Your Blood Is Mine

By FinnLoveVenn

1M 33.2K 1.8K

Fiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago an... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
AUTHOR's NOTE
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
EPILOGUE
BOOK II
THANK YOU

CHAPTER 10

18.2K 646 20
By FinnLoveVenn

MARSHALL's POV

Sinubukan niya kong halikan sa labi pero bago niya pa na gawa 'yun ay na hawakan ko na ang mukha niya at ibinagsak 'to sa lupa, nakita ko ang pagkagulat at sakit na naramdaman niya kaya lalo akong ginanahan.

Hinawakan kong maige at madiin ang buo niyang mukha gamit ang isa kong kamay. Ipinatong ko ito sa damuhan at pumaibabaw ako sa kaniya.

"Ano Earlenne ngayon ka lang ba nakaramdam ng takot sa tanang buhay mo? hahahaha." tumingala ako dahil hindi ko macontrol ang sarili ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Ang Saya!

Nakita ko siyang pilit tinatanggal ang palad ko sa mukha niya dahil hindi na siya makahinga. Nakakaawa naman 'tong babae na 'to. Dapat lang sayo 'yan!

"Osige na nga huminga ka muna." binitawan ko ang mukha niya at kitang kita ko kung pano niya habulin ang hininga niya, pinagsusuntok niya ko sa dibdib ko at talaga namang kinatutuwa ko.

"HAHAHA sige lang! huling suntok mo na 'yan." inilabas ko ang pangil ko at bago pa siya nakasigaw naidiin ko na ang ulo niya sa lupa gamit ang kamay ko. Nakakagigil! ang sarap sa pakiramdam nito!

Kinagat ko ang leeg niya, ang braso niya, ang mga binti niya, Pinangas ko 'tong lahat habang nagpupumiglas siya ay lalo akong nang gigil para patayin siya. Kinagat ko ang leeg niya ng paulit-ulit kulang na lang ay humiwalay ang ulo niya sa leeg niya. Ang saya nino! punong puno ng dugo ang mukha at kamay ko, Gusto ko pa! Gusto ko pa ng dugo! Binitawan ko ang ulo niya saka ko siya tinignan. Wala na siyang malay at kulay puti na ang mga mata niya. Napatay ko siya.

Oo tama Marshall na patay mo siya! Nakapatay ka ng tao, Nakapatay ka! halos mabaliw ako sa kinauupuan ko dahil sa na gawa ko. Bumuhos ang malakas na ulan at nahugasan ang mga dugo na bumabalot sa mukha ko at palad ko.

Mga dugong kinuha ko sa kawawang babae na 'to. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot, nakatingin ako sa palad ko na puno ng dugo at unti unting nahuhugasan ng tubig ulan. Muli akong tumingin kay Earlenne

Sa kamay ko,

Kay Earlenne

Sa kamay ko.

Kay Earlenne na halos mag kalasog lasog ang katawan at humiwalay ang ulo sa kaniyang leeg na durog na durog. durog na durog sa pagkakakagat ko, Ngangatog akong tumakbo sa wash room at naghilamos ng mukha ko. Basang basa ako pero walang natirang bakas ng dugo sa damit ko. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin.

"Marshall anong ginawa mo." bulong ko sa utak ko. Pinilit kong maging kampante at normal sa paningin ng iba, dumaretsyo ako classroom at pinagtinginan ng mga kaklase ko.

"Mr. Perez your late 12pm ang start ng class ko at 12:45pm na sa clock ko! anong ting ---." pumasok ako sa loob ng classroom at kinuha ang bag ko nakita ko ang nag aalalang mukha ni Fiolee pero 'di ko siya tinignan. Ayokong makita niya ko sa ganitong sitwasyon isa pa, Napakadumi ko. Nakapatay ako.

Hindi ko na hinayaan na sermunan ako ng teacher ko at lumabas na ko ng klase ko. Pagkasara ko ng pintuan ng classroom namin agad umalingaw-ngaw ang ingay galing sa mga classmate kong nagtataka sa nangyari.

Dumaretsyo na lang ako sa bakod at tumakon dito, Uuwi na lang ako hindi ko na kaya 'to.

FIOLEE POV

Nagtaka kaming lahat sa nangyari kay Marshall, Lahat kami naiwan ng pala-isipan kung ano ba ang tunay na nangyari sa kaniya. Nag aalala ako, ano ba kasi ang mga nangyayari sa kaniya nitong mga nakaraang linggo?

