Pinanggalingan

2.9K 82 32
                                    

"Andito na tayo!"sambit ni Jessica."Dito yun di ba Annie?"

Tiningnan niyang maigi ang bahay.Parang anlungkot ng aura nito ngayon.Saglit lang siyang nawala ngunit parang binagyo ito sa maraming nakakalat na dahon na galing sa puno ng mangga sa kaniyang bakuran.

"Mukhang may kakaiba rito."sambit bigla ni Tiya Lourdes mula sa kanyang likuran."Ikaw lang ba ang talagang nakatira dito iha?"tanong nito sa kaniya.

"Opo,dito po ako pinatira ng lolo ko bago siya mamatay."paliwanag naman ni Annie sa matanda na tila di naman yata nakikinig sa kaniya.Nakatingin ito sa kung saan.Tila may pinagmamasdan ng matagal."Ano ho bang tinitingnan niyo sa bandang iyon?"tanong niya.

"Marami ng naganap na trahedya sa lugar na to.Sa nakikita ko hindi lang ikaw ang nakatira sa bahay na ito kundi may iba pa...Hindi ko lang masigurado kung ano.Basta may nararamdaman ako."wika ng matanda.

"Sa tingin niyo ho ano-...

"BESTIEEEE!!!sigaw ni Jessica.

Napalingun sila pareho ng matanda.Nagkatinginan silang dalawa at pinuntahan ang tumiling si Jessica na nasa loob na ng bahay.

"JESSICA,Bakit ka jan sumisigaw?"tanung naman ni Annie.

"Dami mo naman collection ng mga manika dito ah ang gaganda.May kaya ka pala best.Mahal kaya itong manika na ito.At may mga pangalan pa ha.Teka ano ito?"Tinignan niya ang bagay na kumikinang na nasa isang manika.Sa kamay ng manika ay mayroong singsing sa palasingsingan.

"Annie,oh tingnan mo."

Lumapit naman si Annie kaagad sa kaibigan.Itinuturo nito ngayon si lucy habang hawak ang kamay ng manika.Tinitigan nilang dalawa ang singsing ng manika.May parang nakasulat doon na binasa nila:

"June 26,1993...sabay nilang sambit.

Napaisip si Annie."Kaarawan ko iyon ah"sagot ni Annie.

"Talaga?oh sakto sa manika.Bakit kaya ganoon?Hmm..Ah...Alam ko na!Baka yang yung manika na binili sayo ng mga magulang mo pagkapanganak sayo.Di ba?"Jessica.

Napailing si Annie.Lalong nadagdagan siya ng mga tanong sa sarili.Bigla siyang kinabahan.Pero bakit?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Manika ni LoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon