THE ONE That I Wanted (BOOK 1)

Від DisenchantedNow

469K 10.7K 821

Ano'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglala... Більше

THE ONE That I Wanted
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Final Author's Note

Chapter 27

7.8K 255 32
Від DisenchantedNow

27.



Hindi agad ako nakatugon sa sinabing iyon ni Jordan. Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa tinuran niya.

Nahuli ko ang malaking pagngisi niya.

"Sa tingin ko ay okay na tayo. Hindi rin naman kasi ako papayag na itaboy mo ako. Hindi pwedeng hindi tayo ulit." masayang sabi niya.

Kunot-noo ako. "A-Ano'ng tayo ulit? Hindi ko pa nga nasasabi sa yo kung napatawad na kita o hindi pa, eh." katwiran ko.

Ngunit alam ko namang hindi ko matitiis na hindi siya patawarin. Hindi siya tanggapin. Dahil siya at siya lang ang gusto ng puso ko, wala ng iba.

Nawala ang ngisi niya sa kanyang mukha. "Akin ka lang at hindi ka pwedeng mapunta sa iba. Akin ka na at hindi ka na pwedeng magpaligaw sa iba." halos mamaos na ang boses niya ng sabihin niya ito sa akin habang nakapako ang kanyang mga mata sa mukha ko.

Napalunok ako. Ano ba ang dapat na itugon ko sa sinabi niya?

Napisil niya ang kamay kong hinawakan niya. "Bilisan mo ang paggaling mo, para makapamasyal na tayo. Gusto ka rin ulit makita ng mama ko."

Napangiti ako. Si Tita Lorie?

"T-Talaga? Pwede ba akong dumalaw sa inyo kapag magaling na ako?"

Tumango siya. "Oo. Matagal na kasing nag-aasam si Gio na bumalik ka sa bahay. Hindi makatulog ang batang yun, nakakainis! Lagi akong kinukulit."

Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya dahil nakasimangot na ito ngayon.

"Mabuti naman at naisama mo si Gio. At, paano mo pala nalaman na, nasa ospital ako?"

Tumango si Jordan. "Hindi naman mahirap malaman. Sikat ang pinsan mo, at marami ka ring kaibigan. Kaya, kumalat ang balita. Ano ba kasing nakain mo at umakyat ka sa puno?! Tingnan mo tuloy ang nangyari sa yo!" paasik na tanong niya.

"Niligtas ko lang talaga yung pusa na hindi makababa. Pinagtanong ko nga kay Paul iyon kung nakita niya pero, hindi na daw. Kahit kay A-Alvin."

Natitigan niya akong muli. "Kung pinigilan lang talaga kita noon, hindi na mangyayari to. Pero ayoko ng maulit ang ganito dahil siguradong paparusahan kita kapag ginawa mo pa ang walang kwentang bagay na katulad ng mga ganito..."

Umiling ako. "Hindi na. Hindi ko na uulitin yon."

"... Mabuti naman. At yung pusa pala na hinahanap mo, dinala ko sa bahay. Inaalagaan ni Gio. Ako ang nakakita nun kaya, dinampot ko na lang. Mukha namang walang may-ari eh."

Ibig sabihin, nasa kanya pala ang kuting na hinahanap ko. Mabuti naman at may nag-aalaga na sa kanya. At maswerteng kila Jordan pa ito napunta.

Kapwa kami napalingon ng dumating na sila Paul galing labas. At alam ko kung saan agad napatingin ang mga mata ng magkasintahan, sa mga magkahawak naming mga kamay.

Napataas ang kilay ng aking pinsan. "Hindi ba ang sabi ko, mag-uusap lang kayo?" tanong niya.

Agad nahawakan ni Jenny sa braso ang boyfriend. Si Gio naman ay diretso ng pumasok sa loob habang subo ang lollipop.

"Mahal naman, pabayaan mo na sila." saway ni Jenny.

Binabawi ko ang aking kamay mula kay Jordan ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagkahawak dito.

"Wala ka rin namang sinabing bawal hawakan ang kamay ng pinsan mo kaya, wala akong kasalanan." paismid na tugon niya.

