Mga Manika ni Lolo

nanajane431

22.7K 662 51

"Lo,wag ka muna pumikit please..."pakiusap ni Annie na handang handa ng umiyak anumang oras. Ngumiti ang kany... Еще

Ang simula
Ang susi
Si Lucy
Ang sulat
Dugo
Kababalaghan
msgs
Pagbabalik
Pinanggalingan

Simula ng pagkikita

2K 60 6
nanajane431

Ilang bote na ang naiinom ng kanyang kaibigan at halos pasuray suray na ito kung gumalaw.Maging siya ay nagawa nitong patikimin ng alak.Hindi niya na masyadong makita ang mukha ng mga tao roon ngunit sa tingin niya ay kokonti nalang sila sa bar na iyon.

Broken hearted pala ang kaibigan niyang si Jessica dahil niloko lang siya ng boyfriend nitong si Martin.Nung nakaraan pala ay anniversary nila at nagplano ng husto si Jessica para sa selebrasyon subalit hindi sumipot ang binata.Naibigay niya din ang regalo nitong napakamahal na relo hanggang sa malamang iniregalo din pala ng lalake iyon sa isa pa pala nitong kasintahan.Matagal na pala nito niloloko si Jessica kayat lungkot na lungkot ito ngayon.

"Kung may magagawa lang sana ako para maging masaya ulit si best. Ang kapal ng pagmumukha ng Martin na iyon.Kala mo kung sinong gwapo!Pag nkita ko siya,baka mapatay ko siya!"galit na galit na sabi ni Annie.

Alas tres na ng makauwi ang dalawang magkaibigan.Buti may driver itong si Jessica dahil kung wala ay aakay -akayin niya pa ito mapauwi lang ito.Wala nga daw plano umuwi ito gusto doon lang daw siya sa bar na iyon.Aba,hindi pwede yun.

"Ahm hija,dito kana muna matulog alam kong pagod ka rin dahil dito sa anak ko."wika ng ina ni Jessica.

Tumango siya sa dito at nagpasalamat.

Tinungo na niya ang silid ng kaibigan ng may narinig siyang umaalingaw ngaw sa kaniyang isip.

"Bukas ng umaga ay makakamtan niyo ang hustisya."

NATAKOT siya at kinabahan nang bumalik sa kaniyang aalala ang nangyari sa ng nakaraang araw.

LUMAKAS ANG IHIP NG HANGIN NA PARA BANG MAY KUNG ANONG MALAKAS NA ENERHIYA ANG BUMALOT SA KANIYA.

Biglang tumahimik. At nagsimula ng pumatay -sindi ang mga ilaw.Nalilito na siya sa mga nangyayari.Lumalim ang sahig na tila nilalamon siya hanggang makarating ito sa kanyang tuhod.

"Tulong!Tulungan niyo ako!"sigaw niya.

Patuloy siyang nilalamon ng sahig at ilang. Segundo nalang ay tuluyan na siya nitong mahihigop ng buo.

"Parang awa niyo na.Pakigising ako!"

Ipinikit na niya ang matang patuloy na umaagos ang luha at hinihintay na lamang ang sarili sa lubusang pagkawala.

Ngunit may biglang humawak sa kaniya ng mhigpit at walang kahirap hirap na nagawa nitong maangat siya sa matinding paglamon sa kaniya ng lupa.

Isang babae ang sumagip sa kaniya mula sa bingit ng kamatayan.Lumingon sa kaniya ang babae T inilantad nito ang napakaganda at maamong mukha na may makinis na balat.Ngumiti ito sa kaniya ng may pagmamalasakit.Ang ganda-ganda talaga niya.

"Maraming salamat,Sino ka pala?"tanong ni Annie na hinang hina pa rin.

Sa halip na sagutin siya nito ay may.kinuha ito sa kaniyang bulsa at iniabot iyon sa kanyang kamay.

"Maging mapagmatyag ka sana Annie"

Pagbabanta ng misteryosong babae.

at bigla nalang itong nawala.

Bumalik namaa sa dating ayos ang lahat.naging maliwanag na natagpuan niya pa rin ang sarili sa dating kinatatayuan.

"Sino kaya siya?"tanong parin ni Annie sa sarili. AT NAHIGA NA ITO kasama.sa kwarto ang kaibigang si Jessica.

Продолжить чтение

Вам также понравится

165K 9.2K 44
𝐻𝒾𝑔𝒽𝑒𝓈𝓉 𝓇𝒶𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of d...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
935K 45.6K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
2.4M 88.1K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016