Kaya nung uwian hindi ako sumabay kay Prince, totoo nang hihinayang ako dahil unang beses namin 'tong mag sasabay sa pag uwi pero mas mahalaga si Marshall. Kailangan niya ako ngayon.

Dumaretsyo ako sa bahay at agad nag paalam kay mama. Ang lakas ng ulan pero pinayagan niya pa rin ako matapos kong ikwento ang nangyari kanina sa classroom.

Dumaretsyo ako sa apartment nila pero wala talagang tao. Katok ako ng katok at paulit ulit na tinatawag ang pangalan niya pero walang na sagot. Lumabas ang kapitbahay niyang babae at sinabing matagal na daw na hindi dito nakatira si Marshall. May isang matandang lalaki daw na mayaman ang kumuha dito at hindi nila alam kung saan na ito nakatira.

Bumababa na ako sa apartment niya at nag hintay sa daan. Sumilong muna ako sa puno at tinawagan siya pero walang na sagot, mga ilang call din ang ginawa ko pero wala talaga tinext ko na rin siya ng paulit ulit pero miske isang reply wala. Nag aalala na ko ng sobra sa kaniya isa pa ang lakas-lakas na ng ulan, na saan kana ba kasi Marshall?

Mga ilang minuto din ang tumigil sa puno na 'yun, kung ano-ano na ngang pumapasok sa isip ko na maaring mangyari sa kaniya pero pinipilit kong isaksak sa kokote ko na ayos lang siya. Naiiyak na ko.

*Beep Beep*

Napataas ang ulo ko sa sasakyang tumigil sa harapan ko, Bumukas ang bintana nito at niluwa ang isang matandang mukhang mayaman, teka siya 'yung matandang kausap ni Marshall nung nakaraan ah

"Ms. Fiolee tama ba?" ngumiti 'yung mantada sa'kin ng napakatamis. Mukha naman siyang mabait.

"Hinahanap mo ba ang apo ko d'yan? wala na siya d'yan at nasa poder ko na siya nakatira. May kailangan ka ba sa kaniya?" Tumango lang ako sa kaniya.

"Halika dadalhin kita sa kaniya kung gusto mo." saka niya binuksan ang pintuan sa likod ng sasakyan niya. Sumakay na rin ako tutal kailangan ko talagang makita si Marshall ngayon. Kailangan ko siyang kausapin.

Ilang minuto rin ang byahe namin, Itinext ko kay mama ang car number ng sasakyan na 'to at pati kung saan kami na daan para kung sakali hindi makakapagtiwalan ang matanda na 'to ay alam ng mama ko kung saan niya ako hahanapin. Mukhang malayo na rin to at liblib na kaya kinabahan ako, hindi ko na rin alam ang lugar na 'to pero maya-maya lang ay tumigil kami sa isang mansion.

Isang mansyon na may malawak na garden at may malaking fountain sa gitna. Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong kami ng mga kasambahay nila at tinanong kung may kailangan ba kami.

"Ija umupo ka muna d'yan at tatawagin ko si Marshall," sabi ng matanda kaya sinunod ko lang siya. Gumala ang paningin ko sa buong bahay na 'to. Napakalaki at napaka mitikoloso naman ng mga kasambahay dito dahil napakalinis tignan ng mga webles na mukhang pinaglipasan na ng panahon. Kulay pula, itim, gold at silver lang ang makikita mong kulay sa bahay na 'to.

Parang sinauna.

Mga ilang minuto rin ang hinintay ko pero hindi pa rin na baba 'yung matanda pati na si Marshall. Naiinip na ko at palakas na rin ng palakas ang ulan. Mukhang gagabihin pa ko ah ano ba 'yan!

"Fiolee tama? Nag handa kami ng maryenda mo gusto mo ba kong saluhan?" isang dalaga ang bumababa sa hagdan. Sino naman siya? saka ang ganda ganda niya, ang puti at ang kinis ng balat niya, nakasuot siya ng dress na kulay pula at kulot ang itim at mahaba niyang buhok. Sino to? tita ni Marshall? pinsan? kapatid?

"Pinsan ako ni Marshall Fiolee ako nga pala si Ainah." lumapit siya sa'kin at nakipagbeso, namula naman ako dahil sobrang ganda at napakahinhin niyang babae.

"Ah eh hello po." tumawa siya ng mahinhin saka ako inakbayan.

"Ano ka ba napakapormal ko ba para mahiya ka ng ganiyan? HAHA ang cute cute mo kamo ang bango-bango mo pa!" pinisil-pisil niya ang pisnge ko saka ako hinila papuntang kusina nila. Katulad kanina namangha pa rin ako sa laki ng kusina nila. Parang buong bahay na namin 'to eh.

"Upo ka Fiolee." nag salin siya ng kape sa baso ko at inabot to sa'kin.

"Salamat Ate Ainah." tumawa lang siya at bumalik sa upuan niya, sumalumbaba siya at tinignan ako.

"Gf ka ba ng pinsan ko?" Muntikan ko nang maibuga ang kape na hinihigop ko sa tanong niya nakakaloka kasi!

"Ah hindi po kababata ko po siya." ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ganun ba? hahaha sure ka d'yan ah." tapos ay nilagyan niya ng mga cookies ang platito ko. Kumuha ako at kinain 'to.

"Dito ka na lang matulog Fiolee," sabi niya ng napakalapad ng ngite.

"Ahmm bawal po eh baka mapagalitan ako ng mama ko." ngumuso siya. Aww ang cute niya.

"Wala naman kayong pasok bukas eh, dali na Fiolee saka ang lakas kaya ng ulan." ang lambin- lambing naman ng babaeng 'to mukha mahihirapan akong tumanggi sa kaniya.

"Oh and'yan ka lang pala Fiolee, ayaw bumababa ni Marshall masama daw ang pakiramdam niya." tumayo ako

"Ako na lang po pupunta sa kwarto niya." umiling 'yung matanda.

"Ayaw niyang magpapasok ng kahit sino sa kwarto niya ngayon eh, Pero bukas siguro okay na 'yung bata na 'yun. Mabuti pang dito ka muna matulog Fiolee masyadong malakas ang ulan mag palipas ka muna dito ng gabi."

"Eh magagalit po si mama," sabi ko sa kaniya pero ngumiti lang siya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

"Akin na ang number ng mama mo at ipagpapaalam kita, bukas din naman ay ako na ang maghahatid sayo." wala na kong na gawa at binigay ang number ni mama sa lolo ni Marshall. Tinawagan niya si mama at pumayag naman ito.

"Okay na Fiolee, ako nga pala si James lolo ni Marshall pwede mo kong tawaging lolo James na rin at ito namang babae na nasa gilid ko ay si Ainah." tumawa si ate Ainah

"Kilala niya na ko no." tumayo si ate Ainah at inayag ako umakyat sa taas.

"Ainah, walang kalokohan na gagawin ah! ituro mo lang sa kaniya ang magiging kwarto niya." may halong seryoso 'yung tono ng boses ni lolo James kaya parang na curious ako.

"Opo lolo James," sabi ni ate Ainah saka ako inakbayan ulit, napakalapit ng mukha niya sa leeg ko kaya namumula ako ano ba 'yan!

Umakyat na kami sa hagdan at pumunta sa gitnang kwato sa pasilyo. ang daming kwarto dito pero mukha sila-sila lang naman ang nakatira dito. Pagbukas ng pinto ay tumambad sa'kin ang napakagandang kwarto na puro pula at puti ang design. May beranda rin ito at kitang kita ang kapaligiran sa labas. Grabe para akong nasa Hotel.

"Oh Fiolee magbihis ka muna ng damit d'yan dahil na basa ka na rin ng ulan 'di ba? madami dito sa kabinet." hinalungkat niya 'yung kabinet at kinuha ang isang kulay pink na dress doon.

"Ah eh kahit t-shirt na lang saka pants okay na ko haha wag na lang dress ang ganda naman niyan eh." sumimangot siya at hinagis ang damit sa kama.

"Wala akong pants at t-shirt eh, ipangtulog mo na rin 'yan," sabi niya at lumabas na sa kwarto.

"Bumaba ka pagkabihis mo kakain tayo ng hapunan," sabi niya at narinig ko na ang yapak niya papalayo.

Anong klaseng pamilya kaya sila?

TO BE CONTINUED 

Continue Reading

You'll Also Like

695K 12.2K 28
(Revised and Edited) *Cover photo credits to @Sunny_Torres.* Nakatakdang makulong ng panghabambuhay si Summer Hamilton sa paglabag ng batas ng Th...
363K 10.1K 50
Vaughn Series 1 FIN FLYNN VAUGHN |COMPLETE| She's a Half human and a half Vampire, but she didn't know about it. She only know that she's a pure huma...
348K 10K 88
A serial killer said "Hindi ka mamamatay hangga't buhay ako." to a suicidal little girl. Will they be each other's reason to change and finally live...
2M 69.5K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...