Napanguso si Paul habang nakasimangot kay Jordan.

"Tara na nga muna. Ihanda na natin itong mga pagkain para makakain na muna si Shin. Mamaya gutom na siya, eh." pagyayaya ni Jenny at pilit na hinihila si Paul na ikinangiti ko. Ang ganda talaga nilang tingnan sa tuwing magkasama. Natutuwa ako kay Jenny dahil alam niya kung paano sawayin ang pinsan kong matigas ang ulo. At masaya akong nakikita na sumusunod naman si Paul sa tuwing pinagsasabihan siya ng kasintahan.

Nagpunta sa kusina ang dalawa habang naiwan naman sa amin si Gio na nanahimik sa isang upuan habang kumakain ng lollipop at nakatutok sa tv.

Muli akong natitigan ni Jordan at nangitian saka ibinalik ang atensyon sa aming mga kamay na magkahawak at ngayon ay pinaglalaruan na niya ito.

"Talaga bang maayos na kayo ni Paul?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Bati na kami. Ganon lang talaga kami sa isa't-isa. Isa pa, parang hindi mo naman kilala ang pinsan mo. Eh ganyan naman talaga ang ugali nyan." sagot niya.

"O sige. At ang mga sugat mo... Nililinis mo ba yan? Nadumihan tuloy ang mukha mo."

Ngumiti siya at nag-angat ng mukha. "Bakit, nag-aalala ka? Papayag naman ako kung ikaw ang maglilinis nito, eh." tudyo niya.

Pero nginusuan ko siya. "Hayst! May kamay ka naman, no!"

"Pero nung unang pagkikita natin, tinulungan mo ako sa mga sugat ko. Eh bakit ayaw mo ng gawin ngayon?"

Kung ganon naaalala niya ang unang pagkikita namin?

"Naalala mo yun?" at wala sa loob ko ang napangiti.

Ikinatango ni Jordan iyon at lumapat ang likod niya sa sandalan ng kanyang inuupuan.


"Hindi ko pwedeng makalimutan ang babaeng mahilig makialam." at sumunod doon ang  paghalakhak niya.

Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Pero salamat sa pakikialam mo, dahil nakilala kita." sabi niya.

Muli ko siyang natingnan at nakita ko ang kasiyahan sa mukha ni Jordan. Ang sayang huli kong nasilayan noong pumunta kami ng dalampasigan.

Umuwi ang magkapatid pagdating ng alas dos ng hapon. Nagyaya na rin kasi si Gio na bumalik na sa kanilang bahay dahil namimiss na daw nito ang mama nila kahit pa na, ayaw pa ng Kuya niya. Pinauwi na rin ni Paul sila Jordan dahil kailangan ko na daw magpahinga.

Natatawa na lang ako sa pagsusungit ng dalawa sa isa't-isa pero masaya akong makita sila na nag-uusap na ulit.

Sa isang banda ay gusto kong pigilan si Jordan na umuwi dahil nakukulangan ako sa oras na magkasama kaming dalawa ngunit ngayong nagkaayos na rin kaming dalawa at naging malinaw na ang lahat ay alam kong marami pa kaming mga pagkakataon na magkakasama.

Ikinatuwa ko rin ang sinabi niyang babalik siya bukas para muli akong dalawin. Ng umalis ang magkapatid ay inihatid na rin ni Paul si Jenny pauwi sa kanilang baryo. Tinulungan naman ako ni Auntie Lenny na tumungo ng kwarto upang magpahinga na muna saglit.

Naisip ko rin sila Rose Jean at Josie na namimiss ko na. Gusto ko na ulit silang makita, at higit sa lahat, gusto ko ng bumalik sa eskwela.

Ginising  ako ni Paul kinagabihan para kumain ng hapunan. Siya rin ang umalalay sa akin papuntang kwarto ng matapos na ako at muli ng magpapahinga.

"Paul, may sinabi ba sa inyo ang mga doktor kung kailan ako pwedeng bumalik sa eskwela?" tanong ko matapos niyang makumutan ang kalahati ng aking katawan.

"Ang sabi ng doktor, 1 linggo daw ang pahinga mo bago ka bumalik sa eskwela. At kailangan mo daw gawin ang physical theraphy mo araw-araw para makalakad ka na ulit ng normal." sagot niya.

Siguradong maiinip ako sa 1 linggo na iyon pero kung yun man ang payo ng doktor ay gagawin ko para sa mas mabilis kong paggaling.

"Bakit mo naitanong?"

"Ha? Ah wala naman. Namimiss ko na kasing pumasok."

Napangiti si Paul. "Talaga? O baka naman iniisip mo lang na hindi mo na makikita si Jordan ng 1 linggo dahil hindi ka agad makakapasok kaya iyon ang inaalala mo." asar niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Paul! Hindi yun, no! Gusto ko ring makita ang mga kaibigan ko, at gawin ang mga normal na bagay kagaya noon." katwiran ko ngunit hindi ko na maitago ang pagi-init ng mukha ko.

Natawa ang pinsan ko. "Eh bakit ka namumula? Kung ganon, tama ang hula ko?"

"Hindi kaya." tanggi ko at napanguso.

"Hay naku! Ang mga babae talaga, pare-pareho. Huli na nga sa akto, magkakaila pa. Huwag kang mag-alala, araw-araw yun nandito. Para hindi mo daw siya mamiss. Kahit na ayoko." at napaismid pa.

Nalingon ko siya. Totoo ba ang sinasabi niya?

"P-Paano mo naman nasabi?"

"Eh sinabi niya sakin kaya alam ko."

Nag-iwas ako ng tingin sa pinsan ko para itago ang ngiting hindi ko mapigilan. Si Jordan, araw-araw akong dadalawin.

Muling tumibok ng mabilis ang aking puso. Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay na makita siya ulit.

"Masaya ka?"

Nalingon kong muli si Paul at seryoso na siyang nakatingin sa akin.

"Oo. Dahil nagkaayos na kayong dalawa. Maraming salamat, ha."

"Sa kanya ka magpasalamat. Siya ang gumawa ng paraan para magkaayos kaming dalawa. Dahil hindi rin naman siya makakalapit sa yo kapag hindi nangyari yun. Pero masaya rin ako para sa kanya. Natututo na siyang tumanggap ng pagkatalo niya. Natututo na siyang yumuko kapag kasalanan niya. At alam kong ikaw ang dahilan nun, Shin. Sa nakikita ko kay Jordan, ikaw talaga ang kailangan niya. Hindi si Jenny o si Abby o sino pang ibang babae na nagkakagusto sa kanya. Pero ikaw, ikaw ang nakapagpabago kay Jordan. At sa tingin ko naman, ikaw lang din ang gusto niya." paliwanag ni Paul.

Napangiti ako. Ang sarap malaman mula sa pinsan ko na ako lang ang kailangan ni Jordan.

"Pero hindi niyo naman kailangang mag-away at umabot pa sa suntukan. Pwede niyo namang pag-usapan ang lahat, hindi ba?"

Tinaasan ako ng kilay ni Paul. "Aba! Yun ang gusto ng boyfriend mo kaya  pinagbigyan ko lang siya." katwiran ni Paul na ikinatawa ko.

Boyfriend? Boyfriend ko na nga talaga ang supladong yon. Parang gusto ng tumalon ng puso ko sa sobrang saya.

"O sige na nga. Magpapasalamat na lang ulit ako sa yo dahil nakipag-ayos ka na rin at hindi na naging matigas ang ulo mo. Salamat ulit, Paul." sabi ko.

Ngumiti siya at napamulsa. "Basta para sa yo. Sige na, matulog ka na. Para maganda ka pa rin kapag dumating na yung bwisita mo bukas."  tugon niya at tumawa pa bago tuluyang tumalikod pagkatapos isara ang pinto.

Napailing na lang ako ngunit batid kong hindi na matatanggal ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa pagtulog ko. At siguradong magiging mahimbing ang pagpapahinga ko dahil sa wakas ay maayos na ang lahat.

**

Kinaumagahan ay nagulat na lang ako ng sabihan ako ni Auntie Lenny na dumating na daw si Jordan pero alas syete pa lang ng umaga. Nakarating na agad siya ng ganito kaaga kaya dali-dali akong nag-ayos at nagtungo ng banyo para makapag-sipilyo at hilamos. Pinalitan ko rin ang aking pajama ng shorts.

Inalalayan ako ni Paul papuntang sala at totoo ngang naghihintay na ang supladong gwapo na mayroon na namang hawak na kumpol ng mga bulaklak.

"Magandang umaga." nahihiya kong bati sa kanya dahil nakaligo na siya at kahit na may distansya kami sa isa't-isa ay naaamoy ko na ang mabango niyang amoy.

Napakalinis ni Jordan sa kanyang suot na itim na tshirt at gray na short kahit pa na mayroon pa ring band aids ang kanyang mukha.

Ngunit seryoso ang kanyang mukha at nakatitig lang sa akin. Iuupo na ako ni Paul sa katapat niyang upuan pero mabilis siyang lumapit sa amin at kinuha ang isang kamay ko saka ako hinapit sa bewang.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa  niya. Hindi ako makatingin kay Paul dahil ayokong makita ang reaksyon niya.

"Dun siya sa tabi ko." at inalalayan na ako papunta sa upuang nasa tabi niya.

"Jordan..." mahinang bulong ko sa kanya ngunit hindi ako pinansin.

Maayos akong naiupo ni Jordan kaya napilitan akong humarap kay Paul. Nakapameywang na ang aking pinsan at salubong ang kanyang kilay na nakatingin kay Jordan na tila patay malisya sa reaksyon ng kaibigan.

"Teka nga... Pinayagan ba kitang gawin yun kay Shin?" paasik na tanong ni Paul.

Napataas ng kilay si Jordan na hindi naman inurungan sa titigan si Paul. "Ano'ng masama? Girlfriend ko naman siya. Ginagawa mo rin naman kay Jenny yan, di ba? Kaya normal lang ang ginawa ko, Paul. Hindi iyon krimen para magalit ka." katwiran niya.

Gusto kong matawa sa angilan ng dalawang ito.

"Aist! Tigilan mo nga ako! Basta ayokong hinahawakan mo sa bewang ang pinsan ko!"

Nagkibit balikat si Jordan. "O sige, kapag nandyan ka, hindi ko hahawakan. Pero kapag wala ka, hindi mo ako mapipigilan." sabay ngisi ng pang-asar.

Halos umusok na ang ilong ni Paul sa inis. Ganito ba talaga ang dalawang ito kahit noong mga 1st year pa lang sila? Nakakatuwa silang pagmasdan.

"Pagkatapos ng 30 minuto, umuwi ka na." sabi ni Paul at padabog na pumunta ng kusina.

Tatawa-tawa si Jordan ng maasar ang pinsan ko ngunit bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya ng  humarap na sa akin.

"Bakit ang ikli ng short na suot mo?" tanong niya.

"H-Ha?..." at natingnan ko ang aking suot. Hindi naman ganon kaikli. Nasa taas lang ng tuhod ang haba nito. "... Maikli ba to? Normal lang naman to, ah. Ganito ang karaniwang haba ng short ng mga babae." sagot ko.

"Ano'ng normal? Hihilutin ko ang binti mo para sa theraphy mo tapos nagsuot ka ng maikling short!" pagalit na komento niya.

Продовжити читання

Вам також сподобається

PAST or PRESENT Від Jam

Підліткова література

169K 6.5K 52
[Completed] Precious Nicole Cuevas, isang simpleng babae na nagkagusto sa isang sikat na lalaki. Napakalabo ang mapansin siya nito kung kaya't hangga...
Playing with the playboy (Girl series #1) Від arc

Підліткова література

13.2K 666 63
Status: Completed. Date: June 23 - July 10, 2020. Amanda 'Ada' Francine Trinidad known as fake news spreader in high school, the maldita. Amanda alwa...
The Playboy's Contract Від Diem

Підліткова література

644K 7.1K 47
Too dumb to trust the devil.
2.2K 180 50
We used to have little argy-bargies before. I hate him, he hates me, we hate each other. And because of this shitty situation, this mishap came... En...