng hustisya ang pagpaslang sa kanyang kabiyak.

A feral growl can be heard throughout the place, alam nilang lahat na mula iyon kay Dylan. Nakakapanindig balahibo ang kapangyarihang nadama nila mula sa nakakatakot na pag-angil ng lalake. No one wants to be at the receiving end of Dylan's anger. Malas lang ni Noah at mali ang napili niyang punong-bantay na kantiin.

--

Olivia, yoko! Babala ni Jace nang mahagip ng paningin niya ang  tatlong lobo na papalundag sa gawi ni Olivia. Mabilis na tinakbo ni Jace ang kabiyak at isa-isang ibinalya palayo ang mga lobong umaatake sa kanila.

Mula nung marinig nila ang alulong ni Noah ay mas dumami pa ang mga nagsilabasan at nasipaglaban na mga rogues. Masyado silang marami kumpara sa maliit na pangkat nilang mga assasins, ngunit alam ni Olivia na mas malakas sila. Kahit sa maliit na bilang nilang mga assasins ay alam ni Olivia na mapapatumba nila ang lahat, pero ang tanong ay kung hanggang kailan? Kapag mas marami pa sa inakala niya ang lobong makakaaway, mapapagod silang tiyak.

Hindi iyon pwede.

Kailangan sila ni Dylan.

Kailangan nilang mailigtas si Ilona. 

Kailangan nilang manalo laban kay Noah.

Kailangan niyang lumaban.

Umingos si Olivia at sumenyas kay Jillian at Dianne. Mabilis ang naging pagkilos nila at sinalubong ang paparating pa na mga rogues. They made sure to target the fatal points of those wolves. Kailangan nilang mapatay agad ang kalaban, sa dumadaming bilang ng mga kalaban hindi mainam na patagalin pa ang labanan.

Kill them fast. Kill as many as you can. Boses ni Jace at Angelu ang narinig nina Jillian, Olivia, at Dianne mula sa kani-kanilang mindlink.

Aye aye, Sir! Sabay-sabay nilang tugon sa mga lalake.

 =================

Dylan was crouched in attack position, he trained his eyes towards his target. Maingat ang naging mga hakbang niya, kailangan niyang hanapin ang kahinaan ng kalaban. Hahakbang na sana palapit si Dylan nang naunahan siya ni Noah at lumundag sa harap niya. 

Agad siyang nakalmot ni Noah at kinagat sa may balikat. He groaned in pain but fight his urge to growl loudly. Iwinaksi niya si Noah na tumilapon palayo sa kanya, wala siyang sinayang na oras at agad na sinundan ang kanyang atake. Ibinalya niya ang sariling katawan papunta kay Noah bago ito kagatin sa leeg at ibalibag sa kalapit na puno, may mga dugo na sa kanyang nguso, nalalasahan na niya ang dugo ni Noah. Alam niyang ilang sandali na lang at matatapusin na ang lahat ng ito.

I trained you well. May panunuya sa boses ni Noah nang sambitin ang mga katagang iyon sa mindlink nila ni Dylan.

I never thought this will come handy this time. Tugon naman ni Dylan bago sinunggaban ang dumudugo pa ring leeg ni Noah. Hindi niya mapigil ang galit na umaalpas sa kanyang dibdib. Galit siya dahil sa panloloko ng kinilala niyang ama, galit siya dahil sa pagtatangka nito sa buhay ni Ilona.

I will kill you and I'll make sure that your beloved Laurent will know. Sambit ni Dylan at akmang babaliin na ang leeg ni Noah nang maramdaman niya ang matulis na bagay na tumusok sa kanyang likuran. Napaigik si Dylan sa lalim ng pagkakabaon ng kung anumang matulis na bagay sa kanyang likuran. Agad na napalingon si Dylan at nakita ang babaeng tinukoy nina Safrina na si Olga, ang anak ni Montres na kapatid ni Amadea.

Susugurin na sana ni Dylan ang babae ngunit naunahan na siya ni Noah. Nagawa ni Noah na kumawala at kinagat ang kanyang binti dahilan para bumulagta siya sa lupa dahil sa matinding sakit. Sunod-sunod na ang naging atake ni Noah at walang nagawa si Dylan kundi salagin ang lahat ng iyon.

A growl erupted from Aquelio's wolf. Napatay na niya si Montres ng walang kahirap-hirap. Ngayon nga ay tumatakbo na siya sa gawi ni Dylan na nahihirapan sa pakikipag-away kay Noah. Napansin niya ang duguang leeg at binti ni Dylan, masama ang lagay ng kanyang anak.

He jumps in the air and throws himself in Noah's direction. Bumulagta silang dalawa ni Noah di-kalayuan sa kinatatayuan ni Dylan. Agad siyang tumayo at hinanap si Noah, kailangan na niyang mapaslang ang hayop na iyon. Sinugod niya si Noah at ibinalya, iniangat niya pa ang katawan ng lalake bago malakas na ibagsak sa lupa. Sa pagbaling ni Aquelio sa kanyang gilid ay nakita niyang umayos na ng tayo ang lobo ni Dylan at naglakad sa gawi nila ni Noah. Napaatras siya at binigyan ng sapat na espasyo si Dylan para tapusin na ang laban.

Last words? Ani Dylan gamit ang mindlink nila ni Noah. Nakakaramdam siya ng kaunting sakit pero hindi niya iyon ininda. Tatapusin na niya ang lahat. Matatapos na rin ang lahat sa wakas.

Condolence. Kahit na nanghihina ay nakuha pa rin ni Noah na sagutin si Dylan. Sabi ko sa iyo Dylan, ipaghihiganti ko ang kamatayan ni Amadea. Nababaliw na wika ni Noah at napatingin sa likurang bahagi ni Dylan.

Victory is ours. Dagdag ni Noah at ikiniling ang kanyang ulo.

No. The victory is o- Ngunit hindi na natuloy ni Dylan ang anumang sasabihin.

"Die!" Agad na napalingon si Dylan sa gawi ng sumigaw. Nanlaki ang mata niya nang makita kung ano ang hawak ni Olga sa dalawang kamay nito.

Punyal.

Nakatayo ang babae sa harapan ng nanghihinang si Ilona, nakaangat ang parehong braso sa ere at unti-unting dumukwang para itarak sa dibdib ni Ilona ang hawak-hawak na punyal. 

Agad na nagpalit-anyo si Dylan at paika-ikang tumakbo sa direksyon ni Ilona. "No!" Malakas na sigaw ni Dylan.  Alam niyang kahit takbuhin niya si Ilona ay hindi na niya mapipigilan si Olga. "No!!" Ang tanging sigaw niya.

The victory is ours, son. Narinig pa niya ang mapanuyang boses ni Noah sa kanyang isipan habang tinatakbo niya ang direksyon patungo kay Ilona.

"Ilona!"

End of Chapter 30

A/N: I told you. I tried.

;(

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

144K 5.4K 34
Naamoy niya ito. Tila kauulan lamang, ang paborito niyang amoy sa umaga matapos ang isang malakas na bagyo ang pumuno sa kanyang sistema, ang amoy ng...
78.1K 3.3K 27
Angel discovered a mysterious door in the middle of the lane. She went in and realized that beyond the door is a world where witch, elves, werewolves...
68K 3K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...
11K 640 18
Liya is a witch with no memory on how she became a witch. Ang tanging nais niya lamang ay maintindihan at malaman kung saan nagmula ang taglay niyang...