The End - All's well that ends well

17.1K 309 70
                                    

Anim na taon makalipas..

Dylan's POV

Alpha Dylan, nasa ibaba na po ang inyong mga bisita. Imporma sa akin ng isa sa mga lobong sa pangkat na nasasakupan ko.

Pakisabi na bababa na ako. Tugon ko sa kanya at napabaling sa kabilang bahagi ng kama. Dinama ko ang malaking espasyo roon.

Empty.

Cold.

Kailan pa ba ako masasanay na gumising sa araw-araw na mag-isa?

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at magtutungo na sana sa banyo nang makita ko ang liham na binabasa ko araw-araw na nasa ibabaw ng bedside table.

Dylan,

Kung binabasa mo ang liham na ito, isa lamang ang ibig sabihin niyon.

Ayaw kong umiyak ka, ayaw kitang makitang lumuha. Nalulungkot lang ako sa ikli ng panahon na pinagsamahan natin. Kung maaari ko lang sanang ibalik ang mga lumipas na panahon. Kung maaari ko lang sanang itama ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Patawarin mo ako kung nasaktan man kita, maniwala ka sana na hindi ko iyon sinasadya.

Totoong ayaw kitang makita na malungkot kaya sasabihin ko na lamang sa iyo ang pinakamasasayang pangyayari sa buhay ko. Una ay noong una kitang masilayan. Alam ko sa sarili kong ikaw na ang aking kaligayahan. Pinunan mo ang lahat ng kulang sa aking buhay. Salamat. Maraming salamat. Pangalawa, noong tinanggap mo ako sa iyong buhay. Iyon na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Masaya ako at naging bahagi ako ng buhay mo, kahit na ba sobrang ikli lamang iyon.

Natigil ako sa pagbabasa. Heto na naman ako, ilang ulit ko na bang binasa ang liham na ito? Hindi pa rin mawala ang sakit na nararamdaman ko mula noong mawala siya? Bakit ang daya ng tadhana? Akala ko ay magiging buo na ang kasiyahan ko, pero hindi. Malabo ng mangyari iyon.

Kahit sa sandaling panahon na nagkasama tayo, sana ay naiparamdam ko sa iyo kung gaano ka kahalaga para sa akin, Dylan. Ayaw kong iwanan ka, ayaw kong harapin mo ang bukas na wala ako na kasama at sumusuporta sa iyo. Pero madaya ang buhay, mapaglaro ang tadhana. Hindi natin nakukuha lahat ng gusto natin, gayunpaman sana'y maging maligaya ka sa iyong buhay.

"Knock knock!" Sigaw ni Dane Blaike mula sa labas ng pinto na nakapagpanumbalik sa akin sa kasalukuyan.  Wala sa sarili akong napangiti, nawala man siya ay may maganda naman siyang iniwan para sa akin.

"Dane Blaike?" Pagsasakay ko sa trip ng aking anak.

"Me too!" Agaw naman ng kakambal ni Dane na si Eirene Dale gamit ang matinis na boses niya.

"Eirene Dale?" Napalitan na ng ngiti ang kanina'y nakabusangot kong mukha. Ilang sandali nga ay nakita na niyang tumatakbo ang kambal sa gawi niya.

Alpha's Omega [ Completed *under editing*]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon